Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19




"Gising na!"

Namulat ang mata ko nang maramdaman ang pagtapik ng kung sino sa aking mukha. Nanlaki na lamang ang aking mata nang makita ang isang sanggol na tumatawa habang nakatingin sa akin. Siya ang sanggol na kanina ko pa naririnig.  Inikot ko ang aking mata at nakita ang mga bungo sa aking tabi. Tila mg bungo ng mga sanggol!

"Wag ingay!"Pilit niya muling pagsasalita habang pinapalo ang ulo niya. Agad na akong napaatras nang makita ang kabuohan niya. I-isang halimaw! Ang sanggol ay merong mga sawa sa ulo na tila galit na galit na nakatingin sa akin, nakasunod naman sa sanggol ang palaka na aking nakita kanina. Meron 'rin siyang buntot na pang serena at kakaibang kulay berdeng mata. Kung ganoon ay sumpa nga iyon ni Artemis, katulad ng sumpa noon sa mitolohiya kay Medusa.

"Ikaw si Odessa?" Nakita ko ang pagangat niya ng tingin sa akin, pagkatapos ay pumalakpak tila sinasabing tama ako. Nakita ko 'rin na kumalma na ang mga ahas niy sa ulo. "Gusto ko Osa!" Napatawa ako sa sinabi niya, iyon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya, Osa.


"Ilang taon ka na?"Pagtatanong ko. Hindi ko mawari kung ilang taon na siya, mukha pa'rin siyang sanggol ngunit ang pagsasalita niya ay medjo tuwid na. "Hindi ko alam. Sabi ni Adelfh Temis ay labing anim na taong gulang na ako." Magiliw niyang sabi habang sunod-sunod ang pagnguya. Kagaya ng mga ibang paslit ay nagtuloy-tuloy na sa pagkuwento si Osa. Nalaman ko na inalagaan siya ng dyosang Artemis. Siguro ay huli na 'rin ng malaman ng dyosa ang totoo kaya't dahil sa pagsisi niya ay inalagaan niya ang paslit na kaniyang sinumpa. 

"Ang mga nanay ko pala." Pagpapakilala niya sa mga sawa sa ulo niya, napangiti ako dahil tama ang napansin ko. Ang mga ahas ang nagaalalaga kay Osa, ito ang nagsibilbing nanay ng bata. Siguro nang mga panahon na hindi pa inaalagaan ng dyosa ang paslit. Naalala ko si Lola Odea, sinabi niyang hindi niya pinatay si Osa. Tinago niya ito at iniwan sa gubat na ito upang protektahan.

"Gusto kita mama. Parehas tayong ganda!" Napangiti ako nang sabihin iyon ni Osa. "Anak, kain pa." Pakikisakay ko sa kaniya at binigay ang mga tsokolateng binabaon sa akin ng reynang Cola. "Mama! Tagal ko na gusto ng mama. At, sa tingin ko ikaw ang sinasabi ni Adelfh Temis na ina ko!" Magiliw nitong wika, nagulat na lang ako nang nakayakap na siya sa akin. Tila tuwang-tuwa na umupo sa kandungan ko, tumawa na lang ako at binigay pa sa kaniya ang mga dala kong pagkain.



"Si Fory pala ang kaibigan kong—"Napatigil siya nang makitang walang Fory sa tabi niya. Ngumuso na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko alam, ngunit sa pakiramdam ko delikado ang paslit na ito. "Kilala mo ba ang totoo mong ina?" Pagtatanong ko, nakita ko na tumigil sa pagkain ang paslit. Masama ang ginawad niya sa aking tingin tila ayaw niyang marinig. "Iniwan niya ako." Madiin nitong wika, agad naman akong napailing naalala ko palang ang mukha ni Lola ay tiyak hindi niya sinadya iyon.

"Hindi ka niya iniwan. Napilitan
lang—"Napatigil ako nang makita ang berde niyng mata ay unti-unting naging pula. "Hindi! Sabi nila ay iniwan niya ako! Papatayin niya ako!" Wika niya at agad gumapang patungo sa isang sapa at lumangoy palayo. Napatingin ako sa aking likod nang makaramdam ng malamig na enerhiya, mga kaluluwa. Nakakita ba ang batang iyon ng kaluluwa?

"Wag mo akong iwan mama ah."Kahit anong sabihan niya nakikita kong nagungulila talaga siya sa pagmamahal ng isang ina. "Pangako!"


___•*•___

"Light!"

Sandaling nabulagbog ang aking pag-iisip nang marinig ang aking pangalan. Sandali, si Freeze iyon! Paanong narito siya? Tatakbo sana ako papaalis nang maramdaman ko ang kamay ng Osa na nakahawak sa aking damit. "Wag ka alis! Ikaw na lang mama ko!" Pagiyak nito dahilan para lumambot ang puso ko. Agad kong hinawakan ang si Osa sa kamay at umiling.

"Lumayo ka sa kaniya!" Napatigil ako nang makita si Freeze malamig ang tingin nito kay Osa. Nakita kong nagsitayuan ang mga ahas ni Osa sa ulo tila may nararamdamang panganib.
"Ayaw! Mamatay ka bago mo makuha si mama!"Nanlaki ang aking mata nang makitang maging pula muli ang mata niya. May naglalabasan ng kung ano sa mga bungong nakatambak sa lupa, mayroon 'ring usok sa paligid. Mga kaluluwa iyon hindi ako maaring magkamali. Kung ganoon ay tinatawag ni Osa ang mga kaluluwa.

"Osa, ika'y kumalma! Hindi siya kalaban, kaibigan ko siya."Nakangiti kong wika kay Osa, ngunit ayaw talaga niyang kumalma. Kailangan munang kumalma ng mga ahas niya bago mismo si Osa, hangga't nakakaamoy ng panganib ang mga ahas ay hindi kakalma ang mga ito ganoon 'rin ang paslit.

"Akin na si Light! Hindi siya sayo paslit." Kita ko ang galit sa mukha ni Freeze nang hawakan ako ng mahigpit ni Osa. Nakahanda na ang kaniyang spada tila handa na siyang umatake. Inisa-isa niyang paslangin ang mga kaluluwa na tila nabuhay bilang mga tao, pagkasaksak niya sa mga ito ay tila nagiging abo muli sila.

"Damn, lagi ka na lang napapahamak." Narinig ko ang mahinang pagtawa sa tenga ko ni Night. Anong ginagawa niya? Paano siya napunta sa likod ko? "Bitawan mo siya tyanak!" Irita niyang wika at saka tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni Osa. Nakatakbo ako nang mabitawan ako ni Osa, agad akong nagtago sa isang malaking puno. Hindi ko sila maaring iwan! Ngunit, wala naman akong pwedeng ipanglaban kay Osa. Hindi ko 'rin kayang saktan ang paslit, hindi ko kaya.

"Putangna! Ano ba 'to? Bakit ang raming multo?" Inis na wika ni Night at nakitulong na'rin kay Freeze na makipaglaban. Sa gilid ko ay nakita ko ang isang gintong dahon, ito na ang dahon ng hermoso! Agad kong pinitas ang dalawa at tinago sa aking bulsa.

"Ikaw na Freeze, ako na sa dito!"Sigaw  ni Night. Agad na kumilos si Freeze at tumakbo patungo kay Osa, agad niyang pinutol ang nga ahas sa ulo ng bata. "Mama!" Nanlambot ako nang makita ang pagiyak niya, nakita ko ang sakit sa mga mata niya habang nakatingin sa mga pinugutan na ahas ni Freeze.

Lalo lang magagalit si Osa, isang pagkakamali. Saksakin na sana ni Night ang bata ngunit agad akong tumakbo para pigilan siya. "Wag! Kamatayan ang pagpaslang kay Osa!" Ang simbolo ni Osa sa kanilang likod nakaukit ang letrang A. Pagaari siya ni Artemis ang sino 'mang pumaslang sa bata ay may kaparusahan.

"Puta! 'Wag mo akong artehan ngayon." Sigaw ni Night at saka ako tinulak papalayo. "Umalis na lang tayo! Nakuha ko na ang dahon!"Pagpipigil ko naman kay Freeze. Wala ng laban si Osa! Iyak lang siya ng iyak habang nakatingin sa kaniyang mga ahas. "Siya si Odessa, Night." Nakita ko ang pagtigil ni Night na handa na sanang pagkatangkahan patayin si Osa. "Light. Isa siyang sinumpa, kailangan niyang mamatay." Hinawakan ni Freeze ang kamay ko at agad akong umiling.

"Lahat kayo ay mamatay. Sa ngalan ng dyosang Artemis, kayo'y aking papatayin!" Napatigil ako nang makita ang kidlat sa kalangitan tila galit na galit ito. Nakita ko kung paano lumabas ang palaka na pilak sa tabi ng sanggol. Dumura ang palaka at natamaan sa leeg si Freeze.

"Isang Rana, nakakalason ang kaniyang dura. Maaring patay na si Freeze." Seryosong wika ni Night, habang nakatingin sa nakabulagta na katawan ni Freeze. Hindi! Anong mamatay?! Hindi maari! "Ayaw mo? Kailangan na'ting patayin ang paslit na iyan." Seryoso niyang saad. Muling dumura ang palaka at si Night na ang tinamaan nito. "D-damn, wala kang gagawin!" Saad niya habang nakahawak sa kamay ko. Kahit nanghihina pinanood ko si Night na lumalapit sa paslit, hindi niya ito sinaksak hinawakan lamang niya ito sa mukha. "Ikaw pala si Odessa. Salamat dahil sayo ngumiti muli siya."

"Pasensya ka na." Malamig kong wika at saka sinaksak ng punyal ang leeg ni Osa. "Alam mo ang nakakatuwa? Hindi mo 'man lang alam na ako ang papatay sayo." Nakangisi kong wika habang dala-dala ang pinugot na ulo ng bata. "Misyon lang, palabas lang lahat."Mala demonyo kong wika.


__•*•__

"Nakuha mo ba ang sinasabi ko?" Seryosong saad niya at binaba ang librong binabasa. Agad kong pinakita sa kaniya ang ulo ni Osa, ayan ang kaniyang gusto. "Para saan mo ba ito gagamitin?" Inis kong unsad dahil muli nadumihan na naman ang aking kamay. "Collection. Sinabi naman na sayo ng kapatid ko diba." Halata ang bagot niya habang nagsasalita. Alam kong ayaw niya ako ngunit siya ang makakatulong sa akin. Kaya't nang sinabi niyang ang kailangan niya ay ulo ng isang tao na may ahas ay agad kong naisip ang kwento-kwento tungkol sa Maldeción, na magiging kwento-kwento na lang dahil wala na silang makikitang Osa sa gubat.

"Did you not feel guilty after killing this child?" Napayuko ako sa sinabi niya at tumawa ng malakas. Hindi kailan 'man ako nakonsensya, mukha lang akong malambot ngunit matigas ang aking kalooban. "Si Lola Odea? Pinaslang mo ba siya?" Pagtatanong ko, agad siyang tumango. Alam kong ayaw niyang may makaalam nito, hindi makakarating kay Artemis ang ginawa namin kung mapapaslang lahat ng nakasali.

"Hi there! How's being fake?" Napangiwi ako nang makita ang kapatid niya. Narito 'rin pala siya, rumapa siya sa harapan ko at ngumisi. Isa 'rin mapagpanggap. Ang akala ko'y isang kaibigan, isa 'rin palang katulad ko na nagtatago sa mabait na katangian. Kung kaya lang sana akong tulungan ni Fara, ngunit kahit siya ay hindi ako magawang tulungan.

"May kapalit ito." Seryoso kong saad, dahil baka nakakalimutan nila ang kasunduan.

"Sa ganap na ika dalawangpu't isa ng hunyo, sa paglabas ng pulang buwan, sa pagalay ng mangkukulam na si Circe sa nga dyos. Doon mo makukuha ang iyong kagustuhan."

"Oh, wait! You have Odessa's bracelet pala oh!" Inis muli akong humarap sa kanila. Hindi ko talaga mapigilan gilitan ang bibig ang babaeng ito.

"Wala ka ng pakeelam doon, Meri. Hanggang sa susunod Mori." At saiyo 'rin Osa.

"Ikaw mama ko!"Nakangiti niyang wika at isinuot sa akin ang isang porcelas na may nakaukit na Odessa.

"Bigay sa akin ni Adelfh Temis iyan. Hawakan mo lang iyan at protektahan ka ni Adelfh Temis!"

"Salamat at paumahin, Odessa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro