Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10



"Ikaw ba'y natutulog sa aking klase?!"

Napamulat ang aking mata nang marinig ang malakas na sigaw ni Miss Adicia, nakita ko ang panlilisik nang mata niya sa akin, ang iba ko na namang kaklase ay hindi pakapaniwala na nagawa ko lamang matulog dito habang sila'y nahihirapan. Napaatras ako nang makitang papalapit na sa puwesto ko si Miss Adicia, sa muling pag atras ko nakita ko na lang ang sarili kong dumadaing, nahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa sobrang takot.

"Sinong nagsabing matulog ka sa klase ko?! Hindi porket excuse ka ay kailangan mong matulog, panoorin mo sila! Ikaw ang gagawa niyan sa susunod!" Hindi na lang ako umimik at umupo na lang ulit sa upuan. Nakakapagtaka, kilala bilang kalmado si Miss Adicia ngayon ay sobra-sobra na namang emosyon ang pinakita niya, mukhang mainit ang dugo niya sa akin. Nakakaawa siya kung gaiyon, naapektuhan na kasi ang utak niya ng mansanas.

"Yahh!!" Napatingin ako sa unahan nang makitang naglalaban na ulit lahat. Katulad ng sabi ni Miss Adicia, dahil excuse ako ay ako ang magbabantay sa aking mga kaklase. Pinanonood ko lang silang maglaban-laban, ito ang aktibidad na pinapagawa ngayon ni Miss, ang palikipaglaban, pagpapakita ng lakas ng bawat isa. Si Rose at Snow ang magkalaban, si Snow ay sugod lang ng sugod habang si Rose ay hilag lang ng hilag. Halatang ayaw labanan ni Rose si Snow kaya halata ang inis sa mukha ni Snow.

Sa isang gawi naman ay nakita ko si Freeze na nakikipaglaban kay Xerox, ang anak ni Zeus. Sa lahat ng naglalaban agaw atensyon ang dalawa, naglalaban ang parehas nilang lakas. Kulang na lang ang popcorn dahil daig ko ang nanonood ng isang action movie. Sunod-sunod ang pag atake na pinakawalan ni Xerox, katulad ni Rose ay hilag lang 'rin ang ginagawa ni Freeze. "Lumaban ka." Inimuntar ko nang tumingin siya sa aking gawi, nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti at saka tumigil sa paghilag.

Pinagmasdan ko lang siya, dahil kasabay ng pagtigil niya ay ang pagtigil ni Xerox. Parang parehas silang nagpapakiramdaman kung sino ulit ang unang aatake. Nanlaki ang aking mata nang unang umatake ay si Freeze, nakita ko na nahihirapan ng bumawi si Xerox dahil sa lakas na pag atake ni Freeze. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya, tila naging mabagal ang lahat dahil sa bawat kilos niya. Parang nilalamon ako ng aking sistema, kitang-kita ko kung paano humawi ang puti niyang buhok, kung paano siya tumingin sa aking gawi at sabay kindat sa akin. Punyeta.

"Hindi naman siguro matutunaw ang lalaking iyan?" Napasimangot ako nang makitang nasa tabi ko na si Safari, hindi ko 'rin siya nakita sa opening 'nung isang araw. "Wag mo akong tingnan nang ganiyan, inaasikaso ko ang mga ganap ng isxyro." Tango-tango lang ang ginawad ko sa kaniya, siya si Safari ang kauna-unahang isxyro, ang anak ni Erebus. Nagtawanan lang kami habang pinanood ang mga Mauro na nageensayo, hindi na'rin siya pinuna ni Miss Adicia dahil siya ang tila presidente sa buong akademya.

"Ilang taon na simula ng maging magkakaibigan tayo. Nakakalungkot isipin na naging magkalayo ang loob namin sa isa't-isa." Tumawa lang ako at sinabing si Night ang kaibigan niya. Sa tagal ng panahon ang turing ko lamang kay Safari ay nakakatandang kapatid, dahil sa pagkakaibigan nila ni Night. Ang akala ko nga noon ay magiging sila dahil sa sobrang magkadikit nilang dalawa. "Bakit mo sinasabi iyan? Nagbalik na siya ano?" Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mata niya pero tumango lang 'rin siya. Ang isa sa mga naging kaibigan nila ngayon ay nagbalik na.

"Nakakatuwa na nakakalungkot na buo na kaming lahat. Pero shocks! Nagbalik na si Farah, tiyak na gulo na naman sa sistema ni Night ang mangyayari." Napabuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan, wala akong maalala na may naging kaibigan si Night. Nagising na lang ako isang araw na may naging kaibigan pala siya. At ngayon magbabalik na si Farah, ayaw kong magulo ulit ang sistema ni Night. Naalala ko na naman ang sinabi niya noon.

"Handa kitang iwan, pero hindi si Farah."


"Nagugutom na ako! Ikaw, Light?" Napabalik ako sa realidad nang makita ang pagmumukha ni Snow sa aking harapan. Nakita ko ang pagtataka nila kung bakit kanina pa ako walang imik. Ngumiti lang ako sa kanila at dumeretso na kami sa kantina. Nakita kong puno ang kantina dahil sabay-sabay ngayon ang break ng tatlong seksyon. Nakita ko ang isxyro ay nandoon sa taas ng kantina, syempre ay pwesto nila iyon.

Inaya ko na'rin ang tatlo sa itaas dahil masyadong maingay sa baba ng kantina. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Mori na parang sinasabing hindi ako pwede rito, tinaasan ko lang siya ng kilay. May tatlong mahabang lamesa dito sa itaas, sa isang lamesa at nadoon lahat ng isyxro. At sa pangalawang lamesa ay nandoon si Night kasama si Streo, at ang bagong isxyro na si Yael. Nasa lamesa 'rin si Safari, at ang isa pang babae at lalaki na nakatalikod.

"Puta kayo! Ayan mga order niyo tangina niyo!" Napatingin ang lahat dahil sa malakas na sigaw ng kung sino. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya, halos magtatalon ako sa tuwa at agad tumakbo papalapit sa kaniya tila sabik na tuta. "Tangina, alam kong miss mo ako pero 'wag mong masyadong higpitan, baka matagpuan na lang akong patay mamaya."

Napasimangot ako at bumitaw sa yakap, si Rich nandito siya! Kung gaiyon ay tama nga ang sabi ni Safari, buo na silang lahat. Inaya ko na sila Freeze na umupo sa amin. Umupo ako sa katabi ni Night, pumagitna ako sa kanila 'nung babaeng may pulang buhok. "Chill ka Light, masyado ka namang possesive." Dumaan ang inis sa aking mukha dahil nagsimula na akong asarin ni Streo at Rich. "Why naman? Nagseselos ba si Light kay Fire? Diba kapatid lang naman niya si Night?" Lahat ay nagsitawanan nang biglang sabihin ni Snow 'yon. Punyeta, ano bang problema nila?

"Light, dito ka na lang." Nakasimangot akong tumango at pumunta sa tabi ni Freeze. Nagulat ako ng kalungin niya ako na parang bata, nakaupo ako ngayon sa kaniyang kandungan. "Iba 'rin talaga ang galawang puti." Hindi ko na lang sila pinansin at umayos na ng upo. Kaharap ko ngayon si Night na mukhang inis na'rin sa mga nangyayari.

Napatigil ako nang makita ang mukha ng katabi niya, hindi ko siya nakita ng maayos kanina. Pero, pamilyar siya. Siya 'yung babaeng lumapit sa akin, 'yung babaeng tila aliw na aliw dahil sa ginawa ko kay Streo 'nung nakaraan. Pinagmasdan ko ang mukha niya, matapang ang kaniyang mukha. Ang mata niya ay hugis almond, kulay itim na mata at pulang buhok. Maputla ang balat na tila kinulang sa bitamina C. Kamukhang-kamukha nga talaga siya ni Farah. Pero, ayon sa rinig ko ay siya si Fire.

"Ah oo, transfee ako. Faree Delia Fuego." Pati pangalan nila ay parehas, kaso nga lang ay Dalia iyon at hindi Delia. Sa tingin ko'y kapatid siya ni Farah kung ganiyon. "Cooler Wade." Napatingin ako sa katabi ni Fire nang magpakilala ito. Katulad ni Freeze ay mukhang magaan agad ang loob ko kay Cooler. Kulay asul ang kaniyang mata, at tsokolate naman ang buhok. Kung titingnan ay meron siyang tinatawag na baby features, dahil malambing ang mukha niya. Si Fire at Cooler ay napunta sa Xrysos gaiyon 'rin si Rich.

"Ano nga palang nangyari noong nawala ako?" Pagtatanong ko kay Snow pero mukhang  sa narinig nila ay tumahimik ang lahat. "Wala naman, nabalitaan ko lang naman na may isang tao na ginawang yelo ang buong akademya. Pagkatapos ay may isa namang tao na inubos ang tubig sa anlantic dahil sa sobrang galit." Pagkukuwento ni Streo dahilan para matigilan ako. Tiningnan ko si Freeze dahil alam kong yelo ang kapangyarihan niya, nakita ko ang pagsimangot niya at tumango. Si Night naman ay tila walang pakeelam, kung gaiyon ay alam na ni Poseidon kung saan niya ilulugar ang anak niya.

"Speaking of Reraine, I heard Mommy and Daddy's conversation, Reraine found dead to her hourse in mortal realm." Napatingin ako kay Safari sa sinabi niya, hindi na lang ako umimik dahil kilala ko na ang mommy na sinasabi niya, si Hades at Persophone iyon. Hindi ko alam na sobrang sikat pala ni Reraine para pagusapan ng mga dyos. "Weh? Ano 'daw kinamatay?" Agad na akong tumayo at sinabing busog na ako. Nawawalan ako ng gana pag iyon ang pinaguusapan.

Natapos ang klase nanatili akong walang imik, agad na 'rin akong umalis at pumuntang rooftop dito sa akademya. "Hinihintay mo ako?" Tanong ko nang makita si Night na nakaharap sa pinto, nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya at saka marahang tumango.

"Ginawa mo na naman. Ako na ang gumanti diba, bakit kailangan mo pang kumilos?" Napatigil ako nang makitang galit siya, gusto ko ng umalis sa harapan niya dahil ayaw kong pakinggan ang sasabihin niya. Ano bang ginawa ko? Ang ginawa ko lang naman ay pagbigyan siya sa gusto niya.

"Wala akong kasalanan."Napalunok ako nang makitang mas tumindi ang galit niya sa sinabi ko. Ganito siya, hindi na siya nakikinig sa akin simula pa sapol. Napakasakit naman niya magmahal, punyeta.

"Tangina! Light! May pinatay ka na naman! Itatangi mo na naman ba ulit?"

"Hindi ko pinatay si Reraine."At muli ang mga alaala na naman na iyon ang bumalik.


"Anong ginagawa mo dito?!"

"Nandito ako para patayin ka."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro