Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


Kadiliman, isang lugar na nababalot ng kadiliman. Iyon ang bumunggad sa akin nang ako'y magising, isang kagubatan na walang hanggan ang kadiliman. Isang kagubatan na nakakabingi ang katahimikan, nasaan ba ako? Hindi ko malaman, ngunit sobrang nakakailabot ang kalamigan. Napatigil ako sa pagtingin sa kapaligiran nang makita ang isa ng mabilis na pagtakbo ng kung sino.

Walang pag-aalinlangan na siya'y sinundan ko, takbo, lakad, takbo, iyon ang gawa ko dahil sa sobrang bilis niyang tumakbo. Napatigil na lang ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin, kakaiba ang kulay ng kaniyang mata. Ang mga mata niya na punong-puno ng takot at pangamba. Isa siyang bata.

Tila may mga salitang lumalabas sa bibig niya ngunit hindi ko maintindihan. Kasabay ng pagliwanag niya, nakita ko ang kabuan nang mukha niya dahil sa liwanag. Kamukha ko ang bata. Hindi na ako nakapagsalita nang makita ko siyang unti-unting naglalaho, kasabay ng pagtulo ng dugo sa ilong naming dalawa.

"Gano'n ba kalala ang pagkalunod niya?!"

Nagising ako sa malakas na sigaw sa baba, sa tingin ko ay si Night iyon. Hawak-hawak ko ang aking ulo at mahinang dumaing, ano bang nangyari? Parang pinokpok ang akimg ulo sa sobrang sakit. Halos maiyak ako nang maramdaman ang pamamanhid ng aking buong katawan. Sa tingin ko'y nawalan ako ng malay sa nangyaring laban sa amin ni Reraine. Pero isa ang sigurado ako, ako ang nanalo sa laban namin. Siya ang unang bumagsak, nang bumagsak siya ay hinayaan ko na lang 'rin ang sarili kong bumagsak.

"Pwede ba Night ika'y kumalma! Ikaw 'rin Waylon. Balak niyo bang sirain ang lugar na iyon? Jusko!"

Hindi ko na lang pinansin ang mga sigawan nila, tinuon ko ang aking atensyon sa labas ng bahay. Kung tama ako ay wala kami ngayon sa Theotha, nandito kami sa mundo ng mortal. Nasa bahay kami ngayon ni abuela, dahil ang kwarto ko dito ay gawa sa kahoy na kung nasaan ako ngayon. Napangiti ako nang malanghap ang malamig na hangin na pumapasok sa aking bintana. Nakakatuwa, dahil nasa kinse anyos pa lang ako nang umuwi kami dito, tatlong taon na 'rin ang nakakalipas.


"Mabuti ay gising ka na apo." Napatingin ako sa aking likuran nang marinig ang malambing na tawag ni abuela. Kaagad akong tumakbo at yumakap sa kaniya na tila sabik na bata. "Tangina, akala ko patay ka na!" Hindi na ako nagsalita nang marinig ang malakas na boses ni Night. Nagtataka akong tumingin sa kanila nang makita ko si Freeze sa tabi ni Night, kailan pa sila nagkakilala? Nakita ko ang pagsenyas ni Night kay Freeze na parang sinasabing magsalita ito.

"Dati kaming magkaibigan ng Kuya mo." Napangiti ako nang makita ang pagrereklamo sa mukha ni Night parang ayaw pang tanggapin na kuya ko siya. Kung gaiyon ay dati silang magkaibigan, ngunit wala talaga akong maalala tungkol kay Freeze. "Dati niyo 'rin kaibigan si Yael at Streo, tama ba?" Nakita ko ang pagtigil ng dalawa ngunit tumango 'rin sila. Minsan nang nabanggit ni Rich sa akin ang pagkakaibigan nila. Kung gaiyon siya ang tinatawag ni Rich na Waylon.


"Bakit may tuyong dugo sa ilong mo? Nauntog ka?" Napatigil ako nang biglang lumapit sa akin si Freeze, agad niyang binasa ang nakuha niyang tuwalya sa gilid at pinunasan ang sinasabi niyang tuyong dugo. "Tsk, tanga talaga." Napaamang ako nang marinig ang bulong ng kapatid ko, sana ay mauntog 'rin siya kung ganoon. Kinuha ko na kay Freeze ang tuwalya dahil sa pagkailang na nararamdaman ko, kakaiba ang tibok ng puso ko kapag nariyan siya. Tila konektado ang pagtibok ng aming mga puso. Hindi kaya ito ang tinatawag na lukso ng dugo?

"Mabuti pa ay apo magpahinga ka pa, isang linggo kang tulog. Mabuti ng 'wag munang mabigla ang katawan mo." Tumango lang ako at saka hinayaan na silang lumabas. Muli akong napatingin sa tuwalya na may dugo, galing sa akin ang dugong ito. Ito ang huli kong nakita bago ako magising sa masamang panaginip na 'yon. Ibig sabihin ay may ibig sabihin ang aking panaginip, ang mga senaryo lamang ang naalala ko, hindi ko maalala ang sinabi 'nung bata. Mistulang sumasakit ang ulo ko kapag pilit kong inaalala.


Naalala ko noon, noong sampung taon ako ay pinadala ako ni abuela sa isang dyosa. Nanaginip 'rin ako noon, sa pagkakaalala ko ay isang itim na ahas ang aking napanaginipan. At nangyari nga iyon, may isang taong kumuha sa akin. Hindi ko maalala ang eksaktong detalye, dahil habang tumatagal ay may mga bagay na gusto kong alaalahanin pero hindi ko na maalala. Isang parte ng utak ko na magsasabi na hindi nangyari iyon. Ngunit, nang ikuwento sa akin ni abuela ay nangyari pala talaga. Doon ko na'rin natuklasin ang pagkatakot ko sa kidlat.

Tiningnan ko ang gubat na parte ng bahay ni abuela, malapit lang sa amin ang albularyo na'yon. Nakatira siya sa madilim na parte ng gubat. Mamayang gabi kailangan kong pumunta sa gubat na tinatawag na Katara. Masuwerte, dahil kabilugan ng buwan mamaya. Mas mapapadali ang pagpasok ko sa Katara.


___•*•___

Kinagabihan, ay nakatakas ako sa bahay ng matiwasay. Napangisi ako nang makita ang kabilugan ng buwan, tuwing kabilugan ng buwan at saka lamang pwedeng pumasok sa gubat ng Katara. Ang gubat na ito ay sinumpa, maraming pwedeng mamatay kapag pumasok ka dito ng wala pang kabilugan ng buwan. Sa mundo ng mga mortal, si abuela ang taga pagbantay sa gubat ng Katara. Namangha ako nang makita ang mabilis na pagkakaroon ng parang isang transparent wall.

Papasok na sana ako nang maramdaman ang mahigpit na kamay sa pulsuhan ko. "Kung ano 'man binabalak mo ay 'wag mo ng ituloy. Don't be stubborn." Napapikit ako ng mariin nang makilala ko ang boses niya."Kahit pala sa kadiliman ng gabi ay tila nagliliwanag ang iyong kagwapuhan." Nakangiti kong wika at saka hinawakan pabalik ang kamay niya. Nakita ko ang mariin niyang tingin na tila sinasabi na hindi uubra sa kaniya ang mga salita ko. "Kung sana ay si Night na lang ang nakahuli sa akin." Irita kong bulong, dahil isang malambing ko lamang na hiling sa kapatid kong iyon ay sasangayon agad.

"Papayag ako kung sasama ako."Agad akong sumangayon sa sinabi niya kaya agad ko na siyang hinila papasok ng kagubatan. Meron lamang kaming ilang oras upang magtagal sa loob ng Katara. Sa oras na matapos ang kabilugan ng buwan at nandito pa kami ay siguradong makukulong kami dito habang buhay. Napangiti ako nang makita ang magandang kagubatan ng Katara. Makikita lang ang kagandahan ng gubat na ito tuwing pagsapit ng kabilugan ng buwan.

Tila lumiliwanag ang kagubatan sa sobrang ganda, tila gawa sa ginto ang bawat puno at dahon, at tila diamanteng kumukinang ang mga bulaklak. "Wala naman ditong puting rosas?" Nakasimangot kong wika, tumawa lang sa akin si Freeze pero mahigpit pa'rin ang kapit niya sa kamay ko. "Meron, kung gusto mo ay ikukuha pa kita." Dahil sa sinabi niya parang kuminang ang mata ko at agad tumango. Bago siya kumuha ng rosas ay kinuwento ko sa kaniya ang mga nalaman ko.

Sabi sa nabasa ko ay kakaiba ang puting rosas dito sa Katara. Tila nakaka hipnotismo ang bulaklak na ito, at tuwing dala mo ang bulaklak ay magiging silbi mo itong gabay. "Then I get one for you. Maghintay ka d'yan. Kung anong gustuhin ng reyna ay iyon ang susundin ng hari niya." Hindi ko na nabuka ang bibig ko sa pagkagulat, nakita ko na lang siyang paalis na habang may ngiti sa labi. Hindi ko itatanggi na sobrang gwapo niya, pero masasabi ko lamang na nalinlang ko siya. Agad akong tumakbo ng mabilis papuntang dulo ng Katara, ilang minuto ang tinakbo ko nang matanaw ko na ang isang kulay lila na bahay.

Kung titingnan ay tila mangkukulam ang nakatira, pero mukhang ganoon nga. Agad akong kumatok sa pintuan, napangiti ako nang bigla itong magbukas. Katulad noon ay ganito pa'rin ang bahay niya. Nakakakilabot pa'rin siya. Naalala ko ay takot na takot ako noon sa kaniya, dahil sa napanood kong palabas noon na Hanzel and Greetel. Parehas na nangyari sa akin kung saan may kakaibang gubat akong napuntahan, at ngayon ang bahay na tila pang mangkukulam, naamoy ko 'rin ang ginagawa niyang matamis na pagkain. Hanggang ngayon ay mahilig pa'rin siya sa matamis.

"It's nice seeing you again. It's been eight years, pero mukha ka pa'ring daga." Napanganga ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na walong taon na ang lumipas pero ganito pa'rin ang itsura niya. Dalaga pa'rin siyang tingnan. Kagaya noong bata ako ay kinaiingitan ko pa'rin ang mahabang tsokolate niyang buhok na hanggang sahig na. Siya nga ang dyosa nang Katara.

"Sobra akong nalulugod dahil sa nakalipas na walong taon ay ginagabayan mo ako." Nakangiti kong wika, nakita ko ang pagdaan ng pandidiri sa kaniyng mukha na tila sinasabi na hindi niya ginusto iyon. Isang beses ko lamang siyang nakita pero malapit na ang loob ko sa kaniya. Sa totoo lang siya ang nagliligtas sa akin sa lahat, ramdam ko ang proteksyon at gabay niya.

"Nakakalungkot 'man sabihin pero hindi na kita magagabayan." Ngumiti lang ako at tiningnan ang tinitingnan niya, ang punong matagal na niyang inaalalagaan ang puno ng laurel. Hindi ko alam ang nararamdaman niya, ngunit kahit papaano ay nadadama ko dahil narinig ko na ang kwento niya. Isa siyang matatag na nilalang, alam kong kakayanin niya ang dumating sa buhay niya.

"Narito ka para sa iyong panaginip? Nakakalungkot isipin dahil ito na 'rin ang huling basa ko sayo, at huli mong makikitang maganda ang Katara. Mawawala ang sumpa nito pag ako'y nawala na."

"Marami pang panaginip ang dadating saiyo, lahat ay may kahulugan. Kaya't iyong panaginip ay sundin dahil dadalhin ka niya sa liwanag na walang hanggan."

Nakakilabot pa'rin ang boses niya sa tuwing magbabanggit siya ng malalalim na salita. Lumipas 'man ang panahon siya pa'rin si Daphne ang anak ni Peneus, ang unang babaeng inibig ng dyos na Apollo.

"Tungkol saiyong panaginip. Ang batang iyong nakita ay iyong magiging gabay. Hindi ka ba nagaalinlangan kung sino ka ba talaga?" Napahinto ako sa tanong niya, 'ni minsan sa buhay ko ay hindi ko 'rin naitanong iyan. Basta alam ko ay kumpleto at masaya ang buhay ko.

"Kung bakit may mga bagay na pilit mong inaalala ngunit wala kang maalala? Kung bakit tila ang iyong nakaraan ay parang isang malaking kasinungalingan." Lahat ng salita niya ay tila batong sumasaksak sa puso ko, tila ginigising ako sa katotohanan na mali ang ginagalawan kong mundo. "Unahan mo ang nakatadhana, upang kadiliman ay iyong maiwasan."

Napatitig ako sa mata niya dahil sa sinabi niya, tila nanghihina ang aking katawan nang maalala ko ang inunsad ng batang napanaginipan ko.

"Sa takdang panahon, sekreto ay malalaman. Iyong unahan tuklasin ang iyong katauhan
upang kadiliman ay lumisan."


_______________•-•_______________

Some facts about Daphne:

Daphne is the first love of Apollo. Apollo tease Eros about him being weak using bow and arrow. Eros become mad and use his arrow to Apollo, and that time Apollo saw Daphne. And of course, Apollo fall inlove but Daphne didn't like Apollo, and she wish to be the tree of laurel because of disliked to Apollo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro