Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

HINDI KO PA RIN MAKALIMUTAN ANG NANGYARI.

Natulala na lang ako sa upuan ko. Kahit marinig ko pa ang bell at kahit nakikita ko nang nagsisialisan ang mga kaklase ko, hindi ko napilit ang sarili kong tumayo. Nagpaiwan na lang muna ako at sinabi na may tinatapos pa akong gawain — kahit ang rason kung bakit ako nandito ay dahil nag-iisip pa rin ako kung paano nangyari 'yon.

Bakit ngumiti sa akin si Lovely? Halos hindi kami nag-uusap. Si Matthew — mali, Mateo nga pala ang pangalan niya — ang bukod tanging may interes sa kanya. Kaya nga may dala dala pang tsokolate si Mateo kanina. Napailing na lang ako rito.

Baka naman kilala niya ako tapos ako lang 'tong hindi lumalapit at nakikipag-usap sa kanya. Oo, siguro 'yon lang iyon. Imposible naman niya ako makilala agad, 'di ba?

No, it can't be right.

Dahil may amnesia ako, posibleng kilala na talaga niya ako at ako lang ang hindi makaalala. But I'm pretty sure we're in good terms. Halata kasi na wala naman siyang problema sa akin at baka friendly smile lang talaga ang binigay niya kasi kaibigan ko si Mateo.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah." Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa labas kaya napalingon kaagad ako sa direksyon kung saan ko narinig iyong lalaki.

"Alex," banggit ko ng pangalan niya habang nahiya kaagad siya at dumistansya — pero kita ko pa rin ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha. Alam ko na napilitan niyang ibigay sa akin ang sulat kaya tinawag ko siya at inaya na umupo. Mas mabuti pa kung pag-uusapan namin ito kaysa iwasan ang isa't isa.

Nagdalawang-isip siya. Ilang minuto ang lumipas, saka lang siya umupo sa harapan ko — kinuha ang isa sa mga silya at huminga nang malalim nang magkatitigan kami.

Bumigat bigla ang pakiramdam ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang sinubukan kong tumingin sa kanya - kaso nilayo ko kaagad ito nang mapansin ko na hindi siya nakapokus sa direksyon ko. Mukhang wala siyang plano na kausapin ulit ako dahil sa nangyari sa amin dati. Walang umiimik sa amin kaya pinilit ko ang sarili ko na ako na mismo ang magsimula ng usapan.

Kung gusto kong malaman ang nakaraan ko, mas mabuti kung malalaman ko ito mismo kay Alex. Halata sa mga sagot ni Mateo kanina na hindi siya interesadong sabihin kaya mas pipiliin ko na lang magtanong sa iba.

Nahalata ko na mukhang handa na siyang sumagot kaya agad ko siyang tinanong kung kilala niya si Lovely "Alex, tanda mo pa ba iyong aksidente na ikinuwento mo sa akin?"

"How could I forget that, Erin? I almost lost you," he muttered to himself as I only looked away and breathed. It might be hard to ask him about this, considering that I was his girlfriend - as he and Matthew had mentioned.

Pero kailangan kong malaman kung gusto ko talagang ibalik ang alaala ko, kung sino nga ba silang lahat sa buhay ko, at para maayos na rin ang lahat. Gusto ko lang ibalik ang lahat sa dati.

Napansin ko ang nag-aalangang titig sa akin ni Alex kaya agad akong tumikhim at nagsalita. "Gusto ko lang malaman kung anong ginawa ko ng araw na iyon at kung bakit ka hinalikan ni Lovely."

Agad nawala ang kulay sa kanyang mukha at tila naging estatwa sa harap ko. Tatayo na sana siya para umalis at iwasan ang tanong ko pero agad kong hinawakan ang kanyang kamay at nagmakaawa. "Please, Alex, let me remember everything."

"Marami akong kasalanan sa'yo, Erin."

"Then make me remember what you did and let me forgive you," I told him as I pleaded with my eyes. It took him a lot of time before he sat back down to spill what he knew.

"Hinintay kita noong araw na iyon. Dahil may ginagawa ka pa sa loob at kailangan mong magpasa ng gawain, sumama na lang ako sa mga kabarkada kong nasa labas para ihatid kita pauwi pagkatapos mong ipasa sa prof mo." Tiningnan niya ako saglit bago nagpatuloy sa pagkukwento.

"Si Lovely, hindi ko alam noong una kung bakit pinipilit niyang kunin ang atensyon ko. Pero, narinig ko na sa mga barkada ko na may gusto raw siya sa akin," sagot niya sa akin bago huminga nang malalim.

"Tapos? Anong nangyari?" Agad kong tanong sa kanya at sinabi niya na doon nagsimulang akitin siya ni Lovely at biglang hinalikan nang makalabas na ako para puntahan siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa maamong mukha ni Lovely ay magagawa niya iyon sa akin.

Kaya pala niya ako nginitian.

"Alam ba ni Lovely na tayong dalawa?" Napalunok siyang bigla nang tinanong ko siya at agad siyang tumango. Hindi ko napigilang huminga nang malalim at halos mapaluha noong marinig ko iyon. Kaya ba ayaw sabihin sa akin ni Mateo ang nangyari? Dahil gusto niyang protektahan si Lovely kahit mali ang ginawa niya sa akin?

Napansin agad ni Alex ang reaksyon ko kaya naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat. I thought he was only there to comfort me. But I suddenly felt him pulling me towards him with his arms around me.

Hindi ko napigilang mapaluha sa harapan niya nang umulit ulit ang sinabi niya sa akin. Sa puntong ito, parang takot na ako malaman kung ano pang mga nangyari dati sa buhay ko. Hinayaan lang naman niya akong umiyak, kanyang kamay sa aking likod at pinipilit akong patahanin.

Ngunit may isang tanong na tila bumabagabag sa akin. Kaya naisipan kong itanong ito kay Alex. "Nakilala mo ba kung sino ang bumangga sa akin noong araw na iyon?"

Agad siyang tumingin sa akin at umiling. "Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki---"

"Lalaki?" HIndi ko napigilang magtanong muli. "Nakuha mo ba iyong plate number? Hindi ba siya tumigil?"

Pinilit ni Alex na isipin muli ang nangyari noong araw na iyon pero agad siyang humingi ng tawad sa akin. "Sorry, Erin. Hindi ko talaga matandaan kung sino iyong nasa sasakyan. Pasensya na."

Tumango na lamang ako at pinilit ngumiti. Kahit paunti-unti, pasalamat pa rin ako na nandito si Alex para tulungan ako. Nagulat na lamang ako nang makarinig ako ng sigawan sa labas kaya lumabas kami parehas ni Alex.

At nagulat na lang ko na yakap yakap ni Mateo ang babaeng sumira ng relasyon namin ni Alex.

-----------

Note: Hello guys! I'm trying to edit this book kaya kung may mga scenes na confusing, I will try to proofread them soon. I just tried updating this book since it's been a while but I'll try to keep track of where I actually left off. Thank you!  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro