Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Alice's Point of View.

Second day of Inter High Competition. Alas dyes ng umaga magsisimula ang second game ng volleyball. It's already 10:15 AM, sinadya ko talagang magpalate sapagkat hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang daming pumapasok sa isip ko and I don't know how to deal with it.

"Oo, papunta na ako d'yan," sagot ko kay Nieves na nasa kabilang linya.

Maaga s'yang nakarating kesa sa akin. Masyadong excited makita si Harvey, gaga talaga.

"Bilisan mo at magche-cheer pa tayo. Malapit na magsimula ang game nila pinsan."

"Oo na, oo na. Nasa may gate na rin ako," sambit ko at nilingon ang labas ng kotse. "Lalabas na ako, bye."

Pinatay ko ang tawag at nilingon si Manong. Hindi kasi basta-basta makakapasok ang taxi sa loob, maliban na lang kung isa ka sa mga participants ng competition. Kaso natapos na ang cheerleading competition kahapon.

"Dito na lang po ako," binigyan ko s'ya ng isandaang piso, the exact amount for my transportation fee.

Lumabas ako ng kotse at agad na pumasok sa Academy. Pinakita ko lang sa guwardiya ang I.D. kaya pinapasok n'ya rin ako agad. Dumiretso ako sa loob ng gymnasium kung saan hiyawan ng mga tao ang bumungad sa akin. Damn, nagsisimula na nga talaga ang second match namin laban sa Caramel Academy. And what's more interesting? Kasali pala yung pogi sa manlalaro ng volleyball team nila.

"What took you so long?" bungad ni Nieves.

"Nag-taxi ako kaya natagalan," sagot ko at pinako ang mga mata sa side nila Xavier. "Kanina pa ba nagsisimula?"

"Kakasimula pa lang. They're already at ten points. Zac's really good at stealing," komento n'ya pa.

Napatingin ako kay Zac na seryosong nakatingin sa bola. Hindi ko alam pero bigla na lang tumibok ang dibdib ko na para bang hinahawakan n'ya ako ngayon.

"Ang ganda naman ng bracelet mo," sambit n'ya at tinitigan ang bracelet na suot ko. Ito iyong ibinigay ni Zac sa akin kahapon.

Agad ko iyong itinago sa aking likuran at nag-iwas. Bigla ko na lang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. Mukhang heto na naman ako sa 'di ko magets na feelings.

"Thanks."

"Yan ba ang binigay ni Zac sayo kahapon?" panunudyo niya.

Kumunot ang noo ko. Paano n'ya naman nalaman ang tungkol dun? Tsk. Wala ba talagang balita ang nasisikreto sa kanya? Hindi ako nagsalita at pinanood na lang ang laro hanggang sa matapos ito at makaabot sila ng 25pts.

"Ang galing, panalo tayo sa first set," impit na sambit ni Madonna.

Andito pala ang babaeng ito. Malamang, Alice, suportado nito si Zacky n'ya. Shutaena.

"Tara, magbreak na rin muna tayo, Alice," bumalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Nieves sa balikat.

Umoo na lang rin ako at agad na sumunod sa kanya palabas. Bumili kami ng makakain sa napakagara at napakalawak nilang cafeteria. Parang mansyon yung canteen, kaloka!

"Ano ba yan, feel ko tuloy nasa maling dimensyon ako," sarkastikong sambit ng katabi ko.

"Tumigil ka nga. Huwag mo masyadong ipahalata na galing tayo sa isang iskwater," biro ko.

Bumili ako ng tubig at Monde special mamom. Bumalik rin kami agad ni Nieves nang mahagip ng mga mata ko si Madonna na kasama si Zac. Nagngingitian pa sila habang masayang naglalakad pabalik sa loob at mukhang hindi n'ya ako nakita dahil dun.

Napairap ako sa kawalan at sumunod kay Nieves. Tsk. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa tuwing magkasama sila. Siguro dahil nakakainis talaga silang dalawa tapos nagsama pa sa paningin ko kaya nadoble ang inis ko. Ano bang pinagsasasabi ko?

Natapos ang laro nang hindi ko namamalayan. Alas dose na pala at kailangan nilang maglunch bago ipagpatuloy ang laro sa last set. Bumalik kami sa station upang kumain kasama sila Save at nang team. Nasa iisang mesa kami kasama ang kanyang close friends, maliban kay Madonna na inimbitahan ni Zaccharias para sumabay sa amin.

Nawalan tuloy ako ng gana.

"Uuwi na muna ako," paalam ko kay Nieves na kumakain ng lunch.

"Huh? Bakit? Hindi pa naman tapos ang game, Alice."

"Wala ka bang gana?" nag-aalalang tanong ni Save.

Nilapit nito ang kanyang noo sa noo ko. Nagulat nga ang mga kaharap namin habang kumakain.

"Wala ka namang lagnat."

Lumayo ako ng konti pagkatapos at iniwasan ang kanilang tingin.

"M-Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon."

Gusto ko lang umalis. Napagod ako bigla sa nakita ko.

"Gusto kitang ihatid kaso may laro pa kami," si Save.

"Ayos lang. Kaya ko naman magcommute," bumaling ako kay Nieves na nagtataka pa rin ang itsura sa mga kinikilos ko. "Aalis ako after lunch. Support the team for me."

Tumango lang s'ya at nagpatuloy sa pagkain tsaka ako binulungan. "I'll go with you."

Nagpaalam din kaming dalawa pagkatapos naming kumain. Napasulyap ako kay Zac at nakita na masaya silang nagtatawanan ni Madonna. Bakit ba hindi n'ya ako pinapansin?

Save kissed my forehead nung nagpaalam ako. Ihahatid na lang ako ni Nieves, tutal naman nagdala s'ya ng kotse.

"Zac, aalis na sila Alice," pagkuha ni King sa atensyon nito.

Ngumiti s'ya sa amin at nagbabay. "Ingat kayo sa daan," tsaka s'ya bumaling kay Madonna. "Let's go?"

Napairap ako at naglakad ng mabilis papuntang parking lot. Mabuti at mabilis na sumunod si Nieves sa akin. Padarag kong binuksan ang pinto ng kotse at agad na naupo sa passenger's seat. Tawa lang nang tawa si Nieves nang maupo sa driver's seat kaya lumukot ang noo ko.

"Ano bang problema mo? What the hell is so funny, Nieves?" angil ko at pinagkrus ang aking kamay sa dibdib.

"Ikaw, you're so funny. Napaka-obvious mo kasing magselos, Alice, my friend," at humagalpak pa s'ya ng tawa.

I rolled my eyes at her at nagseat belt. "Bilisan mo. Gusto ko nang umuwi."

"Hindi mo man lang ba itatanggi na nagseselos ka? May feelings ka na ba for Zac, ha?" pang-aasar niya.

"I'm not freaking jealous. Naiinis lang ako kay Madonna kasi para s'yang ahas kung makapalupot kay Zaccharias."

"Amin-amin din pag may time, Alice."

"Wala akong dapat aminin..." I condescended.

She shrugged at pinalampas ang sinabi ko. "Okay, if yan nga talaga ang totoo. Pero sinasabi ko sayo, Alice. Madedevelop ka rin kay Zac."

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan dahil dun. "I will never fall for that guy. Masyado s'yang nakakainis and I hate him and his guts."

"Where that it all should start," ngiti n'ya at agad na binuhay ang makina.



KINABUKASAN, hindi ako nagpunta sa last game or sa awarding ng Inter High Competition. Nawalan ako ng gana tsaka naramdaman ko na ang pagod. May iilang text pa mula kay Nieves at Ms. dela Vega, pero hindi ko na iyon pinansin.

It was four o' clock in the afternoon. Nasa garden lang ako at nagdidilig ng halaman ng tumunog ang phone ko. Xavier's name appeared on the screen kaya sinagot ko yun agad.

"Hello, Save."

📞 "Alice, let's eat dinner together. I promised you that today, remember?"

Oo nga pala. Mukhang tinotoo n'ya ang sinabi n'ya na babawi s'ya sa akin.

"Sige, tsaka nanalo ba kayo?"

📞 "Yeah, well. First place, tinalo kami ng Caramel Academy."

Nilagay ko muna ang shovel. "Okay lang yan. Panalo pa rin kayo sa puso ko."

📞 "I thought so. Well, I'm going to pick you up at 7 PM, how's that?"

"That sounds good, Save. See you,"

I'll make sure that I will look pretty tonight.

📞 "Bye, Alice. See you."

Agad kong binaba ang tawag. Nagpatuloy ako sa paghahardin.

Why am I not excited for tonight?

"ALICE!"

Napatalon ako sa napakatalas na boses ni ate Alex. Agad ko s'yang binalingan ng tingin at kunot noong tinignan.

"Bakit, Ate? Anong problema ng mukha mo?"

"Walang problema ang mukha ko. Andito si Zac ngayon tapos naghahardin ka?" Naiiling n'yang utas.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko at agad na napatayo.

"A-Anong ginagawa n'ya rito? Wala s'yang sinabi sa akin na pupunta s'ya ngayon."

"Malay ko. Mag-usap na lang kayo tungkol d'yan, nasa kusina lang ako," kinindatan n'ya ako bago tuluyang bumalik sa loob.

I looked at myself from head to toe, and I look like a mess. Ang daming putik at lupa sa damit at mukha ko. Para akong hindi tao.

No choice.

Agad akong sumunod sa loob. Nakita ko si Zac na chill na chill habang sumisipsip sa binili n'yang kape galing Starbucks. I coughed to get his attention dahilan para mapatingin s'ya sa akin.

"What are you doing here? May kailangan ka?"

He stared at me, pinasadahan n'ya ako ng tingin from head to foot. "You look like-"

"A mess..." inunahan ko na bago n'ya pa ako insultuhin.

"A beautiful mess," ismid n'ya at sumipsip sa kanyang inumin.

Dugdug. Dugdug.

Ano ba yan! My heart's thumping hard again. Nakakainis ang mga banat na 'yan. Inirapan ko s'ya, trying to hide my flushed face.

"Puwede bang tigil-tigilan mo ako sa mga banat-banat na 'yan?"

"Bakit? Is your heart beating for me now? Pinapakabog ko na ba yang puso mo?"

"Tumigil ka. Hinding-hindi ka magkakaroon ng ganyang epekto sa akin kahit kailan," naupo ako sa sofa at mas piniling manood ng TV. Naramdaman kong tumabi s'ya sa akin. "Andito ka ba para asarin ako?"

"Wala naman. Talo kami," walang emosyon n'yang sabi.

"First place kayo. Talo na yun sayo?"

"You'll know what I feel once you're the MVP of the team," pinahinga n'ya ang kanyang likuran sa sofa. "You weren't there, kaya siguro nawalan ako ng inspirasyon."

Dugdug. Dugdug.

Potaaa. Ayan na naman s'ya. Napapikit ako ng mariin habang sinusupil ang isang ngiti. Ayaw kong magpatalo sa emosyon ko.

"Ako pa talaga ang binola mo. Andun naman si Madonna."

Oh, diba? Pinu-push ko na s'ya ngayon sa iba kahit ako iyong itinakda ng gobyerno para sa kanya.

"Kung alam mo lang," bulong nito.

"Alam ang alin?"

"Nevermind," he stared at my lap. Nakashorts lang ako ngayon at simpleng blouse.

"May problema ka ba sa suot ko, Zaccharias?" taas kilay kong tanong.

Umiling s'ya. Ilang segundo rin bago ko naramdaman na humiga na pala s'ya sa mga binti ko habang nakalagay ang kamay sa noo. Napalunok ako dahil dun. Gusto ko s'yang itulak palayo, pero traydor talaga ang aking katawan. Mas pinili kong pagpahingain s'ya sa lap ko.

"A-Anong ginagawa mo uy?"

"Resting."

Oo nga naman, Alice! Boba?

"Ibig kong sabihin, bakit sa mga binti ko pa? Puwede ka namang humiga sa sofa, tsaka ang baho ko pa, oh. Pawis na pawis ako galing sa paghahardin."

Tinanggal n'ya ang nakaharang na kamay sa kanyang mata at nakangisi akong tinitigan.

"Mabango ka pa rin naman."

Hinampas ko s'ya sa kanyang matigas na abs dahilan para mapaaray s'ya sa sakit.

"Why'd you do that for?"

"E kasi-" natigil ako saglit. Bakit nga ba? Sinabihan n'ya akong mabago, hindi n'ya ako ininsulto. "E kasi gusto ko lang!"

Naiiling n'yang pinikit ang kanyang mga mata. "Mga babae talaga. Hindi ko magets minsan."

"Likewise. Hindi rin namin kayo magets kahit kailan," sarkastiko ko.

Unti-unti n'yang minulat ang kanyang mga mata at tinitigan ako ng mabuti. Hindi ko yun pinansin, pero kinakabahan talaga ako ng sobra.

"Tingin-tingin mo?" pagtataray ko.

"Ang ganda mo kasi."

"Shut up! Gusto mo bang sabihan rin kita na gwapo ka?"

"No need, we all know that I am..." gumalaw s'ya ng konti dahilan para makiliti ang paanan ko. "Oh, sorry."

"Ayos lang. Wag ka kasing maggalaw."

"May gagawin ka ba mamayang gabi?"

"May lakad kami ni Save mamaya," napangiti ako.

Biglang nagbago ang mabait n'yang ekspresyon kanina. "Where?"

"Inaya n'ya ako magdinner. Hindi ko lang sigurado kung saan."

"Kailan mo sasabihin sa kanya ang tungkol sa avviso mo?"

Kinabahan ako sa tono ng pananalita ni Zac.

"Mamayang gabi sana."

"I see," tumikhim s'ya at bumangon pagkatapos. "Have fun later. I have to go," sinukbit n'ya ang kanyang bag at naglakad paalis ng bahay.

Napatitig ako sa inumin na kanyang naiwan. What's wrong with him?

– Don't forget to vote and share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro