Chapter 17
NATIGILAN ako nang sabihin sa akin iyon ni Matthew. Well, I guess I'll call him Mateo from now on dahil iyon naman daw talaga ang pangalan niya. Pero kahit anong itawag ko sa kanya, hindi pa rin mawawala sa aking isipan na binago niya ang pangalan niya para makapag-umpisa ako sa simula.
Hindi rin talaga ako makapaniwala na boyfriend ko si Alex that time. Hindi man lang niya sinasabi o sinusubukang bigyan ako ng kaunting hint para malaman ko. Mostly sa mga libro o pelikulang nababasa ko ay sinusubukan nilang ipaalala sa kanilang mahal.
Pero bakit hindi niya ito ginagawa?
Instead, he was trying to refrain himself from telling the truth. Like he wanted me to forget everything. Nang tawagin ulit ni Mateo ang pangalan ko sa kabilang linya, hindi ko na muli siya sinagot at ibinaba na lamang ang tawag.
Humiga ng maayos sa aking kama, hindi na muli ako bumangon. I was still stuck on trying to understand why Alex hid this things from me. Ang ibig kong sabihin ay kung mahal talaga niya ako, sasabihin kaagad niya sa akin kung ano ang nangyari sa amin.
Hindi iyong itatago pa niya.
Lumingon sa aking paligid, napansin ko ang isang lumang papel na nakalagay sa pagitan ng dalawang kwaderno. Tiningnan itong mabuti, nagtaka ako dahil hindi ito akin at mukhang panlalaki ang sulat.
Kinuha ko naman kaagad ito at sinubukang basahin.
Erin Loveless Yen,
Alam kong malalaman mo at matutuklasan mo rin ang lahat. Kahit ipaliwanag ko pa sa'yo, alam kong hindi magbabago ang galit na mararamdaman mo kapag naalala mo na ang iyong nakaraan.
Gusto kong humingi ng tawad kaso alam ko na hindi mo na ako mapapatawad. Kung alam ko lang na magkakaganito ang lahat, hindi ko siguro ginawa ang mga pagkakamali ko.
Mahal na mahal kita at minahal mo naman ako. Ngunit, hindi ko ito binigyang halaga at humanap pa talaga ako ng iba. Gusto kong balikan ang mga oras kung kailan may pagkakataon akong ayusin ang lahat. Kaso, hindi ito nangyari at naririto ka ngayon, nagtataka at walang ni-isang naaalala sa akin.
I'm truly sorry, Erin. Kung alam ko lang talaga, hindi dapat ito nangyari. Dapat magkasama pa rin tayo ngayon.
Nagmamahal,
Alexander B. Delgado
Nangatal bigla ang kamay ko nang nabasa ko ang kanyang isinulat. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang mga sinasabi ni Mateo sa simula pa lang. Binibigyan niya ako ng mga hints kaso hindi ko naman ito napapansin.
Tiningnan ang cellphone ko, napansin ko na kanina pa palang nag-text sa akin si Alex. Masyado akong natagalan sa pakikipag-usap kay Mateo kaya hindi ko ito nakita. Binuksan ang message app ko, nakita ko kaagad ang pangalan niya sa itaas.
From: Alex Delgado
Siguro nakita mo na 'yong sulat ko. Pinabigay ko sa nanay mo kanina dahil nalaman ko na nagkakaroon ka na ng ideya tungkol sa kondisyon mo.
Ilang ulit itong binasa, saka lamang ako sumagot nang lumipas ang dalawang minuto. Nangangatal pa rin ang kamay ko sa pagpindot kaya may mga typos na binago ko ng ilang beses.
To: Alex Delgado
Nabasa ko na 'yong ibinigay mo, Alex. Nagtataka lang ako kung ano ba talaga mayroon tayo. Naging tayo ba? Ano bang nagawa mong mali sa akin? Anong nangyari sa akin at paano ako nagkaroon ng amnesia? At totoo ba talaga ang sinasabi mo sa akin?
Pagkatapos ko itong sagutin, hinintay ko na lamang ang kanyang sagot. Naglakad papunta sa baba, agad akong kumuha ng makakain para hindi naman ako gutom.
Tiningnan at binuksan ang fridge namin, agad kong narinig ang isang ringtone na tila pamilyar sa akin. Kinuha agad ang tinapay, mabilis akong bumalik sa aking kwarto at saka ko sinagot ang tawag.
"Erin?" mahinang tanong nito habang nanatili akong tahimik. I wanted him to explain everything. I wanted to know the truth. Rinig na rinig ko na tila magaralgal ng kaunti ang kanyang boses na tila umiyak siya bago pa ako tinawagan.
"Please, say something," sambit nito habang hindi na muna ako sumagot, hinihintay siyang magpaliwanag. At sa wakas, narinig ko muli siyang nagsalita.
"I know that I've been selfish. Itinago ko na lang bigla sa iyo ang totoo. Hindi ko naman inakala na ikaw na pala ang nasasaktan ko habang pilit kong inilalayo sa iyo ang katotohanan," tugon niya habang hinintay ko siyang matapos.
"September 27 noong nangyari ang aksidente. Nandoon ako, nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Hinihintay kitang lumabas ng university dahil alam ko na inaayos mo pa ang gamit mo sa locker," ipinaliwanag niya sa akin bago huminga ng malalim.
"Nagpaalam ako ng saglit sa mga barkada ko, sinabi ko na kakausapin kita sa loob. Pumayag naman sila kaya agad akong pumunta kung nasaan ka. Hindi ko naman napansin na palabas ka pa lang ng kwarto ninyo," patuloy niya.
"At nakasalubong ko naman si Lovely."
Bigla siyang tumigil kaya halos nagtaka ako nang hindi na niya ito sinundan. Nang wala na talaga akong marinig, tinanong ko siya.
"A-At anong nangyari?" Naramdaman ko ang biglang pagkalamig ng aming pag-uusap nang narinig ko siyang nagmurang bigla.
"Hinalikan niya ako sa harapan mo. Kahit hindi ko iyon ginustong mangyari."
Agad na nanlamig ang aking katawan, nagulat dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na si Lovely mismo ang humalik sa kanya at hindi si Alex. Pero, bakit niya iyon ginawa?
"Look, I am really sorry, Erin. I really am. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko na ganito kabilis mo maaalala ang lahat," sinabi niya habang sumagot naman ako.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko."
Napansin ko na bigla siyang nanahimik. Nakarinig naman ako na parang may ibinaba siya sa lamesa bago naglakad pataas ng kanilang bahay — siguro pupunta sa kanyang kwarto. Nakompirma ko na lamang ito nang marinig ko ang pagbukas ng kanyang pinto bago ito isinarado.
Nang marinig kong umupo siya sa kanyang kama, naglakad naman ako papunta sa aking balcony at agad na tumingin sa labas — sinusubukang ilayo ang mararaming tanong na umaaligid sa isip ko.
"Anong tanong?" mahinang tanong niya sa akin na tila nagdadalawang isip kung ibubunyag niya ang sagot o hindi.
"Naging tayo ba?" malamig na tanong ko habang naiisip ko siyang lumunok dahil sa kaba. Narinig ko siyang humiga sa kama kasabay ng isang mahinahong sagot.
"Oo." Isang sagot ang kanyang sinabi ngunit malaki ang naging impact sa akin. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ito sinabi sa akin. At hindi ako makapaniwala na hinayaan lamang niya ako na sumama kay Mateo.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" sagot ko sa kanya habang narinig ko siyang nagsalita.
"Bakit? Mamahalin mo pa rin ba ako kung sasabihin ko sa iyo na ako ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ka ng amnesia?"
Pagkatapos noon, agad niyang ibinaba ang tawag. Isang segundo, dalawa, hanggang sa naging tatlo. Tumingin sa cellphone na aking hawak hawak, natulala akong bigla sa kanyang sinabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro