Chapter 13
"Freeze, 'yung pisnge mo dumudugo." Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako sa kanilang dalawa. Tila isang teleserye ang aking pinapanood dahil sa ganda ng mga ganapan. Parang gumunaw ang mundo ko nang makita ang paglapat ng labi Tanya sa mukha ni Freeze. Walang naging reakyon sa Freeze, habang siya ay patuloy sa paghilot ng paa ni Tanya.
"Opps, try to hold your tears. Sasabog na ang bulkan." Mahinang bulong ni Snow habang tinatapik ang likuran ko. Hindi ko namalayan na may lumabas ng mahihinang hikbi sa aking labi.
"Fuck! What the both of you doing?!" Nawala ang atensyon ko sa dalawa nang makita ko si Night na galit na sumugod sa dalawa. Kita ko ang takot sa mata ng lahat at agad nagsilayuan sa dalawa. "Tangna, napaka lampa mo naman! Puta, ang hina ng tulak sayo nagka injurie ka na agad?!" Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng sigaw ni Night. Sa pagkakaalam ko ay siya ang namumuno ng pag eensayo nila. Napasinghap ang lahat nang basta na lang hawakan ni Night ang braso ni Tanya, at walang sabi-sabi itong tinayo. Nakita ko ang pagdaing ni Tanya dahil sa paghigpit ng pagkakahawak sa kaniya ni Night.
"Raming arte ang puta. Pilay 'daw nakatakbo naman." Nakita ko na lang si Tanya na mabilis ang pagtakbo papalayo sa lahat. Pasimple akong napangiti nang makita ang pagtingin sa akin ni Night na nakataas ang kilay. Mapangasar akong tumawa at inutal ang katagang "I love you."
"Ganyan ba talaga kayong magkapatid?" Tanong naman ni Rose habang nakatitig sa akin na nakangiti. Parang kusang nawala 'yung sakit kanina, siguro nga si Night ang Archilles heel ko. "Don't be so chismosa, Rose. It's normal lang naman. They are so sweet." Nginiwian ko lang si Snow nang makitang kinikilig siya. Noon pa 'man alam kong hinuhusgahan kami ng iba, dahil sa sobrang malapit naman ni Night na parang hindi na kapani-paniwala. Ganito talaga ang turingan namin ni Night simula pa 'nung una, siguro dahil kambal kami.
"Seems like you enjoy the drama ah? Balik sa pageensayo! Hindi kayo pinagaral para maki chismis!" Nakasimangot lahat bumalik sa pag eensayo nang dumating si Miss Adicia.
Dumating ang Biyernes, lahat pa'rin kami ay patuloy sa pageensayo. Hindi pwedeng gumamit ng kapangyarihan sa pagsusulit bukas, purong pakikipaglaban lang. Lahat ngayon ay nakipila sa labas dahil nasa loob si Miss at may ginagawa kung ano sa silid-aralan. Lahat na ay nasa klase kami ay nandito sa labas naghihintay. Si Miss Adicia ang magiging guro namin sa buong araw, dahil walang turo ngayon si Miss Neri sa mytholohiya.
"Nagdala ako ng iba't-ibang sandata sa pakikidigma, handog ng magkambal na si Eris at Ares. Handog 'rin ng reyna na si Rhea." Napangiwi ako habang pinakikinggan ang sinasabi ni Miss. Kahapon ay alam ko ng totoong spada ang gagamitin sa pakikipaglaban para bukas. Unang pagsusulit ay talagang marahas na agad.
"Pipiliin kayo ng bawat spada na mapupunta sainyo." Kagaya ng sabi ni Miss, isa-isa niya kaming pinapasok na Black section para pumili ng sandata. Masasabi kong grabe ang sikap ni Miss sa pagsusulit, dahil kahit spada ay siya pa ang magbibigay para manalo kami. Isa-isa 'ring nagsilabasan ang lahat hanggang ako na ang sumunod na papasok.
Namangha ako sa nakita ko sa silid-aralan. Talagang maraming spada ang dinala ni Miss dito pababang Olympus. "Pakiramdaman mo ang spada mo." Tumango ako sa sinabi ni Miss, kaya isa-isa ang hawak ko sa spada. May maliit na punyal, may mahabang spada. Meron 'ring spada na iba't-ibang hugis, kagaya ng spada na hawak ko na may pa zig-zag na hugis ang talim.
Ang isa namang hawak ko ay ka'y ganda, dahil ang kulay ng tulis nito ay nahahaluan ng kulay asul, at kulay pula. Ang iba naman ay may mga disenyo ang hawakan ng spada kagaya ng isa, na may nakapulopot na rosas sa hawakan. Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa akong mapili na spada. Nakita ko naman na masama talaga ang loob ni Miss, dahil nakasama niya ako ng ilang oras.
"Mukhang kailangan ko ngang ibigay sayo 'to." Napatingin ako kay Miss nang may ilabas siya sa bulsa niya, isang maliit na—panulat? Nagtataka ko itong kinuha, kulay ginto ang panulat at nakaukit ang aking pangalan.
"Pinabibigay ng iyong pateras na si Hephaestus." Napangiti ako nang maalala ang aking pateras o lolo na si Hephaestus. Bata pa ako noong huli kong nakausap ang aking pateras, naalala ko noon siya'y nag anyong ibon upang makausap ako. "Light! Anong nakuha mo?" Napangiti ako nang makita ang galak sa mukha ni Snow. Umiling lang ako at sinabing wala akong nakuha. Galak na pinakita sa akin ni Snow ang napili niyang spada.
Isang pulang spada na may nakalagay na hugis puso sa hawakan. Nakalagay ang sa hawakan ang salitang Winteros. "I'm fluttered. Papa remember me." Nakangising wika ni Snow habang yakap-yakap ang spada. Gaya ng nakita ko kanina ay nakuhang spada ni Rose ay ang may nakapulopot na rosas sa hawakan. May nakaukit 'ring salita 'don Aresina.
"This sword is comes from Hypnos?" Napatingin ako kay Freeze habang nakatingin sa spada niya. Nakakamangha ang spada niya, kulay asul na may dekorasyon na asul na apoy sa gilid ng talim. Ang hawakan naman ay kulay itim na may nakalagay na perlas na berde. Sa lahat ng nakakuha, kaming apat lang yata ang nakuha muli sa iba't-ibang dyos.
"Hmm, anong nakuha mo?"Kuryosidad na tanong ni Freeze, iblis sumagot ay nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ko alam, pero naiinis ako sa kaniya! Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina, kung hindi pa sila inawat ni Night ay baka hinalikan na siya ng Tanya na iyon sa labi. Nagulat na lang ako nang bigla akong hatakin ni Freeze sa kung saan. Nakita ko na lang na nag teleport na kami sa rooftop ng akademya.
"I don't know why, pero bakit parang galit ka sa'kin?"Nakatingin ako kay Freeze nang seryoso siyang tumingin sa akin. Masuyo niya akong nilapitan at niyakap patalikod. "Higit na pinagbabawal ang pagyakap, lalo na't wala namang tayo." Inis kong tinaggal ang kaniyang kamay nang marinig ang tawa niya. "Mabuti pa ay doon ka na lang magpayakap kay Tanya!" Saglit siyang natigilan sa sinabi ko, muling sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang kamay ko.
"Hmm, are you religious?"Taka akong tumingin sa bigla niyang pagtatanong. Napaiwas ako ng tingin lalo na't narinig ko ang boses niyang maos-maos. Tumango na lamang ako bilang pagsagot. "Because you're the answer to all my prayers." Tila biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko iyon, tila parang musika sa tenga ang mga salitang binitawan niya. "Ako 'rin ba ang sagot sa mga dasal mo?" Umiwas ako ng tingin sa tanong niya, dapat ay naiinis ako. Ngunit, mukhang tama nga sila, ang kababaihan ay rumurupok pagdating sa ganitong ka guwapong lalaki.
"Aking prino-problema ngayon ang pakikipaglaban bukas. Ang aking nakuhang sandata ay isang panulat." Pagiiba ko nang usapan habang nakatingin sa panulat na binigay sa akin ng aking pateras. Ngumiti lang sa akin si Freeze at tiningnan ang panulat.
"Nagmula kay Hephaestus? Nakilala ang iyong lolo dahil sa kaniyang mga imbento, diba?" Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya, agad kong kinuha ang panulat. Aking pinindot ang pindutan nito upang lumabas ang tinta, ngunit iblis tinta ang lumabas bigla itong nag ibang anyo. Sa panulat patungo sa isang spada!
Nagtatalon ako sa tuwa dahil sa nakakamanghang spada. Ang aking spada ay gawa sa ginto, kaya't ramdam ko ang kabigatan nito. May disenyo ang spada, nakaukit ang mga puting rosas sa tulis nito. Sa hawakan naman ay may puting rosas na nakalagay sa gitna, sa ilalim ng rosas ay may maliit na salitang nagpangiti sa akin, "paidi omorfias" o ang salitang child of beauty.
"I love the way you smile. Sana spada na lang ako."Mahina akong humagikgik sa sinabi niya. Gusto ko na agad subukan gamitin ito! Nasasabik ako para sa laban bukas, hindi ko alam ngunit dahil sa spada na ito ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang lumaban. Ngumiti akong lumapit kay Freeze at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Salamat. Tungkol nga pala sa tanong mo kanina. Oo, ikaw 'rin ang sagot sa mga dasal ko." At ngayon ako naman, iniwan ko siyang nakatulala habang may ngiti sa aking labi. Hindi ko gustong mahulog, ngunit mukhang kahit anong gawin ko mahulog at mahuhulog ako. Ayaw ko 'man aminin ngunit siya ang dinadasal ko.
__•*•__
"I heard that, may something na sainyong dalawa?" Nawala ang ngiti ko nang makita si Fire sa gilid ng pinto. Kita ko kung gaano siya kasaya ngayon, tila nawalan siya ng mabigat na problema. "Oo, hindi mo kailangang magselos sa amin ni Night. Kapatid lang talaga ang turing ko sa kaniya." Pagpapaliwanag ko, dahil mukhang alam ko na ang problema niya. Ang pagiging ilang niya sa akin ay dahil iniisip niya na higit sa magkapatid ang turingan naming dalawa ni Night. Dumaan 'man ang maraming siglo, kapatid pa'rin ang turing ko sa kaniya.
"Hindi mo kailangang linawin ang lahat. Gusto lang kitang ayahin sa maganda kong laro." Nakatingin lang ako sa kaniya at bayaang hilain ako kung saan. Namangha ako nang makitang nasa isa kaming hindi kilalang kagubatan, kung gaiyon ay isa siyang portal enchentress. Ang katulad niya ay kayang pumunta kahit saang mundo.
"Alam ko na gusto mong i-try ang paggamit ng spada mo, and so I am." At pagkasabi niya noon ay nilabas na niya ang kaniyang spada. Nakakamangha, ang spada niya ay tila isang araw dahil sa liwanag. Ang hawakan ng kaniyang spada ay may nakalagay na simbolong araw. Napatigil ako nang maramdaman ang lakas ng enerhiya ng kaniyang spada. "Isa sa pinagbabawal 'yan ng akademya." Isa sa bilin ni Miss na ang paggamit ng sandata ay kinabukasan pa ng laban. Nakita ko ang pagngisi niya habang umiiling na nakatingin sa akin.
"Pero ang problema ay wala tayo sa akademya. 'Wag kang magaalala, kapag natalo mo ako I will let you see my secret, magandang kasunuduan diba?" Napakagat ako sa aking labi sa kaniyang inusad. Isang magandang kasunduan, dahil sa linggong lumipas kahit anong pilit kong basahin ang kaniyang sekreto ay hindi ko mabasa. May isang makapangyarihang tao ang tumatakip noon, nanghihina ako pag aking sinusubukan.
"Sige, pag natalo ako naman ako ay maari mo ng maging kasintahan ang kapatid ko." Ngiti-ngiti kong unsad, naiisip ko pa lang ang mukha ng kapatid ko ay tiyak nakakatuwa na. Tango ang binigay at saka winagayway ang kaniyang spada. Akin 'ring nilabas ang aking panulat, at pinaganyo itong spada. Kita ko naman ang mangha sa mukha niya dahilan ng aking pagtawa.
"Nais ko lang sabihin na isa akong prinsesa ng digmaan." Mayabang niyang pahayag. Nagsimula ang laban naming dalawa, hindi ko maiwasang hindi mapadaing dahil sa lakas ng pagsalpok ng kaniyang spada. Maingat kong iniiwas ang aking sarili sa kung sakaling titirahin niya ako, mahirap na't totoong spada talaga ang gamit namin ngayon.
Nakangiwi akong lumalaban sa kaniya, tama siya sa sinabi niyang prinsesa siya ng digmaan. Masasabi kong mahusay talaga siya sa paggamit ng spada, ngunit dahil umandar ang aking kagustuhang manalo ay todo ako sa pakikisabay sa kaniya sa paghampas.
Tanging malalakas lamang ng pagsalpok ng aming spada ang naririnig sa buong lugar. Napasinghap ako nang matamaan niya ang aking paa, naramdaman ko ang hapdi noon dahilan para sumigaw ako sa sakit. Maliit lamang ang sugat ngunit ang sakit ay parang pinana ako ng panang may lason! "Tanga kasi." Lalo akong napasinghap sa sinabi niya. Napalunok na lamang ako nang makitang nakatutok sa akin ang spada.
"Talo ka na?" Nakangiti niyang wika, ngumiti lang 'rin ako pabalik. Dahil pumantay siya sa akin ay agad ko siyang dinamba. Nasa ilalim ko siya ngayon habang nagpupumilit alisin ako sa harapan niya. "Umalis ka sa ibabaw ko!"
"Ayaw mong malaman ko ang malalim mong sekreto? Kung gaiyon ay doon tayo sa mababaw mong sekreto." Nakita ko ang pagtigil niya, parang nagaalinlanan na siya. Madaya akong maglaro kung kinakailanganan. Hindi ako naniniwala sa patas na laban.
"Sino ka?! Why you are my mind?!"
"Cause your body will be mine."
"Hindi ikaw si Fire, ikaw si Fara."
"Yes, I steel her body. Surprise."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro