Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18


Alice's Point of View

Walang pasok para sa mga gaya naming sasali sa competition bukas. Galit na galit si ate nung nalaman nya ang nangyari sa akin kahapon, pero napawi rin ang galit nya ng lumabas bigla sa eksena si Halimaw. Ngiting-ngiti ito kay ate na para bang matagal na silang magkakilala. Si Ate naman, namangha sa lakas ng loob niyang magpakita sa kanya. First time nya atang makita si Halimaw ng personal.

Pinagpahinga ako ni ate Alex sa kwarto ko. Ayaw nyang naglalalabas ako kasama si Save or si Nieves kasi alam nyang nagpapahinga rin yung dalawa. Dumaan kasi sya sa ganitong stage kaya hirap akong magpalusot kung gusto kong umalis para gumala. Nagpacheck-up kami kagabi at sabi ni kuya Ranze magiging maayos din ang mga binti ko bukas na bukas. Basta't ipahinga ko lang muna at 'wag masyadong igagalaw ng sobra. Baka kasi mabinat at magulat ang mga buto ko.

"Alice, may bisita ka!" sigaw ni Manang na sinabayan ng katok sa pinto.

"Sino po?" pagtataka ko.

Hindi naman nagtext si Nieves na bibisitahin nya ako at mas lalong magpapaalam muna si Save kung pupunta sya rito. Tss. Imbes na magpahinga ako, may bisita pa akong aatupagin.

"Asawa mo raw. Andito sya sa tabi ko. Mag-usap na lang kayo at ako'y mamalengke pa para sa hapunan natin," narinig ko ang pagbaba ni Manang sa hagdanan.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa pintuan. Asawa? Teka, may asawa ba ako? Wala akong maalala. Pero dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Manang, tumayo ako at agad syang pinagbuksan ng pinto. Bumungad sa akin ang nakangisi nyang mukha habang may dala-dalang basket ng prutas at gatorade.

Tinaasan ko sya ng kilay. "What are you doing here?"

"Aalagaan kita. Ganyan ang ginagawa ng mga mag-asawa," bigla syang pumasok ng walang paalam.

Kumulo bigla ang dugo ko, pero di ko 'yon pinahalata sa kanya. Lumapit ako sa kanya, sinadya kong hindi i-lock ang pintuan dahil takot akong masegundahan ng hayop na ito. Now I remember something horrible nung nasa kwarto nya kami. God, he's so goddamn sexy! Kaso manyak!

"At sino ang nagsabi sayo na hindi pa ako magaling? Nakakalakad na nga ako, oh. Kung makaasta ka 'kala mo napilay ako sa stunts."

Pinagmasdan ko lang sya habang pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng kwarto. Tinignan nya rin ang mga frames na nakasabit tsaka yung picture frame na nasa sidetable ko kung sa'n kasama ko si Xavier. Nakaakbay sya sa akin nun at masayang nakangiti sa camera habang ako nahihiya pa.

"Childhood bestfriends?" tanong nya bago kinuha ang frame.

"Yup. Yan ang first picture namin noong crush ko pa lang sya," masaya kong sagot.

Nakakatuwa lang kasing alalahanin ang mga masasayang alala kasama ng taong mahal mo. Wala kang ibang magawa kundi ang ngumiti dahil sa tuwa. Nagtataka nya akong tinignan pero nakahawak pa rin sya sa frame.

"What do you mean, 'noong crush ko pa lang sya'?"

"Noon, crush ko pa lang sya. Pero ngayon, mahal ko na."

Nilapag nya ang frame pero 'di na nya ito pinatayo. Binaliktad niya ito kaya ako na mismo ang naglagay nun ng maayos.

"Ano ka ba? Ingatan mo ang mga bagay na nahahawakan mo. Baka mabasag!" inis kong tugon.

Lumapit sya sa basket ng prutas at isa-isa nyang kinuha ang mga laman nito.

"Ano ang tawag sa ginagawa mo sa akin ngayon?" he seriously asked.

Nagsalubong agad ang aking kilay. "Oh, ano na naman bang ginawa ko?"

Bumuntong sya tsaka humarap sa akin. "Hindi mo nga ako hawak pero unti-unti naman akong nababasag."

Nawirduhan ako sa kanyang sagot pero binalewala ko rin agad. Nilahad nya sa akin ang isang orange at apple.

"Eat," utos nya.

"Ha? Ano ako, aso?!" turo ko sa sarili.

Hindi sya natinag, patuloy sya sa pag-aabot ng ibang prutas kaya tinanggap ko na lang.

"Thanks," pag-irap ko.

Para akong dinadalaw sa hospital kahit wala akong sakit. Konting sprain lang ito pero ang O-OA nila kung magreact. Hindi naman ako nabuntis o nasagasaan, pero salamat na rin kasi may nag-aalala pa pala sa akin.

Naupo sya sa kama ko habang binabalatan ang sunkist. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa 'yon. Yung kamay nya, nahawakan ko na 'yan nung minsan ko syang hinila sa may gazebo. Malambot at maputi, parang hindi sya naglalaro ng volleyball. Hindi rin ata sya gumagawa ng gawaing-bahay.

"Give me that," he demands.

Bumalik ako sa reyalidad habang nagtatakang nakatingin sa kanya

"I said give me that," tinuro nya ang hawak kong orange.

Kumunot ang noo ko at automatic na umarko ang kilay. "Akala ko ba binibigay mo 'to sa akin?"

"I will not going to eat it. Babalatan ko para sayo," inabot nya sa akin ang kanyang kamay kaya binigay ko agad yung orange.

Nagbabalat lang sya ng orange, pero ang seryoso nyang makatingin dito. Iniisip ko pa lang na ako yung orange, feeling ko matutunaw na ako dahil sa kakaibang tingin na binibigay ni Halimaw dun.

"Here!" pagbalik niya.

Tinanggap ko 'yon agad. "T-Thank you."

I checked the orange. Ang linis nyang magbalat dahil walang mahahabang puti-puti. Ako nga dahil sa katamarang magbalat, gusto ko na ring kainin iyong labas.

"Kumain ka ng marami para mas mabilis gumaling 'yang binti mo. Ang tanga mo kasi."

Uminit ang pisngi ko dahil sa inis. Akala ko pa naman magiging mabait sya sa akin ng isang araw lang kasi may bali ako pero hindi Hindi sya magbabago, Alice, kasi lumaki syang alaskador!

"Aaggh! Umalis ka na nga. Salamat sa paprutas at pabalat effect mo ha, pero makakaalis ka na!" tinulak ko sya palabas ng pintuan kaso nabigo ako dahil sa kanyang lakas. Malalakas talaga ang mga lalaki. "Labas!"

"Pag ako nahulog, damay ka rin," natatawa nyang sambit.

"Wala akong pake. Basta't ikaw ang mauuna!" panggigigil ko habang pilit syang tinutulak gamit ang aking buong lakas.

Nagpagaan siya bigla kaya ang nangyari nahulog kami pareho sa sahig. Nasa ibabaw nya ako habang titig na titig kami sa mata ng isa't-isa. Heto na naman sya! Heto na naman ang kakaiba kong nararamdaman. Sinasakay nya ulit ako sa delikadong rides, yung mga paru-paru nagising muli mula sa pagkakatulog sa loob ng tiyan ko.

"Nauna na akong nahulog, Pikon," seryoso nyang tugon ng nakangiti.

Mas lalo nyang nilapit ang itsura niya sa mukha ko. Nakita ko ang nunal sa gilid ng kanyang mga mata. Ang guwapo nya pala talaga. Kaya pala maraming nababaliw sa Halimaw na 'to.

"Ikaw kaya? Kailan mo ba balak mahulog sa'kin?"

Agad ko syang itinulak. Nauntog ang kanyang ulo dahilan upang mapaaray sya. Nakapikit ang kanyang isang mata habang nakatingin yung isa sa akin. Sorry, hindi ko sinasadyang itulak ka. Nagulat kasi ako nung bigla kang ngumisi. Shet lang, mas lalong bumibilis sa pagtibok ang dibdib ko nang hindi ko namamalayan. Para akong inaatake ng hyperventilation!

"Huwag mo sabi akong itutulak, diba? Ayan tuloy, nahulog na tayo sa isa't-isa," ngumisi sya. Klarong-klaro ko pa lalo ang nakakaakit nyang dimples.

"Manyak ka talaga! At anong hulog-hulog 'yang sinasabi mo, ha? Oo, mahuhulog ako pero imposibleng sayo!" medyo bitter kong sabi.

Hindi ko na alam kung anong pinagsasasabi ko, gusto ko lang na lumayo sya sa akin ng ilang kilometro.

"Umalis ka nga muna! Alis!" tinuro ko ang pinto habang galit na galit syang tinignan.

Tinitigan nya muna ako ng ilang segundo bago tuluyang lumabas ng kwarto. Padarag nyang isinara ang pintuan, nakahinga ako ng maluwag dahil dun pero... bakit mabilis pa rin ang tibok ng dibdib ko? Hindi ko mahabol-habol. Naupo ulit ako sa kama at tinignan ang prutas. Kumain muli ako ng orange tsaka uminom ng Gatorade. Ang tagal naman ni Manang bumalik. Tsk.

Zac's Point of View

"Tsk."

Naupo ako sa sofa at pinaandar ang TV. Why the goddamn hell is she doing this to me? Hindi man lang nakararating sa kanya ang bawat salita ko, pati nararamdaman ko hindi nya magets. She's so DENSE! O baka naman wala lang talaga syang gusto sa'yo, Zac, because she already likes someone else. Humiga na lang ako habang tinititigan ang ceiling nila.

"Dang it, Alice," bulong ko.

Hinilamos ko ang dalawang kamay sa aking mukha at ginulo ng bahagya ang aking buhok dahil sa inis. Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Sa lahat ba naman ng babaeng maaaring ipares sa 'kin ay yung pinakamanhid pa talaga. Hindi lang 'yon, may iba nang gusto! Paano ko naman sya paiibigin ng dalawang buwan kung patuloy nyang bukambibig si Xavier?

Lumipas ang dalawang oras at hindi pa rin lumalabas si Pikon ng kwarto. Dumating na nga si Manang, pero 'di pa rin niya nagagawang lumabas upang kumain. Tinulungan ko na lang si Manang sa pag-aayos ng ulam sa fridge at pagluluto ng tanghalian.

"Naku, salamat, hijo at naisipan mo akong tulungan," ngumiti si Manang sa akin.

"Di po yun problema. Ilalagay ko na ba 'to?" tanong ko hawak-hawak ang isang bowl ng karne.

"Sige, pwede na 'yan." patuloy lang sya sa paghihiwa ng pampalasa at ng ibang gulay. "Alam mo, hijo. 'Di ako makapaniwala na napakaguwapo mo pala sa personal. Mas guwapo ka pa sa crush ni Alesandra," nakangiti nyang sambit.

Gusto kong kiligin kaso 'di naman si Pikon ang nagsabi. Madalas ko talagang marinig mula sa ibang tao na gwapo ako pero iba pa rin siguro kapag galing sa taong mahal mo. Teka! No way, I don't love her. Gusto ko lang sya kasi masarap syang asarin. Yun lang.

"Thank you po," ngumiti ako.

"Pupunta pa naman 'yon dito mamayang hapon para bisitahin si Alesandra. Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy pa rin sya sa pagbisita at pagpunta rito gayung may tinakda ng lalaki sa maganda kong alaga," umiling si Manang sa pagkadismaya.

Nanlaki ang mga mata. Bakit 'di sinasabi ni Pikon sa akin? Nagluto kami ng chopsuey. Sabi ni Manang, isa ito sa mga paborito niya at tamang-tama rin upang mapaaga ang pag galing ng kanyang binti. Pinapainom din kasi sya ng gamot na may calcium pagkatapos kumain. Naghanda si Manang kaya inutusan nya akong katukin ang alaga nyang pusa.

"Hijo, puwede bang akyatin mo muna si Alesandra? Sabihin mo kakain na."

"Of course," umakyat ako papunta sa kwarto.

Kinakabahan ako habang nakatingin sa kanyang pinto. Baka tapunan nya ako bigla ng unan sa mukha, baka naiinis pa rin sya hanggang ngayon. Huminga ako ng malalim bago tuluyang kumatok.

"Pikon, kakain na."

Hindi nya ako sinasagot.

"Pikon?" katok ko ulit. "Kakain na!"

Ayaw ko sana siyang pagtaasan ng boses kaso bingi talaga ata sya. Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto.

"Pikon?" I slowly pushed the door in.

Nakita ko syang natutulog habang may konting orange sa kanyang bibig. Ano bang pinaggagagawa ng babaeng 'to sa buhay niya? Bumuntong ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Why is she so pretty? She seems so nice and innocent, pero kapag natutulog lang! Tsk. Buti sana kung palagi syang tulog kaso kapag nagigising ulit nagmumukhang tigre!

"Hoy, Pikon, kakain na!" hntag ko.

Gusto ko syang sigawan kaso baka mabingi ulit. Bingi na nga, bibingihin pa. Naupo ako sa sahig para matitigan pa lalo ang kanyang mukha.

"Psh, 'kala mo naman maganda," bulong ko.

Hinawi ko ng konti ang kanyang buhok tsaka 'yon nilagay sa kanyang tenga. I stared at her pink lips, it looks so smooth and pinkish kahit walang lipgloss. First time ko syang mahalikan nun and I got addicted. Tuwing nakikita ko sya araw-araw gusto ko syang halikan ng paulit-ulit. Yang labi nya, nakakaadik, gusto ko sa akin lang kaso naunahan na ako ni Xavier at nakuha nya ang first kiss ni Pikon. Ha! Di bale na!

I badly want to kiss her, but everytime I do nakikita kong natatakot sya kaya umaatras ako. Para bang takot na takot syang mahawakan ng isang gaya ko. How does she sees me?

Tumayo ako at bumuntong. 'Di ko sya gigisingin, baka kulang sya sa tulog at kailangan nya lang ng pahinga ngayon. Lalabas na sana ako ng bigla nyang hawakan ang aking kamay. Nilingon ko sya agad, nanlaki ang mga mata ko nang malamang nakahawak nga talaga sya sa akin.

"P-Pikon? G-Gising ka na pala."

Bumangon sya at naupo ng maayos sa kanyang kama ngunit nakahawak pa rin sa kamay ko. Tinitigan nya ako gamit ang mapupungay nyang mga mata.

"Sorry kung nasigawan kita kanina, Halimaw," nakayuko nyang dispensa. "P-Pasensya na rin kung itinulak kita palabas."

Shit! Isang sorry lang tapos wala na lahat ng sakit at hinagpis sa dibdib ko. Nakakainis! This is freaking unfair! Binitiwan ko ang kamay nya dahilan para magulat sya sa ginawa ko. Hindi ko talaga kayang magalit sa kanya ng matagal, kahit isang araw, hindi ko kaya. Iba na talaga ito Zac!

"G-Galit ka ba? Sorry na nga kasi. Oy, Halimaw, sorry na please!"

"Psh. It's my fault. Tumayo ka na riyan, kakain na tayo. Hindi ako galit sayo, Pikon. Kahit ganyan ang ugali mo, ikaw pa rin naman ang asawa ko," kumindat ako sa kanya.

Her cheeks burned red as she averted her gaze away. Sana totoong kinikilig ka nga sa akin.

"Gutom na ako!" pag-iiwas nya sa topic. Agad syang tumayo at lumabas. Sumunod ako agad ng nakangiti.

Nang paglabas namin I saw Xavier standing in front of the door the reason why Alice froze. Nanlaki ang mga mata ni Save ng makita ako sa likuran niya. He looks at me confuse.

"W-Why are you in Alice's room?"

Nagkibit-balikat lang ako. Maybe this is the right time to tell Xavier about the notice.

"S-Save? Bakit ka andito?" si Alice na kabado.

"Mamayang hapon pa sana ako pupunta kaso kailangan kong magpahinga. I came here to give you some calcium vitamins," nilahad nya 'yon kay Alice.

"Thank you, Save. Nag-abala ka pa," ngumiti siya ngunit halata ang kaba sa boses.

Nakatingin lang ako sa kanila pareho. Unfortunately, they look so damn good together.

"ALICE! ALICE!" sigaw ng isang matulis na boses.

Napatingin kaming tatlo sa ibaba. I saw Nieves running happily towards us. Nagtataka nya kaming tinignan, para bang mali na magkakasama kaming tatlo.

"Nieves! B-Buti at andito ka na. Sasamahan mo pa si Bake– este Zaccharias, diba?" si Alice.

"You're with Zac, Nieves?" pagtataka ni Save.

Tumango-tango si Nieves. "Oo. Um... may pupuntahan kami!"

Ano raw? Ako? Sasamahan ni Nieves? What the lie is she up to? Aangal na sana ako ng bigla nya akong sinenyasan na sumunod na lang. Tango naman ng tango si Nieves at agad akong hinila paalis. Sinulyapan ko sila sa huling pagkakataon. Ngumiti sya nang may lungkot bago muling bumaling kay Save ng nakangiti.

Wala pa ngang ginagawa si Xavier sa kanya, ngumingiti na sya. Samantalang ako, ginagawa na nga ang lahat... nakabusangot pa rin.

– Don't forget to vote and share


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro