Chapter 10
NAGULAT na lamang ako nang lumakad ulit si Matthew palabas ng kwarto ko, halos namumula ang mukha sa galit. 'Yong tsokolate niyang hawak hawak ay agad niyang binitawan. I guess he wanted to apologize for yelling at me. It wasn't his fault anyway. I guess you could call it jealousy.
"Matthew, it's not what it looks like!" sambit ko habang lumingon siya pabalik sa akin. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa habang tumingin ako sa kanya. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata nang titigan niya ako ng maigi bago nagsalita.
"Sige, ipaliwanag mo. Kitang kita ko na hinuhubaran mo siya sa kwarto mo. Tinatanggal mo ang kanyang T-shirt, Erin! Ano sa tingin mo ang iisipin ko? Kahit sino pa man ang makakita ng ginawa mo, iyon lang ang sasabihin nila," sagot niya habang hinila ko siya pabalik.
"I am not that desperate. Not like the other girls. Hindi ako gano'n, Matthew. You know that," tugon ko pabalik habang napailing naman siya sa akin.
"I don't know what to believe in anymore," bulong niya habang napatigil ako sa pagsasalita at pagpapaliwanag sa kanya. I can't believe it. Akala niya na gustong gusto ko si Alex. Tiningnan niya ako, agad na inalis ang kamay ko sa kanya at tumalikod ulit para maglakad palabas.
"Malandi na ang tingin mo sa akin? Ganoon ba iyon, Matthew?" tanong ko habang napatigil siya sa paglalakad. Hindi naman niya ako sinagot at nanatiling tahimik. Napansin ko naman na nakatingin na si inay at dad sa aming dalawa, nagtataka kung ano ang nangyari.
"Wala akong sinasabi na malandi ka. You're just..." he then trailed off, looking for the right words to describe me. Umiling naman ako, hindi makapaniwala na magbabago kaagad ang tingin niya sa akin. After all, we had been best friends since we were nine.
"It's hard to describe," sinabi niya sa akin habang tumulo kaagad ang luha ko. Lumingon pabalik sa akin, hindi ko na siya pinakinggan. Instead, I ran back to my room — shutting the door behind me with a loud thud.
Nakita ko naman si Alex na naka-blue na T-shirt, nakaupo na sa aking kama — nakatingin naman sa akin ng maamo. Agad naman akong umupo sa tabi niya, hindi pa rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Sinubukan kong itago ito ngunit nakita pa rin ni Alex ito.
"It's Matthew, isn't it?" tanong niya ng mahina habang tumango na lamang ako. Nagulat na lamang ako ng tumayo siya, ngumiti sa akin bigla.
"Don't worry, I'll talk to him for you. Ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyari," sinabi niya habang tumango na lang ako at ibinalik ang ngiti. Kahit anong sama ng ginagawa ko sa kanya, hindi man lang niya ito pinapansin. Sure, magagalit siya. Pero, hindi gaano katagal ang sama ng loob niya sa akin.
"Thank you, Alex." Tumango siya pabalik at lumabas ng kwarto ko, rinig na rinig ko ang pagtawag niya kay Matthew. Tiningnan ang picture frame sa aking desk table, naalala ko ang magagandang memories namin dalawa ni Matthew.
But after Lovely arrived, he just wasn't himself anymore.
Nagulat naman ako ng puro sigaw ang naririnig ko sa baba. Pumunta kaagad ako sa may hagdan, napansin ko na parehas na nagsisigawan sina Alex at Matthew habang sinusubukan naman na hilahin ni dad sila palayo sa isa't isa.
"Anong nangyayari dito?" mabilis na tanong ko bago bumaba ng hagdan.
"Erin, sabihin mo nga dito sa kaibigan mo na hindi mo ako hinuhubaran kundi tinutulungan mo lang akong tanggalin ang shirt ko dahil sikip ito sa akin!" bulalas niya habang sinusubukang manuntok ni Matthew ngunit pinipigilan siya ni dad.
"Hindi sapat ang paliwanag mo. Alam ko ang nakita ko at — " in-interrupt kaagad siya ni Alex.
"Well, mali ang inakala mo, Mateo!" sigaw ni Alex habang napatigil naman kaming dalawa ni Matthew. Nang makita ko ang reaksyon niya, napansin ko ang gulat ni Matthew bago ito nagbago at biglang nagalit.
"Bakit ba puro kayo Mateo ng Mateo? Matthew Dizon ang pangalan ko!" bulalas nito bago inalis ang kamay ni dad at agad na itinulak si Alex pabalik kaya naman ito nakabasag ng vase.
"Huwag na huwag mo ng ipaliwanag sa akin kung anong ginagawa ninyong dalawa ni Erin sa loob ng kwarto. I don't want to hear it," sinabi nito bago ibinaling ang atensyon niya sa akin.
"At inakala ko pa naman na matanda ka na para maintindihan mo kung ano ang tama at mali," sambit niya habang nanlaki ang mata ko sa kanya.
"Siguro nagkamali ako ng tingin sa'yo."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad siyang lumabas ng bahay namin at isinarado ng malakas ang pinto. Hindi naman ako gumalaw, iniisip pa rin ang mga masasakit na sinabi ni Matthew sa akin. Si Alex naman, tinulungan ni dad na tumayo mula sa pagkakabagsak.
"Erin, anak, ano ba ang nangyari?" tanong ni inay habang napailing na lamang ako. I don't want to talk to them right now. Tumalikod sa kanila, agad akong tumakbo pataas ng hagdan — rinig na rinig ang tawag ng mga magulang ko.
It's for the best.
Bago ko pa man mabuksan ang pinto, nakaramdam ako ng isang malamig na kamay na humawak sa aking braso. Lumingon pabalik, nakita ko si Alex na nakatingin sa akin ng maamo.
"I'm sorry, Erin. Hindi talaga siya nakinig sa paliwanag ko. It's my fault. I shouldn't have asked for help," tugon ni Alex habang umiling na lamang ako, mabagal na tumutulo ang luha ko sa aking mukha.
"No, hindi mo 'yon kasalanan, Alex." Naramdaman ko naman na niyakap niya akong bigla habang hinayaan ko naman siya. I really needed comfort right now.
"I promise that I will never leave your side. I'll be your crying shoulder from now on. I will never hurt you like he did," bulong niya sa akin habang huminga ako ng malalim at tumango. His words seem familiar but I couldn't really point out where I heard it.
Bago pa man ako makaalis sa kanyang yakap, agad naman sumakit ang ulo ko. Napahawak sa aking noo, agad na nagtaka at nag-alala si Alex. Hinawakan niya ang isa kong kamay at tumingin sa 'kin.
"Erin, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin habang napailing ako, tila lumalala ang sakit ng ulo ko. Before I could even notice the black spots on my vision, I couldn't see anything anymore.
And then everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro