Naninigas pa rin ako sa aking kinatatayuan hanggang ngayon. Kinakabahan, pinagpapawisan, hinihintay ang sasabihin niya sa akin. Marahang pumorma sa kanyang labi ang isang ngiti. Lumapit s'ya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, sobrang higpit.
"I knew it. You love me, Alice. I knew it!" he exclaimed. "Can you repeat what you just said to me?"
Namula ako sa hiya at lumunok muna bago nagsalita. "I-I love you too."
"Sigurado ka na ba diyan? Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? Are you sure about-" I cut his words off by putting my forefinger on his lip.
"Hindi ako sigurado sa maraming bagay, pero sigurado ako sa'yo. Sigurado ako na mahal kita Zac, sigurado ako na ikaw."
Napangiti ako dahil sa namumula n'yang pisngi. May ganitong epekto rin pala ako sa isang Zaccharias. Ang playful and mischievous guy na nagparamdam sa akin kung gaano kasakit at kasaya magmahal.
He cupped my cheeks and slowly pressed his lips to mine. Mabilis lang ang halik na yun but my heart could burst in a sec. Kumawala rin s'ya matapos iyon at tinignan ako sa aking mga mata.
"I love you so much, Alice."
"I love you too, Halimaw."
***
"So these are the activities that you two are going to do upang maging mutual na ang feelings ninyong dalawa sa isa't-isa," si Ate Emily.
Binisita niya ako rito sa bahay patungkol sa gagawing aktibidadis. Naalala n'yo yung sinabi ko sa interview na wala akong feelings para kay Zac? At that moment, I wasn't really sure about what I feel. Natatakot akong mahulog sa kanya dahil mahal ko pa rin si Save, but I realized that it wasn't love. I was afraid that Xavier will hate me for the rest of his life. Takot akong mawala s'ya dahil nasanay ako na palagi s'yang nand'yan para sa akin. I can't afford to lose a good friend.
"Ems, no need na yang paganyan-ganyan n'yo," naupo si Ate at inakbayan si Emily nang nakangisi. "Alice already confessed to her beloved Zac yesterday."
"Ate!" matalim ko s'yang minatahan. Nakakahiya kay Ate Emily. "Nakakainis ka talaga. Dun ka na nga muna sa kusina."
"Chill. Aalis na," she said and stormed out.
"Ate Emily, hindi na po namin kailangang gawin ang mga bagay na iyan para lang mahulog kami sa isa't-isa. I love the guy and sigurado po ako run," sinsero kong sabi.
Ngumiti s'ya sa akin. A smile filled with satisfaction and genuine happiness. Binawi nito ang folder na nilahad n'ya sa akin kanina at ibinalik iyon sa kanyang attaché case.
"Mabuti naman kung ganun. I'm happy for you, Alice," bigla-bigla n'ya akong niyakap na walang pasabi. I could feel Emily's sincerity and striking happiness from her hug.
"Thanks to this stupid freaking law," natawa kong sambit.
Kumawala s'ya ng dahan-dahan as she wiped her small tear. "I'm sorry. Nagiging emotional talaga ako kapag nagiging success ang pairing experiment. Sana maging masaya kayo, Alice. Best wishes to both of you."
"B-Best wishes?!"
Uminit ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Para kasing ikakasal na ako bukas o sa makalawa.
"That's just an expression, don't mind me. Aalis na ako. May gagawin pa kaming research patungkol sa susunod na partners," paalam n'ya sa akin.
Another pair, e?
***
"Malapit na nga pala ang birthday ni Harvey. He'd invited us. Do you want to come?" tanong n'ya habang nasa daanan pa rin ang mga mata.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayong araw. Ang alam ko lang ay inimbita n'ya ako at sinundo ng mabilisan sa bahay kanina. May sorpresa raw s'ya sa akin. I was bored inside the house kaya naman sumama na rin ako sa kalokohan n'ya.
"Kasama ako? Invited ba ako?"
"Us nga diba," tawa n'ya and repeated what he said, "He'd invited us."
Pasimple akong napangiti sa gilid. Pilosopo.
"Okay lang sa akin, pero kailan nga pala ang birthday n'ya?" pinaglalaruan ko yung bintana ng kanyang kotse.
Pindot dito, pindot doon.
Bumababa-taas ang bintana pero hindi pa rin s'ya naiirita sa ginagawa ko. Hindi ba s'ya takot na masira ko ang sasakyan n'ya?
"Tomorrow. Saturday," he replied without looking at me. "Alice, stop pressing that."
Ooh, I thought it was okay. Hindi pa rin ako tumigil. I continued pressing the window buttons. Nakakatuwa kasing tignan ang bintana habang tumataas baba ito.
"Iiwan talaga kita kapag pinagpatuloy mong paglaruan ang bintana ng sasakyan ko," he threatened.
Natigil ako sa pagpipindot at tinignan s'ya ng masama. "Kaya mo akong iwan?"
"H-Hindi, but I will if you keep being stubborn."
Napairap ako sa kawalan at pinagkrus ang aking kamay. Hindi ko s'ya pinansin at humilig na lang sa upuan.
"Alice, don't be mad. Masyado kang pikon."
"I'm not mad," depensa ko.
Nakarating kami sa isang parke na may malawak na lawa. Hininto n'ya ang sasakyan doon.
"We're here."
Namamangha akong lumabas ng kotse. Nilanghap ko ang sariwang simoy ng hangin na nanggagaling sa mga punong nakapalibot sa paligid. May iilang benches rin na pinatanda na ng panahon at halatang matagal-tagal nang hindi narerenovate.
"Nasaan tayo?" tanong ko at agad na sumunod sa kanya.
"Still in Amore City. This is Promise Lake," naupo s'ya sa isang nakahandang picnic area. "Have a seat, milady."
Napapailing akong naupo sa picnic cloth. Napatingin ako sa nakahandang pagkain mula sa picnic basket, may loaf breads and chips, instead of soft drinks ay wine ang andito sa basket.
"Did you do this?"
Nahihiya s'yang tumango. "I don't want to date you in a restaurant. Baka may iba ka pang maalala bukod sa akin."
Tinampal ko s'ya ng mahina sa braso. "Akala ko ba okay na, ha?"
"Okay na nga. I'm telling the possibilities," ngisi n'ya. Naupo s'ya sa tabi ko. "I want you to just think of me. Just me. Ang napakaguwapo mong Halimaw."
"Ang yabang mo talaga no? Di ka pa rin nagbabago."
"Alam mo ba na halos tatlong taon ko ring hinintay na mapansin mo ako? S'yempre hindi mo yun alam. Puro ka kasi Xavier," aniya na agad kong sinundan ng isang hampas sa kanyang tiyan.
"Tumigil ka na nga. Alam ko na yun! Pero seryoso ka ba? Tatlong taon talaga?"
Tumango sya at pinatong sa kanyang tuhod ang isa n'yang kamay.
"Why would I lie? I'm done lying. I'm tired of lying to myself," tinignan n'ya ako at ngumisi. "And this avviso happened. Hindi ko akalain na ikaw ang babaeng itatakda sa akin, and I only made you fall for me for five months."
Napayuko ako dahil sa hiya. Gago talaga ang lalaking ito. Edi s'ya na ang guwapo at pafall.
"Pafall ka kasi."
"Nafall ka naman, a?"
"Tseh! Kumain na nga tayo," pag-iiba ko sa topic.
Tinawanan n'ya lang ako. Kumuha ako ng makakain. I took one slice of pizza at nagbuhos ng wine sa wineglass naming dalawa.
"Can I ask you something, Zac?"
"You're already asking, babe."
Napairap ako sa kawalan. "Bakit hindi ka nagpunta sa birthday ko noon kung may gusto ka na pala sa akin?"
"That's the point. It's because I like you kaya 'di ako pumunta," he replied drinking the wine in one gulped.
"Huh?"
"Alice, you like Save at that time. I can't just go there while watching you flirt with someone else. Hindi ako ganun ka-masokista..." naiiling n'yang tugon.
I get his point, though. I was pouring wine in his glass ng mapansin ko na may hinugot s'yang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa.
"What's that?" nagtataka kong itinuro ang hawak n'yang kahon.
"Obviously as it is," he grinned.
Don't tell me...
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko ngayon. Even butterflies in my stomach were going wild and the zoo cage got unlocked. Muntikan ko nang mapuno ng wine ang baso ni Zac dahil sa taranta.
"Tumayo ka," utos n'ya.
"Why?"
"Tinatanong pa ba yan, Alice?" kamot ulo n'yang sabi.
Tumayo ako agad gaya ng kanyang sinabi. Oh my goodness. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko ngayon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nakaka-overwhelm.
Is he going to propose to me?
"Hawakan mo muna," pinahawak n'ya sa akin ang box nang napansin ko na magsisintas lang pala s'ya ng sapatos.
Nanggalaiti ako sa inis, feeling ko kasi napahiya ako dahil sa expectations ko kaya hinampas ko sa kanya yung kahon.
"Gago ka talaga. Akala ko pa naman magpopropose ka na sa akin!" inis ko.
"Do you want me to?" he playfully smiled dahilan para mas kumabog pa lalo ang aking dibdib.
"H-Hindi ko sinabi. Akala ko lang."
He took the box from me, knelt before me, and opened the red box.
"Alesandra Haira del Mundo, this is an executive order from the government. Whoever wishes to oppugn this marriage shall be inflicted by severe punishment. Marry me or else you will suffer the consequences from your future husband."
He's not asking for my answer, he's definitely giving me an order to marry him.
My lips rose as I slowly nod. "Yes. Yes, I will marry you, Zaccharias Villamor."
He slid the ring inside my ring finger. He swooped a passionate kiss and smiled.
"Pangako ko sayo na pakakasalan kita once you've reached the age of legality. You will be mine and I will be yours forever."
"Don't break your promise, Halimaw."
Pinisil n'ya ng marahan ang aking ilong. "Of course, I won't, Pikon. That's why we're here. I promised not to break any promises in the name of the Promise Lake."
He kissed me again on my lips. "I love you so bad."
"And this is so good to be true, Zac. I love you too."
– Don't forget to vote and share –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro