Alice's Point of View
Kung hindi matatamaan ng bola, mahuhulog sa praktis. Ano pa ba ang ibang kamalasan na maaari kong maranasan sa susunod pang araw? Kinakabahan ako habang nakatingin sa aking naninigas na mga paa. Para akong babaeng naparalisa dahil sa katangahan, pero ayos lang kasi binuhat muli ako ni Save papunta rito. Hindi nya man ako nailigtas, andyan naman sya palagi para sa akin. Ganyan ang madalas ginagawa ng mga prince charming. They're always by your side.
"This is bullshit. Are you sure about this, Alice? Maayos ka lang ba talaga?! Mamaya nyan baka maputulan ka na ng paa dahil sa nangyari," nag-aalala nyang tanong. Kanina pa sya ganyan kahit konting bali lang naman ang tinamo ko.
"Ayos nga lang. Sanay na akong mahulog," ngumiti ako upang pawiin ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Magpacheck-up ulit tayo mamaya. Ihahatid kita sa inyo."
Ngumiti ako. "Opo."
Ilang beses na kaya akong nahulog sa pyramid pero gumagaling naman ako agad. Binigyan ako ni Miss ng pain reliever pero hindi ko 'yon ininom. Hindi ko yun kailangan, ibang reliever ang kailangan ko ngayon.
"Konting fracture lang ang tinamo nya, Xavier. Huwag ka masyadong mag-alala dyan," sabi ng bakla naming nurse.
Nagtataray na naman si Ate sa mga guwapo.
"You can't blame me, ate," inis ni Save.
Gusto kong matawa kaso napakaseryoso ng itsura niya habang nakatingin sa paa ko.
"Nag-aalala lang ako."
"Ay oo nga pala, kasi gusto mo siya. Psh," si Nurse na bitter. "Buti sana kung nakagagaling ng bali ang pag-ibig pero hindi. Maganda pa naman ang legs mo, hija, kaya ingatan mo. Huwag mo hayaang mabali ang paa mo dahil lang sa stunts," seryoso nyang paalala.
Tumango ako at ngumiti. Kinilig din ako ng konti dahil sa sinabi ni Ate nurse tungkol kay Save pero hindi ko 'yon pinahalata.
Save's phone rang. Kumunot ang kanyang noo habang tinitignan ang mensahe.
"B-Bakit? May problema ba?" I asked.
Umiling sya at agad binulsa ang phone.
"Nagsisimula na pala ang practice namin," tinitigan niya lang ako.
"Hindi ka pa pupunta?" pagtataka ko.
"Hindi kita iiwan dito. Baka kailanganin mo ang tulong ko. Hindi ka pa naman nakakalakad."
Lumukot ang noo ko tsaka ko hinampas ang kanyang balikat. Napahawak sya dun.
"Save, I told you I'm fine. Nabalian lang ako. Kung makapagsalita ka naman parang pinutulan ako ng paa ni ate nurse!" untag ko.
Napakamot sya ng ulo tsaka ngumiti ng pahapyaw. Hushet, ang gwapo nya talaga kahit kailan. Grabe!
"Sabagay, but text me if you need something, okay? Isang takbuhan lang ang pagitan natin kaya 'wag kang aalis ng hindi ko sinasabi. Do you understand me, Ms. del Mundo?" his perfect brows arched.
Bumuntong ako habang ngiting nakatingin sa kanya. Hindi lang sya guwapo, matalino, at mabait, isa syang boyfriend material dahil.
"I understand, Mr. Augustus."
"Good," tinignan nya ang kabuuan ng clinic. Tsinecheck nya ata kung may ibang tao bukod sa amin. "See you later, Alice."
Isang mabilisang halik sa noo ang ginawa niya bago lumabas ng clinic na may ngiting wagi sa labi. Napangiti ako at humiga sa kama. Masakit pa rin ang binti ko kaso malapit na ang competition kaya kailangan kong maging maayos bago 'yon.
"Teh, aalis muna ako, ha? Gutom na kasi ako. Punta muna akong canteen," si Ate Nurse na ngumiti sa akin.
Tumango ako. Padarag nyang isinara ang pintuan, pero narinig kong bumukas ito maya't-maya.
"Ang bilis mo namang kumain, Ate," sabi ko pero walang sumagot.
Baka ibang estudyante lang. Ngunit bawal pumasok ng basta-basta kung walang nurse. Malalaman 'yon agad kasi may sign naman sa labas ng pinto na *The nurse is OUT*.
Nanlaki ang mga mata ko ng malaman ko kung sino ang pumasok. Hinawi nya bigla ang kurtina sa pagitan naming dalawa. Basang-basa ang kanyang dibdib dahil sa pawis na tumatagaktak mula sa kanyang noo. Akala ko ba may praktis sila ngayon. Bakit sya andito?
"B-Bakemono! Bakit ka andito tsaka, pawis na pawis ka, a?" pinilit kong iwasan ang kanyang mga mata pero hindi ko nagawa.
Naupo sya sa silyang inupuan kanina ni Save. Tinignan nya ako tsaka sa paa ko naman.
"Does it hurt?" he asked, worried.
Umiling ako. "H-Hindi masyado."
"Kung nasalo lang sana kita agad, baka hindi naging ganyan ang kinahinatnan ng paa mo."
Tama ba 'tong naririnig ko? Sinisisi nya ba ang sarili nya dahil sa nangyari sa akin o baka naman pinagtitripan na naman nya ako?
"Huwag mo nga akong pagtripan, Halimaw," inis ko tsaka ko sya inirapan.
Kung makapangtrip wagas. Kahit ito na yung nangyari sa akin, nagagawa nya pa rin akong paglaruan.
"I'm not trying to piss you. I'm goddamn worried about you!"
Bumuntong sya nang makita ang gulat kong itsura. Hindi sya umimik, ganun din ako, kaya ang nangyari nagtitigan lang kami ng dalawang minuto.
Bakit ganun? Bakit sa t'wing nakatitig ako sa mga mata nya parang nilalamon ako ng konsensya. Dinadala nya ako sa kanyang mundo, pinapakita nya sa akin ang bawat sikretong hindi ko kailan man malalaman. In short, hindi ko sya kayang basahin.
Bigla ko tuloy naalala yung halik na ginawa nya sa akin noong nakaraan. Juskolord tabang! Umiikot na naman 'yong mga paru-paro sa tiyan ko.
"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa akin."
Juskopo! Parang ako lang yata ang nawawala sa sariling huwisyo. Dala na rin siguro ng matinding pagkahulog kaya ako nagkaganito.
"Pero kung 'di ako nadistract, nasalo pa sana kita kaso huli na ang lahat... nahulog ka na sa-"
"Iba?"
"Sa semento!" pagkokorek niya.
Nga naman, Alice!
Hinimas niya ng marahan ang aking binti. I want to move my foot away from him, pero masakit kung igagalaw ng sobra. Bakit ganun yung epekto ng sinabi nya sa akin?
"I'm fine, Halimaw. You don't have to worry about me, andyan naman si Sa-" naputol ako sa pagsasalita nang tinitigan niya ako.
He slowly shake his head, shooting daggers at me. Sign na hindi nya gustong marinig ang pangalang yun dahil meron kaming pinag-usapan.
"Sorry," nakayuko kong dispensa.
"Ihahatid kita sa inyo upang makabawi ako," tumayo sya atsaka ako tinignan. "Asawa pa naman kita. Tsk."
Uminit ang pisngi ko. "H-Huwag, may maghahatid na sa akin. Yung kakilala ko," sabi ko. At least diba hindi ko sinabi ang pangalan ni Save.
Biglang sumeryoso ang kanyang itsura. Napalunok ako dahil sa kaba, baka kasi pagdiskitahan na naman ako. Inuntog nya pa ako sa kama bago harassin. Ay ano ba yan, Alice? Landi mo ring mag-isip!
"Sino? Yung pinagmamalaki mong gusto?" kumunot ang kanyang noo. "Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo. And there's nothing you can do about it, Pikon. Dahil kung ayaw mo... sasabihin ko sa kanya ang katotohanan."
Humakbang sya paatras sa mukha ko at ngumisi ng masama. Gusto kong punitin ang labi nya dahil sa inis at galit, waaahh! Nakakainis sya! Nakakabwisit, nakakakulo ng dugo. Lumalagablab na naman ang pisngi ko dahil sa inis, walang hiya sya.
"Oo na, oo na! Sasama na ako sayo," I gave up.
"Yan, yan ang gusto ko sa mga babae. Sumusuko kahit hindi lumalaban," tumawa sya pagkatapos. Mabilaukan ka sana sa sarili mong laway dahil sa katatawa, hayop ka.
"Animal jud oy!" umirap ako matapos pero ngumisi lang siya. "Alis na! Baka hanapin ka pa ng ka-teammates mo rito, dumami pa ang mga gaya mo."
"See you later, Pikon," paalam nya. Akala ko aalis na sya pero nanatili syang nakatayo sa harap ko.
"Ano? Alis na!"
Inismiran nya ako at hindi ko talaga alam kung bakit. Nakakainsulto na sya ha! Nakakailan na sya ngayong araw. Pag ako gumaling, gagantihan ko talaga sya, promise.
"Ikaw 'yong bumagsak mula sa pyramid pero bakit kaya ganito no?" he was slowly approaching me.
Umamba akong aatras pero hinila nya ako ng mas malapit sa kanya tsaka niya ako binisigan sa magkabilang direksyon ng kama.
"Anong pinagsasasabi mo? Bumagsak naman talaga ako, 'wag mo nang ipamukha pa," medyo kabado kong sabi.
Oo, bumagsak ako kaya nauna pwet ko tsaka naman sumunod ang magaganda kong binti! Pinapamukha nya pa talaga, masakit kaya sa feeling no.
"Oo nga, e. Ikaw 'yong bumagsak pero ako 'tong biglang nahulog sayo."
Nag-iwas ako ng tingin. Paano nya ba ito nagagawa sa akin?
"What the hell are you saying? Psh."
"The truth," ngumiti sya.
He left me speechless when he kissed me on my cheeks. Mabilis lang yun pero para nya akong isinakay sa roller coaster. Nakakalula sa tiyan pero hindi nakakasuka.
"Hatid kita mamaya," he winked.
Lumabas sya ng clinic at sinara ang pintuan. Tamang-tama ang dating ni Ate nurse, dinalhan nya ako ng makakain at inumin para daw hindi ako magutom. Baka nagkakaganito lang ako dala ng matinding gutom. Oo tama ganun na nga. Gutom.
Kain lang ako nang kain habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Save ang tungkol sa usapan namin ni Zac. Hindi nya puwedeng malaman na si Halimaw ang maghahatid sa akin. Magpapacheck up pa sana kami kaso hindi na matutuloy dahil sa kahibangan ng lalaking 'yon.
"Alam ko na!" I snapped my finger nang marealized ko ang isang panget pero worth it na plano.
Gamitin ang pangalan ni Ate Alex upang matakpan ang tunay kong rason. Tutal naman gusto nyang bigyan ng pagkakataon si Halimaw, pangalan niya ang gagamitin ko. Gusto ko sanang makasama si Xavier kaso parang tadhana na yung gumagawa ng paraan para magkahiwalay kami. Nakakainis lang.
Lumipas ang oras at nagsiuwian na ang mga estudyante. Bukas na bukas, magpapahinga daw ang lahat para maging handa sa inter-high. Pati ang squad, pagpapahingahin raw muna ng moderators at nang ibang staff para sa upcoming sports competition. Pinilit kong tumayo at maglakad, nakakalakad naman pala ako pero parang di ko kayang tumalon! Lagot na, magpapacheck-up na lang ako bukas kasama si ate Alex.
"Aray," utas ko.
Biglang pumasok si Save ng clinic. Nadatnan nya akong tumatayo kaya tumayo ako ng maayos at ngumiti.
"Hi Save," bati ko.
"A-Ayos ka lang? Sabi ko naman sayo diba-" pinutol ko sya sa pagsasalita.
"Ayos lang," naupo ako muli kaya inalalayan nya ako papunta sa kama. "Save, may sasabihin nga pala ako sayo."
"Sige, ano ba yun?" tanong nya.
I crossed my fingers secretly behind my back. "Si Ate Alex kasi susunduin nya ako ngayon. Um, siya na raw ang sasama sa akin magpacheck up."
Sana patawarin pa ako ni Save sa pagsisinungaling ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon.
"Alam na pala ni Ate na nahulog ka sa pyramid. Ok sige, pero balitaan mo 'ko Alice kung anong findings ng doktor," he sighed.
"Oo sige. Thank you, Save," ngumiti ako.
"I have to go now. Please be safe, my princess," paalam nya.
And he called me his princess! Opkors, sya kaya ang prinsipe ko. Hihi.
"Let's go," rinig kong sabi ng isang malalim na boses. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko syang nakatayo dala-dala ang kanyang bag at bag ko. Ang cute nyang tignan. Isang lalaki na may dala-dalang ladies bag. Ang cute isipin kaso nasisira ang imahe kapag nalaman mong SYA!
"Hindi nga ako makalakad, diba?" pagtataray ko. Tignan ko lang kung anong gagawin niya. "Umuwi na ba si Nieves? Hindi nya man lang ako binisita!"
"I don't know, pero nagsumbatan sila ni King kanina," tsaka siya lumapit sa akin. "Buhatin na kita."
Aangal pa sana ako ng buhatin niya ako bigla.
"Aah, ibaba mo nga ako! Halimaw!" hampas ko sa kanyang mukha.
"Aish, stop fighting me! I'm not your enemy," untag nya.
"Manyak ka kasi, dahil sayo nakapagsinungaling na naman ako kay Sa-" naputol muli ang pagsasalita ko.
"Say it, I dare you," banta nya.
First time kong marinig na ganito sya kalamig. Mas malamig pa sa boses ni Harvey at mas nakakatakot pa kay Xavier kung magalit.
"Sorry," niyapos ko ng dahan-dahan ang kanyang leegan upang maitago ang aking pagkaguilty. Bahala na, wala namang masyadong estudyante sapagkat gumagabi na rin.
"That's my girl," ngumiti sya at nagpaalam kay Ate Nurse. "Bakla, aalis na kami!" .
Ganyan siya magpaalam? Ang bastos naman.
"Byeee," kumaway si Ate Nurse tsaka nya ako kinindatan, o baka guni-guni ko lang 'yon.
"Ang bastos mo naman masyado. Walang ginagawang masama sayo si Ate!"
"Ganyan kami palagi. Hindi yun pagiging bastos. 'Di porket iba ang trato mo sa kanya nagiging masama na sa mata mo kung paano ko siya tratuhin," sabi nya. "He's the younger brother of my mom. Tito ko sya."
What?! May plano pa sana akong magulat kaso natigil ako agad. Binuhat nya ako papuntang parking lot. Mabuti na lang at maagang umalis si Xavier pauwi. Matalino kasi si Save kumpara sa isang ito. Malapit na pa lang mag 6 PM, kaya pala dumidilim na ang langit.
Hindi ko maiwasang maamoy ang kanyang pabango. Nagbihis sya ng damit, kanina jersey ngayon naman simpleng vneck na shirt. Ang bango nya, yun bang feeling na wala kang ibang gustong gawin kundi ang amuyin sya. Mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko sa kanyang tshirt. How could he smells so good?
"Ibababa na kita," banayad nyang tugon.
Bumalik ako sa reyalidad at tumango. Binitiwan nya ako ng dahan-dahan. Tumayo naman ako agad.
"T-Thank you," nahihiya kong sambit.
"Get in, Pikon or else iiwan kita rito mag-isa," ngumisi sya at agad na pumasok sa driver's seat.
Inirapan ko siya bago pumasok. Pinaharurot nya ang sasakyan at hinatid ako sa bahay. Sasabihin ko kay ate mamaya ang tungkol sa sprain na tinamo ko. Magaling namang gumamot ang boyfriend nyang si kuya Ranze, tsaka makakalibre pa ako sa bayad.
– Don't forget to vote and share –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro