Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

IMINULAT ang mga mata ko, agad kong napansin na nasa isa akong kwarto. No, it wasn't my room. Masyadong maputi 'yong paligid ko kaya alam ko na hindi ito akin. Lumingon sa aking paligid, nakita ko si Alex na natutulog sa isang upuan.

Kitang kita ko na maayos siyang natutulog kaya nagdesisyon ako na hindi na lamang ito gisingin.

Sinubukan kong tumayo kaso nang ginawa ko ito, natumba ako sa sahig. Hindi ko alam 'yong rason pero parang nanghina kaagad ako nang gawin ko 'yon. Tumingin ulit kay Alex, napansin ko na hindi siya nadistorbo.

Instead, he just moved a little bit on his seat before falling asleep once again.

Nang itayo ko ang sarili ko, sinubukan kong kuhanin ang baso ng tubig na nasa table. I thought that it wasn't really that hard to get it since I was already near.

But, it just felt like something was preventing me. Nang manghina ulit ako, tinawag ko na lang si Alex para kunin ito.

“A-Alex,” tawag ko sa kanya habang iminulat niya ang kanyang mga mata at napakurap. Bigla naman siyang humikab bago pa niya ako napansin.

“Erin,” agad siyang tumayo at lumapit sa akin. “Okay ka lang ba?”

Bago pa man ako magsalita, naramdaman kong binuhat niya ako at inihiga ulit sa hospital bed. Nang ituro ko sa kanya ang baso, tumango siya at agad itong kinuha.

“Here,” sambit niya bago tinulungan akong uminom. Kinuha ito sa kanyang kamay, agad ko itong ininom at huminga ng malalim.

“Alex, ano bang nangyari sa akin? Bakit bigla ako nanghina?” takot kong itinanong habang nanahimik lang si Alex, hindi sigurado kung paano ito ipapaliwanag.

Bago pa man siya nagsalita, nag-react na kaagad ako. Kitang kita ko 'yong gulat sa kanyang mga mata sa agad na isinagot ko sa kanya.

“Mamamatay na ba ako?” tanong ko ulit habang nagulat lang si Alex bago siya umiling.

“Hindi naman, Erin. Pero — ” in-interrupt ko naman kaagad siya.

“May chance na mamamatay ako? Malala ang kondisyon ko?” sambit ko habang umiling lang siya sa akin bago hinawakan ang kamay ko.

“Hindi, napagod ka lang sabi ni Doc. Dapat daw huwag mong itulak masyado ang sarili mo kasi may tendency na bumalik — ” napatigil naman siya sa pagsasalita kaya kumunot ang noo ko sa kanya.

“Bumalik ang ano? Alex, ano ba ang kondisyon ko?” giit ko habang napatingin lang si Alex sa akin bago ibinaling ang atensyon sa sahig.

“Wala. Basta hindi malala ang kondisyon mo, Erin. Huwag mo nang alamin kung ano 'yon. I promise you that it's not that critical,” usal ni Alex habang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Agad naman  akong umupo ng maayos at tinawag ito.

“Dok, ano po bang lagay ko? Ano po bang kondisyon ko?” pagtatakang tanong ko habang tumingin si Alex sa kanya at umiling. Kitang kita ko 'yong doktor na nagaalangan bago naman siya nagsalita.

“Mr. Delkado — ” bigla naman nagsalita si Alex.

“Mr. Delgado,” itinama niya habang tumango naman ang doktor at humingi kaagad ng tawad.

“My apologies, Mr. Delgado. Anyways, your condition isn't critical, Miss Yen. To be honest, it's actually recovering.” Kumalma naman ako nang sabihin niya ito sa akin.

“You just fainted earlier because your memories are coming back to you, piece by piece. Something must've triggered it for you to remember it once again. A — ” Nagulat naman ang doktor nang itulak siyang palabas ni Alex.

“Salamat sa mga ibinigay mong impormasyon, Dr. Garrison. Goodbye,” paalam ni Alex bago isinarado ang pinto.

Nang ibalik niya ang tingin niya sa akin, nakita kaagad niya ang masamang tingin na ibinigay ko sa kanya. I guess he wasn't really expecting me to question what the doctor said and why he unexpectedly pushed him outside.

“Bakit mo tinulak 'yong doktor palabas? Hindi pa siya tapos magpaliwanag,” reklamo ko habang umiling na lang siya.

“I don't think that I want you to remember and find out what your condition is,” bulong niya ngunit narinig ko pa rin ito.

“Anong ibig mong sabihin? Si inay at dad nga, hindi man lang sinasabi. Pati ba naman ikaw, itatago mo rin sa akin? Bakit ba ninyo itinatago ito sa akin, ha?” bulalas ko habang napatayo naman siya at napasigaw.

“Dahil nag-promise ako sa mga magulang mo, Erin!” sagot niya sa akin bago nanahimik. Nang ma-realize niya ang sinabi niya, agad nanlaki ang mata niya.

Halos madurog ang puso ko nang sabihin niya sa akin 'yon. Kaya pala hindi ko malaman laman ang aking kondisyon dahil pilit nilang itinatago ito sa akin. Kitang kita ko 'yong malungkot na ekspresyon niya nang makita niya akong umiiwas ng tingin.

“Gaano katagal ninyo ito tinatago?” mahina kong sambit habang nagdadalawang isip si Alex sa pagsagot.

“Two to three years na, Erin.” Dahil doon, hindi na muli ako tumingin sa kanya. Instead, I looked around the room, trying to avert my gaze from him.

“Alam din ni Matthew,” pinagpatuloy niya habang nanlambot na lamang ako sa kama. Two to three years nilang tinatago ito sa akin. Pati si Matthew, tinatago rin pala.

“It's for your own good, Erin,” usal niya habang sumagot ako sa isang mahinang tono.

“Kung para ito sa akin, bakit hindi niyo ito sinasabi? Bakit niyo pa ito tinatago?” tanong ko habang nanahimik bigla si Alex. Napansin ko na ayaw niya itong sagutin dahil siya 'yong mas maraming alam kaysa sa mga magulang ko at kay Matthew.

Nang tumingin ako sa kanya, nakita kong nakatalikod na siya sa akin, hindi nakatingin sa akin. Sa galit ko, sinubukan kong galitin siya para ibunyag ito sa akin.

“Kung kaibigan talaga kita, hindi mo dapat itinatago ang kondisyon ko sa akin! Kung may pakialam ka talaga sa akin, kahit promise mo sa mga magulang ko, hindi mo itatago!” sigaw ko habang nakita ko na nakakuyom na ang kanyang kamay.

“Kung kaibigan talaga kita — ” natigilan naman ako nang lumingon siyang pabalik sa akin at sumigaw.

“Hindi ko sinasabi sa'yo ang totoo dahil ayaw kong mawawala ka ulit sa buhay ko!” sinabi niya bago napatingin sa sahig.

Agad nanlaki ang mata ko sa gulat habang napatungo na lang siya bago binuksan ang pintuan at tuluyan na lumabas.

Anong tinatago ni Alex sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro