Alice's Point of View
Salamat sa calcium vitamins ni Save at gumaling agad ang aking mga paa na parang walang nangyari na disgrasya. At sa... pag-aalaga ni Zac sa akin kahapon.
"Maayos ka na ba?" tanong ni Ms. dela Vega sa akin nang magtagpo kami sa hallway.
Tumango ako at ngumiti. "Opo, miss. Makababalik na po ako sa practice mamaya."
"Mabuti naman kung ganun, but I will let you rest, Alice. Masyado akong kinabahan dahil sa nangyari sayo. Your body should be well-conditioned once na sumali ka sa inter-high na gaganapin bukas kaya naman 'wag ka munang sumali sa practice mamaya."
Kahit labag sa aking kalooban ang hindi makasali sa last practice mamaya, sinunod ko pa rin ang sinabi ng moderator namin. Luging-lugi ako ng makarating sa classroom. Nakita ko pang may nginunguya na gummy bear si Nieves ng madatnan niya ako.
"Ano na naman ang nangyari sayo? Nakipagsumbatan ka na naman ba kay Zac?" bungad n'ya.
Naupo ako at dinukdok ang pagmumukha sa armchair. "Nope. Nagkatagpo kami ni Ms. dela Vega kanina sa hallway..."
"Sa kanya ka nakipagsumbatan?"
"Sira! Ayaw n'ya akong sumali sa praktis mamaya," malungkot kong sabi.
Natatawa n'ya akong tinignan kaya kumunot ang noo ko dahil sa kanyang reaksyon. Ang sama talaga ng ugali nitong bestfriend ko kahit kailan.
"Anong nakakatawa ro'n, Nieves?"
"Ikaw..." huminga muna sya ng malalim bago muling nagsalita. "Alam mo ba na sobra kaming nag-alala sayo dahil sa nangyari. Well, maliban kay Madonna, s'yempre wala naman yung pakealam sa ibang tao. Pero si Miss? Hindi nya nagawang makapag-concentrate dahil iniisip n'ya na may mahuhulog na naman na isa sa amin. She was worried the whole time because of what happened to you kaya intindihin mo na lang ang moderator natin."
I nod and slumps my face on the desk again. "So anong gagawin ko mamayang hapon? Ayoko namang pumasok na hindi ka kasama."
"Why not watch our practice or ang practice ng volleyball boys. We're doing separate practices," sabi n'ya bago nguyain ang gummy bears.
"Separate? First time ata yun, a. Hindi ba nila gagamitin ang gym?" my left brow arched.
Madalas kasing paghatian sa oras ang paggamit sa Gym, pero mukhang hindi ata iyon mangyayari ngayon. Umiling si Nieves at seryoso akong tinignan.
"Hindi ko alam ang nangyari kahapon pero nag-away sila Coach at Ms. dela Vega. Mukhang may pinagdadaanan ang dalawa kaya hindi na lang kami nagtanong kung bakit."
"Hindi n'yo ba tinanong ang volleyball boys kung bakit?"
"No one knows what really happened. Isa pa, alam naman natin kung paano magalit si Ms. dela Vega. Huwag na lang tayong mangialam."
She's right. Nakakatakot syang magalit, nawawala ang kanyang anghel na mukha. Maganda pa rin sya kaso may bahid na ng black aura at ang side n'yang iyon ang hinding-hindi mo gugustuhing makita.
"So sinong panonoorin mo, kami o ang vboys?" her brows wiggled.
"Siyempre sila Save," natatawa kong sambit.
"Sabi ko na nga ba, pero nag-expect talaga ako na ako ang pipiliin mo," simangot niya.
"Biro lang. Kailan pa ba kasi ako nanood ng practice nang hindi ka kasama, ha?"
Ngumiti sya at umiling. "Never pa. Sabay tayong manood mamaya. Tutal naman, final practice na nila ito para bukas."
Now we have a plan.
Pagkatapos ng practice nila Nieves ay agad kaming nagpunta sa practice court kung saan ang volleyball boys. Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila Miss at Coach, pero kahit ganun hindi naman naging bitter si Miss sa pagtuturo nya kanina.
Nakabihis na ng kumportableng damit si Nieves. Agad kaming nagpunta sa Gym pagkatapos. Hindi pa kami nakakapasok sa loob nang mapansin namin ang mga babaeng nagsisiksikan sa labas ng pinto ng volleyball court. Masyadong maliit ang court na ito kumpara sa gymnasium kaya hindi ko sila masisisi kung mas gusto nila sa gym magpractice. Sa lakas ba naman nilang manghampas ng bola, aakalain mong aabot iyon sa kabilang banda.
"Ano bang nangyayari rito?" pagtataka ni Nieves kaya tumakbo na rin kami papasok dala ng kuryosidad.
Nadatnan namin na nakatopless ang mga players sa kabilang court habang may damit pa naman ang iilang players. May damit pa rin si Save kaya napasimangot ako ng konti. Bakit hindi din sya naghubad? Tsk.
"Aah, kaya naman pala marami-raming isda sa paligid dahil sa ganda ng view dito," nanliit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mga abs ng players. "Bakit hindi man lang naghubad ang players sa kabilang court?"
Tinutukoy ang court kung saan napapabilang si Harvey at Save.
"Kaya nga, naku naman!"
Natingin ako sa kabilang side. Hindi ko alam kung bakit nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa napakagandang katawan ni Zac gayung hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ito. Bigla s'yang sumulyap sa akin at nagpatuloy sa paglalaro. Napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin at hindi ko alam kung bakit.
"Hoy, okay ka lang?" hampas ni Nieves sa braso ko.
"Oo naman. Bakit?"
"Tulala ka dyan. Sinong pinagmamasdan mo, e andiyan si Save sa kabilang dulo," tinuro pa ng gaga. I immediately spat her hand.
"Gaga ka talaga."
Napalingon ulit kami sa naglalaro ng biglang nagtilian ang mga babae sa paligid. Nagspike pala si Zac at hindi ko man lang yun nakita. Sa t'wing tina-try kong tumingin, may mangyayaring hindi maganda. It's either matatamaan ako or mahihimatay ako ng wala sa oras. Tsk.
"Ang hot talaga ni Zaccharias no?" impit na kinilig iyong babae sa likuran ko. Teh, naririnig kita, ha.
"Psh, hot ba yan? Mas hot pa si Save d'yan," angil ko.
"Hoy, huwag ka ngang magsalita mag-isa, Alice. Kinakabahan na talaga ako sayo," hampas n'ya ulit.
Napakamot ako ng ulo at tinuon na lang ang pokus kay Save buong oras. Natapos ang game nila at ang team ni Zac ang nanalo. Lamang lang naman ng limang puntos kaya hindi iyon big deal. Expected na rin ng ibang tao na mananalo ang MVP kasi malaki ang expectations sa kanya.
"Ang galing mo," ngumiti ako kay Save.
"Salamat, kahit talo," medyo malungkot niyang sabi.
"Asus. 5 points lang yun, hindi big deal..."
Kahit na halos kay Zac galing ang puntos sa kabilang panig. Parang s'ya lang din mag-isa ang naglaro kanina at suportado pa s'ya ni King.
"Shall we go home together?" I asked.
He scratched his nape. Damn, ang gwapo n'ya dun.
"Sorry, malalate kami dahil may sasabihin pa si Coach Torres sa amin."
Oo nga pala, he's the captain ball kaya normal lang na andun sya sa pagpaplano nila.
"Hmmm, should I wait for you?"
"No, Alice, you can't. You have to take a rest. Alam mo naman siguro na kagagaling mo lang sa isang disgrasya. I'll make it up to you. Let's have dinner after the Inter-High Competition, okay?" hinawakan niya ang kamay ko.
Napangiti ako dahil dun. "That's a nice idea. Basta ba manalo kayo."
"We will," he kissed my forehead and bid me goodbye.
Naglakad s'ya papalapit kay Coach Torres habang ako naman naiwang kilig na kilig kay Save.
"Ang sweet n'ya talaga kahit kailan."
"Oo nga, e. Kaso hindi s'ya ang pinagpares sayo ng gobyerno," angil ni Nieves habang nakakrus ang kamay.
"E ano naman? They don't know that I'm in love with him."
"That's not the point. Even if gusto n'yo ang isa't-isa, makagagawa pa rin ng paraan ang government para maging successful ang Social Random Experiment na ito."
"What do you mean by that?"
"All I'm saying is, naaawa na ako kay Zac dahil mas pinagtutuunan mo ng pansin si Save kesa sa kanya. At may tsansa na paghiwalayin kayo ni Save kasi ganyan kayo ka-close. Hay naku, magiging katulad lang kayo ng taong kilala ko," napapailing nyang sabi.
Kumunot ang noo ko dahil dun. "So kampi ka kay Zac kesa sa pinsan mo?"
Umiling siya.
"Eh ano?"
"Wala akong kinakampihan. Mas nag-aalala lang ako sayo, Alice. You need to participate in this social experiment willingly or else the government will force you to do it. Alam mo naman siguro ang nangyari kay kuya Natsu at kay ate Alex noon."
Magsasalita pa sana ako nung nakita ko ang malulungkot na mga mata ni Nieves na nakatingin sa malayo. Tinignan ko na rin kung saan sya nakatingin.
"How I wish na si Harvey ang kapares ko. Wala pa naman akong nakikita na babaeng umaaligid sa kanya tsaka hindi pa naman ako nakatatanggap ng avviso del governo kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa."
It's my fault. Kung hindi ko lang sana ginamit ang numero ni Nieves noon, may government notice na sana syang natanggap ngayon.
"I'm sorry about using your phone number, Ves. Sorry talaga," dispensa ko bago sya niyakap.
"Ano ka ba? Shunga ka talaga kahit kailan. Wala namang kaso sa akin yun, e. The important thing is, kailangan mong pagbigyan ang avviso mo or else mangyayari ang sinasabi ko sayo."
Even my bestfriend thinks na kailangan ko ring sundin ang avviso na yun. Kailangan ko ba talaga iyong pagtuunan ng pansin? I need to tell Save the truth after inter-high. I promise, I will.
***
Today is Inter High Competition.
Naupo ako sa bench upang hintayin ang pagdating ng mga kasamahan ko. Ang aga ko masyado para sa 7 AM kasi 6:30 AM pa lang andito na ako.
"Ang aga mo ata ulit?"
Napalingon ako sa nagsalita. Pamilyar ang boses pero hindi ko na rin sya nagawang pansinin. Bumaling ulit ako sa pag-iiPad.
"Suplada. Meron ka?"
Sinamaan ko sya tingin. "Nananadya ka ba talaga?"
"Chill, ang init na naman ng ulo mo. Ano na naman bang ginawa ko?"
"Nagtanong ka lang naman..."
Naupo sya sa tabi kong space at nilagay ang kanyang bag sa gilid. Napansin kong nakatitig s'ya sa legs ko.
"Mamanyakan mo na naman ba ako?"
Hindi n'ya ako sinagot. Kaasar talaga! Tsk. Mukhang bumabawi sa pagiging snob ko kanina. May kinuha s'yang itim na cycling mula sa kanyang bag. Hindi ko alam kung bakit s'ya nagkaroon ng ganun gayung supporter naman ang madalas gamitin ng volleyball players.
"Wear this. I don't want anyone to see your flawless legs," seryoso n'yang sambit.
Halos lumuwa ang dibdib ko dahil dun. Kainis. Here goes my unfathomable feelings.
"T-Thank you."
"Kapag nanalo kami sa volleyball, sasabihin mo dapat kay Save ang katotohanan."
"Katotohanan tungkol saan?"
Agad kaming napalingon sa likuran at nakita sa Xavier na may dalang bagahe. Nanlaki ang mga mata ko at the same time kinakabahan din sa kung ano ang isasagot sa kanyang tanong. Tumayo si Zac at kinuha ang dala niyang bag.
"Truth about our bet sa kung sino ang mananalo sa volleyball," pagpapalusot n'ya. Akala ko pa naman sasabihin na nya ang totoo tungkol sa avviso.
"Ah, I see," bumaling sya sa akin at ngumiti. "Good morning, Alice."
"Good morning din, Save."
"S'ya nga pala, sabay kong dumating si Nieves. Nagpasundo kasi may sakit si kuya Natsu. Nasa bus na sya ngayon at natutulog," si Save.
Kaasar ang babaeng iyon. Hindi man lang ako ininform. Sabay kaming naglakad papunta sa bus na sasakyan namin papuntang Garnett Academy. Agad akong pumasok sa bus namin at sila naman sa kabila. Nakita ko pa si Zac na tinitignan ako pero baka guni-guni ko lang ata yun.
Naupo ako sa tabi ni Nieves na ngayon ay may takip sa mata. Mukhang natutulog talaga ang gaga. Hindi man lang ako tinext kanina. Hindi nagtagal, nagsidatingan na rin ang mga kasamahan namin at si Ms. dela Vega na sobrang angat ang kagandahan dahil sa simpleng jeans at tshirt n'ya.
Nakarating kami sa GA, exactly 7:30 AM. Ginising ko pa si Nieves dahil mukhang naglalaway na ang bruha sa himbing ng tulog nya.
"Andito na ba tayo? Nasaan ako?" baliw niyang tanong kaya binatukan ko na. "Aray, why'd you do that for?"
"Gumising ka na at maghahanda pa tayo!"
Lumabas kami ng bus at agad na nagpunta sa locker rooms na naka-assign sa school namin. Lahat ng participants ng Libēre Academy, our school, ay dito rin sa malaking classroom na ito mag-iistay before competition.
"Okay girls, put your things inside those lockers," tinuro pa ni miss ang malalaking lockers na nasa harapan namin.
"Wala po kaming susi," si Rosita.
"Don't worry, wala rin naman yang lock," ngiti n'ya. "Nothing is lock in this station."
"Narinig ko na may sakit daw si kuya Natsu," sabi ko kay Nieves na nag-aarrange ng mga bags.
Tumango sya. "Kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Inalagaan ko pa si Kuya."
Nakuha ng speakers ang atensyon naming lahat dahil bigla itong tumunog.
"Calling the attention of all student participants. Kindly proceed to the Garnett Gymnasium right now, thank you. Once again, calling the attention of all student participants. Kindly proceed to the Garnett Gymnasium right now."
"Bilisan na natin. May credit kasi ang attendance," aniya.
Tumango ako at akmang aalis nung nilapitan kami ni Xavier.
"Sabay na tayo?"
Magsasalita pa sana ako kaso hinigit ako papalapit ng kanyang pinsan.
"No, sumama ka sa teammates mo, Save. Kailangan naming sumama kay Ms. dela Vega. Diba, Alice?" minatahan n'ya ako.
Tumango-tango kahit hindi ako sigurado sa sinasabi n'ya.
"Um... Oo, kita na lang tayo mamaya," ngiti ko.
"Ganun ba. Ingat kayo, I'll see you later." ngumiti sya at pinuntahan ang kanyang team.
"Huy, ano bang ginagawa mo? Pinsan mo yun," hampas ko sa kanyang balikat.
"Tumigil ka nga. I'm just doing my job as a friend."
"Job ka dyan. Sino bang nagpapasuweldo sayo para ilayo mo ako sa kanya?"
"Wala. Sira ka talaga. I'm doing this for the greater good," tsaka n'ya ako hinila papuntang gymnasium.
Namamangha kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng gymnasium. Parang may magcoconcert sa loob dahil sa sobrang laki.
"Hindi halata na mayaman ang GA," rinig kong sambit ni Leah.
"Girl, andaming guwapo!" hinampas sya ni Hazel sa likuran.
Napapailing kami ni Nieves habang umuupo sa bench. Ang dami nga talagang gwapo rito mula sa iba't-ibang school. Pero hindi nila mapapantayan ang kagwapuhan ni Xavier ko. Hehe. Nasa kabilang bench sila ni Harvey nakaupo, nagmamasid sa mga magdaraan na players.
"Excuse me, Miss. May nakaupo na ba rito?"
Napaangat ako ng ulo at nakita ang isang lalaking matangkad, kasing tangkad si Zac, maputi tsaka halata sa kanya na alagang private school s'ya. He's wearing an orange varsity jacket. Mukhang taga Caramel Academy.
Umiling ako at ngumiti bilang sagot. "Wala po."
"Wag mo na akong i-po. Mukhang magkasing edad lang naman tayo," ngiti n'ya.
Ang guwapo nya naman. Naupo sya sa tabi ko kasama ang isa pang lalaki na tumabi naman kay Nieves. Kinalabit ako ni Nieves at binulungan.
"May nabingwit ka ng isda dyan?" ngisi n'ya.
"Bruha ka talaga," hampas ko sa kanyang paa, kaya namula ito agad.
"Ay kaloka, yung legs ko, Alice."
Napalingon kami sa lalaking nagsalita na nakatayo na sa harapan namin ngayon.
"Tabi, d'yan ako," malamig nyang tugon sa lalaking tumabi sa akin.
"What? Sabi ni Ms. Ganda wala raw nakaupo rito," ngisi ng gwapo.
"I said, tabi at dyan ako uupo," matigas nyang sambit.
"At bakit ko naman yun gagawin?"
Mas lalo nyang nilapitan yung taga kabilang school at kinwelyuhan.
"Dahil kung hindi makakatikim ka sa akin."
"Z-Zac," pasigaw kong bulong. Agad n'yang binitiwan ang lalaki.
"Get out," galit nyang utos na agad nilang sinunod.
Naupo s'ya sa tabi ko at minasahe ang kanyang leeg. Nag-iwas ako ng tingin dahil dun. Bakit ganun sya kagwapo sa simpleng ginagawa nya?
"Ang sama mo naman kanina," sabi ko.
Nakita ko si King na tinabihan si Nieves, pero hindi nagawang mag-imikan ng dalawa.
"Anong masama run? Pinaalis ko lang naman kasi dito ang pwesto natin."
"E bakit andun sila, Save?" turo ko.
"E kasi d'yan nila gusto."
"Diba dapat dun ka rin maupo? Bakit gusto mo rito?" inis kong sabi.
"E kasi nga gusto kita..." nagkatitigan kami sa mata.
Hindi ko alam kung bakit ako ang unang nag-iwas ng tingin gayung ako naman ang unang tumitig.
"Gusto kitang katabi. Tsaka, puno na ang pwesto dun. Ayaw kong makisiksik."
Nagraratrat na ang puso ko sa kaba at hindi ko alam kung bakit. Tumungtong na ang dalawang hosts sa stage at nagbigay ng isang masaya at masiglang pagbati.
"Bwiset ka," bulong ko bago nagsimula ang opening event.
"Good morning and welcome to Inter High School Competition."
– Don't forget to vote and share –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro