Chapter 28
Alice's Point of View
"We already know who the informant is," sabi ni ate Emily. "The campus journalist named Jia Espadaña spilled her name."
Nagtinginan kami ni Nieves. Andito kami ngayon sa guidance office ng school. Pinatawag kaming dalawa kasama si Zac at Xavier. Yes, thank goodness at magaling na si Save.
"Who is it then?" tanong ko.
Sumulyap muna ito kay Zac bago tuluyang ibinulgar sa amin ang walang hiyang salarin. Inasahan ko na lalabas mula sa bibig ni Emily ang mahiwagang pangalan ni Madonna pero nagkamali ako.
"A girl named Rosita Villaroso," she replied.
Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang kanyang pangalan.
"That can't be. Rose is a nice girl. She would never do anything like that to me," depensa ko. Bumaling ako kay Nieves na hindi man lang natinag sa sinabing pangalan ni Emily. "You believe her, Nieves?"
"I was skeptical at first. I thought my guts were wrong but they were right all along," sabi n'ya.
Pinasadahan ko sila ng tingin. Even Zac and Save didn't seem to faze after hearing Rosita's name.
"Pati kayo? Alam n'yo?"
"I don't know who specifically, pero may hinala ako na isa sa mga kagrupo mo ang naglabas ng balita," si Save.
"And you?" bumaling ako kay Zac na nagpatay malisya lang. "God, you didn't even tell me, idiot!"
Hindi s'ya nagsalita.
"Don't worry about it, Alice and Zac. We already made a move. Mapaparusahan ang batang iyon sa pagkalat ng impormasyon. It's a confidential information owned by the government. Your avviso should always be kept as a secret especially to the public."
"A-Anong parusa? Hindi ba puwedeng kausapin ko muna s'ya bago n'yo sya parusahan?"
"At ano naman ang gagawin mo kapag nakausap mo na s'ya?" singit ni Zac.
"Itatanong ko lang naman kung bakit n'ya iyon ginawa at kung ano ang kanyang motibo para gawin yun," buwelta ko.
"You can talk to her, Alice. Tutal naman, parating na sila rito ni Greg. Pinasundo ko talaga para sayo," napasulyap si Ate Emily sa kanyang pambisig na relo.
Hindi nagtagal ng may kumatok sa pinto. Mukhang sila kuya Greg na ata iyan. Niluwa nito si Rosita at Madonna, nasa likuran lang nila si Greg, nakamasid at tila nagmamatiyag.
"Bakit andito si Madonna?" taas kilay na tanong ni Nieves.
Agad na nagtago si Madonna sa likuran ni Zac na parang isang basang sisiw. Bigla akong nakaramdam ng inis dahil dun. Ang kapal talaga ng babaeng ito kahit kailan. Lumabas si Emily, Greg, at Save kaya kaming lima na lang ang natira sa loob.
"Ang OA mo, hindi pa naman kita inaaway," supalpal muli ng katabi ko, siniko ko na agad upang agapan ang sitwasyon.
"Rosita," sabi ko. "Ikaw ba talaga ang may gawa nun?"
Hindi s'ya sumagot. Nanatili s'yang tahimik at walang imik.
"Silence means yes," si Madonna.
"Puwede ba 'wag kang sumisingit kung hindi mabango ang yung singit," banat ulit ni Nieves.
Mariin akong napapikit habang pinipigilan ang isang nagbabadyang hagakhak. Bweset na Nieves ito, masyadong mabiro pagdating sa ganito kaseryosong sitwasyon.
"Rosita?" I said, nicely. Ayaw ko na maramdaman n'ya na pinagtutulungan namin s'ya or ano. "Please, tell me if ikaw nga ang may gawa nun."
Hindi pa rin s'ya umimik. Ano bang problema n'ya?
"Sabihin mo na kasi, bitch! Nagbabait-baitan ka pa d'yan, mas masahol ka pa kesa sa akin," lumapit si Madonna at sinabunutan si Rosita na agad namang lumaban pabalik.
"Arayy. Tama na!" reklamo ni Rosita.
"Bwiset ka talagang babae ka! Nadamay pa ako dahil sa kagagawan mo?! Ako pa iyong napagbuntungan ng galit nang lahat kahit hindi naman ako ang gumawa!"
Napatayo ako agad, ganun din si Nieves at Zac upang pigilan yung dalawa, kaso etong magaling kong kaibigan e nakisawsaw lang pala. Sinabunutan n'ya ng bongga si Madonna, pinanggigilan nito ang buhok at mukha n'ya.
"GINUSTO MO RIN NAMAN ANG NANGYARI, AH?! I saw you smiled wickedly when Alice got into this tight mess!" buwelta naman ni Rose.
"Oo! Tama. Masaya ako na nahihirapan si Alice pero 'wag mong idamay ang mahal ko. H'wag mong idadamay si Zaccharias, bwiset kang bruha ka!"
Patuloy pa rin sila sa pagsasabunutan habang kami naman puro pigil ang ginagawa sa kanila. Hinila namin silang dalawa ni Zac at pinaghiwalay.
"Tumigil na nga kayo!" asik ko dahil sa galit. "Nasa guidance pa naman tayo. Wala ba kayong kahihiyan?!"
Huminga ako ng malalim at matalim silang tinitigang tatlo, kasali si Nieves na parang buang dahil sa nakisawsaw rin sya sa sabunutan ng dalawa.
"Rosita, sumagot ka nga. Bakit mo ba iyon ginawa, ha? What the hell did I do to you? Naging mabait naman akong senpai sayo, a?"
"Naging mabait? Gusto ko yung tao, Alice. Gustung-gusto ko. I was jealous, nainggit ako sayo. Naiingit pa rin ako hanggang ngayon!" matatalim na titig ang kanyang ipinukol sa akin. Nawala bigla ang Rosita na mabait at malambot.
"S-Sino ba ang tinutukoy mo?"
Don't tell me si Zac na naman ito.
"Xavier, of course. I like the guy so much pero sayo lang s'ya napunta. Nung nalaman ko na iba pala ang nasa avviso mo nagpasalamat ako dahil hindi iyon si Save pero bakit ganun? Alam mo na kung sino ang nasa avviso mo, ganun ka pa rin makalapit sa kanya. Ang landi mo, Alice. Ang landi-landi mo sobra!"
Her eyes were fuming in anger as she said those words with a gritted teeth. Hindi ako nakakaramdam ng galit ngayon matapos n'yang sabihin iyon. Mas nangibabaw ang awa ko, ang awa ko sa kanya at sa sarili ko.
"Mahal ko rin si Save gaya mo," paglapit ko sa kanya. "Pero hindi mo dapat iyon ginawa sapagkat alam mong may parusa."
"I can sacrifice everything for love, Alice. Hindi ako gaya mo, hindi ako gaya mo na duwag!"
Isang malutong na sampal ang umalingawngaw sa loob ng opisina. Hindi si Nieves ang may gawa, hindi rin ako, at mas lalong hindi si Zac. Agad siyang napahawak sa kanyang namumulang pisngi at matalim na tinitigan si Madonna, na s'yang sumampal sa kanya.
"Why'd you do that for?!" Rosita was furious.
"Bobo ka ba? We're in the same position pero hindi ko kailan man ginawa ito kay Alice. I love Zac, I love him so much that it's unbearable, pero hindi ako kailan man nanira ng ibang tao. If you really love the person, you should learn to accept the fact that he's not going to be yours. And Save will never be yours, Rose. Acceptance is the key to be free. We are all tied up and struggling at the same time because of this fucking law."
Dun ko lang napansin na pareho na silang umiiyak. Napatingin ako sa salamin na nasa gilid ko and saw my tears falling slowly too.
"B-Bakit ako umiiyak?" bulong ko sa sarili. Agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang aking braso at kamay.
Nakita kong hinugot ni Zac ang kanyang panyo mula sa bulsa nito at nilahad iyon kay Madonna.
Ouch!
He wiped Madonna's tears. Hindi n'ya man lang napansin na umiiyak na rin pala ako. Naupo si Rosita at humagulhol ng sobra, takip takip ang kanyang mukha.
"I'm sorry, I'm really really sorry. I'm sorry! I'm sorry, Alice. Hindi ko sinasadya, nadala lang ako sa emosyon ko. I'm really sorry," she mumbles.
Niyakap ko s'ya agad. I cried for her. More like an excuse for me to cry.
"It's okay. I forgive you," pinilit magpakatatag ng boses ko pero pumiyok pa rin ako sa bandang huli.
Napapikit na lang ako habang dahan-dahang dinaramdam ang pagdanak ng luha sa aking mga mata. I never expected that love can be this painful. I never expected that love can make people do stupid things they haven't done before. I never expected that loving Zaccharias Villamor could hurt me so bad.
Lumabas kami ng G.O. pagkatapos maareglo ang lahat. Emily and Greg decided to punish Rosita because of what she did. Hindi naman ganun ka severe ang punishment, she's only suspended in school for two months. As well as the campus journalists who were involved in this issue.
And I'm going back to class tomorrow. Hoping that it would be as peaceful as before, but I guess it will not be the same anymore. Bumalik na rin si Madonna and Save sa klase nila, while Nieves decided to stay with Rose. I asked her to accompany Rose for a while since naaawa pa rin ako sa batang iyon. She needs to be counseled.
Andito ako sa likuran ng gym kung saan tahimik at walang istorbo. Napagdesisyunan ko muna na manatili rito sa school para magpahinga ng konti bago tuluyang umuwi. Naupo ako sa lilim ng puno, wala akong pakealam kung nakapalda man ako. I just want to sit down and calm myself. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang ginawa ni Zac kay Madonna kanina.
Alam ko na kung sino ang pipiliin ng puso ko, thanks to what Save said. But after what I saw from before? I might have a change of heart. I need to be sure. I want to be sure.
"Ihahatid na kita sa inyo, Alice."
Isang pares ng paa ang nakita ko sa aking harapan. I slowly lift my head only to see Zac standing in front of me. Same eyes, but a bit colder than before.
"Ayaw ko pang umuwi. Magpapahinga muna ako," I said. "Puntahan mo muna si Madonna. Baka kailangan ka n'ya ngayon."
Ouch.
It came out from my mouth and hurt my own feelings. Damn.
"And leave you behind? I don't think so," pinantayan n'ya ang aking tangkad. Our eyes met accidentally but I refuse to look at it. "Kailangan mong magpahinga kaya iuuwi na kita."
Umiling ako. "I don't want to."
Napakamot s'ya sa kanyang ulo. "Let's go, Alice. Huwag na matigas ang ulo mo or else isusumbong kita kay Alexandria."
Hearing my sister's name, I should feel threatened but my usual expression changed.
"Hahayaan kita. Go on, isumbong mo na ako," walang gana kong sambit.
"Halika nga," hinila n'ya ako palapit sa kanya at agad na pinagdikit ang kanyang noo sa noo ko.
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaba. He always has this kind of effect on me. Unfortunately, s'ya lang ang nakagagawa nito sa puso ko.
"You're not sick," he whispered, fanning my nose with his mint breath.
"Ginagaya mo ba si Save?"
Ganito rin ang ginawa n'ya noong nasa inter-high kami.
"Maybe," naupo s'ya sa tabi ko. Hinilig n'ya ang kanyang likuran sa puno at tumingin sa akin. "I'm sorry if I didn't give the handkerchief to you. It feels like na mas kailangan iyon ni Madonna."
Alam mo naman pala na umiyak ako, ni hindi ka man lang nagpakita ng pakealam kanina.
"Ayos lang," I forced a smile.
"Sobrang saya mo kasi nang sabay kayong pumasok ni Xavier kanina," sabi n'ya pa. "I don't want to ruin your mood kaya hindi muna kita nilapitan. I tried to distance myself from you, Alice but I can't. Kahit anong pilit kong paglayo, bumabalik pa rin ako sayo."
Marahas s'yang huminga.
"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino sa aming dalawa?" seryoso n'yang tanong. May bahid ng lungkot ang kanyang mga mata.
Tumango ako. "I did. Thanks to Save."
"Mabuti naman. Handa naman akong magparaya para sa'yo. If you're happy with him, then I will let you be with him."
I was caught off guard when he suddenly kissed me on my cheek.
"I love you."
Tumayo s'ya at naglakad paalis, palayo sa akin.
No.
That's not what I mean.
I chose you.
Pinili kita.
Pinili ka ng puso ko.
I'm going to tell him, kahit hindi ako sigurado kung ito nga ba talaga ang tamang pagkakataon para sabihin ang nararamdaman ko.
It's now or never.
I ran up to him. Mabilis ang takbo ng mga paa ko. Kahit may iilang estudyante akong nababangga, hindi ko na nagawa pang humingi ng dispensa sa kanila. I called out his name nang makarating kami sa gitna ng field.
"ZACCHARIAS RICHMOND VILLAMOR!" I shouted at the top of my lungs. Maluha-luha ko s'yang tinignan when he slowly faced me with hope written on his handsome face.
Ilang distansya rin ang pagitan naming dalawa ngayon habang nakatayong kaharap ang isa't-isa.
"I love you too."
– Don't forget to vote and share –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro