Chapter 26
Alice's Point of View
"Saan na pala tayo pagkatapos kumain? Hindi naman tayo puwedeng bumalik ng school," bulalas ko pagkatapos naming kumain ng ice cream.
"What about your house?" pilyo s'yang ngumisi.
Hinampas ko s'ya ng kutsara sa braso. "Gago ka ba? Bakit naman dun pa?"
"Bakit ba ayaw mo?"
"E sa ayaw ko. May magagawa ka ba run?"
He shrugged, nakangiti pa rin sa akin. "Malay ko gusto mo na rin pala ako."
Uminit ang aking tenga. Napakapilyo niya talaga. Lumabas kami ng shop nang bigla na lang nasagi sa isip ko si Save. Kumusta na kaya s'ya? Tsaka, ano kaya ang ginagawa n'ya ngayon?
"Pikon!" sigaw ni Zac.
"Ba't mo ko sinisigawan d'yan?" sabay irap.
"Bingi ka ba? Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman sumasagot."
"A-Ano ba yung sinabi mo?"
Nagbuga s'ya ng isang marahas na hangin. "I'm asking if you want to go somewhere."
I want to visit Xavier's house but he might get involved in the disaster I brought today. He will get hooked on the issue again since the circulating news is hot.
"Gusto ko na umuwi," matabang kong sambit at agad nagseat belt.
He looked at me in surprise but he didn't speak anymore. He immediately did what I said and drove the car to our house. Kaso nung malapit na kami sa bahay, we saw few cars with our school brand.
"S-Sila Jia yan, diba?" natataranta kong tanong habang turo-turo ang babae na nasa labas ng gate namin. "Hoy, bakit andito sila sa bahay namin?!"
"Damn it!" mura n'ya sabay hampas sa manibela. "Baka andun rin sila Jeorge sa bahay ko. Hindi tayo pwede dun."
"So saan na tayo ngayon pupunta?"
Agad n'yang niliko ang sasakyan palayo sa bahay namin. Paano ko itetext si Ate nito? Hindi ko sya mababalaan tungkol sa chismoso naming journalists. Baka s'ya pa ang pag initan nila. He stopped the car at the side of the road. I saw him dialing numbers and immediately did a call.
"King, could you hack our house's CCTV? Alamin mo kung may journalists doon... oo. I'm with my girl," he said, glancing at me for a moment.
Pinokus ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Wag kang mamula rito, kayo lang dalawa ngayon. Alam mo na!
"- yes. Thanks," iyon na lang ang tangi kong narinig mula sa kanilang tawag. Bumaling s'ya sa akin. "Let's stay here for a while. Is that okay?"
I nod and leaned back against the seat. He leaned over, making both of his arms as pillows while staring at a distance.
"Pikon."
"Hmm?" nanatili sa labas ng bintana ang mga mata ko.
"What if you've been arranged to Xavier? Would you be happy about it?"
"Oo naman..." matabang kong sambit. "I love him, so I think it's good."
"What about me?"
I stunned, turning my attention to him. "What do you mean?"
"You said you regret being arranged to me, remember?"
Tumango ako. I felt bad about it though. He stared at my eyes, his damn mesmerizing hazelnut eyes, looking so pure and sincere.
"What about now? Do you still hate me for being your partner?"
"I-" I immediately averted my stare away from his eyes. "I don't hate you and I never hated you. Nakakainis ka lang kasi talaga."
"Why?"
"You're annoying, irritating, and mischievous. I dislike it but at the same time-"
"You love it," he smirked. Muli s'yang humilig sa upuan at napatingin sa labas ng kotse. "I'm sorry. I just love seeing your different expressions whenever I annoy you. It's priceless."
Hinampas ko s'ya kaagad sa kanyang matigas na tiyan dahil sa inis. "Bored ka ba kaya ako ang palagi mong inaasar ha?!"
Tinawanan ako ng loko. Ang gwapo n'ya dun infairness. AAAHH! Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang nangyayari sa utak ko?
"Hindi naman. Nakakatuwa ka lang talaga."
We stared at each other inadvertently when his cellphone suddenly rang. Kumunot ang kanyang noo habang binabasa ang mensahe.
"We need to leave or go somewhere else. Andun sila sa bahay ko," aniya.
Napabuntong ako ng marahas. "Where do we need to go then?"
"How about Save's house?" suhestyun n'ya na ikinagulat ko. Nakita kong tinatype n'ya ang numero nito at agad na tinawagan.
"T-Teka lang-"
"Save? You there? You sick? The fuck dude- Alice needs you now... oo, punta kami dyan sa inyo ngayon... stop coughing... I will... see you," sabay baba.
"Teka lang, huwag ka ngang magdesisyon ng padalos-dalos d'yan," asik ko at agad na hinablot ang kanyang cellphone.
Nagtataka n'ya akong tinignan. "There are no journalists at Xavier's house. You'll be safe there. Besides, I know you're bothered and curious about him a while ago."
I looked at him, confused. How did he even know that? I never said anything about it. I have carefully kept it in mind.
"I'm not bothered," depensa ko. "Gusto ko lang syang kamustahin."
"It's the same. You've been thinking of how he's been doing," he revs the engine and starts driving. "Even if you close your eyes, stop your ears, and seal your lips. You can't stop thinking someone else."
Napatitig ako sa kanya.
"I know every expression you make, Alice. You're my wife after all," seryoso nitong tugon, fixating his eyes on the road.
Hindi rin nagtagal ang katahimikan namin ng magsalita ako.
"How sure are you na safe ako kila Save? Baka nga may journalist pa sa bahay nila dahil sangkot sya sa issue."
"It's not about the safeness. It's about the feeling, you feel much safer with Xavier than with me so I think it's a good idea that you should stay with him for a while until I find the culprit to this issue."
But I don't feel that way.
I stayed silent for a while, keeping my eyes outside the window. Para akong jowa na nagtatampo sa kanya, but I feel displeased right now.
"Trust me, Alice. I just want you to be safe," he heaved a sigh. "I want you to be safe, though you're not mine... so nevermind."
I was quiet the whole drive. I lost the urge to speak and then he suddenly stopped at a fruit stand. He went out to buy some fruits and bananas for Save.
"Ibigay mo yan sa kanya pagdating mo dun," nilahad n'ya sa akin ang supot.
"Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?"
"I'll sleep at King's condo later. Ihahatid muna kita bago ang lahat."
We arrived at Save's mansion. I got out of his car immediately, but he did not bother to enter. It was getting late and he did not want to spend the night on the road.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi," ani ko.
"Don't worry, I'll be fine. See you."
Agad nitong pinaharurot ang sasakyan paalis. Bumuga ako ng isang marahas na hininga habang binubuksan ang gate nila Save. Hindi masyadong tahimik ang bahay nila dahil andito ang kanyang mga pinsan. Matagal na rin pala akong hindi nakakabisita rito.
"Magandang gabi po," bati ko kay ate Valeria na nagluluto ng kung ano sa kusina.
"Alice, naparito ka ata?" she asked, kissing my cheeks. "Ilagay mo na lang ang prutas sa mesa."
"Nabalitaan ko kasi Ate na may sakit si Save kaya bumisita na ako."
"Nasa kuwarto s'ya ngayon at mukhang natutulog. Gusto mo bang gisingin ko s'ya para sayo?"
Umiling ako at ngumiti. "Huwag na po, Ate. Uhm... dito na lang po muna ako sa sala."
"Suit yourself, Alice. Anything you need is here. By the way, you don't need to feel awkward around me. Matagal ko nang alam na hindi si Save ang nasa avviso," sabay kindat.
Nagtataka ko s'yang tinignan. "P-Paano n'yo-"
"Well, Alex told me. Alam mo naman ang ate mo, napakatsismosa," she let out a chuckle. "O sya. Maupo ka muna dun sa sala. I'll call Alex and inform her na andito ka sa bahay para sabay-sabay na tayong kumain ng hapunan."
Umoo na lang din ako at agad na naupo sa kanilang salas. Kung andito lang sana si Nieves, siguro may kausap ako ngayon.
"Ate Valeria, andito ba si Alice?" tanong ng matulis na boses galing sa pintuan. Niluwa nito si Nieves na may dalang prutas at pagkain tapos ay napatingin s'ya sa akin. "Oh my gee, Aliceeee!"
Tumakbo sya palapit sa akin. At agad akong niyakap.
"Paano mo nalaman na andito ako?"
"Sinabi sa akin ni Zac. Walang pasok dahil sa nangyari kanina," nilapag nito sa mesa ang pagkain. "Nabalitaan ko rin na may sakit si Save kaya nagdala na rin ako nang makakain."
"Ano ang nangyari? Sabi mo wala ng pasok?"
Kumuha s'ya ng Lays sa loob ng supot at binuksan iyon agad.
"Alam mo ba na nagpunta doon sila Emily at Greg? Inaalam na nila kung sino ang nagpakalat ng impormasyon tungkol sa avviso mo. Inimbestigahan nila kami isa-isa, s'yempre close tayo kaya hindi nila ako pwedeng palampasin."
May hinugot s'yang bagay mula sa kanyang bulsa.
"Heto nga pala ang phone mo. Binigay sa akin ni Harvey, my loves," kinilig s'ya ng impit. Ang landi talaga ng babaeng ito. Hahaha.
"Thank you, Nieves."
Agad kong binuhay ang aking phone. Mabuti na lang kasi gumagana pa ito. May iilang basag nga lang sa screen, siguro ay dahil naapakan ito kanina sa habulan.
"Ano na ang balita? Sino raw ang nagpakalat ng issue?" I asked.
"Inaalam pa nila Greg at Emily, pero may suspetya ako na isa sa mga galit sayo ang nagpakalat nun."
Isang tao lang ang naiisip ko. Yun ay si Madonna.
"Si Madonna," nakakuyom kong sambit.
"Hmm," sabay ngatngat ng junkfoods. "Yung bruhang yun lang naman ang may ganang ilabas ang sikreto mo, Alice. Diba nga andun s'ya sa pinangyarihan ng confession mo kay Save?"
"I'll text Emily. Sasabihin ko na si Madonna ang salarin kasi s'ya naman talaga," mabilis pa sa ipo-ipo ako kung makapag-type nung pigilan ako ni Nieves.
"Chill ka nga lang muna riyan. Hayaan mong sila Greg at Emily ang mag-imbestiga. Isa pa, sigurado ka ba talaga na si Madonna ang gumawa nun?"
"I'm sure of it. S'ya lang naman ang may ganang ipakain ako sa madla. May gusto s'ya kay Zac kaya naman ito ang ganti n'ya sa akin!"
She sighed violently. "Ewan ko lang pero bagsak ka na sa pagiging isang detective, Alice."
"Ansabe mo?"
"Wala, sinasabi ko lang na dapat kailangan mo ng ebidensya na magpapatunay na si Madonna nga ang source nila Jia at Jeorge." napatingin s'ya sa may hagdanan.
Bumaling din ako doon. Mabilis pa sa alas tres ang pagkabog ng puso ko dahil sa lalaking nakatayo malapit sa railing ng hagdanan.
"Gising ka na pala, mahal kong pinsan."
Napaayos ako ng upo nang makita si Save. Kahit pala nilalagnat na ay guwapo pa rin s'ya. He's only wearing his pajamas and it looks so cute.
"You're already here, Alice?" nagtataka n'ya akong tinignan habang kusot-kusot ang kanyang mga mata.
"I just got here," I replied.
Bumaling ito kay Nieves. "And you? Why did you come here?"
"Binisita kita s'yempre. Tsaka si ate Valeria na rin."
Naupo s'ya sa tabi ko at sinandal ang kanyang ulo sa headress ng sofa. "I couldn't sleep after Zac called."
Our eyes met. My heart was throbbing hard as his amber eyes met mine. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa for about two minutes when Nieves interfered.
"Ehem. Could you please stop staring at each other or you'll both melt like ice creams," she said.
Sabay kaming nag-iwas ng tingin. Akala ko talaga iiwasan n'ya ako matapos kong sabihin sa kanya ang totoo. Umalis muna saglit si Nieves para tulungan si ate Valeria sa kusina.
"Are you feeling well? May lagnat ka pa ba?"
He took my hand and put it on his forehead. "Tell me if I'm feeling well or not."
Napalunok ako ng ilang beses. Save's hand is soft and at the same time it's hot. Hindi ko pinahalata sa kanya ang kaba ng boses ko.
"Mukhang may lagnat ka pa nga."
"I lacked sleep for three straight days."
"W-Why? Something's bothering you?"
Obviously, alam ko.
"I can't sleep because I keep thinking about you, Alice. I can't think of losing you. I'm not emotionally prepared for it. It kills me. It hurts me. It pains my heart."
Nakaramdam ako ng konting awa kay Save, pero mas naaawa ako sa sarili ko.
"Me too, Save," sabi ko na lang. "Me too," hinayaan ko lang s'ya na sumandal sa aking balikat.
I can't deny the fact that I am slowly falling in love with the man I am vowed to be with...
with Zac.
- Don't forget to vote and share -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro