Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Alice's Point of View

"Are you sure you're okay?" tanong nya sa panlimang beses.

"Oo nga. Andiyan ka naman, e. Mabilis akong gagaling," ngumiti ako at tumango.

"Maybe we should go to the hospital to run some tests. Just to make sure," suhestyun nya.

Nag-aalala masyado si Save sa akin at hindi ko maiwasang mapangiti, pero sobra naman kung magiging big deal pa ang nangyari sa akin ngayong araw.

"'Huwag na, Save. Maaabala na naman kita nyan," nagkamot ako ng ulo.

"Hindi ka abala. Ikaw lang ang tangi kong pinagkakaabalahan, okay? Matatahimik lang ako kapag nagpa-check up na tayo kaya sumunod ka na lang sa akin," he condescended.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Masyadong magaling magconvince si Save. Pinagbuksan nya ako ng kotse tsaka ako pumasok. Pinaharurot nya ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na clinic para magpa-check up. Pagkatapos nun, hinatid na nya ako sa bahay.

"'Di mo naman yun kailangang gawin," sabi ko habang tinatanggal ang seat belt.

"I don't want to disappoint, Alex. Baka sisihin nya ako. I already regret that I didn't caught the ball for you."

"Hindi ka sisisihin ni ate. Ipaglalaban naman kita."

"Oh sige na. Good night, bye..."

Bumaba ako ng sasakyan at patuloy sa pagkaway habang lumiliit na sa paningin ko ang kanyang kotse. Huminga ako ng malalim at napatingala sa langit. Paano ko sasabihin kay Save ang tungkol sa amin ni Zaccharias? Hindi ako makahanap ng tamang tyempo, hindi ko magawa-gawa. Takot akong magalit sya sa akin.

"Lord, tabang," bulong ko at agad na pumasok ng gate.

***

Dumaan ang isang linggo. Kinatok ako ni ate Alex sa kwarto ng alas siyete ng umaga. Sigaw sya ng sigaw, pero hindi ko magawang pansinin kasi pagod ako ngayon. Gabi na kaming natapos sa pagpapractice ng cheerleading kaya ang sakit ng katawan ko dahil sa stunts.

"ALESANDRA! TENGENE GUMISING KA NA O SISIPAIN KO ANG PINTO MO!" she threatened.

Ginawa kong panangga sa tenga yung unan. Ang ingay ni Ate, kainis!

"Alesandra! Isa..."

Hindi ko sya pinagbuksan.

"Dalawa..."

Hindi pa rin. Sige, Ate, magbilang ka lang diyan.

"Pag ito umabot ng tatlo babawasan ko debit card allowance mo! Tat-"

Agad akong bumangon at tumayo para pagbuksan si Ate. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kabuuan ko. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Kailangan ko ng pahinga pero sinisira ni ate ang beauty sleep ko.

"Bakit ngayon mo lang binuksan?" lumukot ang noo niya.

"Nagsisipilyo kasi ako..." palusot ko.

Umasal akong seryoso, pero hindi ko talaga magawang magsinungaling kay ate kaya iniba ko na ang topic.

"Bakit, Ate? May kailangan ka?"

"May naghihintay sa baba. Magbihis ka ng maayos dahil kakausapin ka ni Emily. Umayos ka ha," sabay turo sa akin.

Tumango ako dala ng takot. Agad akong pumasok sa banyo, naligo at nagbihis ng damit. Inayos ko rin ang sarili ko, naglagay ako ng konting liptint at light makeup. Sabi nila, kailangan mong maging presentable sa harap ng opisyal kahit na sabihin nating hindi mo sila gustong makita or makasagupa. May tungkulin sila sayo pero mas may obligasyon ka sa kanila.

Bumaba ako agad at nadatnan si Ate Alex at Ate Emily. Mas matanda si ate Emily sa amin, nasa 26 na ata sya pero wala pa ring asawa. Pinagseserbisyuhan nya ang syudad para lang hindi maipakasal sa taong ayaw nya. Bilib ako sa katapangan nya. Kung sana ay kaya ko ring gawin ang kanyang ginawa, pero wala akong lakas ng loob.

"Oh, ayan na pala siya," bumaling si Ate sa akin ng nakangisi. Kita mo ito, napakaplastik.

"Good morning po."

"You're Alice? Wow, you are so pretty. Mana ka sa ate mo," ngumiti sya.

Maganda si ate Emily, maiksi ang kanyang buhok at maputi na parang si Snow White. Maganda talaga ako, sabi yun ni mama, e.

"Maupo tayo," she motioned me to sit.

Ginawa ko naman. Bigla kaming iniwan ni ate Alex kaya kinabahan ako bigla. Alam kong may sasabihin s'ya sa aking balita kaso hindi ko alam kung magugustuhan ko iyon o hindi.

"Ate, asa'n yung lalaking madalas mong kasama?" tanong ko. Curious lang, madalas talagang may partner ang mga opisyal.

"You mean Greg?" may hinalungkat sya sa kanyang bag. "Andun sa kabila. Yung kapartner mo, sino nga ulit yun? Si..."

"Zaccharias Villamor," I said uninterested.

"Oo sya nga. Nakita ko sya nun, ang gwapong bata," ngumiti sya.

Wala na rin akong nagawa kundi ang ngumiti dahil na rin kailangan. Baka malaman nilang hindi kami nagdadate ni Zac. Baka malaman nilang may iba akong gusto at ilalayo nila si Save sa akin. Iniisip ko pa lang hindi ko na kaya!

"Ok let's start," sabi nya dahilan para kabahan ulit ako.

Tumango ako at naupo ng maayos. Tumayo sya sa harapan ko at pinakita ang isang picture. At kailan pa kami nagkaroon ng projector sa bahay?

"May ganyan pala kami? Hindi ko alam," pagtataka ko.

"Nilagay ko lang kanina. I will tell you the reasons why I came here. As you know, may avviso kang natanggap and that's actually official. Lahat ng nasa message mo ay totoo at mula iyon sa mataas na opisyal."

"The purpose of this love experiment is to test kung ilang failed and successful marriage meron ang fixed marriage. Pero maliban run may iba pa kaming dahilan..."

Nilipat nya sa next slide ang presentation.

"The city needs to produce successful people lalo na't kokonti lang ang populasyon sa Amore City. We need to at least give birth to awesome heirs."

Nagpatuloy ako sa pakikinig. Nilipat nya ulit sa next slide.

"Most of our messages ay sa babae pinapadala at pinepersonal naman ang mga lalaki. But then, may iilang messages kaming pinapadala sa mga lalaki katulad ng kay Zac."

Nilipat nya ulit sa next slide.

"Are you okay, Alesandra? You look pale," puna n'ya.

Umiling ako at ngumiti. "Wala po. Continue."

"Kinukuha namin ang statistical data based on your birthday, zodiac sign, height, cellphone number, DNA, RNA, heart rate, test examinatiaon, physical examination, etc. Kahit ang pinakamaliit na bagay na maaari mong i-calculate ay ginagawa namin at pinag-aaralan. Even your test scores noong kinder at elementary years nyo. We'll calculate it for you," pagtutuloy nya.

Wow! Just wow. Napaawang ng konti ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala na may ganun pala silang ginagawa. Nakakapagod naman ang trabaho nila.

"Until you reached sixteen, ginagawa pa rin namin ang calculations. Why sixteen years old? Dahil dun mismo nagsisimulang magmature ang utak ng tao lalo na sa babae. Sa boys naman ay 18 years old."

Nilipat nya ito sa kabilang slide.

"Besides, sixteen ka pa lang kaya wala ka pang mahahanap na ka-forever mo because you're too young."

Pinatay nya ang presentation kaya bumalik ako sa reyalidad. Nadala ako sa effect ng slides.

"We believed that people can't fall in love easily not until they know each other too well. Maraming nagsuccess na marriage for the past years dahil sa fixed marriage na ito, may iilang nagfail not because kasalanan namin. Their marriage failed because they didn't even try to work it out," may halong pagkadismaya ang kanyang tono.

"What if... what if sa bata mong edad nahanap mo na ang taong mahal mo? May magagawa ba sila?" I asked.

Tinignan nya ako nang may pagtataka. "What do you mean 'Sila'?"

Napalunok ako. Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko kaya agad akong naghunusdili sa pag-iisip.

"G-Government?"

"Patanong Alice?" ngumiti sya at tumawa ng konti. "Meron. Ito ang batas, kung may mahal ka na Alice wala kang magagawa kasi kailan man... hindi naging patas ang batas."

"Alam ko po yun, Ate."

Nakita kong isa-isa na n'yang nililigpit ang kanyang gamit at laptop kaya tinulungan ko na.

"Tulungan na po kita," alok ko.

"Thanks. You're such a good girl, Alice," sabi nya na may halong lungkot sa boses.

Hindi na ako nagsalita pang muli. Tinulungan ko lang sya sa pagligpit ng mga projectors. Bakit ba ang dami nyang dala? Puwede namang laptop lang kasi ako lang mag-isa rito.

"Salamat, Alice. Tell Alex na aalis na ako," ngumiti sya.

"Sige po."

Magpapaalam na sana ako ng bigla syang magsalita pa ulit.

"Ay may isa pa palang bagay, Alice. May form dyan na nakaipit sa ilalim ng notes mo. Sign it honestly and truthfully para hindi ulit magkandeleche-leche ang lovelife mo," kumindat sya bago umalis dala-dala ang malalaking bag.

Form?

Kinuha ko yun sa ilalim ng notes. Isang form patungkol sa kasalukuyang nangyayari sa amin ni Zac.

1.) First date:
*When?
*Where?
*What did you eat?

2.) Second date:
*When?
*Where?
*What did you eat?

3.) Third date:
*When?
*Where?
*What did you do?

Nanlaki ang mga mata ko sa mga tanong. Paulit-ulit at puro tungkol sa date. Kailangan talaga kasi ng dates para sa couples pero iba naman ata ito, diba? Tss.

"That's a record," bungad ni Ate na kumakain ng sunkist. "Nirerecord nila ang bawat galaw niyo as couple. That's why I told you before, Alice you have to at least give it a try."

Napairap ako sa kawalan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Inis, galit, pagkabigo, o kawalan ng pag-asa.

"Come on," tinapik nya ako sa likuran. "You don't have to be so sad, sis. Oo may gusto kang iba pero laruin mo na lang para matuwa ka," kumindat siya bago umalis.

Umakyat ako sa kwarto upang itago ang form. Sinong lalaruin ko, si Zac o si Save? Kaya yun ni ate kaya madaling sabihin. Pero ako, hindi ko kaya kasi iisang tao lang ang gusto ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro