Chapter 13
NATULALA na lamang ako nang dalhin ako ni Alex sa Ortigas. Actually, malayo-layo na kaming dalawa sa bahay ko. Kaysa sa fastfoods sa isang mall ay dinala niya ako sa isang class na restaurant na hindi ko naman alam na nag-exist. Tumingin sa loob, agad akong napailing.
Kitang kita ko ang malaking aquarium doon sa loob at maayos na pagkaka-set up ng mga lamesa. Not to mention, it has a band inside. Mukha rin mahal 'yong mga pagkain kasi mabilis itong i-serve at ibigay sa mga customers. And to be honest, they didn't pay cash. They just give their credit card, let alone pay the bill.
Napatingin kay Alex, nahiya akong bigla.
“Alex, mukhang mahal dito ang pagkain. Kumain na lang tayo sa kahit anong karinderya sa paligid,” sambit ko habang napangiti lang siya sa akin at biglang tumanggi.
“No, I actually didn't want to bring you here in the first place. But, I need to. Gusto lang kitang matulungan, Erin. Ito 'yong lugar kung saan tayo nag — ” agad siyang tumigil sa pagsasalita at nanahimik. Nagtataka, nagtanong ako sa kanya.
“Lugar kung saan nag-ano?” Tinaas ko na rin ang kilay ko nang hindi man lang niya ako sinagot. Lumingon pabalik sa akin, ngumiti lang siya.
Hindi ko alam kung anong mayroon pero kitang kita ko sa kanyang mukha na parang ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo. Bakas naman sa ekspresyon niya na ayaw niya talagang pumunta rito for certain reasons anyway. Hindi ko nga lang alam kung ano.
“Dito tayo nagkita. Yeah, that's it. This is our first meeting place,” mabilis na tugon nito habang malungkot ulit itong tumingin sa loob. Binuksan ang pinto, pinauna niya ako bago siya pumasok.
Agad na umupo sa isang mga vacant na tables, lumapit sa amin ang isang waiter at ibinigay ang menu. Kinuha kaagad namin ito at naghanap ng makakain. Halos mapanganga naman ako nang makita ko ang mga presyo sa gilid. This food is too expensive for my liking. Tiningnan ko si Alex, nakita ko siyang seryosong nakatitig sa menu.
“Sir Delgado, may i-oorder na po kayo?” sinabi ng isang waiter habang napatingin siya rito at binigyan ng tingin.
“Please, tawagin mo na lang ako sa first name. Second, wala pa kaming naiisip na kainin,” tugon nito habang napatango na lang ang waiter sa kanya.
Nang makita ako ni Alex na nakatingin sa kanya, ngumiti siya sa akin at nagtanong, “May i-oorder ka na ba, Erin?”
Binalik ko naman ang ngiti saka ako sumagot, “Isang chicken na lang with spaghetti 'yong akin.”
Lumapit kaagad sa amin 'yong waiter, tila nagtataka kung ano ang sinasabi ko. Actually, he was waiting for both of us to order. Kaso, si Alex naman mukhang matatagalan sa pagsagot. Kitang kita ko kasi na binubuklat pa niya 'yong menu at naghahanap pa ng pagkain.
“Pasta po, ma'am?” tanong sa akin ng waiter kaya napakurap lang ako. Ano ba ang sinabi ko? Nagtataka, agad ko siyang tinanong.
“Ano ba 'yong pinagkaiba?” Napatingin lang sa akin si Alex na tila natigilan sa pagtingin sa menu. 'Yong waiter naman, umiling na lamang at tumingin kay Alex.
“Sa inyo po sir, anong order ninyo?” tanong nito habang ngumiti si Alex sa kanya bago sumagot. Hindi man lang ako sinagot ng waiter tungkol sa pagkakaiba ng spaghetti at pasta. The nerve this guy has!
“Kagaya na lang ng order ng girlfriend ko.” Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya ito. Sasagutin ko sana siya kaso umiling kaagad sa akin si Alex na kulang na lang sabihin sa akin na huwag kong sasabihin ang totoo.
Nakita ko naman ang laking gulat sa mukha ng waiter bago napatingin sa akin.
“Girlfriend po kayo ni sir? Sorry po talaga, ma'am.” Nginitian ko lang siya at agad na lumingon kay Alex pagkatapos umalis 'yong waiter.
“Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?” tanong ko habang umiwas lang siya ng tingin sa akin, tila nahihiya. Nang humarap ulit siya sa akin, kinunutan ko siya ng noo.
“I wanted them to respect you. Wala pa kasi akong nadadalang babae sa isang restaurant para i-treat ko,” sambit niya ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ko.
“Bakit mo nga ba ako ini-treat dito?” tanong ko habang mabilis at mahina niyang sinagot ang aking tanong.
“Gusto kong maalala mo ang lahat kahit hindi ko gusto ang magiging resulta kapag nalaman mo ang katotohanan,” tugon niya sa akin. Kahit hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasasabi niya, tumango na lang ako.
Nagulat naman ako nang bumalik 'yong waiter sa amin, dala-dala ang pagkain na in-order namin. Agad niyang ipinatong ito sa lamesa at sabay umalis para may privacy kami.
Nang kukunin ko na 'yong kutsara't tinidor ko, nagulat naman ako nang naramdaman ko ang kamay ni Alex sa ibabaw nito. Agad kong inalis ang kamay ko at biglang namula ang pisngi ko. Kitang kita ko rin na hiyang hiya si Alex sa nangyari.
“I'm sorry about that, Erin.” Humingi siya ng tawad at umiling lang naman ako sa kanyang sinabi.
“Hindi, aksidente lang naman 'yon. It happens at some point,” sambit ko ngunit hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin 'yong ginawa niya. As if it happened before.
“Alex, sure ka bang dito 'yong unang pagkikita natin?” tanong ko sa kanya habang itinaas niya ang tingin niya sa akin at tumigil sa pagkain.
“Oo naman. Bakit mo naitanong, Erin?” tanong niya pabalik sa akin habang napailing lang ako — nagtataka kung paniniwalaan ko siya o hindi.
“Wala naman. Nagtataka lang,” wika ko habang napatingin ako sa aking kaliwa.
Kitang kita ko na nakatingin sa amin ang isang couple bago umiwas at agad na nakipag-usap sa isa't isa. Sa mukha pa lang nila, parang pamilyar sila sa akin. Hindi lang ako sigurado kung saan ko sila nakita.
The girl had a curly brown hair that reached until her waist. Nakasuot siya ng isang t-shirt at isang black na skirt na hanggang tuhod niya. She looked young so I wasn't sure about her age.
'Yong lalaki naman, naka-white long sleeve at may blue tie sa kanyang mismong collar. Halata naman na nagtatrabaho na siya kaso hindi ko alam kung anong kompanya dito sa Ortigas or kung saan man lugar siya nanggaling.
“Erin,” agad na tawag sa akin ni Alex kaya lumingon ako pabalik sa kanya. Kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata bago niya ako tanungin.
“Okay ka lang ba talaga?” Tumingin ulit sa couple at bago ibinalik ang tingin sa kanya, tumango na lamang ako at nagsimulang kumain.
Bago ko pa man makuha ang kutsara't tinidor ko, nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo. Tumingin sa aking paligid, nakita kong umiikot ang mga bagay sa loob nito. Tiningnan ko si Alex at napansin na nakatayo na siya at malapit na sa akin. Tatayo na sana ako kaso bigla akong nanlambot.
And the next thing I know was that I fell right on his arms.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro