Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2



"Hindi mo 'man lang ba itatanong kung anong nangyari sa akin kahapon?"

Nakasimangot kong tanong habang pinapanood si Night sa paglakad. Hindi 'man lang ba siya nag aalala sa kakambal niya? Nakakapanibago! Dati rati ay nagwawala na agad siya kapag hindi ako nakikita. Ngayon ay daig pa niya yelo sa kalamigan. Aking inaasahan pa naman ay uuwi ako sa bahay, pagkatapos ay makikita ko siyang magwawala at hihingi sa akin ng tawad dahil sa hindi niya pagsundo sa akin.

"Why will I do that? Jowa ba kita?"Nababato niyang tanong, ibig sabihin ba ay malaya na ako? Na pwede ko ng gawin ang kagustuhan ko na wala siya! Sa wakas! Tumalab 'rin ang pangkukulam ko kay Night.

"Kung gayon ay maari na akong magkaroon ng kasintahan."Nakangisi kong tugon. Dapat siguro ay maghanap na 'rin talaga ako. Sa susunod na taon ay mag lalabing walong taon na ako. Nakita kong dumilim ang ekpresyon niya at madiin na sumagot ng hindi. Ayan na naman siya! Gumagana na naman ang pagka Kuya niya. Samantalang, kambal kami!

"Nagaalala ako, Light. Kung iyan ang sagot na hinahanap mo. Nakakalimutan mo yata ako ang nagligtas sayo kahapon."Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Hindi naman siya ang nag ligtas sa akin, pero siya ang nakakita sa akin. Ang lalaking may gintong mga mata ay iniwan ako basta-basta! 'Ni hindi ko 'man lang natanong ang kaniyang ngalan. Ngunit naalala ko ang sinabi niya. Ang sinabi niya ay kalimutan ko 'daw kung sino siya dahil hindi pa 'daw nakatakda na kami'y magkita. Kakaibang nilalang talaga siya.

"Tsk, matigas 'rin ang ulo mo. Bukas pa ang pasukan nangunanguna ka na 'don."Napasinghap ako sa sinabi niya. Nagpaalam kaya ako! Sinabi ko na gusto kong puntahan ang Garden of Deity! Sa totoo lang siya ang dapat kong sinisi, kung sana ay tumupad siya sa usapan ay 'di sana walang gano'n na nangyari sa akin. Magpasalamat siya at marunong manggamot ang lalaking nagligtas sa akin. Nagising ako na wala ng kirot ang aking katawan. At sa tingin ko ay ang paghalik niya ang dahilan kung bakit ako gumaling.

"Wag mong kalimutan. Tayo ang magaayos para sa opening bukas."Masama ko siyang tinginan pero sa huli ay napapayag 'rin niya ako. Ano bang gagawin ko doon? Bwisit! Napahinto ako nang may mapagtanto ako. Ang lalaking may kakaibang mata, siya ang una kong halik!

__•*•__

Kinabuksan ay maaga pa sa tilahok ng manok nang ako'y magising. Tinutulungan ko sa paghanda si ina sa pagluluto. Nagkaroon kami ng konting kwentuhan at asaran, at saka lumabas na ako para magpaaraw. Ang bahay namin ay malayo sa tao, para kaming nakatira sa isang subdibisyon kung saan kami lang ang nanirahan. Halos magiisang oras akong naglakad upang makapunta sa bayan. Kagaya ng inaasahan ay masasama ang tingin sa akin ng lahat.

Apo ako ng isang dyos. At ang lugar na ito ay para lamang sa mga anak ng mga sinaunang dyos, o ang tinatawag na titano. Hindi talaga kailan 'man ako nababagay rito. Ngunit nakakapagtaka 'rin, dahil masasamang tingin lang ang ginagawad nila sa akin, kailan 'man ay hindi nila ako sinasaktan.

"Nandito ka na naman, Korh ths omorfias."Ngumiti lang ako nang makita ang isa sa mga kaklase ko 'nung nakaraang taon. Siya si Cherrise Silver Furìa, hindi ko alam kung kanino siya nagmula. Pero ang sabi-sabi ay nagmula siya sa angkan ni Erebus. "Korh ths omorfias."Paguulit niya dahilan para umiling lang ako. Hindi kami ganito kalapit, pero iyon ang tinatawag niya sa akin sa tuwing nagkakasalubong kami. Korh ths omorfias o sa ingles ay Daughter of Beauty.

"Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa gintong tali?"Napatigil ako nang tanungin niya sa akin 'yon. Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa ginintuang tali. Sa alam ko lamanag ay ang pulang tali, pulang tali kung saan ang dalawang tao na pinagbuklod ni Eros. "Kakaunti lamang ang nakakaalam kung ano ang gintong tali, pero espesyal ka kapag mayroon ka noon."

"Dalawang tao lamang ang meron ng gintong tali. Sila ang taong tinadhana ng dyos at mga titano."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi nga magkasundo ang mga dyos at mga titano, paano pa kaya na gumawa sila ng dalawang tinakda. At isa pa, paano niya nalaman ang tungkol doon?  "Siguro ngayon ay tumataas na ang kuryusidad mo? Kung sino ang dalawangi taong tinutukoy ko?"Umiling lang ako dahil hindi 'rin naman talaga ako interesado. Para sa akin ay walang kabuluhan ang kaniyang sinasabi, lalo na't ngayon ko lang narinig ang mga ganoong bagay. "Masasabi ko na lang na kilala mo ang dalawang taong 'to."

Sa huli ay iniwan niya akong nakaupo sa gilid. Kung kanina ay wala akong pakeelam pero ngayon parang kating-kati akong tanungin kung sino sila, lalo na't sinabi na aking kilala. Noon pa 'man talaga ay si Silver na ang tinatawag nilang weirdo, kaya hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano! Mabuti pa ay i-aalis ko na muna sa aking isipan iyon. Mabuti na't dumeretso na ako sa paaralan, doon na lang kami magkikita ni Night.

Halos isang oras akong naglalakad patungong paaralan. Nawala lamang ang aking pagod nang makita ang malaking karatula na nagsasabi na nakarating na ako. Isang malaking karantula na ang nakalagay sa taas ng gate, merong nakaukit dito na mga salitang Ακαδημία Θεότηταςqq o tinatawag na Akadhmia theothtas. Nakaukit ito sa gintong marmol, kung sa mundo ng mga mortal ay mukhang pang mayaman ang ekwelahan na ito. Pero dito sa mundo ng Theothta, natural lang ang mga ganitong disenyo ng paaralan.

Malayo ulit ang aking lalakarin para makatungo naman sa eksatong ekswelahan. Garahe pa lang 'yung kanina, ilang lakad pa bago makarating sa mismong paaralan. Nilalayo kasi ng mga deity dito ang paaralan sa mata ng mga tao. Napangiti ako nang makita ang nagiisang Sphinx na maari kong sakyan. Kitang-kita ko ang mukha nito na tinatanong kung sasakay ba ako. Ang sphinx ay kalahating leon at tao, idamay na 'rin na'tin na kalahati silang ibon dahil sa pakpak nila. Naaliw ako sa itsura nila. Daig 'rin nila ang nakapag siyampu ng tatlong beses sa isang araw, dahil sa magandang diretso nilang buhok.

Kung titingnan ay mukha silang tikbalang. Naalala ko pa 'nung bumisita kami sa probinsya noon sa mundo ng nga mortal. Sa mundo ng aking tinatawag na lola. Siya ang nagpakilala sa akin ng mga iba't-ibang nilalang, katulad ng tikbalang. Sa mundo ng mga mortal ang tikbalang ay kalahating kabayo at tao. Sa Sphrinx naman ay ang mukha nila ay leon, ang kalahati ng katawan ay tao, at ang isa pang kalahati ay parang kabayo. Naaliw talaga ako kapag nakikita ko sila.

"Grrrr!"Isa sa katangian ng Sphrinx, ang pagiging matapang at mainipin. Pagdating sa ugali ay ang pagka leon nila ang nangingibabaw.Ngumuso lang ako dahil kahit na gustong-gusto kong sumakay ay hindi maari. Para sa mga isxyro lang ang mga sphrinx. Mararamot sila!

"Baka naman ay bigyan mo pa ako ng bugtong."Nakita ko ang inis sa kaniyang mata na tila sinasabi na hindi siya ganoong sphrinx.

"Bago pa siya magalit ay sumakay ka na."Napatigil ako sa pagiisip nang makita ang isang lalaki. Nakatitig lang ako sa kaniya dahil kakaiba siya, nakasuot siya ng pang prinsipeng damit, at tiyak ko hindi siya taga rito. Napatingin ako sa mukha niya, masasabi ko lang ay gwapo siya. Maputi ang balat tila hindi naarawan. Pagkatapos ay perpekto ang hugis ng ilong, perpektong panga, mapupulang mga labi, mahahabang pilik mata. Tiyak ako, galing siya sa marangyang pamumuhay. Pero, ang pinaka nakaakit sa kaniya, ay ang kaniyang puting buhok. Isa na namang kakaibang nilalang. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng puting buhok.

"Tapos ka na bang purihin ako?"Napatigil muli ako sa sinabi niya. Narinig ko na lang ang mahihinang pagtawa ng sphrinx na parang sinasabi na mukhang tanga ako kanina. Nasobrahan yata ang aking pagtitig! Mabuti na lang at hindi ako sa mata niya tumitig, nakaakit 'man ang tsokolate niyang mga mata ay hindi pa'rin maari, mababasa ko lamang ang sekreto niya.


"Tara na, ayaw kong naghihintay."Napatingin ako sa kaniya nang akala ko'y naiinis na siya, pero nakangiti pa'rin siya. Palangiti ang isang ito. Sumakay na lang 'rin ako nang yayain niya akong sumakay, malamang ay huli na ako kailangan ko ng magmadali. Umangkas ako sa likuran niya habang siya ay nasa aking unahan.


"Wag kang mahiya, maari mo akong yakapin."Kagaya ng sinabi niya ay niyakap ko siya, nakita ko naman ang paninigas niya. Magulo ang isang ito, kanina lamang ay sabihin niyang yakapin ko siya, ngayon naman ay ramdam na ramdam ko ang pagkailang niya.

"Fuck."

Napailing na lang ako nang marinig ang mga mura niya. Gustuhin ko 'man bumitaw sa pagkayakap sa kaniya ay hindi ko 'rin magagawa, takot akong mahulog! Lalo na't mukhang sinadya ng Sphrinx na ito na asarin ako, dahil bigla siyang lilipad at saka baba.

"Mukhang hindi ka namang taga dito."Mahigpit ang Theothta sa pagpapasok ng kung sino-sino sa mundong ito. Lalo na't sekreto ang mundong ito, sekretong dimensyon na ilan lamang ang nakakaalam. Matatanggap ko sana kung sa iba siyang pangkat pumunta, kaso ay dito sa pangkat ng mga Titano. Ang pangkat na ito ay hindi nagpapasok ng tulad niyang walang dugong titano.

"Ako'y taga ibang dimensyon. At mukha ka 'rin namang hindi sa pangkat na ito."Napanguso ako dahil totoo ang sinabi niya. Hindi naman talaga ako sa taga rito sa pangkat na ito, pero nagtataka ako kung bakit dito kami nakatira. Dapat ay sa pangalawang pangkat kami nababahagi, ang pangkat kung saan nakatira ang mga kalahating dyos.

"Ano namang pakay mo dito?"Pag-uusisa ko dahil madalang lang ang katulad niya dito. "Balak kong mag aral dito."Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. Kakaiba ang gusto niya, sa pagkaalam ko hindi naman tumatanggap dito ng walang dugong titano. Pero kung iisipin, kami nga ni Night ay nakapasok rito siya pa kaya.

"Anong nga palang pangalan mo?"Napangiti ako nang tanungin niya ako. Agad naman akong tumugon at sinabi ang aking ngalan na Light Sapphire, siya naman ay tinanong ko 'rin kung anong pangalan niya.

"Freeze Waylon Frìo."

_______________•-•_______________

Dedication:

This story is dedicated to my two favorite reader Che and Janest! They become my supporter since start, they my number one fan that stay beside me until now. They become my great friend for 3 years. And I'm still glad, na dahil sa story na 'to kung bakit naging magkakaibigan kami!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro