Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Alice's Point of View.

Halos hindi ako makahinga nang magkalapit pa lalo ang mukha namin ni Zac. Kaso mas natatakot ako na masukahan niya lalo na't napakamahal ng damit ko.

"Baka sukahan mo ako, Zac. Pumasok muna tayo sa loob."

Umiling siya ngunit seryoso pa ring nakatingin sa akin. Ano ba? Bakit ba may paru-paro na naman sa tiyan ko? Kumain ako ng kanin, hindi ako kumain ng insekto.

"It's our date. Wala ka dapat ibang iisipin kundi ako lang, diba? Bigyan mo ako ng dalawang buwan, pero kanina lang sinabi mo na naman ang pangalan ni Xavier," seryoso nyang tugon na may halong sakit.

Hindi ko alam kung saan hahanapin ang dila ko dahil wala akong alam sa kanyang sinasabi. Well, may alam nga ako, pero hindi ko naman maintindihan. Dalawang buwan, anong klaseng palugit ang dalawang buwan? Para saan?

"S-Sorry, hindi ko alam na seryoso ka pala run," dispensa ko kahit walang dapat ika-sorry.

Bahala na, gusto ko lang namang matapos ang pagtititigan naming dalawa. He's too close to me. He heaved a deep breath and averted his eyes on the cement. Ang bango ng hiningang-alak ng mga lalaki. Naman, e!

"Damn it! I'm always serious. Hindi mo ba nahahalata, Pikon?" inis nyang tanong. "You're so damn adorable and fuckin' dense as hell," mura nya nang nakangisi.

Akala ko may gagawin sya sa akin pero pinulot nya lang pala ang bag nyang nalaglag sa semento. Nauna syang naglakad tsaka ko sya sinundan nung natauhan na ako.

Nakarating kami sa harapan ng kanilang pinto. Namangha ako sa laki ng bahay nila, parang isang mansyon ng prinsipe kaso sya ang trabahador. Akala nyo sya ang prinsipe no? Wahaha! Binuksan nya ang pinto ng kanyang kwarto, pero hindi nya naman binuksan ang ilaw. Agad nyang tinapon ang kanyang bag sa tabi at humiga ng patalon sa kama.

"Hoy! Magbihis ka, mainit sa katawan ang alak," utos ko habang tinitignan syang nakahiga.

"Then take my clothes off for me," humarap sya sa akin, nakasandal ang kanyang ulo sa kanyang kamay. "Hubaran mo 'ko... kung kaya mo," ngumisi sya, yung ngising nanghahamon.

Uminit ang dugo ko at naramdaman ang altapresyon sa dibdib. Jusko! Bakit ba ang galing-galing nyang mang-asar? Effective masyado dahil naiinis na ako sa kanya ngayon. Gusto ko syang iwan pero nakokonsensya ako dahil wala siyang ibang kasama rito.

Alam nyang pupuntahan ako ni Save kaya hindi sya pumunta dahil magkikita lang sila sa bahay. Puwede nya akong ibuking kung kelan nya gusto pero bakit hindi nya ginawa? Magaling syang mang-asar, pagkakataon na nya ito para gumanti sa akin.

"Kukuha ako ng malamig na tubig. Magbihis ka mag-isa dyan."

Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng face towel tsaka malamig na tubig. Bumalik din ako agad. Habang naglalakad pabalik mas lalo kong napapansin ang katahimikan sa kanilang bahay. Nakita ko syang nakapikit habang nasa noo'han nya naman ang isa niyang kamay. Ang lalim ng bawat paghinga niya.

"Hindi ka ba talaga magbibihis?" inis ko.

"I'm tired, Pikon," tamad nyang sagot.

Bumangon sya tsaka agad na hinubad ang kanyang tshirt. Lord na mahabagin! Bakit nyo po ito ginagawa sa akin? The guy in front of me is too hot to handle! Ayaw kong magkasala kay Save!

"Tsk. Oh ayan," tinapon nya sa gilid 'yong damit at inismiran ako.

Kahit lasing sya nagagawa nya pa rin akong asarin. Napalunok ako habang iniiwasang tignan ang kanyang pandesal. Buti na lang at busog ako ngayon.

"Huwag kang gagalaw at gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan. Baka suntukin ko yang ANO mo!" banta ko tsaka pumuwesto sa kanyang gilid.

Tumango sya ng nakangisi. Hindi talaga mawala sa kanyang labi ang ngiting yan. Gusto kong punitin! Sinimulan kong punasan ang kanyang kamay. Hindi nga sya gumagalaw o gumagawa ng kahit ano. He's behaving while I'm trying to wipe his body. Hindi ko talaga sya mabasa, minsan baliw minsan naman matino.

"Nasa'n ba ang parents mo? Kailan sila uuwi?" pambabasag ko sa katahimikan namin.

"They're gone."

"What?! Anong- wala na sila?" medyo gulat kong tanong.

"N-No, it's not what you think. Gone... to Philadelphia for business meetings."

Tumango-tango naman ako. Akala ko talaga patay na sila. Nakakahiya! Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng kanyang braso. Ang kinis ng balat nya, parang hindi nagvovolleyball sa sikat ng araw. Siguro madalas syang magpaderma kay Vicky Belo.

"Akala ko talaga patay na parents mo," nahihiya kong tugon.

"'Don't worry. Ipapakilala naman kita sa kanila kaya huwag kang mag-alala," ngisi sya.

Uminit ang pisngi ko kaya umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko talaga kayang makipag eye-to-eye contact sa kanya ng matagal. Pagkatapos ko syang punasan, binigyan ko sya ng damit kaya nagbihis sya agad. Nagtaka ako nang bigla nyang hubarin ang kanyang pantalon. OH GOSH! PANGALAWA NA ITO, AH! MASYADO NA 'KONG MARAMING NAKIKITANG PORN.

"Magsabi ka nga kung maghuhubad ka! Bwisit," inis ko takip-takip ang aking mata.

"Ha? Nagboboxers naman ako. Hahaha!"

Narinig ko ang kalansing ng kanyang belt. Tinapon nya pala ang kanyang pantalon sa gilid.

"Akala ko pa naman nakakita ka na nang ganito kay Save," ngumisi sya.

Hindi pa nga, e! Tsk.

"Iba sya, tanga!"

"Pareho lang kaming may-" naputol sya sa pagsasalita ng agad kong itinapon ang unan sa kanyang pagmumukha. Tumawa sya ng tumawa tsaka ako hinila pahiga sa kama.

AAAAHHHH HELP ME!

"Bitiwan mo 'ko. Harassment na itong ginagawa mo!"

"Ssshh. I won't do anything to you... yet," ngumisi sya sa akin at mas hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa pulso ko.

Hindi ako makahinga ng maayos. Naghuhuramentado na sa kaba ang dibdib ko, para akong pinapatakbo ng mabilis ni Madonna! Ayoko nang ganito.

"Aaah! Huwag kang gagawa ng kung ano, bwisit ka! Tatawag talaga ako ng pulis!" ni hindi man lang siya natinag sa sinabi ko.

"Edi tumawag ka. Legal naman 'tong ganito kasi mag-asawa tayo sa mata ng batas."

Oo nga pala kaya useless din. Nakakabweset! Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Tinitigan nya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata. Napalunok ako upang pigilan ang kaba pero hindi ko talaga maiwasan.

"Sinong first kiss mo?" tanong nya.

"Si Save!"

"May singsing ka pala. Sinong nagbigay nyan?" tinignan nya 'yon.

"Si Save!"

"Pota," mahina nyang mura. "Puro na lang Save."

"Ano bang pinaglalaban mo ha?! 'Wag mo ngang mamura-mura si Xavier."

Napangiwi sya pero bumaling naman ulit sa 'kin.

"Pakiss nga, legal naman tayo," seryoso nyang tugon.

This guy is so... so... drunk! Nakaboxers lang sya at nasa kama niya kami tapos ganito pa ang puwesto. Naku, delikado!

"Umalis ka nga. Lasing na lasing ka na nga!" pagpapaalala ko.

"Mas mabuti yun. Makakalimutan ko ang gagawin kong ito sayo."

I was caught off guard when he suddenly pressed his lips to mine. Nanlaki ang mga mata ko, but his kissing me with his eyes close. Pinilit kong magpumiglas pero masyado syang malakas. Hinayaan ko na lang ang labi nya sa labi ko. Is it just me or I really want to kiss him back? Gusto kong gumanti pero hindi ko alam kung paano humalik.

Huminga ako ng malalim nung kumawala sya. Shit! Gusto kong gumanti?!

"Ok na. Second kiss mo na ako," sabay kindat.

Naupo sya sa kama habang nakapatong ang kanyang braso sa kanyang tuhod at pinagmamasdan akong tanga! Mabilis pa sa alas kuwatro nung tumayo ako agad. Takot ko lang masegundahan ng isang halik mula sa kanya.

"U-Uuwi na ako. Manyak ka talaga!" sumbat ko habang pilit na itinatago ang pamumula ng pisngi.

"Magdate tayo sa susunod. Pero sa kuwarto mo naman, Pikon," nakita ko pa syang ngumisi bago ako tuluyang makalabas ng kanyang kwarto.

Shit! Shit! Shit! Sya itong lasing pero ako yata itong nakainom. Napahawak ako sa labi ko habang papalabas ng bahay nila.

"Nakakalasing sya."

I'd better be careful with Zac. Iba na itong inis na nararamdaman ko para sa kanya.

— Don't forget to vote and share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro