Chapter 25
Alice's Point of View.
"Good morning, Nieves," bati ko sa kanya nang makapasok ako sa classroom.
"Good morning. Balita ko sinabi n'yo na sa pinsan ko ang totoo noong nakaraan."
Tumango ako ng dahan-dahan. Naalala ko na naman iyong nangyari. Mapapatawad pa kaya ako ni Save dahil sa pagsisinungaling ko nang matagal sa kanya?
"K-Kumusta na pala s'ya? Galit ba s'ya sa akin?"
Nieves shrugged. "I don't know. Hindi raw s'ya pumasok ngayong araw sabi ni tita."
"Ganun ba," nanlumo kong dinukdok ang mukha ko sa desk. "Kasalanan ko ito, e. Baka napano na s'ya."
"Baka naman may sakit lang. Grabe ka naman mag-overthink d'yan," tampal niya ng mahina sa balikat ko.
"Bisitahin kaya natin?"
"Gaga! Ngayong alam na ni Save ang totoo. Sa tingin mo ba talaga hahayaan ka n'yang mapahamak? Alam mo naman siguro na bawal kang ma-attach sa ibang lalaki maliban kay Zac."
"Nag-aalala lang ako sa kanya. What if may sakit nga s'ya? Kailangan ko syang bisitahin. Kargado-konsensya ako nito."
Bumuntong si Nieves. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa labas ng pintuan. Agad ko ring nilingon ang tinititigan n'ya at nakita ang sandamakmak na campus journalists. May kanya-kanya silang dalang camera at microphone.
Nagulat ako ng pumasok sila sa classroom namin at lumapit pa talaga sa akin. May nagtutok pa ng camera sa mukha ko.
"A-Anong nangyayari dito?!" pagtataka ko.
"Totoo ba na si Zaccharias Hottie Villamor ang nasa avviso mo?" tanong ni Jia, isa sa mga campus reporter.
"Ano?! Paano n'yo nalaman ang tungkol dun?"
"So totoo nga. Base sa aming source, si Zac ang nasa avviso mo pero napag-alaman ng aming sources na si Captain Xavier Augustus ang dinadate mo noong nakaraang araw!"
"Anong sabi mo?"
"Pinagsabay mo ba talagang landiin si Villamor at Augustus?" si Josh naman.
"Hoy! Tigilan n'yo na ang kaibigan ko!"
Pinilit hawiin ni Nieves ang camera at mic ni Jia para mailayo sa mukha ko.
"Let's go, Alice!" hinigit n'ya ako palabas ng classroom at tinakbo papunta sa isang tahimik na lugar.
"May picture kami na magpapatunay na kumakain kayo ng sabay ni Xavier sa Sweet Heart nang gabing iyon!" narinig ko pang sigaw ni Mike, isang cameraman.
Tinakpan ko ang aking mukha habang hila-hila ako ni Nieves. Paano nila nalaman ang tungkol sa avviso ko? Hindi nila iyon puwedeng malaman. Isa iyong pribado at confidential na impormasyon tungkol sa amin ni Zac.
Pinaupo ako ni Nieves sa isang bench malapit sa likod gym. "Ibibili muna kita ng maiinom para makapag-chill ka. Babalik ako agad."
"Dito ka lang, Ves. Wala akong kasama."
"Kaloka ka, para kang bata. Babalik nga sabi ako agad. Just don't move, okay?" aniya at tumakbo ng mabilis papunta sa vending machine.
Napabuntong ako at tinignan ang aking phone na kanina pa nagva-vibrate. Si Zac pala ang tumatawag.
"Hello?"
📞"Where are you? Hinahabol ka ba nila Jia?"
"Nakatakas ako sa kanila kahit papaano. Bakit?"
📞 "Sinong kasama mo d'yan? Pupuntahan kita."
Napalunok ako ng laway at hinampas ang pisngi ko ng isang beses. Parang yun lang, e. Ang babaw mong babae ka!
"Kasama ko si Nieves ngayon. Wala kang dapat ipag-alala."
📞 "Where are you now?"
"N-Nasa likod kami ng gym," I replied at napapatingin sa gilid at sulok nitong gym.
📞 "I'm coming. Hintayin mo ako diyan."
Hindi pa ako tuluyang sumasang-ayon ng binaba na n'ya agad ang tawag. Aish. Ang bastos talaga, wala man lang manners!
"Si Zac ba yun?" si Nieves na inaabot sa akin ang pakete. Tumango ako at binulsa ang cellphone. "Eto chuckie. Hindi available yung milk drink na gusto mo."
"Salamat."
Naupo s'ya sa aking tabi habang sipsip ang kanyang latte flavored drink. "Ano bang habol sayo ng mga reporters na yun?"
"Nilandi ko raw ng sabay si Zac at Save. Is that how they see it?"
"We can't please everyone, Alice. Isang parte lang ng kuwento ang nalaman nila, hindi ang kabuuan nito. May tatlong bagay na nangyayari sa bawat kwento ng tao. Una, nagiging kulang ang kwento. Pangalawa, nagiging sobra ito. Pangatlo, binabago ng tao. Sa kaso mo, binago ng source ang kuwento mo. Napaka-toxic."
Itutusok ko na sana ang straw ng biglang gumawa ng feedback ang speakers ng school. Mukhang may announcement ata.
"Good morning fellow students, I have a very special announcement. Kung sino man ang makakahuli kay Alesandra del Mundo at Zaccharias Villamor, maaari n'yong ipagbigay alam sa amin at dalhin n'yo rito sa Audio Visual Room ng mabilis para mainterview namin silang dalawa patungkol sa avviso nila..." boses iyon ni Jeorge, isa sa editor in chief ng flicker.
At target nila ako?!
"At bakit naman gagawin ng mga estudyante yun?!" singhal ni Nieves sa speaker.
"Magbibigay kami ng reward sa kung sino man ang makakahuli sa kanila. House and Lot at brand new BMW 58i model na galing China!" masaya nitong sambit. "And the game of Habulan, starts... NOW!"
Nagkatinginan kami ni Nieves at napagtanto na siniseryoso nga ng iba ang laro na ito.
"Kailangan mong magtago, Alice!" agad n'ya akong hinila patakbo.
"T-Teka, ang sabi ni Zac hintayin ko raw sya rito!"
"Sige hintayin mo sya para dumugin ka ng madla sa kahihintay mo kay Zaccharias!"
Nakita kami ng ibang estudyante. Tinuro pa nila ako at hinabol pagkatapos.
"AYUN SYA!!"
"GUYS DITOOO!"
"AAAHHHH!!" sigaw ako nang sigaw habang tumatakbo ng naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
📞 "Asan ka na?!"
"Tinatakas ako ni Nieves dahil sa mga humahabol sa amin."
Hindi ko alam kung narinig n'ya ba ng buo ang sinabi ko dahil sa aalog-alog kong boses.
📞 "The fvck!"
"Minumura mo na ba ako, Zaccharias?!"
📞 "S-Sorry, hindi yun para sa'yo, babe."
That endearment made my heart pound. Malakas na nga ang kabog dahil sa pagtakbo, mas lalo pa tuloy itong lumalakas dahil sa sinabi n'ya.
"Gago ka talaga. Don't babe me!"
Nakita kong hingal na hingal na si Nieves at nalilito at the same time kung saan kami dadaan.
📞 "They're damn chasing me as well. Magkita na lang tayo sa parking lot"
"Sa parking? Pero papunta kaming-" naputol ang pagsasalita ko nung may nabangga kaming junior. Nabitawan ko ang aking cellphone at nalaglag ito sa semento. "Teka! Yung phone ko!"
"Mamaya na yan. Balikan mo na lang mamaya!" hinila n'ya ako ulit. "Saan na ba?!"
"Punta tayong parking lot. Doon pupunta si Zaccharias," ani ko.
"Sigurado ka ba d'yan?"
"Sigurado ako. Bilis."
Para kaming nasa Maze Runner dahil sa mga hayop na nakasunod sa amin. Tapos may upbeat music pa mula speaker na kanta ni James Reid. Natataranta.
"Natataranta na
Natataranta na
Di mapakali ang isip kakaba-kaba..."
OO. NATATARANTA NA NGA AKO! POTAAAA! Sino ba kasi ang nagbulgar na si Zaccharias ang nasa avviso ko?! Nakakainis ang taong yun. Pagbabayaran n'ya ang ginawa n'yang ito sa akin. Nakita kong nadapa si Nieves. Tangina, nakakahiya.
"Nadapa ka pa?! Ang laki-laki mo na, Nieves!" sigaw ko at tinignan ang alon ng mga taong mas dumadami sa paghahabol.
"M-Mauna ka na, Alice. I-Iwan mo na ako," madrama n'yang sabi.
"Hoy kaloka ka! May panahon ka pa talagang magdrama d'yan tumayo ka na bilis!" lalapitan ko na sana s'ya ng itulak n'ya ako palayo.
"BILISAN NATIN!"
"YUNG HOUSE AND LOT!"
"Takbo na, Alice! Bilis!" si Nieves.
"B-Babalikan kita, Nieves. Pangako ko yan," utas ko sabay takbo ng mabilis palayo sa madla.
Nahuli nila si Nieves at pinagtulungang interviewhin. Patawad, Nieves. Ikaw pa ang naging pain ko rito. Huhuhu.
"Alice, dito," pagtawag sa akin ng isang boses. Napalingon ako sa gilid ng pader at nakita si King na may dalang jacket. "Isuot mo bilis."
Agad ko namang ginawa ang kanyang sinabi. Binigyan n'ya rin ako ng face mask at eyeglasses na pangbulag.
"Magdahan-dahan ka lang sa paglalakad. Aalalayan kita papuntang parking lot," bulong nito sa akin.
"Nakakakita naman ako, King."
"Just act like you're sick or blind."
Nakita ko ang mga estudyanteng tumatakbo at hinahanap ako na para bang nawala ako na parang bula.
"Andito lang yun kanina. Diba dito sya dumaan?" tanong ng junior.
"Hoy ikaw!" (Referring to King)
"Bakit, tol?"
Hindi halata sa kanya na kinakabahan sya o ano. Natural lang kay King ang angas n'ya.
"I-Ikaw pala yan, Senpai King," tiklop nito. "May nakita ka bang Alice ang pangalan?"
"Alice? Maganda ba yan? Kung maganda yan, baka nakita ko pa," maangas n'yang sagot.
Inapakan ko ng pasikreto ang kanyang paa kaya naman napaaray sya ng pasikreto sa ginawa ko. Umalis na rin ang mga juniors pagkatapos nyang senyasan na umalis.
"Aray ko. Ba't mo naman yun ginawa?" reklamo n'ya habang nakahawak sa kanyang sapatos.
"Eh kasi ang sama mo kanina."
"Mabuti na yun kesa mahuli ka nila. Mapagalitan pa ako ni Zac kapag hindi kita nahatid sa parking lot."
Napairap ako at naglakad papuntang parking space. Parehong-pareho talaga sila ng ugali, e. Hindi ako makapaniwala tsk. Nagkakahawaan na ng pagkahambog at pagkamahangin dito. Hindi ko alam na isang contagious disease ang dala ni Zac. Nahinto kami sa isang matte black na sasakyan. Hindi ito ang kotse ni Zac, a.
"Pumasok ka na, prinsesa," sabi ni King na may halong pang-aasar.
"This is not Zac's car."
"Hindi nga. Kotse ko ito," tinuro n'ya ang kotse ni Zac na nasa kabilang lane.
Nakita ko ang iilang campus journalists na andun. Mukhang hinihintay talaga nila si Zac na pumasok sa mismong kotse nito. Siguro pati sa room ay inaabangan nila yun.
"Kaya eto muna ang gamitin n'yo habang mainit pa ang balita," ngisi n'ya.
"Hindi ko alam kung pasasalamatan kita o babatukan."
"You can do both..."
Nakita ko ang isang janitor na may baseball cap at sunglasses. Pumasok na lang s'ya bigla sa sasakyan ni King at sinenyasan akong pumasok. Nagtataka akong sumunod.
"Ingat kayo, pre," anito ni King na napakindat pa sa janitor. Ang hot naman ng janitor na ito.
"I'm glad you're safe, babe..." tinanggal nito ang kanyang suot na sunglasses at dahan-dahang ngumiti sa akin.
Pota! Disguise Level 9999
Napanganga ako ng makita ang kanyang itsura. Damn it, Zac. Sinabi ko bang hot ka sa janitor's outfit mo?
"Sa'n mo gustong pumunta?" tanong n'ya.
"Kahit saan."
Hindi pa rin nawala ang ngiti sa kanyang labi. Gusto n'ya atang punitin ko pa yun, e.
"Ngiti-ngiti mo d'yan?"
"Wala naman..."
"Baliw!"
"Baliw sayo."
Agad akong napalingon sa labas ng bintana. Huwag kang ngumiti, huwag kang ngumiti, gaga ka 'wag kang ngumiti. Tanginang labi ngumingiti talaga kahit anong pigil ko rito.
"Well, let's eat some ice cream. Inutusan ko na si King at Harvey to make everything under control. Harvey will let our teachers know what happened. And King will find out who the fvck spread this news," inis s'yang nakatingin ng diretso sa mga journalists.
Agad n'yang pinaandar ang sasakyan palabas ng paaralan.
"H-Hindi naman nila kasalanan na may nalagap silang balita. Isa pa, sabi ni Jia sa akin, may natanggap silang litrato mula sa kanilang source."
"Source?"
"Kung tama ang dinig ko. Oo, may source raw sila."
Seryoso s'yang nakatingin sa daanan. Hindi na rin ako nagsalita pa matapos nun hanggang sa huminto kami sa isang ice cream shop na nasa labas ng Amore City. Zéphy's Ice Cream Shoppe. Hinubad ko yung jacket na suot ko kanina at ibinigay iyon sa kanya.
"Mukhang sayo ata ito."
"What's mine is yours, Alice. Remember that," he smiled.
Nag-iwas ako ng tingin at agad na binuksan ang pinto ng kotse. Kaloka, ilang beses ba akong dapat kiligin rito?
Sumunod ako sa kanya papasok ng shop. Pinagtinginan kami ng mga customers at waitresses sa loob, at hindi ko alam kung bakit. Nahinto si Zac sa paglalakad, nagulat ako ng bigla n'yang pinulupot ang kanyang kamay sa beywang ko.
"Tch. Taken na ako," bulong n'ya, sapat lang para marinig ko.
Namula ako sa sobrang hiya. Kung wala lang sanang tao, kanina ko pa sya binugbog ng todo. Ayaw ko naman syang mapahiya sa harapan ng madla kaya naman pasikreto kong kinurot ang kanyang tagiliran ng makaorder kami sa counter.
"Para sa'n yun?" reklamo n'ya, hawak-hawak ang tagiliran.
"Para yan sa pagsisinungaling. Sino nagsabing taken ka na?"
"Bakit? Ayaw mo pala na taken na ako?" ngisi nito.
"H-Hindi yun ang ibig kong sabihin. Gago ka talaga!"
"Huwag mo akong murahin, babe. You're turning me on."
"And I'll turn you off kung ngingisi ka pa d'yan."
Tinawanan lang ako ng loko.
"Alam mo ba na napakasarap mong bugbugin, ha?" inis ko.
"Bugbugin mo ako ng pagmamahal mo."
Freakin butterflies. Stop flying! It tickles.
"Heto na po ang order n'yo," nilagay ng waitress ang ice cream na inorder namin ni Halimaw.
Pipicturan ko na sana ng marealize ko na nahulog ko nga pala ang cellphone ko kanina.
"Bakit hindi mo nilalantakan yan?" tanong ni Zac. "Don't you like double dutch?"
"Hindi naman. Gusto ko munang picturan bago kainin kaso nahulog yung phone ko sa habulan kanina," napangiwi ako habang iniisip ang kalagayan ng phone ko. Sana nasa maayos lang na kalagayan iyon.
"Then use mine instead," he said, giving it to me.
"S-Sigurado ka? Hindi ka magagalit?"
"Why would I? Kahit punuin mo pa ng litrato ng ice cream ang memory n'yan, hinding-hindi ako magagalit sayo. Gaya nga ng sabi ko kanina, what's mine is yours."
Napangiti ako at agad na pinicturan ang ice cream. Sinauli ko rin agad pagkatapos kong makontento sa mga litratong kinuha ko. Susubo na sana ako ng marinig ko ang isang click mula sa kanyang phone at nakaharap ang back camera nito sa akin.
"Pinicturan mo ba ako?!" utas ko.
"Why would I?" I took a photo of my ice cream as well.
Ooh. I see.
"I thought you took a picture of me," mahina kong sambit.
– Don't forget to vote and share –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro