Chapter 20
Alice's Point of View
"Alice, bilisan mo at magsisimula na tayo," sigaw ni Nieves ng matapos syang magbihis ng damit.
"And'yan na," agad kong isinuot ang cycling na binigay ni Zac bago sinuot ang palda shorts.
First event ang Cheerleading kaya kami ang mauuna. Binigyan kami ng thirty minutes para makapaghanda. Dinala ko rin ang pompoms na gagamitin mamaya sa pagchecheer namin sa Volleyball Competition.
Tumakbo kami ni Nieves pabalik ng gymnasium. Kinakabahan akong pumasok sa loob sapagkat ako ang madalas gumagawa ng stunts. Sana nga lang hindi ako mahulog this time.
"Kinakabahan ako ng sobra," bulong ko.
"Gaga, huwag mong ishare sa akin. Kakabahan na tuloy ako nito."
"Sorry, pero damay-damay na ito."
Lumapit kami sa pwesto nila Ms. dela Vega kasi bibigyan niya kami ng inspiring messages at kung ano-ano pang magpapalakas sa loob namin.
"Manalo, matalo, cute pa rin tayo," sigaw n'ya.
Aakalain mo talaga na walang hiya itong si Ms. dela Vega dahil hindi mo maintindihan ang ugali n'ya minsan. Ewan ko ba, parang andami n'yang personalidad sa loob.
"Oo naman. Magaganda tayo," segunda ni Madonna nang nakangisi at kumakaway pa sa mga lalaking nasa itaas nakaupo. Ang landi ng pota tsk.
Napahawak si miss sa kanyang sentido at minasahe iyon matapos makita ang ginagawang pagpapapansin ng captain namin.
"Madonna, stop that," mahina nyang sabi.
"Nagagandahan po kasi sila sa akin," ngumiti pa sya. Kainis, bruha.
"Yeah, whatever," untag ni Nieves at bumaling kay miss.
"Tayo ang huling sasabak kaya ihanda nyo na ang mga sarili n'yo," si Miss.
Umoo ang lahat. Nakatayo lang kami sa backstage habang hinihintay na matapos ang mga naunang participants. Hindi ko alam kung magagawa ko pa ang air spin. Nalaglag na kasi ako dahil dun tsaka ang haba ng pyramid namin at ako ang nasa pinakatuktok.
"Alice," natigil ako sa pag-iisip ng tinapik ako ni Rosita sa balikat.
"Bakit, Rose?"
"May naghahanap sa 'yo," tinuro n'ya ang lalaking nakatayo sa gilid habang nakapamulsa. "May sasabihin daw sya sayo."
Napalunok ako at dahan-dahang lumalapit sa kanya. Sana naman hindi n'ya dagdagan ang kaba ko ngayong araw.
"Bakit? Do you need something?"
Pinasadahan n'ya muna ako ng tingin bago ako tuluyang kausapin.
"Nice legs," ismid n'ya.
Agad na nag-alburuto ang mukha ko. Hinampas ko sya ng sobrang lakas sa kanyang tiyan, hindi man lang sya umaray sa ginawa ko at tawa pa rin sya ng tawa.
"Kainis ka. Andito ka lang ba para asarin ako ha?" namumula pa rin ako sa galit at inis. Gusto ko syang sakalin ng paulit-ulit ngayon.
"Binibiro lang kita. Masyado ka talagang pikon, e," ngisi n'ya.
"E anong ginagawa mo rito, ha?"
"Galingan mo. Huwag kang mahuhulog, ha," seryoso n'yang sambit.
May hinugot sya mula sa kanyang bulsa at ibinigay iyon sa akin. Isa yung silver bracelet, may hugis broken heart at crescent moon na desinyo.
"Isuot mo yan para lucky charm."
Nagdadalawang-isip ko yung tinanggap. Baka kasi hindi ko mahawakan ng maayos ang pompoms at maipit ang hibla nun dahil sa bracelet.
"Hindi mo ba yan susuotin?" pagtataka n'ya. "Hindi mo ba gusto ang design?"
"Gusto kaso baka maipit ang pompoms sa bracelet mamaya."
Nagkamot sya ng ulo gamit ang kanyang hintuturo at napatingin sa paa ko tapos bigla na lang s'yang lumuhod.
"Hoy, ano bang ginagawa mo?"
"Gagawin na lang nating anklet," isinuot niya iyon sa paanan ko.
My heart's beating erratically. Nahihiya rin dahil sa dami ng estudyanteng nakatingin sa amin. Tumayo sya agad pagkatapos n'yang isuot sa akin ang bracelet na ngayon ay naging anklet na. Halos magdikit ang mga mukha namin dahil sa biglaan n'yang pagtayo. He's too close, so close! Ang guwapo! Ershet, bakit ko ba yun naisip? Si Save lang ang guwapo!
"Done," pambabasag n'ya sa katahimikan namin.
"T-Thank you," kabado ko.
Pinakita n'ya sa akin ang kanyang suot-suot na silver necklace. Ganun din ang desinyo, broken heart at crescent moon.
"It's a couple thing."
Napakagat labi na lang ako. My heart's beating so damn fast and butterflies were knocking in my stomach. Gusto kong sumuka ng rainbow. Why the hell am I feeling these things?
"Good luck. Don't ever fall, Pikon," he reminds.
"Ano naman sayo kung mahulog ako?"
"Sasaluhin na kita ngayon."
Umalis s'ya at iniwan akong nakatunganga. Bwiset, bakit ba ako kinikilig? Wala naman akong gusto sa lalaking iyon. He's both playful and mischievous. Oo tama, baka nga pinaglalaruan nya lang ako kasi gusto n'ya akong pikunin. Oo, ganun na nga.
"Saan ka galing?" tanong ni Nieves nung tumabi ako sa kanya.
"D'yan lang sa tabi," napatingin ako sa labas. "Malapit na ba tayo? Anong school na yan?"
"Skyblue High School. Tayo na ang susunod."
Tumango ako at kinalma ang sarili. Nagdasal din ako para hindi ako kabahan masyado, pero kahit anong gawin kong pagtawag sa mga santo at santa, hindi pa rin nabawasan ang kaba ko.
Napatingin ako sa anklet na ibinigay ni Zac. I'm freaking nervous.
"Alice, tara na!" pagbabalik ni Madonna sa akin sa reyalidad. "Gaga ka, ayusin mo ha."
Inirapan ko lang s'ya at sumunod rin agad. Nagsimula ang music at ginawa namin ang dapat naming gawin. Pagkatapos ng sampung minuto, dumiretso na rin kami pabalik sa backstage. Nagawa ko ng maayos ang stunt kaso nga lang ininda ko ang sakit ng paa ko sa kalagitnaan ng pag-itsa sa akin. Mabuti na lang at naitawid ko ng maayos.
"Good job everyone," sigaw ni miss at bumaling sa akin. "And to you Alice. Ang galing ng ginawa mong stunt. Mabuti at hindi ka nahulog ngayon, salamat naman."
"You're welcome, Miss."
"Psh, pasikat talaga," pagpaparinig ni Madonna.
Napailing na lang ako dahil sa ugali niya. Nasasanay na talaga ako sa kamalditahan ng walang hiyang ito.
Pinagpahinga niya muna kami at pinabalik sa aming station. Magsisimula ng 1 PM ang Volleyball. Syempre, marami ang dadalo dahil isa ito sa pinakamalaking event. Ngayon naman ginagawa ang Basketball sa Gymnasium kaso hindi ako interesado kaya hinati kami ni Ms. dela Vega sa tatlong grupo. Na-assign kami sa Volleyball nila Nieves, Madonna, Hazel, at Rosita. Yung iba naman ay sa Basketball at Soccer magchecheer.
"Tara na, Alice," si Nieves.
Nanatili pa rin akong nakaupo habang iniinda ang sakit ng paa ko. Bakit hindi ko magalaw ng maayos? Napansin n'ya ata ang aking balisa kong mukha kaya napagdesisyunan n'yang lapitan ako.
"Ayos ka lang? You look pale," tinitigan nya ang aking labi.
I nod, himas-himas ko pa rin ang aking kaliwang paa. "Medyo masakit lang."
"Naku, Alice, nabinat ka ba? Nagwarm-up naman tayo kanina, ha?" nag-aalala n'yang tanong habang sinusuri ang paa ko.
"Ewan pero masakit."
"Dalhin na kita sa clinic. Nakakalakad ka pa ba?"
"Ay tanga, hindi ako naputulan ng paa. Masakit lang talaga."
Magsasalita pa sana si Nieves ng sumigaw si Madonna mula sa labas ng pinto. May hawak pa s'yang pompoms, halatang excited makakita ng guwapo sa Volleyball.
"Huy, bilisan n'yo na d'yan. Ang bagal nyo, mamaya na kayo magchikahan," asik n'ya.
"Pakyu ka!" sigaw ni Nieves at muling bumaling sa akin.
Tumawa ako ng sobra dahil dun. Napakamaldita talaga ng isang ito kahit kailan. Kahit sino pa ang pinapatulan.
"Mauna na kayo kung gusto mo!"
"Sumasagot ka pa talaga, Nieves Giordano!" sumbat ni Hazel na kamping-kampi kay Madonna.
Inirapan lang nila ang isa't-isa kaya pumagitna na si Rosita para pigilan ang tensyon sa pagitan ng tatlo.
"Mauuna na lang kami, Ate Nieves. Sumunod ka na lang po."
"Oo tama mauna na kayo!" si Nieves.
"Nieves, pumunta ka na run. Kaya ko namang maglakad mag-isa papuntang clinic, e."
"Sure ka ba? Hayup talaga ang Madonna'ng yun. Nasobrahan sa landi."
"Oo. Sure ako kaya huwag ka na mag-alala pa. Itetext kita or tatawagan if may kailangan ako."
"Sure ka, a?" tumango ako. "Tawagan mo talaga ako, Alice. Ichecheer ko rin si pinsan para sayo."
"Sira, sige na. Go!"
Tumakbo s'ya papunta kay Rosita at umalis na rin. Naiwan akong mag-isa sa station namin habang nakadukdok ang mukha sa desk. Anong gagawin ko ngayon? Hindi ako makalakad kaya hirap akong pumunta sa gym tsk. Minasahe ko ng konti ang aking paa para at least hindi sya sumakit ng bongga. Ilang minuto ko ring ginawa iyon kaya nag-stretching din ako ng konti para kahit papaano ay makaabot ako sa first game nila.
Naglakad ako papuntang gym ng maayos-ayos na ng kaunti ang aking binti. Nga lang, hindi ko naabutan si Nieves na nakikisali sa pagchecheer sa pambato namin.
"Where's, Nieves?" tanong ko kay Rosita na todo sigaw.
"Lumabas pa po sya saglit upang uminom ng tubig. Mukhang napaos ata..." sagot nito.
Naupo ako at pinanood ang laro nila. "GO XAVIEEEERR!"
Pinagmasdan ko lang sila habang naglalaro hanggang sa natapos ang sampung minuto. Lalapit na sana ako sa pwesto kung saan sila nagpapahinga pero pinigilan ako ni Rose.
"Bawal tayong pumunta, Ate," paalala n'ya.
"G-Ganun ba..." napakamot ako ng ulo at pinagmasdan na lang sila sa malayo.
I decided to call Nieves pero naiwan n'ya pala ang phone n'ya rito. Rinig na rinig kasi ang ringtone mula sa kanyang bag.
"Tapos sinabihan n'ya pa ako na tatawagan ko lang sya? Psh," sarkastiko ko.
Napansin ko na lumabas si King ng gym. Ibang-iba ang aura nila ngayon, pero mukhang hindi naman sila nahihirapan sa laro. Double digit na ang gap sa score nila. Gusto kong lumapit, gusto kong kumustahin si Save kasi mukha s'yang pagod, kaso bawal.
"Zac, mahal kita!" sigaw ni Madonna sa ibaba kung nasaan ang team namin.
Napairap ako sa kanya at tinignan ang reaksyon ni Halimaw. Ngumiti lang ito kay Madonna na para bang isang anghel.
What the hell was that Zaccharias Villamor?
Tinuon ko na lang ang aking atensyon sa phone habang nagsisisigaw sa kilig si Madonna at Hazel. Akala ko ba sabi ni Nieves gusto n'ya si Save? Bakit si Zac naman ngayon? Iba rin talaga kapag malandi. Tsk.
"Kainis!" untag ko.
"Nagsasalita ka na naman mag-isa d'yan,"
Napalingon ako kay Nieves na may dala-dalang tumbler.
"Oh tubig n'yo," binigay n'ya iyon kila Madonna, Hazel, at Rose.
"Thank you, ate," ani Rose.
Nginitian lang sya ni Nieves at naupo sa tabi ko. Hindi man lang ba magpapasalamat ang dalawang damuho na ito sa kanya?
"Saan ka galing?"
"Kumuha ng tubig," tipid nitong sagot.
"May nangyari ba? Lutang ka ata ngayon, a?"
"W-Wala naman..." iniwasan n'ya ang titig ko at bumaling sa ibaba kung nasaan sila Harvey.
Hindi siya umimik. Nakakapanibago naman, parang hindi n'ya ata pinupuri ngayon si Harvey?
"Sht," utas n'ya ng makita ang papasok na si King.
Napalingon sya rito sa side namin kaya nagtilian ang mga babae. Sino bang tinitignan nya sa amin? Tumunog ang buzzer. Mukhang magsisimula na yata ang final quarter.
***
Halos mapaos ako dahil sa pagsisisigaw matapos manalo ang team namin laban sa Skyblue High School. Lamang kami ng sampung puntos dahil palaging nakakanakaw ng tira si Zac. Pasikat talaga ang lalaking iyon kahit kailan, pero hindi maipagkakailang magaling talaga sya sa larangan ng volleyball.
Agad kaming lumapit sa pwesto nila pagkatapos ng laro. Parang nawala agad ang sakit ng paa ko ha?
"Ang galing mo, Zacky," malanding sabi ni Madonna kay Zac.
Baby? She's calling him Baby? Close ba sila? Bakit 'di ko yun alam?
"Salamat nga pala sa bracelet na bigay mo sa akin kanina," dagdag n'ya pa.
Bracelet?
Dahan-dahang bumaba ang mga mata ko sa kanyang kamay. Hala kabuang! Bakit pareho kami ng bracelet? Ang kaibahan nga lang ay ang desinyo kasi full moon sa kanya at buong hugis puso. Ano bang trip ng Zac na ito at binigyan n'ya pa talaga ng ganyan si Madonna?
"No problem," tsaka n'ya ginulo ng konti ang buhok nito.
Napangiti si Madonna dahil dun habang impit na impit ang kilig nito. Napairap ako ng wala sa oras at nilapitan si Save upang hatiran ng Gatorade.
"Ang galing mo kanina," puri ko at pinilit ngumiti. Mas nangibabaw talaga ang asar at init ng ulo ko ngayon.
"Thanks. May game pa kami bukas, pupunta ka naman, diba?" tanong nito.
Tumango ako at ngumiti. "Oo naman, basta't ikaw."
"Good, kasi mas gagalingan ko pa lalo para sayo."
Ang sweet talaga ni Save, yiiieee. Sana ganito kabait ang lahat ng lalaki sa mundo para tahimik ang buhay naming mga babae.
"Save, let's line up," singit ni Harvey.
Hinintay naming lima ang mga kalahok bago tuluyang lumabas. May sinasabi pa kasi si Coach Torres sa kanila. Mukhang tungkol na naman ito bukas.
"Hays, ang hot ni Harvey," bulong ng katabi ko.
My eyes widen. "Akala ko pa naman nawala na ang Nieves na besty ko."
"Bakit mo naman yan nasabi?"
"Mukhang wala ka kasi sa sarili mo kanina. May nangyari ba?" usisa ko na agad n'yang iniwasan. Gaya ng nangyari kanina, namula sya at umiwas ng tingin sa akin.
"W-Wala, huwag mo nang itanong pa..."
I squinted my eyes but didn't bother to ask further questions. Kung ayaw nyang pag-usapan, hindi ko sya pipilitin. Feeling ko talaga may nangyari kanina nung lumabas sya. Natapos ng kausapin ni Coach Torres ang mga players kaya sabay-sabay na kaming lumabas ng gym.
"Susunduin ka ba ni ate Alex ngayon?" si Save habang naglalakad kami pabalik sa station room.
"Hindi. Mukhang magcocommute ata ako ngayon."
"Gusto sana kitang ihatid pauwi pero kailangan ko pa kasing ihatid si Nieves."
"Ano ka ba, ayos lang ako, Save. Malaki na kaya ako."
Ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko. "I know that, pero hindi ko maiwasang mag-alala sayo."
Sumakay kami sa bus pabalik ng school at doon na nagkanya-kanya ng uwi. Inayos ko muna ang aking damit at gamit sa loob ng bag at pinagkasya iyon. May pinuntahan kasi si ate Alex at hindi ko alam kung saan. Tsk. Nahihiya naman ako kay kuya Ranze kasi busy yun sa pagiging doktor.
Napalingon ako sa kumatok sa pinto. Ang Halimaw pala, mukhang hindi pa umuuwi.
"May kailangan ka?" I asked not laying my eyes at him.
"Sumabay ka na sa amin."
Sa amin?
"Bakit? May kasama ka?"
In one fluid motion, may agad na pumulupot sa kanyang braso. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit, ipinagsiksikan ko lang iyon para matapos na. Nairita ako bigla, e!
"Kasabay ko si Madonna," dagdag n'ya pa.
"Wala kong pake," iritado kong isinara ang zipper ng bag ko. "Magcocommute ako."
Lalo na't si Madonna naman pala ang kasama mo. Baka kailangan n'yo ng privacy.
"Sumama ka na sa amin, Alice," malambing n'yang tugon dahilan para mapaawang ang bibig ko.
Sinamaan ko sya ng tingin. Kakaibang aura ang pinapaikita ni Madonna ngayon. Nalason ata sya kanina sa adobo.
"Huwag na. Baka gusto n'yong mapag-isa dalawa," umamba akong aalis ng higitin ako ni Zac pabalik. "Bitiwan mo nga ako!"
"Tinext ako ng ate Alex mo na ako ang maghahatid sayo. Huwag kang mag-alala. Ikaw ang una kong ihahatid," sambit nya.
Nakita ko ang pagbabagong anyo ni Madonna sa kanyang likuran. Napairap sya sa akin. Bipolar ang loka.
"Sige," tipid kong sagot. Si ate Alex na kasi iyan. Baka patayin pa ako nun at sumbatan pag nalaman n'ya na hindi ako hinatid ni Zac.
Naglakad kami papunta sa parking space. Nanatiling nakahawak ang braso ni Madonna sa braso ni Zac buong oras. Hindi ko na lang yun pinansin. Pinagbuksan n'ya si Madonna sa passenger's seat kaya naiwan ako na naupo sa likuran. Padabog kong nilagay ang bag ko sa kanyang kotse at padarag na ni-lock ang pinto. Gusto kong basagin yung pinto ng kotse nya kaso baka magwala ang isang ito.
Tahimik lang ako buong biyahe habang nag-uusap naman ang dalawa. Tawa pa sila ng tawa at ngiting-ngiti sa isa't-isa. Nakakabwiset. Nakakairita.
"Ikaw, Alice, nag-enjoy ka ba sa first day natin?" nakangiting tanong ni Madonna.
Kung may award lang sa pagiging plastic, nominado na si Madonna sa parangal. Panalo pa nga siguro. Tumango lang ako at nagbigay ng isang matabang na ngiti. Bumaba rin ako agad matapos nya akong ihatid at hindi na pinansin ang pinagsasasabi n'yang good night at kung ano-ano pa. Sana naman masaya sya na kasama ang Madonna'ng iyon.
"Si Zac ba yun?" si Ate habang nakasilip sa tapat ng pinto.
Tumango ako at walang ganang nilagay ang bag sa kama. Hinilamos ko ang aking kamay sa mukha at nahiga.
"Ayos ka lang? Hindi ba naging maganda ang first day?"
"Ayos lang," bumangon ako at binaling ang topic kay Ate. "Bakit hindi mo ako sinundo?"
"May pinuntahan lang ako..."
"Sino? Saan? Wala ka namang trabaho ngayon, Ate."
"Inalagaan ko si Natsu. May sakit," matabang nitong sagot.
"Seryoso? Sana sinabi mo sa akin."
"Kung sasabihin ko sayo baka hindi mo ako sundin at sasama ka pa kay Save," napapailing n'yang nilagay ang isang slice ng cake sa table ko. "Kumain ka at uminom ng calcium vitamins. Sumasakit raw yang binti mo sabi ni Nieves sa akin kanina."
Lumabas siya ng kuwarto. Tatawagin n'ya lang daw ako kapag hapunan na. Nahiga ulit ako sa kama at hinawakan ang aking kaliwang dibdib. It's thumping hard whenever Zac's near me. Hinubad ko ang aking medyas at napatingin sa anklet na binigay n'ya kanina. Tinanggal ko yun at nilagay sa drawer. Tsk, kung alam ko lang na marami pala kami ang binibigyan n'ya ng ganyan, sana pala hindi ko na lang tinanggap pa.
"What is wrong with me?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro