Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

NAPABALIKWAS bigla, lumingon lingon ako sa aking paligid para ikumpirma kung totoo ang mga nangyayari sa aking panaginip bago naglabas ng malalim na hangin. Sino ba 'yong lalaki sa panaginip ko? Malabo ang kanyang mukha kaso maliwanag ang boses niya. Rinig na rinig ko ang malalim nitong tono habang nakikipag-away kay Matthew.

Uminat kaagad ako at sabay tumayo ng maayos, inaantok pa rin dahil nagpuyat ako kagabi. Sinubukan kong maglakad ng maayos kaso halos matumba ako nang unang hakbang ko pa lamang. Ibinalanse ko kaagad ang sarili ko sa dresser ko bago ko kaagad sinuklay ang aking buhok at tumingin sa orasan.

Nakarinig ako ng mahihinang sigaw sa ibaba ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.

Teka, 6:30 am na? Mala-late ako!

Biglang nanlaki ang mata ko sa gulat nang bumukas ang pinto habang nakatayo si inay sa labas, hawak hawak ang spatula sa isang kamay. Nakakunot ang noo niya habang napakurap akong bigla, tila naninibago sa ilaw at kulay ng paligid.

"Erin, kanina pa kitang tinatawag. Mala-late na kayo ni Matthew. Kanina ka pa niya hinihintay sa baba. 'Wag mong paghintayin ang iyong kaibigan," agad na sinabi sa akin ni inay habang pinusod ko kaagad ang aking buhok at bilis bilis ako bumaba.

Kinuha ang aking towel at damit, dumiretso kaagad ako sa comfort room. Nag-wave lang ako kay Matthew at pumasok. Pagkatapos kong maligo, agad naman akong nagbihis sa loob dahil nakakahiya naman lumabas habang nandoon siya.

Lumabas kaagad ako habang isang boses naman ng lalaki ang bigla kong narinig sa tabi ng pinto.

"Tapos na pala si Sleeping Beauty. Kamusta naman ang tulog mo kanina? Bilisan mo diyan. Mala-late na naman tayo sa school." Halos mapasigaw naman ako ng buksan ko ang pinto dahil hindi pa pala siya umaalis. At nasa harapan ko kaagad siya. Well, buti na lang na dito ako nagbihis sa loob.

Isang lalaking chinito na naka-blue na cap, nakapolo na white at isang biloy sa kaliwang pisngi ang agad na bumungad sa akin. Kitang kita ko ang ngiting nakakaloko na nakapaskil sa kanyang mukha habang nanigas akong bigla sa aking kinatatayuan dahil sa gulat.

"Mateo," tugon ko habang napakunot naman ang noo niya sa akin. May sinabi ba akong mali?

"Elly, okay ka lang ba? Matthew ako, hindi Mateo," sambit niya bago napatawa. Kitang kita ko na parang isang biro lamang iyon kaya namula naman ang pisngi ko sa hiya dahil sa itinawag ko sa kanya. Bigla namang sumunod si inay, nakatingin sa amin.

"Naku, pagpasensyahan mo na si Erin, Matthew. Kanina pa yata iyan nananaginip ng gising. Hayaan mo tuto, lilipas din 'yan," sinabi ni inay habang ngumiti lamang si Matthew pabalik sa kanya. Ako naman, hiyang hiya dahil iba pala ang Mateo sa Matthew.

Pero, bakit siya 'yong nasa panaginip ko?

Napansin naman ni Matthew ang nagtataka kong ekspresyon kaya agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Ikinulong niya ang aking pisngi at hinayaan niya akong tumingin sa kanyang mga mata. Habang hawak hawak niya ang pisngi ko, namula ulit ako kaya nag-alala siyang bigla.

"Elly, okay ka lang ba talaga? Namumula 'yang pisngi mo," tanong niya sa akin habang tumango kaagad ako. Ngumiti lang siya bago naman ako sinagot.

"Kung okay ka, ako hindi okay. Elly, mala-late na tayo kapag tiningnan mo pa ng matagal ang mukha ko. Alam kong gwapo ako kaso oras natin ang nakasalalay dito," agad niyang sambit habang nagulat naman ako. Oo nga pala, 6:45 na nga pala! Kinuha ko kaagad ang aking bag at sabay dinampot ang tinapay sa lamesa.

"Erin, kumain ka muna!" sigaw ni inay habang nagpaalam na lamang ako at sabay hinila si Matthew palabas. Binuksan kaagad ni Matthew ang pinto para sa akin at agad agad na pumasok sa driver's seat. Pinaandar niya kaagad ang kotse at napatingin sa akin.

Kinuha naman niya 'yong paper bag sa passenger's seat at agad na ibinigay sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko sabay tiningnan ko siya na parang nagtataka. Bigla naman siyang tumingin sa daan, hindi ako pinansin ngunit sinagot naman niya ang aking tanong.

"Pagkain. Baka magutom ka sa klase. Ayaw kong mahihimatay ka habang nagdi-discuss si Mrs. Villafuerte," paliwanag niya habang tiningnan ko kung anong laman nito. Donuts at pizza, my favorite!

Agad kong niyakap si Matthew at halos mabitawan niya ang manibela. Nang tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, napansin ko na masama siyang nakatingin sa akin.

"Ano ba, Elly? Baka mabangga tayo!" namula mulang sigaw niya habang tinanggal niya ang kamay ko sa kanya, binigyan siya ng kaunting space. Napatawa naman ako sa reaksyon niya dahil kitang kita ko pa rin na pulang pula pa rin ang pisngi niya.

"Uy, namumula siya! Asus, kinikilig na nga, pakipot pa!" sambit ko habang nginusuan lang niya ako at saka huminga ng malalim.

"Hindi ako kinikilig. Namumula ako sa galit," mabilis na sinabi niya ngunit tumawa na lamang ako dahil parang hindi ito ang totoo. Halos routine na namin ang ganitong sitwasyon. Tutulog ako ng late, magiging sweet siya ng kaunti, papasok kami ng late, magagalit siya, at lalambingin ko. Para kaming isang couple.

Kahit hindi.

Halos madurog naman ang puso ko sa katotohanan. Unfotunately, his heart was set on another girl. At hindi sa akin. Kahit matagal na kaming nag-uusap at nagkakilala, hindi pa rin niya mapigilan na magmahal sa taong hindi niya gaanong kakilala.

At masakit talaga, sobra.

Talagang sinasamahan lang niya ako dahil kaibigan niya ako. At baka ako pa ang maging reason kung paano sila magkakatuluyan. Nanahimik naman akong bigla kaya nagulat si Matthew sa bigla kong pagbabago ng ugali.

"Elly, I'm sorry kung ako ang reason kung bakit ka nagkakaganyan. I'm sorry for yelling at you." Agad siyang humingi ng tawad ngunit hindi naman ako nakinig. Masakit talagang malaman na ang taong gusto mo ay may gusto palang iba. Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinikit ang mga mata ko.

At hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan.

  ▬▬▬▬▬▬▬  

Pagkabukas ko ng aking mga mata, nakita ko na lumulutang na ako. Wait, lumulutang ako? Bigla akong tumingin sa itaas at nakita na dala dala na pala ako ni Matthew sa kanyang mga kamay. Nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya, agad niyang hinalikan ang noo ko at ibinaba ako sa harapan ng classroom.

"Sunduin kita mamaya, okay lang ba?" tanong niya sa akin habang napatingin naman ako sa baba. Naramdaman ko naman na itinaas niya ang mukha ko para tumingin ako sa kanya. Kitang kita ko na nag-aaalala siya sa akin, ang mata niya'y naging maamo.

"Elly, I'm always here for you. Ngumiti ka naman para sa akin." Sinunod ko naman siya at ngumiti. Kitang kita ko na natuwa siya dahil sinunod ko siya. Kaso, hindi naman niya napansin na durog pa rin ang puso ko dahil sa kanya. At hindi totoo ang ngiting ibinigay ko.

"There you go," sinabi niya bago hinaplos ang aking mukha. Namula naman ako habang ngumiti siya sa akin bago ibinigay sa akin ang aking bag. Kinuha ko naman ito at nakita na naglakad na siyang palayo.

Pumasok naman ako ng classroom at nakita na puro sila nakatingin sa akin. Pati si Mrs. Villafuerte. Napakunot naman ang noo ko bago pumunta sa aking upuan at umupo. Hindi ko na lang pinansin ang kanilang mga tingin. Nagsimula naman magturo si Mrs.Villafuerte at kinuha ko kaagad ang notebook ko.

Kaso, may sticky note sa unahan.

Kung may problema ka, lapitan mo ako. Maybe I can help you. Don't hide it from me, okay? I don't want to be sad because of me or because of anyone. Nandito ako para sa'yo.

-Matthew

I then sighed before putting his note on my pocket. Erin, you need to focus. Pagkatapos kong ilagay ito sa aking pocket, nagsulat na ako ng notes tungkol sa mga sinasabi ni Mrs. Villafuerte.  

Napansin niya na kanina pa akong hindi nakaka-focus sa aking mga sulatin kaya agad na napatigil si Mrs. Villafuerte sa pagtuturo. Nagtaka naman ang mga kaklase ko nang mapansin nilang nakatingin si ma'am sa akin. Nang itinaas ko ang tingin ko, agad kong narinig si Mrs. Villafuerte na nagsalita.

“Miss Yen, is there something bothering you?” tanong niya habang napalingon naman ang ibang mga estudyante sa aking kinauupuan.

Umiling naman ako at sumagot, “Wala naman po.”

Napansin kong huminga ng malalim si Mrs. Villafuerte sa harapan ng klase. Dahil doon, mas lalong nagtaka kaming lahat dahil himala naman mangyari ito. Napagmasdan ko rin na halos lahat na ng mga kaklase ko ay hindi na inaalis ang tingin sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, nagpatuloy na si Mrs. Villafuerte sa kanyang pagsasalita.

“Miss Yen, can you kindly see me after class?”

▬▬▬▬▬▬▬

“Ma'am, wala naman po akong ginagawang masama.” Ito kaagad ang sinabi ko sa kanya pagkatapos kong pumasok ng kanyang opisina. Napangiti na lamang siya sa akin habang pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan.

“Alam ko naman iyon, Miss Yen. Pero — ” agad ko naman siyang tinanong.

“Bumababa na po ba ang grades ko? Kaya po ba ako naririto?” pag-aalala kong tanong habang napailing naman siya sa aking sinabi.

“Hindi naman sa ganoon, Erin. You are a great student. A daughter that I have never had, to be honest,” paliwanag niya sa akin.

“So, bakit po ako naririto? Wala naman po palang problema,” sambit ko habang nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag.

“Recently, I have noticed that you've been spacing out on my class. Hindi ka na masyadong nagpaparticipate sa recitation. Kapag tinatawag kita, hindi ka ready sa tanong,” sinabi niya bago nagpatuloy.

“And I want to know the reason why,” sinabi niya sa akin kaya napatigil kaagad ako sa pagtatanong.

“Mrs. Villafuerte — ” sasagot na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

“Is it because of Matthew Dizon?” tanong kaagad niya na tila nakangiti. Hindi naman ako nakasagot dahil sa gulat na aking naramdaman. Paano naman niya nalaman?

“Look, Erin. Matthew is also a great student. Both of you are. But, you need to be focused. Matthew is doing his hardest and you should do too. It is not bad to fall in love at your age. But, don't let it be a distraction,” sambit niya bago nagpatulong.

“You are also a honor student, Erin. Don't ever forget that. You need to focus, okay? Don't ever space out because of love,” paliwanag niya habang tumango naman ako.

“Pwede na po ba akong umalis?” tanong ko ng may respeto habang tumango naman siya sa akin at agad na ngumiti. Binalikan ko naman siya ng ngiti bago binuksan ang pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro