Chapter 16
PAGKATAPOS kong ma-discharge sa hospital, pinayagan ako ng doktor na pumasok ng university ngunit pinagbawalan niya ako na mapagod ng husto o di kaya pumunta sa kung ano anong lugar kasama ni Alex.
Kapag daw kasi ako sumama sa kanya sa mga lugar na gusto niyang puntahan, may pag-asang babalik sa akin lahat ng nakaraan ko isa-isa hanggang sa hindi ko ito makayanan at mahihimatay muli ako dahil sa sakit ng ulo.
Kahit gusto ko man malaman kung anong nangyari sa akin, ayaw ko pa rin masaktan ng husto. I guess he wanted me to take it easy for a while.
Dahil doon sa sinabi niya, alam ko na kaagad kung ano 'yong ibig sabihin niya. Ngunit, gusto ko pa rin marinig ito mula sa kanilang dalawa, kay Alex at kay Matthew.
Right now, nasa bahay na ako — sinundo na ako ni inay at dad pagkatapos nilang malaman kung anong nangyari sa akin.
Hindi na nagdalawang isip pa, tinawagan ko kaagad si Alex. Rinig na rinig ko ang pagtunog ng aking cellphone at ang kaba sa aking dibdib. Nang sagutin niya 'yong tawag ko, napansin ko na parang kakagaling lang niya sa tulog dahil sa hikab kada magsasalita siya sa akin.
"Hello?" narinig kong tanong niya sa kabilang linya habang sinagot ko siya kaagad. Kahit ayaw ko man gawin ito, kailangan kong malaman ang katotohanan.
"Alex, may itatanong lang ako," sagot ko habang nanahimik siya, siguro iniisip kung hahayaan niya akong magtanong sa kanya.
Actually, I think he knows that I was going to ask the question he doesn't want to answer. Iyong tipong alam na niya ang sasabihin ko. Kahit ayaw kong puwersahin siya, kailangan ko pa rin malaman kung totoo ba talaga o hindi.
"Ano iyon? Bakit ganitong kaaga pa?" usal niya habang rinig na rinig ko ang pag-aalala sa kanyang tono ng boses. Sabi ko na nga ba, takot talaga siyang malaman ko.
"May amnesia ba ako?"
Dahil sa tanong na iyon, narinig kong may nabasag sa kabilang linya habang nanahimik lamang si Alex. Nagulat ako dahil narinig ko ito mismo sa kabilang linya at hindi sa bahay namin.
"Alex, okay ka lang ba? Parang may narinig akong nabasag," sagot ko habang nagkandautal naman siya sa pagsagot.
"Oo, nahulog kasi 'yong basong hawak hawak ko. Sorry Erin, n-nagulat lang talaga ako sa sinabi mo," sagot niya bago siya nagpatuloy.
"K-Kanino mo naman narinig iyan? Sinong may sabi na may amnesia ka?" tanong agad niya kaya napakunot ang noo ko.
Alam talaga niya. Pero sinunod niya ang aking magulang. Hindi lang talaga niya sinasabi sa akin.
"Wala lang, natanong ko lang. Anyways, thank you na lang, Alex," simpleng sagot ko bago ko ibinaba ang tawag. I was actually confused.
Kung ganoon din ang isasagot sa akin ni Matthew, hopefully naman na ibigay niya sa akin ang sapat na detalye o sagot para i-confirm talaga kung mayroon akong amnesia.
Nang tawagan ko si Matthew sa kanyang cellphone, agad kong narinig ang boses niya na parang kakagising lang din. Well, hindi ko naman sila masisisi. Tinawagan ko kasi sila ng alas-dos ng umaga.
"Anong kailangan mo, Elly?" tanong niya sa akin habang humikab sa kabilang linya. Nagdadalawang isip kung tatanungin siya, agad ko siyang tinanong ng mabilis.
"May amnesia ba talaga ako?" Nang banggitin ko iyon sa kanya, bigla siyang nanahimik. Wala akong narinig na kahit anong bagay na gumalaw o tumunog sa paligid niya.
At bigla naman siyang nagtanong pabalik.
"Kay Alex mo ba narinig iyan? O sadyang tinanong mo lang ako biglaan?" tanong niya sa akin habang naiisip ko na nakakunot ang noo niya sa akin.
"Oo, kay Alex ko narinig," pagsisinungaling ko sa kanya habang narinig ko siyang huminga ng malalim na parang naiirita. May pakiramdam ako na galit siya kasi narinig ko na bumangon siya sa kama at may bumaba ng hagdan.
"Sinabi ko na kay Alex na huwag sabihin kaso hindi naman niya matikom ang kanyang bibig," bulong niya ngunit narinig ko pa rin ito.
"So, totoo na may amnesia ako?" tanong ko sa kanya habang narinig ko siyang sumagot. Halata ko pa rin ang pag-aalinglangan sa kanyang tono.
"Oo. May amnesia ka, Erin. Sinabi ng doktor na temporary lang ang memory loss mo kaya madalas kang magkakaroon ng iba't ibang mga paniginip tungkol sa nakaraan mo," sagot niya sa akin bago nagpatuloy.
"O 'di kaya biglaang pagsakit ng ulo mo dahil sa mga alaala mo na agad bumabalik," paliwanag niya sa akin habang nanatili akong tahimik.
"Itinago namin parehas ni Alex dahil hindi namin maisip kung anong maaaring resulta nito kapag sinabi namin kaagad sa'yo," sambit niya sa akin na tila malungkot.
Hindi ko na masyadong narinig ang kanyang pinagsasasabi dahil parang naging blanko ang utak ko sa mga sinabi niya. Hindi ko na rin napansin na kanina pa pala niyang tinatawag ang pangalan ko.
All this time, I was trying to cope my way into this university by trying to start like a normal student. Pero hindi ko naman alam na kilala na pala nila ako ngunit hindi ko naman sila kilala.
Masakit isipin na ang dalawang lalaki sa buhay ko, parehas kong kaibigan at kasama, ay nagsisinungaling sa akin at nagkukunwari na nagsisimula rin sila ng panibago. Hindi ko naman sila masisi dahil parehas silang may punto.
Hindi nila alam kung ano ang mangyayari kung binigla nilang sinabi na may amnesia ako.
Siguro mas malala pa iyon kaysa sa magsinungaling sa akin dahil parang piniga na kaagad nila sa aking ang mga alaala ko sa isang pangyayari lamang. At hindi ko naman iyon makakaya.
Narinig ko ulit 'yong boses niya na tinatawag ang aking pangalan ngunit iba naman ang sinambit ko sa kanya na naging rason kung bakit siya napatigil.
"Mateo ba talaga ang pangalan mo, Matthew? Nagkaroon ba talaga tayo ng relasyon? O kaming dalawa ni Alex? Totoo ba talaga ang lahat ng panaginip ko?" tinanong ko sa kanya habang nanahimik lang siya sa kabilang linya.
Nang sumagot siya, halos madurog ang puso ko.
"Mateo Edwards Dizon ang tunay na pangalan ko. At totoo ang mga ginawa ni Alex sa'yo. Siya mismo ang dating boyfriend mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro