Chapter 14
Save's Point of View
"Z-Zac, ikaw ba iyan?" tanong nya.
Nilingon ko sya agad, gising na pala si Alice, pero bakit si Zac ang lumabas sa kanyang bibig? Ngumiti na lang ako at binalewala ang kanyang naunang bungad.
"Hi, tagal mong gumising," ngumiti ako.
Ngumiti rin sya sa akin pabalik. "Um... Oo, nakatulog ata ako nang di ko namamalayan."
Agad ko syang sinenyasang tumabi sa akin. Tinapik ko 'yong katabing space na nasa gilid ko at agad nya naman akong sinunod. Nilantakan nya rin ang Chips Delight na kinain ko at sabay kaming nanood ng palabas. Papertowns.
Hindi kami nag-iimikan habang nanonood. Hindi ako sanay. Madalas kasi sya ang nauunang magtanong at mag-open up ng topic pero iba ata ngayon.
"Kamusta ang practice?" tanong nya. Sabi na nga ba, akala ko talaga nag-iba na ang lahat.
"Heto, nag-overtime kami. Imbes alas tres naging alas singko," ngumisi ako dahil sa pagod.
Pagod na pagod ang katawan ko ngayon kaya kailangan kong matulog at magpahinga, pero dumiretso pa rin ako dito sa bahay nila. Hindi lang para isauli ang libro, pati na rin ang totoo kong motibo. Gusto kong makita si Alice, pampaalis ng pagod.
"Bakit hindi ka na lang nagpahinga? Ayan, pinapagod mo na naman ang sarili mo, Save," inis nyang utas.
Natutuwa talaga ako sa t'wing nag-aalala sya sa akin. Ganyan lang 'yan, but I know that she's worried and concerned about me.
"Isasauli ko lang kasi 'tong libro mo kaya dumiretso na ako rito," ngumiti ako habang kinukuha ang libro sa loob ng bag tsaka ko iyon ibinigay sa kanya. "Thank you, Alice."
"Pwede mo namang isauli sa Lunes, a? Tss, nag-abala ka na naman. Basta't pag-uwi mo sa bahay nyo magpahinga ka agad," utos nya.
"Kasalanan ko ba kung gusto kitang makita?" nagpout ako at agad syang niyapos papunta sa aking dibdiban. Ang bango nya talaga kahit kailan. "Sorry na, okay? Hindi na mauulit, pero gusto talaga kasi kitang makita."
Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Agad syang nag-iwas ng tingin at bumaling sa palabas. Ang cute nyang kiligin. Gusto ko syang picturan kapag kinikilig dahil sa 'kin. Mahal na mahal ko ang babaeng 'to kaya hindi ko sya sasaktan.
"Ewan ko sayo, Save," tawa nya.
Nagulat kami ng biglang tumunog ang kanyang phone.
"Teka lang, a may nagtetext," tinulak nya ako nang bahagya palayo tsaka nya pinulot ang kanyang cellphone na nasa kama.
Nakita kong lumukot ang kanyang noo habang nakatitig ng masama sa kanyang phone. Mukhang may problema ata sya ngayon.
"What's wrong?" I asked.
"S-Si Nieves, kailangan kong puntahan," may bahid ng pag-aalala ang kanyang boses.
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" kumunot ang noo ko.
Umiling-iling sya habang sinusuot ang kanyang jacket at rubber shoes.
"Ewan. Hindi ko alam, n-naglasing ata."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "She's just sixteen, hindi sya basta-bastang makakapasok ng bar."
"Wala sya sa bar. Nasa bahay nila."
Nilingon niya muna ako bago siya tuluyang umalis.
"Hindi ka pa uuwi, Save?" she asked.
Pinapauwi nya ba talaga ako? Dati kasi, hinahayaan nya akong magpalipas oras dito. Kahit dito na ako tumira ayos lang sa kanya. Tumayo ako at tumango.
"M-Mukhang ganun na nga."
Tumango sya na may blankong reaksyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.
"Ihahatid na kita."
"Huwag na. Magpahinga ka na agad, okay. Sige babay," hinalikan niya ako sa pisngi tsaka siya nagmadaling umalis ng bahay.
Pumara sya kaagad ng taxi at sumakay. Si Nieves lang naman yung naglasing at sa bahay pa, wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya, hindi ba?
Akala ko pa naman magtatagal kami sa gano'ng posisyon... akala ko lang pala.
Alice's Point of View
"Bayad po," sabay abot ng isang daan. Agad akong bumaba ng taxi pero sinita ako ni manong.
"May sukli ka pa, ma'am."
"Keep the change!" padarag kong sinara ang pintuan.
Nagmamadali akong pumasok sa Lovers Bar. Nagulat ako sa text ni King sa 'kin, tinawagan sya ni Zac para sana papuntahin pero hindi nya magawang puntahan kasi may importante syang gagawin kaya ako itong napagdiskitahan. G*ga talaga, nagawa ko pang magsinungaling kay Save tungkol dito.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob. Hindi ako mapagkakamalang sixteen dahil sa height ko, matangkad ako kumpara sa ibang babae na andito kaya agad nya akong pinapasok.
Saan na ba 'yon?
Nakita ko sya malapit sa may bartender. Umoorder sya ng shots, pero may apat na bote ng alak sa kanyang gilid. Ang dami na nyang nainom tapos iinom pa sya? Hindi ba sya dinadalaw ng kalasingan nyan?
Agad akong naglakad palapit sa kanyang puwesto. Gusto ko syang hampasin ng dos por dos kaso maraming tao sa bar na ito at napakaingay pa. Halos magsigawan lahat ng tao sa loob dahil sa music. Dagdagan mo pa ng usok, yosi, baho, at kanya-kanyang usapan.
Kinalabit ko ang kanyang tshirt at sumigaw. "Hoy! Ba't ka naglalasing dyan? Uwi na tayo!"
Dahan-dahan nya akong nilingon. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ako ngunit ngumisi rin pagkatapos.
"Oh, my favorite partner's here!" boses pa lang halata mo nang lasing sya.
"Uwi na tayo, Zac. Masyado ka nang maraming naiinom!"
Lumaklak sya ng isang shot na nasa kanyang harapan bago muling nagsalita.
"Walang tayo." Yun lang.
Umarko ang kilay ko habang tinitignan sya. Ayaw ko sana syang pagtarayan pero dahil nauna syang awayin ako, aawayin ko rin sya.
"Wala nga. Sinabi ko bang meron? Nagpunta ako rito kasi tinext ako ng kaibigan mong si King. Kahit galit ako sa inyong dalawa pinuntahan pa rin kita. Sana pala hindi na lang ako pumunta nang makasama ko pa ng matagal si Save kaso-" natigilan ako sa pagsasalita ng bigla nyang hinawakan ang pisngi ko.
Halos lumabas ang dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok, may mali ata rito. Winaksi ko ang kamay nya upang iwasan ang paglala ng naghuhuramentado kong dibdib. Kainis!
"Mas gusto mo pala syang kasama..." lumaklak ulit sya tsaka nagsalita. "Dun ka. Mas bagay kayo, mahal mo sya, mahal ka nya. Ayaw ko ng ganito."
"Kaya nga kita pinuntahan dito diba kasi nag-aalala ako sayo," inis ko.
"Talaga? Date natin ngayon pero mas pinili mo syang makasama," nakatitig lang sya sa akin. "Kaya ako na lang mag-isa ang magdadate sa sarili ko. Tutal naman, magkasama kayo."
Huminga ako ng malalim. Lasing lang sya Alice kaya nya 'yan nagagawang sabihin sayo. Oo tama, lasing lang sya kaya ganyan. Oo lasing! Walang malisya kasi nga lasing.
"Let's go home. Nagdala ka ba ng kotse?" pag-iiba ko sa topic.
Tumango sya nang wala sa sarili. Namumula na ng sobra ang kanyang pisngi, iba talaga pag mestizo kasi halatang-halata ang red cheeks. Samantalang ako, kailangan pang magblush-on upang pumula ang pisngi. Psh.
"Come on, Zaccharias. Ayokong magsayang ng oras. Ihahatid kita," hinila ko sya palabas ng bar.
Akala ko talaga hindi sya sasama, pero buti na lang at nagpadala siya sa hila ko. Nakarating kami sa parking lot pero hindi ko alam kung sa'n sa magagandang kotse na ito ang kanya.
"Where's your car?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng parking.
"Black Porsche," sambit nya. Mukha syang nasusuka. Huwag nya lang subukang sumuka sa mukha ko dahil kakaratehin ko sya!
"Ano bang itsura ng Porsche? Alam ko ang kulay black pero Porsche, hindi!"
Hinila nya ako papunta sa pinakagilid. Andun pala yung sasakyan nya. His car is so flashy, hindi nito nagawang maki-blend in sa ibang sasakyan dahil sobrang angat ang kagarahan nito. Masyadong malinis at mukhang bago.
"Araw-araw mo ba itong pinapa-car wash?" sarkastiko kong tanong.
"Ewan," sagot nya at agad na naupo sa driver's seat. "Let'sh go," baluktot nyang sabi.
Gusto ko sanang matawa kaso seryoso sya.
"Hindi ka puwedeng magdrive. Lasing ka kaya!" asik ko.
"Kaya ko. Let'sh go. Kaw hahatid ko!"
Salita mo pa nga halatang lasing ka na loko ka, tapos sasabihin mo sa 'king hindi ka lasing? Sira ka pala, e.
"Umusog ka, ako magdadrive!" singhal ko.
Hindi sya gumalaw, mukhang wala syang naririnig mula sa akin.
"Usog sabi!" singhal ko tsaka siya umusog.
Agad akong pumasok sa driver's seat. Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa bahay nila, pero habang nasa byahe kami, hindi talaga sya nagsasalita. Mabilis ang kanyang paghinga, parang pilit nya itong hinahabol sa bawat postlights na nadadaanan namin. Nakapikit ang kanyang mga mata. I could smell his alcohol breath. Amoy alak kaya nakakalaki, kahit sino siguro malalasing sa bango ng kanyang hininga pero hindi ako. Ayoko kasi sa taong umiinom.
"Alice," sambit nya ng makahinto kami sa isang stoplight. Muntikan ko nang mapatid ang manibela dahil sa gulat. Hindi lang 'yon, ang sexy nya ring pakinggan.
"A-Ano?!" pinilit kong magtaray pero lumiko ata dila ko sa isang highway.
"Hurry up or I'll puke on your face."
"Ha? Teka lang!" natataranta kong sambit.
Agad kong pinaharurot ang sasakyan at mas lalong binilisan ang pagdadrive. Nakarating kami agad sa bahay nila. Ganito talaga ako sa tuwing natataranta, mas bumibilis ang kilos lalo na kapag alam kong susukahan nya ako sa mukha.
"Oh, baba na!" asik ko. Nauna na akong bumaba kesa sa kanya. "Hoy ano ba?!"
May kinuha sya sa likuran ng kotse bago lumabas. Yung bag nya palang mabigat, pero kung dalhin niya parang ang gaan lang.
"May susi ka ba riyan?" tanong ko habang nauunang maglakad sa kanya.
Hindi sya nagsalita kaya napagdesisyunan ko nang harapin sya. Bigla nya akong hinigit at binisigan sa magkabilang parte ng kanyang kotse. Nahulog ang dala nyang bag at napunta sa semento.
"A-Anong ginagawa mo?"
Jusko! Baka sukahan nya ako.
Hindi sya umimik. Alam ko na maratrat talaga ang bunganga niya pero hindi sya umiimik ngayon. May mali!
"Let's talk," he demanded.
Napalunok ako dahil sa kaba. Feeling ko nagha-hyperventilate na ako ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro