Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 09


Zac's Point of View

"Sa'n ka galing? Nag-iba ata suot mo?" bungad ko kay King pagpasok na pagpasok nya sa classroom.

"Tsk. Don't ask what happened or where my uniform is," he sounds annoyed but is smiling. Babae na naman ata.

"Kanina pa kita hinahanap. Kinuha mo ba ang battery ng vape ko?"

"Hindi ko kinuha. Binigay mo yun sa akin."

May kinuha sya mula sa kanyang bag na kulay berde at binigay iyon sa akin. Sabi na nga ba at nasa kanya lang ang battery ko.

"Akin na. Shit," mura ko at agad na pinasok sa loob ang battery.

"Minura mo pa ako, e ikaw nga itong nagbigay nyan sa akin. Sabi mo 'tago mo muna saglit pre' alala mo?" ginaya pa ang tono ko.

Kanina pa ako nabubuweset dahil na rin hindi ako nakakapag-vape after class. Natatakot ako na baka maamoy ni Alice ang bibig ko, masabihan pa akong adik. Pero masarap ang flavor ng vape ko, Blueberry Mint.

Naalala ko tuloy bigla si Alice. Nasungitan ko kanina, nadamay sa kabadtripan ko. Galing ako nun kay Madonna para pagsabihan sya tungkol sa nangyari kahapon. Umoo naman ang baliw, baliw na baliw yun sa akin kaya gagawin niya naman siguro ang sinabi ko.

"Magvavape ka rito?" si King.

"Baliw. Ayaw kong magkarecord. Baka makita ako ni Mr. Rodrigo."

Ngumisi sya ng nakakaloko. Yung ngiting nakakaasar.

"Si Mr. Rodrigo ba talaga, pre o si... Alice?"

Binatukan ko sya kaagad. "Shut up, pre. Wala nga akong interes sa Alice na yun. Wala 'kong pake kung makita nya akong nagyoyosi o nagvavape."

Wala nga syang pake sa akin, e.

"Asus. Napaka-denial mo talaga! Magpapractice tayo mamaya. Dinig ko, kasabay nating magti-training ang basketball at cheerleaders. Marami na namang chicks," siniko nya ako sa tagiliran.

Ngumisi ako habang tinitignan sya. Nakakatuwa talaga kapag meron kang baliw na kaibigan. I leaned against the window and saw Harvey walking towards us without his uniform. Isa pa 'to, e. Sa'n na naman kaya napunta ang polo n'ya at nakashirt lang sya ngayon?

"Pre, where's your polo shirt?" tanong ko nang nakapamulsa. Nagkakaubusan na pala talaga ng polo sa divisoria.

"I gave it," malamig n'yang sagot.

Suplado sya sa iba pero hindi sa aming tatlo. Kami na nga lang ang magtutulungan tapos magsisiraan pa kami. Wag ganun, dre!

"Brruuh! So cold," pang-aasar ni King but Harvey didn't bother to look at him.

Sinuot nya ang kanyang earphones sa magkabilang tenga at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Tss. May puso pa ba 'yan?"

"Malay ko. Mabait naman sya, a?" nagkibit-balikat ako.

"Sabagay."

Dumating si Mr. Orion, sya ang bading naming lecturer at si Harvey ang pinakapaborito nyang estudyante sa lahat. Proud na proud sya rito kasi kahit suplado, matalino naman tsaka guwapo. Mas guwapo pa ako diyan pero sya pa rin ang nakikita. Parang yung isa lang.

Dumating na si sir pero wala pa rin si Save. Sa'n na naman yun nagsususuok?

"Today, let's talk about Idiomatic Expressions," sinulat niya iyon sa board. "What is the origin of idiom? Anyone? Raise your hands, class."

Isa-isa nya kaming pinasadahan ng tingin pero walang nagtaas ng kamay.

"Okay, since walang sasagot, tatawag na lang ako ng pangalan."

Napaismid ako nang hindi sinasadya. Alam na namin kung sino yan kaya libre na kami.

"Villamor, stand up!" turo nya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. What the eff? Ako ba talaga ang nakita ni Sir Orion ngayon? Akala ko si Harvey na naman ang tatawagin nya.

"A-Ako po?" paninigurado ko habang nakaturo sa sarili.

"Yes. May iba bang Villamor dito bukod sayo? Maliban na lang kung may nakikita kang hindi namin nakikita," pamimilosopo niya.

Nagtawanan ang mga classmates ko. Napapahiya akong tumayo sa harapan nila. Magaling ako sa English kasi mas advance ang pinag-aralan ko kumpara dito kaso nga lang hindi ko napag-aralan ang history ng bawat keywords. Bumanat pa itong bakla na ito sa pagpapahiya sa akin.

"What is the origin of Idiom, Mr. Villamor?" he asked.

"Idiom is an expression or usage that-" bigla nya akong pinutol sa pagsasalita.

"I know, I know. Alam na namin kung ano ang Idiom. My question is, what is its origin?"

Sasagot na sana ako at sasabihing hindi ko alam, hindi ko talaga kasi alam ang sagot nang biglang dumating si Xavier. Nakatuon lang ang atensyon namin sa kanya.

"Augustus, late ka ata?" puna ni sir.

"Sorry, sir."

"Since you're late, ikaw na ang sumagot sa tanong. What is the origin of Idiom?"

Hinintay namin ang kanyang sagot. Nag-isip muna sya bago muling nagsalita. Ewan ko lang kung alam nya ang sagot kasi nahihirapan ako sa tanong ni sir Orion.

"Idiom came from the Middle French idiome and from the late Latin idioma, meaning individual peculiarity of language; from Greek word idiōmat-idiōma and idiousthai means to appropriate," sagot nya.

Napanganga ako ganun din yung iba. Feeling ko nagsasalita sya ng Chinese kasi niisa wala akong naintindihan dun.

"Tama ba 'yon?" bulong ko.

"Tama yun," malamig na sabi ni Harvey, nakikinig pala sya pero 'di nakatingin. "First use: 1588," dagdag nya.

"When was its first use?" pahabol ni sir.

"1588."

Pumalakpak si sir Orion ganun din yung iba kong kaklase na mababaw ang kasiyahan. Hindi ko nagawang makagalaw dahil sa pagkamangha. Iba talaga kapag matatalino ang kaibigan mo. May kahinaan naman kaming tatlo pero ibahin nyo ang cold prince kasi matalino talaga sya. Siguro nahawa si Xavier sa kanyang katalinuhan. Bakit hindi ako nahawa sa talino ni King gayung s'ya naman ang pinakamatalino sa aming lahat? Tch.

"You may take your seat, Augustus. Ikaw na ngayon ang bago kong paborito," hindi pa rin matanggal sa labi ni sir ang ngisi.

Nagkantiyawan ang mga classmates ko pero hindi ako nagpakita ng interes. Pati rin yata si Save walang kamalay-malay na nagkakantiyawan na pala sila dahil sa kanya. Ano bang problema nya? Psh.

"Talino no?" bulong ni King.

"Siyempre, inspirado kasi."

Kaya ba sya gusto ni Alice kasi matalino sya?

Alice's Point of View

"Mauna na ako, bye," paalam ni Nieves sa akin bitbit ang kanyang bag.

"Hindi ka manonood ng practice?" pagtataka ko.

Dati kasi, sya pa ang humihila sa akin para lang panoorin si Harvey. Walang mintis ang kanyang suporta sa crush nyang suplado tapos ngayon, uuwi sya agad?

"Maglalaba pa ako," ngumiti sya, yung kakaibang ngiti.

"Ano? Day off ba ni Manang?"

Nakadududa na ang kinikilos nitong si Nieves ha. Hindi ko na makilala.

"Maybe? Bye, Alice," kiniss nya ako agad kaya 'di ko na sya pinigilan sa pag-alis.

"Ingat ka, Ves."

Hinihintay kong matapos ang praktis nila Xavier ngayon dahil sabay kaming uuwi. Ihahatid nya ako ngayon sa bahay at sisiguraduhin kong matutuloy kami ngayong araw. Hindi pa ako nakakaisip ng paraan kung paano sasabihin sa kanya ang buong katotohanan. Natatakot ako na baka magalit sya sa akin, pero ayoko naman na sa iba nya pa malaman ang tungkol dun. I need to tell him, ASAP!

Umamba akong lalakad ng bigla akong tawagin ni Madonna. Napapikit ako dahil parang alam ko na ang maaaring mangyari sa akin ngayon. Bubugahan nya pa ata ako ng apoy.

"Bakit?" tanong ko nang 'di sya nililingon.

"Harapin mo 'ko. May sasabihin ako sayo!" matigas nyang utos.

Paano naman kita haharapin kung ganyan ka kagalit sa akin? Hindi pa ako baliw no para sundin ang inuutos mo.

"H-Ha?" maang-maangan ko.

Narinig ko ang kanyang buntong hininga. "Sorry."

Hindi bakas sa kanyang salita ang sinseridad. She's not sincere at all. And did she just said sorry? Hinarap ko s'ya agad. Dun ko lang nalaman na wala pala s'yang kasamang mga alipores at galamay sa gilid.

"Anong sabi mo?"

"Oh my gosh! Don't make me say it again, okay? Yun na yun," inirapan nya ako tsaka sya naglakad paalis.

Napakamot ako ng ulo habang naiwang nagtataka. Ang weird ata ng mga tao ngayon, parang may kinain silang bulok na cake. Naglakad ako papuntang open court kung saan nagpapractice sila Save. Ang gwapo ni Save! Kahit nasa malayo pa lang ako, nakikita ko na ang kakisigan nya at katangkaran. Plus points na yung pagiging mabait nya.

Maraming tao ang nakinood, mapa-babae, lalaki o bakla. Nakisiksik ako sa gitna para lang makapunta sa harapan at panoorin s'ya.

"Save!" sigaw ko na nakaagaw sa kanyang atensyon.

Kunot-noo nya akong tinignan pero bigla iyong napawi ng makita ako. Ngumiti sya at kumaway sa akin dahilan para magtinginan yung ibang babae sa puwesto ko. Namula ako sa hiya pero nagawa kong kumaway pabalik sa kanya.

"Galingan mo!"

"Para sayo!"

Nagkantiyawan ang teammates nya. Nakita ko pa ngang tinapik sya ni Minho sa balikat nito nang nakangisi. Mga walang hiya! Huwag nyo kong pakiligin, please.

"Ikaw ba yung girlfriend, te?" tanong ng babae sa akin.

"H-Hindi," sagot ko.

"Buti naman. Hindi kasi kayo bagay," inirapan nya ako tsaka sya umalis na nakapameywang.

Ano raw?! Gusto ko syang baliin ng paulit-ulit. Hindi nya alam kung sinong kinakalaban nya! Magiging future gf din ako ni Save, itaga nyo yan sa bato mga inggitera!

"Kala mo naman kung sinong maganda."

Imbes na mainis mas tinuon ko na lang ang atensyon ko sa laro nila Save. Napansin ko rin ang blankong tingin ni Zac sa akin, parang naghahamon sya at may sinasabing hindi ko maintindihan. Umiling na lang ako at binalewala s'ya.

Sa bawat spike na nagagawa ni Save, tumatalon ako at sumisigaw ng buong puso. Supportive girlfriend ang peg ko pero hindi ko sya boyfriend. Kakampi ni Save sila Minho, Olive, Harvey, Peter at Raze. Samantalang sa kabila naman sila Zac, Ian, King, Froy, Vlad at Lloyd. Maraming nagchecheer sa kabila kasi andun si King at Zac, puro babaero at bolero. Malalandi!

"GO ZAC-KING! ANG GWAPO NYO!!" sigaw ng fansclub nya.

Pinatulan iyon ni King at kumaway sa kanila. Nagtilian ang mga babae, sumisigaw na parang mga takas sa mental. Samantalang nanatiling tahimik si Zac habang focus na focus sa paglalaro.

"First time nyo bang makakita ng guwapo?" bulong ko at napairap sa kawalan.

"Mine!"

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Save. Nagulat na lang ako ng biglang hinampas ni Zac ng sobrang lakas ang bola papunta sa direksyon ko. (Kila Save ako sumusuporta kaya nasa side nila ako ng court). Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko nagawa kaya napakapait ng nangyari sa akin. Pumikit na lang ako, naramdaman ko na lang ang katawan ko sa lupa at tanging boses lang ni Save ang naririnig ko.

"Alice! No!"





Zac's Point of View

"Shit, shit!" patuloy kong mura habang sinasabunutan ang sariling buhok. "This is my fault! Shit!"

Nagmamadaling binuhat ni Save si Alice papuntang infirmary para gamutin. Natamaan sya ng bola sa mismong ulo! Hindi ko yun sinasadya, malakas talaga ang spike ko pero mas napalakas ko pa ata dahil sa inis ko kay Save.

"Pre, stop cussing. The show must go on," tapik ni Lloyd sa akin. Winaksi ko agad ang kamay nya at lumabas ng court.

"Where are you going, Villamor? Hindi ka puwedeng umalis hangga't hindi ko sinasabi. Andun naman si Augustus para alalayan iyong babae," si Coach.

"Coach, ako ang may kasalanan, ako ang nagspike ng bola. Kailangan kong puntahan ang babaeng yun para at least makahingi ako ng dispensa," seryoso kong tugon.

"Pag-ibig," narinig kong bulong ni King habang nakangisi. Sinamaan ko sya ng tingin at bumaling muli kay Coach na nag-iisip ngayon.

"Ok sige, pero pabalikin mo rito si Augustus. May pag-uusapan kami tungkol sa strategy," sabi nya at agad akong dinismiss.

Naglakad ako papuntang infirmary. Nadatnan ko si Xavier na alalang nakatitig sa nakahandusay na katawan ni Alice habang may puting tela na nakapalibot sa kanyang ulohan. May cold compress pa na hawak si Save at nilalagay nya ito sa noo ni Alice. Ang himbing nyang matulog, parang may hinihintay na prince charming.

"Pre, I'm sorry about what happened," dispensa ko. Bumaling sya sa akin ng nakakunot ang noo pero napawi rin agad nung nag-iwas s'ya ng tingin sa akin.

"Don't say that to me. Si Alice ang natamaan mo at hindi ako," kalmado nyang tugon pero halata sa boses nya ang inis.

"Are you mad at me?" tanong ko.

Kanina ka pa kasi, pre. Nakakailan ka na!

"I already said sorry,"

"Sino bang hindi?" galit nya akong tinignan. "Someone has to say sorry for you. You always say sorry to others, pero hindi ka nagsosorry ng diretso sa taong nagawan mo ng kasalanan."

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata habang tinitignan si Alice. It's true, I'd hated saying sorry to people. Mahirap yun para sa akin kahit madali para sa iba. Takot akong umamin. I had to pretend and make another person as a bridge. It was never my ego, I just... can't.

Nakatingin ako kay Save habang hinahaplos ng dahan-dahan ang buhok ni Alice. He's in love with her, she's in love with him, the both of them are so in love with each other, but they are not meant to be together. Pero paniguradong magagalit si Save sa akin dahil hindi ko sinabi agad ang totoo. Paano kung malaman nya na ako ang itinakda ng gobyerno para sa taong mahal nya?

"Pinapabalik ka ni Coach. May pag-uusapan daw kayong dalawa tungkol sa volleyball," sabi ko.

"Ok, I will."

Bumuntong sya at inabot sa akin ang compress, senyales na ako ang papalit sa kanya bilang tagahawak nun.

"I have to go, Alice. See you," he kissed her forehead bago sya lumabas.

Naiwan ako kasama ang natutulog na Pikon. Naupo ako sa katabing silya at nilagay ng dahan-dahan ang compress sa kanyang noo. Kapag nagising sya makalipas ang limang minuto, true love's kiss. Pero pag hindi, I'll kiss her.

Nakatitig lang ako sa relos ko habang hinihintay na lumipas ang limang minuto. Para akong tanga, pero gusto ko lang malaman kung oobra ba ang kalokohan kong ito. Napangisi ako ng maalala ang pikon nyang mukha. Sarap nyang asarin pero nakokonsensya talaga ako ngayon. Bigla syang gumalaw dahilan para mabitawan ko yung compress na hawak ko. She's waking up.

"Alice,"mahina kong tugon.

"Nasa'n- a-aray ko po," napakapit sya sa kanyang ulo. "Hala. Bakit may kung ano sa ulo ko?"

"Sorry," diretso kong sabi. I don't know if I sounded sincere but I am sincere.

Tinignan nya ako ng nagtataka. Mukhang gusto nya pa atang ulitin ko, pero sorry sya kasi 'di ko na yun sasabihin ulit.

"Ayos lang," pinilit nyang tumayo kaya inalalayan ko na. "Asa'n si Save?"

Kahit nahihirapan sya sa pagtayo, si Xavier pa rin ang bukambibig niya.

"Paano mo 'yan nagagawa?"

Blanko nya akong tinignan nang may pagtataka. Pati ako, hindi na malaman kung ano ang pinagsasasabi ko rito. Pero eto ang sinasabi ng utak ko na dapat kong itanong sa kanya.

"Nagagawa ang alin? Ang tumayo kahit nahihilo?"

"Ako etong nasa harapan mo, pero ibang tao ang hinahanap mo," seryoso kong tugon habang nakatitig sa mga mata nya.

Natigilan sya at hindi agad nagawang magsalita. "Ang luma naman ng banat mo."

"Ikaw 'yong tinamaan ng bola pero parang ako ata ang tinamaan sa'yo."

Nakita ko ang unti-unting pamumula ng kanyang pisngi. Umiwas sya ng tingin kaya bibiruin ko na lang yun.

"Biro lang!" ginulo ko ang kanyang buhok tsaka ako tumayo at inasar s'ya. "Tara, ipaalam natin sa prinsipe mo na maayos ka na. Galit pa naman yun sa 'kin."

Nanatili syang tanga kaya hinila ko na. Sa ulo naman sya natamaan at hindi sya nabalian ng buto sa katawan. I need to pretend. I need to fake everything, especially these feelings.


— Dont't forget to vote and share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro