Chapter 08
Alice's Point of View
Bwisit! Padarag kong tinapon ang cup sa basurahan at agad na bumalik sa classroom. Napansin ni Nieves ang iritado kong itsura kaya nilapitan nya ako agad.
"What happened to you? I thought bibili ka ng kape?"
Pinaalala nya pa ang kape ko. Takte! "Natapon lahat! Walang natira," untag ko habang umuupo.
Tumayo sya sa harapan ko para makausap ako ng maayos. Humalukipkip sya kasabay nun ang pagtaas ng kanyang kilay.
"What? Tinapon mo?"
"Natapon!" pagcocorrect ko. "Natapon sa uniform ni Bakemono," ngumisi ako ng dahan-dahan ng maalala ang inis na mukha nya kanina habang bungal nang bungal sa aking harapan. Daig nya pa ang babae kung makaratrat.
"Bakemono?" taka nya akong tinignan. "Si Zac?"
Tumango ako ng nakangisi. Hindi talaga mawala-wala sa isip ko yung itsura nyang nagagalit sa akin. Feeling ko nanalo ako this time. Sya kasi ang may kasalanan. Kung bakit bubulag-bulag sya gayung ang laki ng daanan. Well, part ko rin yung 5% dun kasi hindi ako nakatingin sa daan. Tinitignan ko kasi si Save nun, ang gwapo nya kasing magseryoso. Pero alam kong pagod sya kaya nakakamangha lang. Ngiting-ngiti pa ako nun pero binangga ako ni Halimaw! Nakakainis, nawala ako sa sariling ulirat ng makita ko ang mukha nya. Psh!
"Oo sya."
"Ang guwapong halimaw naman nun," ngumisi si Nieves sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin kaya biglang napawi ang ngiti nya.
"Hindi nakakatawa biro mo, Ves."
"I'm not joking. He is handsome, lahat ng tao alam yun."
"Tseh! Gwapo nga pero pang-halimaw naman ang ugali! Kala mo kung sinong may ibubuga!" inis kong sabi.
She shrugged at naupo sa kaharap kong upuan. Hinila nya iyon para makaharap ako.
"Bakit naman natapon ang kape mo sa kanya? Ano na naman bang ginawa?"
"Bulag kasi, hindi tumitingin sa dinadaanan."
Tinaasan nya ako ng kilay tsaka nag-isip ng malalim. "Ganun? Hindi ka rin naman mababangga sa kanya kung nakatingin ka lang sa dinadaanan mo." pagtataka nya. "Sino bang tinitignan mo ha?"
Napalunok ako agad. She has a point anyway. Ang wais talaga ng babaeng ito, akala ko pa naman makakalusot ako sa kanya ngayon pero nagkamali ako.
"S-Si... wala!" nag-iwas ako ng tingin. Masyadong halata ang pamumula ko kaya iiwasan ko na lang ang titig ni Nieves.
"Anong wala? Ako pa niloko mo ha! Si Save na naman ba ito?" tinaasan nya ako ng kilay. Nagtataray na naman ang lola nyo.
Bumuntong hininga ako at nagkamot ng ulo. Tumango ako bilang sagot kaya wala na syang sinabi pa. Bumalik sya sa kanyang upuan ng dumating na si Ms. Galler. Tungkol sa Specimen yung topic namin at sa susunod na linggo magda-disect kami ng palaka. Nakakadiri!
"Okay ba yun?" tanong nya, naninigurado kung sasang-ayon ba ang lahat.
"HINDI!!" diretso naming sagot.
Nagpanggap syang walang narinig at nagpatuloy sa pagngiti. Baliktad kasi pag-iisip nya. Kung kailan may nakakatuwa, dun naman sya bumubusangot. Kung kailan kami nagluluksa, dun naman sya sumasaya! Baliw talaga.
"Kung ganun okay na pala ang lahat. Class dismissed!"
Dismayado kaming lumabas para maglunch sa canteen. Sya ang last subject namin sa morning period at nakakadiri yung topic. Uggh! Nawalan tuloy ako ng gana habang iniisip ang palakang dina-disect. Bakit niya pa kami tinanong kung desisyon nya naman ang masusunod sa huli.
"Kawawang mga palaka," utas ni Nieves na nasa gilid ko nakapila.
"Sinabi mo pa. Baliw ata si Ms. Galler, e."
Pinilit kong tinignan ang menu. Anong kakainin ko? Walang manok sa menu, gusto ko pa naman ng adobo. Mag-aampalaya na lang siguro ako ngayon.
"Nabaliw kasi tumandang dalaga," ngumisi si Nieves.
Baliw talaga itong si Nieves. Baka may makarinig sa kanya rito at isumbong pa kami kay Ms. Galler. Umorder ako ng ampalaya at dalawang kanin. Kailangan kong kumain ng marami para may energy ako hanggang mamaya sa practice.
"Maghahanap lang ako ng upuan," paalam ko kay Nieves tsaka sya tumango.
Nakahanap din ako agad pero nasa kasuluk-sulukan ito. Mabuti na lang kasi tahimik at hindi kapansin-pansin. Tinignan ko ang table na madalas kainan nila Xavier at ng barkada nya. Mukhang wala ata silang planong kumain ngayong araw.
"Yan lang ba ang kakainin mo?"
Agad ko syang nilingon, namula ako agad ng malaman kung gaano sya kalapit sa akin. Isang dangkal na lang ata at mahahalikan ko na sya.
"Um... Oo," tipid kong sagot, pinipilit na iwasan ang kilig. Di ko namalayan na nasa likuran ko pala sya nakatayo. "Kayo? Di pa kayo kakain?"
Umiling sya habang naupo sa kaharap kong silya. Nieves, tagalan mo pa ang pag-oorder dyan ha? Hihihi.
"Hindi pa. We're waiting for Zac and Harvey," sagot nya.
"Aaahh." Yung buang na yun! Bakemono! Nagugutom na tuloy si Save dahil pinaghihintay nya ito. Tsk. "Bakit? Sa'n ba sila ngayon?"
"May pinuntahan lang."
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina. Kumulo tuloy ang dugo ko ng hindi ko namamalayan. Pero 'wag kang magpakita ng inis kasi kaharap mo naman si Xavier!
"Kumain ka na. Sinong kasabay mo?" he smiled.
Grabe! Ibang atake talaga ang nararamdaman ko kapag si Xavier na ang ngumiti. Parang automatic na natunaw ang lahat ng buto ko sa katawan.
"Si Nieves. Umoorder pa kasi yun."
"Subuan na lang kita habang hinihintay natin sya," lumapad ang kanyang ngiti.
Nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na walang narinig. Pilit kong pinipigilan ang pagngiti pero hindi ko talaga magawa kasi nag-eextend talaga ang labi ko dahil sa kanya. Ano ba, Save masyado kang sweet.
Hinampas ko sya ng mahina sa braso. "Abnormal! Tumigil ka nga, baka kung anong isipin nila."
"Ang payat mo kasi kaya dapat ka lang kumain ng marami."
Nagngingitian lang kami ni Save ng marinig namin ang pagsigaw ni Nieves mula sa pila. Bumaling kaming dalawa sa kanya at nakita ang kanyang inis na inis na itsura habang kaharap si King. May pasta sa ulo ni King at basang-basa naman ang blouse ni Nieves. Nakangisi lang si King sa kanya.
"Damn it," mura ni Save at agad na tumayo para pumagitna.
Ganun din ang ginawa ko. Lumapit ako kay Nieves.
"Nieves, what happened? You look like a mess," pabulong kong sigaw.
"E kasi ang lalaking yan!" dinuro nya si King na nakangisi pa rin habang pinupunasan ang kanyang ulo at polo. "Bwisit ka! Bakit ba ang hilig mong mang-asar?"
"Me? I've never even talked to you. Assuming mo masyado!" si King.
Umamba si Nieves ng round two pero hinila ko agad palayo kay King.
"Ikaw, animal ka! Ssibal!"
Kumunot ang noo ni King, hindi nya yun maintindihan kasi mura yun ng mga Koreans.
"I'll ask Minho what that means," banta nya. "Hindi ko kasalanan kung sinabihan mong tumandang dalaga si Ms. Galler."
Wait what? Did he hear that?
"Bakit ka nakinig ha? May lahi ka bang keso at napaka-cheesemoso mo?!" galit na asik ni Nieves na halatang nagpipigil ng galit. Nagawa nya pang magbiro sa kalagitnaan ng kanyang galit.
Ni-ngisihan sya ni King habang nakapameywang. Ang daming banggaan ang nangyayari ngayong araw, pero hindi ako makapaniwala na maipapasa ko kay Nieves ang korona ng kamalasan.
"Nieves, let's go," hinawakan ko sya sa braso pero isang waksi nya lang dun at nabitawan ko na agad.
Dinuro nya muli si King. "Hindi pa tayo tapos Kingston Fruentes!"
Padarag syang umalis at lumabas ng canteen.
"NIEVES!" sigaw ko pero 'di nya ako nilingon.
Nakita kong ngumingisi si King habang napapailing, pero nagpipigil lang sya ng inis.
"Come on, bro. Let's not make further scenes here," sambit ni Save sa kanya.
"I fuckin' hate that girl, Save," inis nya.
Pinunasan nya ang kanyang polo at hinubad yun sa harap ng maraming tao kaya nagtilian ang mga babae sa canteen. Yung iba, impit na impit kung kiligin.
"Well, she fvcking hates you too!" I said.
Anong karapatan n'yang murahin ang kaibigan ko sa harap ko mismo? Huminga sya ng malalim tsaka umalis ng canteen. Sinundan sya ni Save pero bago yun meron muna syang sinabi sa akin.
"Sorry about this, Alice," tsaka nya hinabol si King palabas.
Bumuntong ako at hinanap si Nieves. Galit na yun ngayon at hindi na kumain pa kaya dadalhan ko na lang sya ng pagkain. May practice pa naman kami mamayang hapon sa cheerleading.
Paglabas ko ng canteen, nakita ko agad si Bakemono na parang may hinahanap. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay ng makita ako pero mas nainis naman ako. Bestfriend nya si King, like bestfriends nga naman talaga oh. Nakaka-disappoint!
"Kung mamalasin ka nga naman," parinig nya.
Imbes na dadaanan lang namin ang isa't-isa nagsalita sya bigla. Pumikit ako para pigilan ang inis tsaka ko sya agad na hinarap.
"Yang kaibigan mong walang hiya pinahiya ang kaibigan ko. Grabe, hindi ko alam na pare-pareho pala kayong mga lalaki," inis na inis ko siyang tinignan.
Kumunot ang kanyang noo. "Ano? Ano bang ginawa ko sayo? Don't generalize men, will you? Edi katulad lang din ng sinasabi mo si Xavier."
"Except him!"
"You're being unfair, Alice," mahinahon niyang sambit.
Hinimas nya ang kanyang noo tsaka bumuntong. Para syang frustrated ngayon.
"Have you seen King?"
"Aba malay ko. Sana nga nilipad na yun ng hangin palayo dahil sa sama ng ugali!"
"I don't have time for this."
Dinaanan nya ako tsaka naman ako naglakad paalis. Nakalimutan ko ang tungkol kay Nieves. Kailangan ko pa syang hanapin.
Nieves' Point of View
Naglakad ako ng mabilis papuntang restroom. Pulang-pula ako habang pinagtitinginan ng maraming estudyante dahil sa basa kong blouse. Tinapunan ako ng ice tea ng walang hiyang iyon! Ano bang ginawa ko sa kanya? Pakealamero kasi, bagay lang sa ulo niya iyong pasta carbonara. Edi nagmukha syang si Medusa boy version.
"P*ta talaga," mura ko.
Napahinto ako sa paglakakad nang makita si Harvey na nakapamulsa habang nilalaro ang kabilang bud ng kanyang headset. Kapag huminto ako? Mapapansin nya kaya ako? Feeling ko... hindi. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi nakatingin sa kanya. Nilalamig na rin ako ng konti kasi may ice yung ice tea na binuhos ni King sa akin.
*Bumps!*
"S-Sorry," dispensa ko at nag-angat ng tingin sa kanya.
Tinitigan nya ako ng blanko. Owemji! Tinitigan nya talaga ako, nagagawa na nya akong tignan kahit dalawang segundo lang. Hindi ako makapaniwala, sana maging estatwa na lang kami pareho na ganito ang posisyon.
"Tabi," malamig nyang tugon.
"H-Harvey."
"Tabi," ulit nya. "Dadaan ako."
Mabilis na kumarera ang dibdib ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa takot. Takot dahil sa malamig at suplado nyang boses. Kaya pala wala masyadong kumakausap sa kanya dahil ganito ang epekto ng kanyang boses. Maninigas ka ng hindi mo namamalayan, mapaparalyze ka ng walang dahilan. How could Save talk to him like he was nothing?
"Harvey, ano-" naputol ako sa pagsasalita ng bigla nyang in-unbutton ang kanyang polo sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakagalaw. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa katawan.
"Tsk. Wala ka bang delikadesa? Don't go walking around like that. I can see your underwear," tinapon niya sa akin ang polo bago nag-iwas ng tingin.
Halos pumutok ang pisngi ko dahil sa pamumula at hiya. Pinagmasdan ko sya habang naglalakad palayo sa akin. Did he just... talk to me? Agad akong pumasok sa loob ng restroom na may ngiting wagi sa labi. Higit pa dun ang nararamdaman ko ngayon, para akong nakajackpot sa lotto! Humarap ako sa salamin habang ngiting-ngiti na parang isang baliw. Niyapos ko ang polo nya at inamoy ito nang may panggigigil.
"Ang bango nya naman."
Inayos ko ang aking sarili, nagbihis ako bago bumalik ng classroom. Kahit nagkandeleche-leche yung araw ko dahil sa walang hiyang King na yun. Eto ako ngayon at nakangiti dahil kay Harvey.
Lumabas ako sa CR bitbit ang pinagbihisan ko, hawak ko rin ang polo ni Harvey. Hanggang sa nakarating ako ng classroom, hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Sinalubong ako ni Alice na nag-aalala ang mukha pero napawi rin yun ng makita akong nakangisi sa kawalan.
"Oh, anyare sayo? Kala ko ba galit na galit ka kanina?" pagtataray nya.
"Wala lang. Kalimutan mo na yun," ngisi ko habang umuupo.
"What?! Okay, are you crazy? May maintenance ka bang iniinom para sa ulirat tapos hindi mo sinasabi sa akin?"
"Siraulo! Wala akong ganun. Good mood lang ako," irap ko.
"Ay naku bahala ka! Basta't wag mo lang kalimutan na may practice tayo mamaya. Baka ikaw pa yung malate at hindi ako," paalala nya tsaka bumalik sa kanyang upuan.
Nakangisi pa rin ako hanggang sa magpractice kami. Grabe, ang lakas ng tama ko kay Harvey. Palagi naman, mas lalo ko tuloy syang nagugustuhan. Ngayong napansin na nya ako, ibig sabihin ba nito may pag-asa na ako sa kanya?
— Don't forget to vote and share —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro