Chapter 4
Kinaumagahan ay nagising ako sa maingay na sigaw ni ina sa sala, napatawa na lang ako habang iling-iling na pumuntang banyo. Inilamusan ko ang aking bilugang mukha para matanggal ang mga muta, kasunod ay panis na laway sa gilid ng aking mapulang labi. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin para tingnan ang aking kagandahan, kinuha ko ang suklay para suklayan ang diretsong maiksing kulay asul kong buhok. Nilagyan ko 'rin ng pang patak ang aking kulay asul na mata, kailangan ko ito lalo na't parang lumalabo na ang aking paningin.
Pagbaba ko ay kumpleto na silang tatlo, si ama ay nakaupo na sa unahan katabi sa tig dalawang gilid niya si ina at si Night. Masigla ko silang binati ng magandang umaga, pero si ina lang ang bumati pabalik. Tumabi ako kay ina at tahimik kaming kumain. Sanay na'rin ako sa katahimikan nila. Si ama ay matagal nang iba ang pakikitungo sa akin, tila isa akong hangin na laging dumaan lang sa kaniya. Nakatingin lang ako ka'y ama na masayang nakikipagusap sa aking kapatid. Noon pa 'man si Night na ang nais ng aking ama. Mabuti na lang at pantay ang pagtingin sa amin ni Ina.
"Kapag aalis ka, siguraduhin mo na pagdating ng hapon ay nasa akademya ka na." Napangiti ako sa tuwa sa sinabi ni Night, ang akala ko ay hindi na naman niya ako palalabasin ng bahay! Muntik ko na 'ring makalimutan, mamayang hapon na nga pala ang pagbubukas ng akademya, bagong taon na naman. Nakakaramdam ako nang pagkasabik para mamaya, lalo na't unang beses kong masaksaksihan ang gaganapin na labanan mamaya.
"Gusto mo pa?" Muli akong napatingin kay Night nang alukin niya ako, tumango na lang ako at saka siya tumayo para lagyan ng pagkain ang plato ko. Masasabi ko lang na iba ang inaarte ngayon nang kapatid ko. Nakatitig lang ako sa kaniya sinusuri ang bawat galaw niya. Napansin ko na mas matingkad pala ang asul na kulay nang kaniyang buhok kesa sa akin na parang kupas na asul. Kakaiba 'rin ang mata niya, kulay itim ito na hindi pang karaniwan lang. Ngayon alam ko na kung bakit tinitilihan lahat nang babae ang kapatid ko, dahil sa kakaibang kulay ng kaniyang balat.
Sa aming mga kalating dyos natural ang maputing balat, pero siya ay kulay tan ang kaniyang balat. Sabi ni ina ay lagi 'daw kasing nagpapaaraw noon si Night kaya naging tan ang balat. Napatitig naman ako sa mukha niya, ito yata ang tinatawag ng mga mortal na manly beauty. Sobrang perpekto pala ang mukha niya.
"Stop that stares."Napatigil ako nang makitang masama na ang tingin sa akin ni Night. Bigla kong naalala, ang pinaka ayaw niya ay ang tinitigan siya. "Hayaan mo na anak, ina-appreciate lang ng kapatid mo ang kakisigan mo." Napatango ako sa sinabi ni ina, syempre dapat ko apresyahin ang kakisigan niya, malamang kung panget siya ay panget 'rin ako. Napangisi ako nang makitang umiwas ng tingin si Night, nakikita ko ang pamumula ng tenga niya. Unang pagkakataon, kinilig ang aking kapatid.
"Mabuti pa ay aalis na ako ina." Nakangiti kong paalam at dali-dali lumabas nang bahay. Balak kong pumunta ngayon sa pamilihan, tiyak makikita ko na naman ang mga masasamang tingin sa akin nang mga anak ng titano. Nang makarating ako sa bayan ay bumunggad sa akin ang malaking karantula, ang karantula na nakasulat sa kulay pulang tinta, nakalagay doon ay Τιτάνας o Titanas.
"Gosh! Why all people look at me like I do something bad?" Napatingin ako sa babaeng nasa unahan ko, bulong siya ng bulong ng kung ano-ano. Nakita ko naman na masasama talaga ang tingin sa kaniya nang mga titano, kung ganiyon ay wala siyang dugong titano.
Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin, sobrang lapit ng mukha namin! Nakakahiya! "I know this is too much, pero can you atleast tour me? Or say something about this world." Tiningnan ko siyang maigi. Mukhang hindi nga siya taga rito dahil kakaiba 'rin ang kasuotan niya. Nakasuot siya nang isang mahabang bestida na mukhang pang prinsesa. Kagaya ng kadamitan niya ay mukha 'ring pang prinsesa ang mukha niya sa sobrang perpekto. Mapula-pula ang kaniyang balat, mapilantik ang pilik mata, matangos ang ilong, maganda 'rin ang kaniyang kulot na olandes na buhok. Napatitig ako sa masingkit na tsokolate niyang mata. Kasabay no'n ang pagguhit ng pagkagulat sa mata niya.
"Anak ka ni Eros. Bakit ka narito?"Nakita ko ang pagtalim nang mata niya sa sinabi ko. "Paano mo nalaman?!" Inis niyang tanong. Nabasa ko dahil tumitig ako sa mata niya, iyon ang kapangyarihan ko, ang malaman kung ano ang bawat isa. "Don't tell me? You use your power to me? Hindi ka 'man lang naturuan nang magandang asal ng nobyo mo." Hindi na ako nagaksaya nang panahon at lumisan na sa harap niya, baka hindi nakainom nang gamot ang isang iyon.
"I'm new here, and I don't know someone na mapagtatanungan nang mga information about this world." Napabuntong hininga na lamang ako, naiisip ko na mukhang hindi matutuloy ang paggala ko. Kagaya ng kagustuhan niya, binigay ko sa kaniya ang impormasyon ng mundo namin. Ang mundo ng Theotha, ang mundong ito ay ginawa ng titanong si Cronus. Kaya naman halatang-halata ang hindi pagpaka pantay-pantay nang mga anak dyos at titano dito.
Nang pumunta si Apollo at Artemis dito ay nakipagsundo siya kay Cronus na hatian ang mundo ng Theotha. Ang mundo kung saan ang mga kakaiba ay nababagay. Ngunit bumuo si Cronus nang tatlong pangkat. Ang unang pangkat kung saan walang halong dugo o titano ang naninirahan, sadyang mga mortal lang na nagtungo sa daigdig na ito. Sila ang mga alipin ng Theotha. Ang pangalawang pangkat ang may mga dugong dyos. Ang higit sa lahat ang pangatlong pangkat, kung saan nakatira ang mga taong may dugong titano.
"Sa tingin ko ay mas lalong hindi pa nagpantay-pantay ang mundong ito, dahil sa pagkawala ni Zeus." Tumango na lang ako, habang iniisip ko ang mga kalahi kong mga deity ay ako'y nalulungkot. Dahil sa kapabayaan ni Zeus naging alipin ang iningatan niyang mga anak ng dyos.
"Shit! Anong oras na ba? Baka late na ako sa opening!" Napatingin ako sa kaniya nang makita kong magsimula na siyang ma taranta. Tumingin ako sa kaulapan at saka doon inoobserbahan kung anong oras na. Dito sa mundo namin ay walang orasan, hindi uso rito ang mga teknolohiya. Tinitingnan namin ang oras sa pamamagitan nang ibon. Nanlaki ang mata ko nang makita ang kulay rosas na ibon, ibig sabihin ay malapit ng mag tanghali! Napasarap ang aking pamamasyal! Ako'y mahuhuli na para sa pagbubukas!
"Tayo'y humayo na!" Kahit ako ay nagsimula nang mataranta, lalo na't naiisip ko ang pagmumukha nang aking kambal. Dali-dali kaming tumakbo papunta sa akademya. Napasimangot ako nang makita na ang isang sphrinx, siya na naman! Ang sphrinx na sinakyan ko kahapon, ang sphrinx na may kulay pulang mata.
"Kokino." Napatingin ako sa babaeng kasama ko nang may sabihin siya. Nakita ko ang paglipat ng tingin nang sphrinx sa kaniya, ang kaninang mabagsik na tingin na sphrinx ay biglang umamo. Tila naging tuta ito na sabik na sabik sa kaniyang amo. Ibig sabihin ba ay pangalan nang sphrinx na ito ang binaggit niya kanina.
"Sumakay na tayo, ayaw kong mahuli." Hindi na ako nakapagsalita nang bigla niya akong hinigit. Pangalawang beses ko nang nakakasakay sa sphrinx, sana ay hindi malaman ito ng mga isxyro malamang ay magagalit sila. Akala naman nila pagaari nila lahat.
"Paano mo nalaman ang pangalan niya?" Tanong ko habang manghang nakatingin sa kaniya na hinihimas-himas ang ulo ng sphrinx. Naging maamo talaga sa kaniya! Kung 'nung nakaraan ay mapang asar ang sphrinx na ito at asal pusa ay ngayon umaasal aso sa lambing. "Hindi mo ba alam? Si Kokino ay alaga ni Night, ang kapatid mo." Natahimik ako sa sinabi niya dahil hindi ko talaga alam. Paano namang nagkaroon ng ganitong alaga si Night? At paanong kilala niya si Night? Ngayon ko lang siya nakita sa aking buong buhay. Narinig kong umatungol si Kokino, parang naiinis dahil hindi ko siya kilala. Aba! Wala talaga akong alam.
"Nga pala, I'm Snow Winteros Frìo." Tinaguhan ko na lang siya at sinabi ang pangalan ko. Pamilyar ang apelido niyang Frìo, parang may nagpakilala 'rin sa akin na ganoon ang apelido. Hindi ko lamang maalala kung saan.
"Nagsisimula na yata sila!" Tarantang wika ni Snow nang makababa kami kay Kokino, naririnig namin na nagiingay na ang mga tao. Umiling lang ako sa kaniya dahil mukhang magsisimula pa lang. Agad kong tinuro sa kaniya ang pila para sa mga papasok dito sa akademya. Mukhang sobrang rami nang gusto makapasok sa akademya, sa tingin ko ay nasa ilang daan ang nakapila.
Agad akong pumasok sa loob nang makita kong nagbubukas na ang isa pang gate. Nakita ko naman ang mga isxyro na nakapuwesto na sa taas. Kitang-kita ko ang iritadong mukha ni Night at mukhang hinahanap ako ng mga mata niya. Nang makita niya ako ay sinenyasan niya ako na pumunta 'rin sa taas kesa makigulo sa ibang studyante.
"Simpleng oras lang hindi pa magawang sundin." Sinimangutan ko lang si Night at tumabi na sa kaniya. Sa totoo lang ay dapat labing dalawa lang silang mga isxyro na nakaupo, kaso ay gusto ni Night na kasama ako. Hindi 'rin naman naging problema sa ibang isxyro dahil naging malapit 'rin ako sa kanila, pwera na lang kay Mori na pinaparamdam sa akin na hindi ako nababagay sa kanila. At si Streo na masama ang tingin sa akin, dahil sa nagawa ko sa kaniya kahapon.
"Tsk, nakalimutan mong mag uniform." Napatingin ako sa kasuotan ko, nakalimutan ko nga sa sobrang pagmamadali! Naka suot pa ako nang t-shirt at maong. Siguro naman ay hindi ako mapupuna dito, hindi pa naman simula ng klase.
Kagaya nang nakita ko kanina halos nasa ilang daan ang gustong makapasok rito, 'yung iba ay nakita kong hindi mga taga Theotha. Napatigil ako nang makita ang isang malaking dragon. Nakita kong kalmado ang itsura ng dragon, parang alam na alam niya ang gagawin niya. Sa ulo ng dragon ay merong limang korono. Sampu naman ang nakalagay sa daliri ng dragon, nagmistula itong singsing sa daliri ng dragon. Ang dalawa ay matatagpuan sa kaniyang buntot. At ang dalawa pang natitira matatagpuan sa dalawang matulis na sa ngipin niya, nakaipit iyon sa dalawang pangil ng dragon.
"Hindi ba sobra na ito?!" Narinig ko ang mga sigaw nila nang makita ang dragon. Ang iba ay nakita kong nagsitakbuhan na paalis dahil sa takot. "Sobra? Kung titingnan ay mas maayos pa ang ideya na ito, kesa sa ideya noon ni Clock." Napatalon ako sa gulat nang makitang nasa tabi ko na si Streo, nakangisi ito habang nakatitig sa reaksyon ko. Hindi ko na lang siya pinansin pero walang tigil ang bunganga siya sa pagkukuwento.
Ayon sa kaniya 'nung nakaraang limangpung taon 'daw ay ang dating myembro nang isxyro na si Clock ay bumuo nang isang ideya. Kaya 'daw noon ay walang nakapasok na deity sa akademya dahil kay Clock. Ang pinakagawa 'daw kasi ni Clock noon ay pinalusong niya sa tubig lahat ng nais makapasok sa akademya. "At saka kailangan nilang labanan ang Kraken." Kung hindi ako nagkakamali, ang Kraken ay isang malaking pugita na may nakakalason na galamay. Kakaiba ang itsura niya sa normal na pugita, sabi-sabi ay nakakatakot 'daw ito.
"Night, bakit hindi ko alam ang tungkol kay Kokino?" Nakasimangot kong tanong nang maalala ko ang tungol sa sphrinx na 'yon. Nakita ko ang pagdaan sa gulat ni Night, nakita kong gusto niyang magtanong pero mukhang may napagtanto siya kaya nanatiling tikom ang bibig niya.
"Hindi mo kailangan malaman." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Minsan nakakainis ang paguugali niya! Sa isang minuto ay isa siyang mabait na kapatid, at sa pagkalipas ng isang minuto ay parang hindi kami magkapatid! "Kailan mo siya naging alaga?" Hindi ako nagpatalo sa kaniya at tuloy-tuloy pa'rin ako sa pagtatanong kahit hindi naman siya nasagot.
"I own Kokino since you saw him. Do you remember? You're the one who saw him, you're the one who declare na tayo ang magpapalaki sa kaniya.
But you choose to forget everything."
_______________•-•_______________
Sprinx:
Maybe, others known that Sprinx is one of the monster in Greek Mythology. In this story, I describe Sprinx as a lion that have wings and so on. There's another version of Greek stuffs, that Sprinx describe as a lion who have head of woman. So, if ever na may magsabi na mali ako, masasabi ko lang na there's a lot version of stories in Greek mythology.
And some facts about Sprinx: Sprinx is the animal of Hera, siya ang nagbibigay bugtong, and once na mahulaan mo magpapakamatay siya.
Anyways, don't forget to vote or comment! I will really appreciate that.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro