Chapter 21
"Sa ating buhay ay nagkaroon tayo ng mga bayani, katulad ni Archilles at Heracles. Kayo mga deity sino ang tinuturing niyong bayani?"
"Mukha ba tayong mga bata?" Mahinang bulong ni Snow na kinatawa ko. Kadalasan ay ganito ang pinapagawa sa amin ni Miss Neri, siya ang tinatawag na academic teacher dito. Siya ang nagtuturo ng pang mortal na aralin katulad ng matematika, minsan ay ingles, at mytolohiya kung saan pinapaliwanag sa amin ang kasaysayan ng aming mga tinawag na ninuno.
"Ilalagay ko na lang si Cooler." Napangiti ako nang makitang inasar na ng dalawang magkapatid si Rose. Sa tingin ko ay meron talaga silang dalawang tinatagong ugnayan. "Si Tan ang ilalagay ko." Nakangising wika ni Snow, at ang nilagay ni Freeze ay ako na hindi ko maintindihan. "Niligtas mo ako sa binggit ng kadiliman." Sagot niya nang akin siyang tanungin, ngumiti na lamang ako at iniisip ang dalawang tao na aking taga pagligtas.
"Anak, kain na!" Napangiti ako nang makita si ina na nasa hapag kasama si ama at si Night. Umiwas ako ng tingin nang makita ang pagtingin sa akin ni Night, hindi ko pa'rin makalimutan ang nangyari kahapon. Dapat ay iwaksi ko na iyon sa aking isipan. "Kumain ka ng marami. Tigilan mo ang pag-iwas mo walang magagawa 'yan." Ngumuso ako nang makitang tinambakan ako ni Night ng mga pagkain.
"Ano 'yan? Bakit kailangan holding hands?!" Napailing na lamang ako nang makita si ina, si ina na puro malisya na ngayon ang laman ng utak! Sabay kaming umakyat ni Night sa kaniyang silid, nais namin magkwentuhan sa mga nangyari sa aming buhay. Siguro kaya't kami ganito ay dahil hindi na namin kilala ang isa't-isa.
"Na saiyo pa pala ang mga litrato na ito!" Magiliw kong wika habang binubuklat ang album namin, napangiti ako nang makitang naka ngiti kaming dalawa ni Night sa litrato habang pisil ang psinge ng isa't-isa. Uso pa noon ang tinatawag na polaroid, iyon ang aming mga litrato noon. "That picture, iyan ang araw na nagnakaw tayo sa bangko." Napahinto ako sa pagtingin sa litrato namin na may kasamang pulis! Ang akala ko ay kaibigan ni ina ang pulis na ito.
"I use to rob a bank before, dahil makulit ka nakisali ka." Hindi ko na maalala ang iba niyang sinabi, siguro dahil sa isa iyon sa nawala kong memorya noong bata ako. Nakkatuwa lang 'rin na makita si Night na paunti-unting kinukuwento ang aming kabataan, na mas lalong nagpakilala sa akin kung sino ba talaga siya.
"Tangna iyan! Ang reyna ng aming gang." Napangisi ako nang makita ang litrato namin ni Night kasama si Freeze, Rich, Yael, at Streo. Nakasuot pa ako ng korona na gawa sa bulaklak. Siguro'y sobrang lapit ko talaga sa kanila noon, sana'y naalala ko dahil ngayon ay tila unaarte kaming mga hindi kami naging parte ng buhay ng isa't-isa. "We used to call us F4 and you are my—our sunshine." Napangiti ako sa sinabi niya at tinago ang larawan na ito, gusto ko itong maalala.
"Ang tagal na simula ng makita ko siya, kahit ang litrato naming dalawa." Nakangiti kong wika nang pagbuklat ko ay nakita ko ang litrato naming dalawa ni Night kasama siya. Nakangiti kami pare-parehas habang magkakadikit ang mga mukha. Ito ang memorya na kahit ilang beses nilang burahin ay hindi maalis, ito ang kaarawan niya.
"Kayong dalawa ang aking taga paglistas."
"Kayong dalawa ni ate Bella."
Ang aking kapatid.
__•*•__
Nagising ako sa isa madilim na lugar. Walang emosyon na pinagmasdan ang paligid, nasa isang kagubatan ako. Isang madilim na gubat.
Mariin akong napapikitang nang maramdaman ang sunod-sunod na pagkidlat. Nasaan ako? Nang mas lalong lumakas ang kidlat ay napaluhod ako. Ayaw ko ng ganito!
"S-sino ka?" Napatigil ako nang makita ang isang bata sa aking tabi. Nangilabot ako nang makita ko ang kaniyang mukha. Ang mga ito ay ang aking mukha. Hindi ako maaring magkamli, iyan ang aking mukha noong ako'y bata pa.
May tuyong mga luha sa mata niya. Nang muling kumidlat parehas kaming napasinghap. Pareho kaming natatakot sa kidlat.
"Anong ginagawa mo dito?" Mahina niyang tanong. Pinagmamasdan ko lang siya, ang kanyang asul na mata, buhok, at kaniyang maamong mukha. Umupo na lamang ako sa malapit na puno, ito ang nagsisilbing bubong ko para hindi mabasa ng ulan.
"Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan." Seryoso kong sagot. Tiningnan ko lang siyang umupo sa aking tabi. Mukhang sampung taong gulang na siya. Base 'rin sa pananamit niya mukhang matagal na siya dito. Kaya't anong ginagawa ng batang ito sa kagubatan? Kaparehas na tanong kung bakit ako narito?
"Matagal na ako dito. Sa totoo lang isa akong parte ng memorya ng isang tao. Marami kami dito, pero 'di kalaunan ay nawala sila. Siguro ay dahil naalala na sila." Tama ba ang aking pagkakarinig? Sinabi ba niya na isa siyang parte ng memorya?
"Hindi ko na tatanungin kung ba't nandito ka. Isa lang ang sagot kung bakit. Dahil ikaw ay ako." Marahas kong tinaggal ang kaniyang pagkakahawak. Masama ang tingin ang ginawad ko sa kaniya, nakakilabot makarinig ng ganoong salita sa isang paslit, hindi ko kakayanin makinig pa. Ayaw kong maniwala.
"Ngayon'y hindi ka naniniwala, ito ang iyong kagustuhan ang bumalik ako saiyo."Ano ba ang kaniyang ibig sabihin?
"Ako at ikaw iisa tayo. Ako ang sampung taong gulang na ikaw. Ilang taon na akong nandito, hindi tumatanda. Dahil ang sampung taong ikaw lang ang nawawala sa memorya mo."
"Kailangan mo akong tanggapin Light. Naniniwala ako sa oras na paggising mo, ika'y babalik ulit sa mundong ito."
"Anong mundo ang iyong sinasabi?"
"The world, where forgotten world exist."
__•*•__
"Ayos ka lang ba? Light, kanina ka pa nakapikit, gusto mo ba'y umuwi na tayo?"
Napamulat ang aking mata nang marinig ang tawa ni ina. Nagising na lamang ako sa realidad na narito na ako sa isang kasayahan nakaupo katabi sila ina. Kung ganoon ay isang panaginip lamang ang aking nasaksihan kanina? Ngunit, sobrang totoo ng mga kaganapan. Tiyak ako na ang batang iyon ay ilang beses ko ng nakita sa aking panaginip.
"Tungkol saan ba ang patimpalak ina?" Nakangiti kong pagtatanong upang maiwasan ang kanilang pagtatanong kung bakit ako tulala. "Tungkol sa mga mananayaw!" Napawi ang ngiti ko nang marinig iyon. Tuwing hunyo ay araw ng patimpalak, kung saan may mga mananayaw sa iba't-ibang lugar ang pumupunta sa Theothas. Naalala ko na mahilig 'ring sumayaw at laging nanalo sa patimpalak na iyon si Ate.
Lahat ay nakasuot ng makukulay na damit na mukhang sa mga ibon ni Circe nakuha. Makukulay ang kanilang damit, ka'y ganda! May mga makukulay 'rin na ilaw na nakalat sa kalangitan, nagpapahiwatak na magsisimula na ang kasayahan. Namatay ang ilaw at lahat ng mananayaw ay lumabas. Tila mga balerina sa bilis ng kilos.
"Tangna, nasa mananayaw ang forever!" Napailing na lamang ako nang makitang kasama na naman namin si Rich. Tuwang-tuwa silang dalawa ni Night habang pipanood ang mga babaeng gumiling. "Para sa kahiliggan ng espesyal na manlalahok. Richie Hermosine Salteádor!" Napatigil kaming tatlo nang marinig ang pangalan ni Rich. "P-putangna, wala akong alam."Hindi niya makapaniwala na sabi. Nawalan ng pag-asa si Rich nang si Night na mismo ang nagtulak sa kaniya sa harap, nagsigawan naman ang mga deity, mukhang maraming humahanga sa pasaway na iyon.
"Totoo ba, Jonas?! Na may iba ka ng mahal?!" Lahat ay napatigil nang marinig ang sinabi sa mikropono ni Rich. "Ayaw ko! Ayaw kong madinig!" Napanganga na lamang ako nang makitang naglulumpasay na siya sa semento habang takip ang kaniyang tenga. "Oh my mind, oh my body, oh my body, oh my mind!" Tumugtog na ang musika at todo hataw naman siya sa entablado. Akala ko'y hindi siya handa? "Tangna. Hindi ko 'yan kilala!" Malakas na sigaw ni Night nang matapos ang pagsasayaw ng kaibigan. Parehas silang wala na sa katinuhan, magkaibigan nga.
"Para sa ating manlalahok! Ang dating tinalang kamyon noon!"
Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito, lumabas ang isang babae na may mahabang tsokolateng buhok, nakangiti ito habang kunakaway sa entablado. Ka'y tagal na'rin, mukhang nagbago na talaga siya, ngunit hindi pa'rin magbabago na siya'y tatawagin kong "swthras."
"Welcome back, ate Klinebell Blue."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro