Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Alice's Point of View.

Isang busina ng kotse ang narinig ko mula sa labas. Mukhang si Save na ata yan. Muli akong tumingin sa salamin sa huling beses. Maayos naman ang itsura ko, mukha na akong tao. Simpleng dress lang ang sinuot ko na above the knee and a three-inched wedge.

Bumaba ako agad ng hagdanan nang madatnan ko si ate Alex na nakaharang sa pintuan. Pinagkrus n'ya ang kanyang mga kamay at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Where do you think you're going, Alice?"

"Nagyaya magdinner si Save, Ate," kabado kong sagot.

Hindi halata sa itsura ko pero kinakabahan ako ng sobra sa reaksyon n'ya. Baka hindi ako payagan nito.

"Be back at eight o' clock. Pupunta sila Greg at Emily dito..." walang gana n'yang tugon.

"7PM na, twenty minutes ang papunta roon sa restau tapos twenty minutes pabalik," reklamo ko.

Wala na kaming sapat na oras ni Save para mag-lovey dovey, tch. Isa pa, ngayon ko rin sasabihin kay Save ang tungkol sa amin ni Zac.

"Just do what I say, Alesandra!" matigas n'yang ingles at dinaanan ako matapos.

Napairap ako sa kawalan at padarag na lumabas ng pinto. Inis na inis ang mukha ko ng sinalubong ko si Save, instead of a smile, kabitteran ang naging reaksyon ng mukha ko.

"Is there something wrong?" he asked.

Pilit akong ngumiti. "Ayos lang, may konting tampuhan lang kami ni Ate."

Isang hilaw na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya ng biglang pumasok sa isip ko kung bakit silang dalawa ni kuya Greg at ate Emily ang pupunta sa bahay. Hindi naman ako bingi para magkamali ng dinig, e.

"We're here," bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Save.

Kumurap-kurap ako at napatingin sa labas. Ang bilis naman yata naming nakarating, parang eight seconds lang yun, a?

Pinagbuksan n'ya ako ng kotse. "You look beautiful tonight, Alice," bulong n'ya sa tenga ko.

Uminit ang pisngi ko. "Pinapaulanan mo na naman ako sa papuri."

"It's true," he smiled and guided me inside the restaurant.

It's the famous and one and ONLY restaurant in Amore City. It's named after the famous first lady of Amore, Sweet Heart Resto. Bakit hindi ko naisip na dito n'ya ako dadalhin? Or baka nag-expect ako na paghahandaan n'ya ako ng isang dinner date with roses and wine, parang candle light dinner kumbaga.

Napaka-expectant ko kasi masyado. Ayan tuloy!

"Thank you," ani ko matapos niya akong ipaghila ng mauupuan.

"Welcome, so what do you want to order?" he asked, holding a menu.

I open mine at nanlalaking mata na pinasadahan ang mga cuisines. Expected ko naman na mahal talaga rito pero hindi ko alam na ganito pala kamahal. Mayaman sila Save, s'yempre madalas kumain ang pamilya nya rito. Pero ako? Nah, never.

"Puwedeng tubig na lang?"

Natawa s'ya sa sinabi ko.

"It's okay, Alice. Just order whatever you want. I'll treat you, okay? You have nothing to worry about," muli n'yang tinignan ang menu.

Umoo na lang rin ako. Well, if he insists then I have to order. Masarap naman siguro lahat pero gusto ko itong steak.

"Steak na lang, smoldered in onions tsaka veggie salad."

Mukhang masarap pakinggan, e.

"Okay," sumenyas s'ya sa waiter na nakatayo sa kabilang table. Agad itong lumapit sa puwesto namin at sinabi ni Save ang oorderin namin pareho.

"Noted sir. Anything else?"

"White wine..." tipid n'yang sagot na tinanguan naman ng waiter.

"White wine? May ganun pala?"

"Meron dito. They made it themselves and my family said it's good."

"So hindi mo pa natitikman?"

Umiling ito. "I don't drink in front of my family."

Silence surrounded the area but not for long.

"Ano ang pinag-awayan n'yo ni ate Alex?"

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. Kailangan ko kasi ng lakas ng loob para kausapin si Xavier tungkol sa avviso na matagal ko nang natanggap.

"She wants me to be home by eight o' clock," I replied.

"Okay. If that's what she wants, ihahatid kita bago mag 8 PM," he smiled.

"Thanks, Save," I hid my lip before saying anything. "By the way, may sasabihin nga pala ako sayo–" natigil ako sa pagsasalita ng nilahad ng waiter iyong inorder namin.

"Before that, let's eat muna. I'm hungry as hell," sambit nya na tinanguan ko rin.

Tange, kinakabahan ako ngayon. Natatakot ako na baka hindi na muli ako pansinin ni Save. Kain lang ako ng kain nang nakuha ng aking atensyon ang customers na kapapasok lang sa may pinto. Nakita ko si Zaccharias kasama si Madonna, and he let's her wrapped her arms around his. What a fucker! Tch.

"Are you okay?" si Save na napansin yata ang kunot kong noo pagkatapos kong tignan ang nasa likuran n'ya.

"I'm fine, I just saw Madonna."

Sa kanya ba talaga ako naiinis?

Napalingon na rin si Xavier sa may pinto. Naupo na sila at pinaghila n'ya pa ito ng upuan. Hinalikan pa s'ya ni Madonna sa pisngi nito. Ngumiti lang ang loko. Nawalan na tuloy ako ng gana, bweset ha? Masarap naman ang pagkain, bakit ako mawawalan ng gana?

"Oh, it's Zac! Tawagin natin mamaya pagkatapos," nakangiti n'yang suhestyun.

"Huwag uy! Baka maistorbo pa natin ang date nila."

"W-Well, you got a point there," muling bumaling si Save sa kinakain. "Mabuti naman at nagkakamabutihan na yung dalawa."

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Madonna likes Zac so much, but most of the cheerleaders think na kami ang bagay since we are holding a same position," iling niya. "If they only know who owns my heart."

He smiled at me, hinawakan n'ya bigla ang aking kamay. Binigyan ko lang s'ya ng isang hilaw na ngiti. Nagpatuloy kami sa pagkain. Tinusok-tusok ko lang yung repolyo na nasa salad, pati yung kamatis patay na rin sa ginagawa ko. Naparami rin ang inom ko ng wine. Sinadya ko talaga para magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Save ang buong katotohanan. Nakakapagod rin kasi magtago sa kanya, nakakakonsensya na.

"Alice, you're drinking too much."

Nilagay ko ang wineglass sa table matapos kong maubos ang laman nito.

"Save, I have something to tell you."

"What is it? Do you want to go home? It's 7:45 PM already, baka pagalitan ka na ni ate Alex."

"Don't worry about her," I said, pouring another glass of wine. "I received my avviso last time and guess what? The government arranged me to your friend."

Lasing na lasing ang tono ko pero sa isip ko hindi pa ako lasing.

"Whose friend?"

Ngumuso ako sa pwesto nila Zac habang pinaikot-ikot ang baso. "That friend."

"Your avviso del governo is... Zac?" halata sa kanyang itsura ang pagkagulat.

"Yes, he is. He is, Save," walang emosyon kong sambit.

"Alice, iuuwi na kita," inalalayan n'ya ako sa pagtayo hanggang sa makalabas kami ng restau. "I can't take you home like this. Amoy alak ka," pinunasan n'ya ang namamawis kong mukha.

"Save, you know that I love you, right?"

Tinitigan ko ang mga kumikislap n'yang mga mata. Tumango s'ya at pinagpatuloy ang pagpupunas sa mukha ko.

"Of course, I do. But you're already vowed to Zac. I can't do anything about it, Alice." matabang s'yang ngumiti as he kissed my forehead. "And I love you too, but we can't be together for now."

Malungkot akong tumango at hinalikan s'ya pabalik sa noo.

"I'm sorry, I lied to you. Natakot ako, Save," I cried.

"It's okay, but you should've hurt me with the truth than comforting me with your lies," malungkot niyang sabi.

I saw Zaccharias walking towards us. Kasama n'ya si Madonna, pero nakasunod na ito sa kanya. Mabuti at hindi na s'ya nakapulupot na parang ahas dito. Nagkaharap silang dalawa ni Save, mata sa mata. Halos magkasing tangkad lang sila and they're both giving each other death glares.

"You know it already. Don't you?" tanong ni Zac rito.

Tumango lang si Save at napabuntong. Mukha s'yang nagpipigil ng sama ng loob o nang kung anong emosyon.

"Ihahatid ko na si Alice. Bukas na tayo mag-usap, Zac," he said with finality.

"Ako na ang maghahatid sa kanya. I'm going there anyway," hinigit ako ni Zac palapit sa kanya.

"So sinong maghahatid sa akin, Zacky?" si Madonna.

Andito pa pala siya, hindi ko man lang namalayan ang bruha.

"Xavier, of course," ani Zac na ikinagulat naman ni Save.

"Wag ka ngang magsuggest ng basta-basta para sa sarili mo!" untag ko at kumawala sa kanyang hawak.

"It's not for me, idiot. It's for all of us," sinenyasan n'ya si Save tungkol kay Madonna.

"Madonna, ihahatid na lang kita," si Save.

Pati si Madonna, hindi rin natuwa sa suhestyun na yun. Mas gusto n'ya nga talaga si Zac, well, she likes Zaccharias for real. Sinamaan n'ya ako ng tingin. If looks can kill, I'd be dead by now.

"Zac, alam mo naman siguro ang mangyayari pagkatapos nito, diba?" si Madonna na nakataas ang kilay.

Galit na galit n'ya itong nilapitan. Parang may pinag-uusapan silang dalawa na hindi namin marinig mula rito.

What's up with them?

"I'll broadcast this to the public. Watch me," she said, which sounds like a threat.

Agad s'yang pinapasok ni Xavier sa loob ng sasakyan. He looked at me for the last time, like his eyes were saying good bye.

"Good bye, Alice," he said, opening the door of the driver's seat and drove away.

Sa huling pagkakataon, nakita kong malungkot ang mga mata ni Save para sa akin. Napaluhod ako sa semento. Kanina ko pa talaga gustong mawalan ng lakas, mukhang ngayon lang ata ako naging mahina. Lumuhod si Zac at pinantayan ang tangkad ko.

"I hate seeing you like this," humugot s'ya ng panyo at pinahid iyon sa mukha ko.

Hindi ko man lang namalayan na unti-unti na pa lang tumatakas ang mga luha na kanina pa nangingilid sa mga mata ko.

"Why does it have to be you?" I asked, shooting daggers at him.

"And why does it have to be you also?"

Tumayo ako at pinagpag ang aking damit. It's already eight o' clock. Malalagot ako kay Ate pagdating ko sa bahay nito. Agad akong pumasok sa sasakyan ni Zac. Mukhang nagets n'ya na gusto ko nang umuwi kaya naman sumunod s'ya sa akin papasok.

Wala akong panahong makipagbiruan sa kanya. Masyado pa akong nasasaktan.

"If I only knew that telling the truth would mean so much pain, I would have kept my mouth shut and lie all over again," bulong ko.




Save's Point of View.

Madonna's not talking. She keeps staring outside the window like she's about to explode anytime. Kinakabahan ako pero mas nasasaktan ako ngayon. Mas nangibabaw ang sakit at selos na nararamdaman ko kesa sa kahit na anong emosyon.

"He'll pay for this," she uttered. "Your friend will definitely pay for this, Xavier."

"And why does he have to pay you?"

"Makikita n'ya. He messed with the wrong cheerleader," untag nito.

Agad n'yang binuksan ang kotse ng nakarating kami sa bahay nila at padarag n'ya itong sinara. Hindi man lang nagawang mag-thank you ng isang iyon. Unlike Alice, she's always kind and fun to be with, but for now hindi ako puwedeng lumapit sa kanya. I know the rules, I know the laws, they'll take me away from her hangga't hindi natatapos ang experiment na ito.

Napabuntong ako at hinilamos ang aking kamay. I need to take a deep breath before I go home. I look like shit tonight. I've been expecting this after her birthday, but I wasn't expecting that the government would arrange her to one of my friends. I was prepared for this confession. Pinaghandaan ko na masaktan, pero hindi ko napaghandaan ang sakit.

Damn! If I only knew that the truth would hurt me this much, I would've just told myself to cover my ears and eyes from it. Maybe that's the reason why Zac became so distant to me lately. That fucker never told me the truth about it. Para akong tanga na naghihintay sa katotohanan. Were they playing around me? Alam nilang dalawa pero hinayaan nila akong magmukhang tanga?

"Damn it, Alice! Why didn't you tell me in the first place?" hinampas ko ang manibela.

Maiintindihan ko naman. I'll accept the truth, even if it hurts... a lot.

Pinaandar ko kaagad ang sasakyan pauwi. Wala rin namang practice bukas dahil tapos na rin ang Inter High. Nawalan tuloy ako ng ganang pumasok bukas.

Tangina, ang hirap kayang palayain ng taong gusto mong makasama habang buhay.

– Don't forget to vote and share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro