Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

HAWAK HAWAK ang bag na nasa aking kamay, agad akong naglakad paloob ng university. Kitang kita ko sa dulo ang pamilyar na lalaki na hinding hindi ako gustong makita ngayon. Nandoon si Mateo, inaayos ang kanyang gamit sa locker, tila hindi man lang tumitingin sa aking direksyon.

Halatang halata sa kanyang mukha ang galit at lungkot habang mabagal ko siyang nilapitan, iniisip kung tama ba ang gagawin ko o hindi. We weren't really on the best terms right now. Alam kong galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari at sa mga tanong ko ukol sa amnesia ko.

Nang malapit na ako sa kanya, agad kong napansin ang isang mamahalin na tsokolate sa kanyang kaliwang kamay at isang bulaklak sa kanan. I think it was Lindt, paboritong tsokolate ni Lovely dahil sa lasa nito.

I could already tell that it was exported from Italy since Matthew's mother just went back home. Nakausap ko pa nga. Tinarayan pa ako dahil sa incident na nangyari sa aming dalawa ni Alex.

Lumingon sa kanyang kanan, agad niya akong napansin at napatigil sa pag-aayos ng gamit. Isinarado niya kaagad ang kanyang locker at tumingin ng maayos sa akin.

"Mateo - " bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, nagulat na lamang ako nang nagsalita siya at hindi ako hinayaang makatapos.

Isang salita na lalabas pa lamang sa aking mga bibig ay itinuring na niyang isang balakid na biglang dumating sa kanya kaya agad niya itong pinigilan na makalabas pa mula sa akin.

Napansin ko na rin ang mala-tsokolate niyang mata na maiging nakatitig sa akin habang agad akong nanahimik, hindi man lang makasagot pabalik o makapagtanong sa kanya.

"Bakit ka ba nandito, Erin?" malamig na tanong niya sa akin habang hawak hawak pa rin niya ng mahigpit ang gamit sa kanyang mga kamay.

Halos madurog naman ang puso ko nang makita ko sa kanyang mga mata ang matinding galit na hindi pa rin natatanggal sa kanyang damdamin at nang marinig ko kung gaano katigas ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko na para itong isang lason na biglang lumabas mula sa kanyang bibig.

"I just wanted to tell you that-" agad naman niya ako pinigilan. Inilapit niya ang kanyang sarili at itinaas ang kanyang kamay na tila sinesenyasan ako na manahimik.

"Na naalala mo na ang lahat? Congratulations for that. Happy ending na kayo ni Alex," mawalang bahala niyang sagot habang natigilan ako at nanlaki bigla ang mata nang mapansin ko ang pagbabago ng ugali niya sa akin.

Bakit ba siya nagkakaganito?

Bago pa man ako makapagtanong kung bakit nagbago ang ugali niya, agad niya akong tinalikuran at nagsalita ng malalim, sinigurado na malapit na malapit siya para marinig ko ng maayos.

"Make sure to remind me to send you a congratulatory card. Para naman matandaan mo itong araw na ito," sinabi niya sa akin bago naglakad palayo. Sa galit ko, hinawakan ko ang kanyang kamay at pinaikot ulit siya para tingnan niya ako. Nang lumingon siyang pabalik sa akin, binigyan niya ako ng iritang irita na tingin.

"Bakit ka ba ganito, Mateo? Sige, sabihin mo sa akin. Ano bang ginawa ko sa iyong mali?" pagalit kong itinugon habang umikot ulit siya para harapin ako. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang galit at sakit na tila umiikot habang tumingin ako pataas para mapantayan ang kanyang tingin.

"Anong ginawang mali? Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo sa'kin?" tanong niya.

"Hindi mo ba nakikita na nasasaktan ako tuwing makikita ko kayong dalawa ni Alex na magkasama? Hindi mo ba napapansin na lahat ay ginagawa ko para lang hindi mo siya makasama?" pagalit nitong sinambit bago humakbang palapit sa akin.

"Hindi ko gustong maalala mo ang lahat dahil alam ko na masasaktan ka kapag natuklasan mo ang lahat ng kasalanan na ginawa sa iyo ni Alex!" sinabi niya sa akin

"Ako ang kaibigan mo, Erin! Palagi akong nandito. Kahit bata pa tayo, ako iyong palaging kasama mo. Sa dulo ng ating pinagsamahan, itinarato kitang bilang kapatid!" pagalit na sambit nito sa akin bago napahinga ng malalim.

"Sinusubukan ko na huwag mong malaman ang katotohanan kasi alam kong masasaktan ka! Alam kong hindi mo matatanggap ang nangyari kapag nalaman mo," paliwanag pa niya habang nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Pero, anong ginagawa mo? Pilit mo pa rin ipinagsisiksikan ang sarili mo sa kanya at tinatanong mo pa kung ano ang nangyari!" tugon nito habang napalunok ako at saka nagsalita.

"Mateo, please. Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa akin at kung sino ka at sino si Alex sa aking buhay," sambit ko sa kanya habang huminga siya ng malalim at pilit akong tinalukuran para maglakad muli patungo sa silid aralan nina Lovely.

"Gusto mong malaman kung sino ako sa buhay mo? Kung anong papel ang mayroon ako sa buhay mo, ganoon?" Hindi niya mapigilang itaas ang tono ng kanyang boses. Ramdam ko na parang nanliliit at natutunaw na ako sa aking kinatatayuan.

"At kung sino si Alex sa buhay mo?"

"Mateo-" Hindi niya ako hinayaang matapos. Bigla niyang pinutol ang aking mga salita at tiningnan ako nang masama. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata.

"Oo, kayong dalawa ni Alex." My heart almost stopped at what he told me. There was no way that it could be the truth, right? I thought that he was just a close friend of mine just like Mateo.

Pero sa tingin pa lang ni Mateo sa akin, alam ko na kaagad na hindi siya nagsisinungaling.

"Ngayon, masaya ka na?" Hindi ko alam kung anong masasabi ko. Hindi ako makapagsalita.

"Pero, Mateo-"

Nagulat na lang ako nang umalis siyang bigla at agad akong iniwan. Binalewala. Hindi ko naman napigilang lumingon para malaman kung bakit.

Ngunit, hindi ko alam kung bakit agad na nanikip ang dibdib ko nang makita ko na dala dala niya 'yong mamahaling tsokolate at hindi nagdalawang-isip na dumiretso kay Lovely.

"Lovely, can we talk?" Kakalabas pa lang ni Lovely sa kanyang silid ay agad niyang nginitian si Mateo.

I thought that they would just go on after they had their talk.

But, I didn't expect Lovely to look in my direction. She didn't even know who I am.

And the weirdest thing that happened was that she smiled at me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro