Chapter 06
Nieves' Point of View
I glanced at my wristwatch para malamang alas singko y medya na pala. Nakikita ko na ang papalapit na sasakyan ni Kuya Natsu sa pwesto ko. Kanina ko pa sya hinihintay, hindi ko alam kung sa'n sya nagpupupunta. Baka nga namatay na sa boredom si Alice mag-isa dun sa gym.
"Kuya, ang tagal mo naman!" bungad ko.
"Ganyan ka ba mag-good morning?" iritado nyang tugon.
Umirap ako at agad na binuksan ang pinto ng sasakyan. "Hatid mo 'ko sa school, Kuya."
"Nang ganito kaaga?" nagulat nyang tanong habang nakatitig sa akin.
Tumango lang ako habang busy sa pagchecheck ng mga gamit. Baka naiwan ko kasi ang damit pamraktis ko, ayaw kong magpabalik-balik. Pinaharurot nya ang sasakyan patungong paaralan. Kahit wala masyadong dumadaan na kotse humihinto pa rin si kuya sa bawat red light.
"How's your studies?" he asked
"Ayos lang," sagot ko. "Wala masyadong bago."
I heard him heaved. Mas mataas ang IQ ko kumpara kay kuya pero hindi hihigit sa normal. Yung average lang pero hindi genius. Ayaw ko ng genius, baka mabaliw ako ng maaga dahil sa sobrang katalinuhan.
"That's good," sambit nya ng nakatingin sa ilaw. "Hindi ka pa ba nakatatanggap ng notice?"
Pagdating sa ganitong usapan. Bigla-biglaan akong natatakot at 'di makasagot.
Umiling ako. "Not yet."
"What about your friend? She's already sixteen."
"Um, oo. Nakatanggap sya kahapon."
Parang alam ko na kung sa'n papunta ang usapang ito, e. Kapag andyan na malapit kay Alice, parang mas gusto nya pa ata ng mas malapit. Pareho kaming nakatitig sa red light, inaantay ko kung magtatanong ba sya tungkol sa kanya.
"I wonder how she's been doing," bulong nya pero rinig ko naman.
Bumuntong ako. Lumipat si Kuya ng paaralan noong Grade 12 upang umiwas sa gulo kasi nalaman nyang may tinakda na ang gobyerno para sa taong gusto nya. Ayaw nyang mapalayo sa taong mahal nya kaya sya na mismo ang nagkusa, ang sakit no? Ganun pala kasakit kapag batas na ang pumipigil sayong magkagusto sa isang tao.
"Why don't you ask her, Kuya? Don't tell me takot ka," seryoso kong tanong.
Blanko nya akong tinitigan pero bumaling din agad sa traffic light.
"Ayoko nang magkaroon ng involvement sa kanya lalo na't masaya na sya sa piling ng iba."
Bigla nyang pinaharurot ang sasakyan ng nag-green light. Bumuntong ako at pinagmasdan ang postlights sa labas ng bintana. Ang ganda ng langit. Masarap din ang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko patungo sa aking buhok. Nililipad nito ang mga kuto ko- de jke. Wala akong kuto no! Ganda kaya ng buhok ko.
"Kuya, mahal mo pa ba si ate?"
Hindi ko alam kung narinig nya ba ako kasi panay lang ang tingin nya sa daan.
"Siguro," tipid nyang sagot. He heard me.
I frowned and never dared to ask again. Hininto nya ang sasakyan sa harap ng gate. Kiniss ko sya sa cheeks bago nagpaalam.
"Bye kuya. Ingat sa byahe."
"See you, Nieves," ngumiti sya paalis.
Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko tsaka tuluyang naglakad papasok ng campus. Wala pa masyadong tao pero nakahanda na ang open court para sa iilang sports. Nandyan ang volleyball, badminton, sepak takraw, at kung ano ano pa. I hault when my phone pinged.
Si Alice nagtext.
Alice:
Dumiretso ka na lang sa gym. Andito na 'ko.
Naglakad ako habang nagtatype ng irereply ng bigla akong makabangga. Ang tanga naman! Sa halip na magsorry sa kanya, hinanap ko muna ang nalaglag kong cellphone. Grabe, ang layo ng nilipad, parang tinapon ko lang din sa pader.
"Aren't you going to say sorry?" he asked indignantly.
Tinignan ko sya bago pinulot ang phone ko. Ang bwisit pala, akala ko pa naman kung sino.
"Sorry," I reluctantly said taking my phone from the ground.
Kita kong nainis sya pero ngumisi din agad ng pilit. Para lang siguro maitago ang pangit nyang itsura kaya sya ngumingiti. Pero guwapo sya dahil meron siyang sense of humor. Most girls like that thing in a man. Marami-rami ring babae ang nagkakamaling mahulog sa kanya dahil dun. Minsan lang ang lalaking ganun sa mundo pero hindi sya counted sa listahan ko.
"Tsk, tsk, tsk. Hindi marunong," dismayado nyang tugon.
"E bakit mo ba kasi ako binangga? Laki-laki ng daanan tapos babanggain mo pa ako!" sumbat ko habang tinuturo ang lawak ng daanan.
"Tanga ka kasi. Akala ko pader yung binangga ko. Napaka-flat," pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ko at huminto sa aking dibdib. "Leche flat."
Ang manyak nya talaga kahit kailan. Tinakpan ko ng magkabilang kamay ang dibdib ko habang pinipilit na hindi mamula sa hiya. Tumataas na ang presyon ko sa matres. Meron bang ganun? Ah basta galit na galit ako sa kanya ngayon.
"Tseh! Kung gutom ka kumain ka! Hindi yung nang-iinsulto ka pa!" sigaw ko, naglakad ako palayo sa kanya pero tumawa lang sya ng tumawa.
Alam nyo kung bakit ako galit sa lalaking yun? Kasi lahat ng babae kaya nyang ngitian at bolahin maliban siguro sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Sa t'wing nagkakasalubong kami, sinasalubungan nya rin ako ng kilay imbes na ngiti. Sa halip na pambobola, pang-aasar ang natatanggap ko. Masyado syang mapili at pinapahalata na ayaw nya sa 'kin!
But I don't really freakin' care. I just hate favoritism that's all.
"Edi kakainin kita. Sarap mo kasi," he warily said.
Namula ako bigla na parang isang hinog na kamatis. Gyaaahh! Bwisit sya kainis!
"NAPAKA-PERVERT!"
Hinarap ko sya agad. Kumuha ako ng bato at ibinato iyon sa paa nya pero agad syang umilag ng tumatawa.
"Easy," ngisi nya. "Leche flat."
Hindi na ako makapagpasensya kaya umalis na lang ako at pinuntahan si Alice sa gym. Sirang-sira na ang umaga ko. Sana makita ko si Harvey ngayong araw para may pambawi sa kamalasang tinamo ko.
Pinihit ko ang knob at agad na bumungad sa akin ang nakatulalang Alice. Nilapitan ko sya, nalaman kong kasama nya pala si Zac dito, nagpapractice din mag-isa ng volleyball. Patuloy lang sya sa pag-iispike ng bola at palaging malakas ang kanyang tira sa bawat hampas.
"Alice!"
Nakuha ko rin sa wakas ang kanyang atensyon pero parang lutang pa rin sya kay Zac. Naglevel-up na kaya sila pareho? Pero kilala ko itong kaibigan ko, hindi ito basta-bastang nagkakagusto hangga't hindi n'ya lubos na kilala ang tao.
"Aga mo, a? 5:45AM pa lang."
"Anong maaga dun? Tara, magsimula na tayo."
Itinuro ko sa kanya ang bagong steppings na ginawa ni Madonna. Pangalan pa lang galit na 'Mad' hahaha. Kaya madalas saway sa kanya ay 'Mad Donna' oo kasi palaging galit sa kapwa. Yun bang kapag lilingunin mo lang sya magagalit na agad. Paano kung kakausapin mo na? Pero dinig ko, tumitiklop yan kapag gwapong lalaki ang kaharap.
"Gets mo na?" tanong ko nang matapos kami.
Tumango sya habang hinihingal. "Konti. I just need to memorize it."
Hiningal din ako kaya naupo kami pareho. Alas syete impunto na at 7:30 ang start ng first period namin.
"Magbihis na tayo," suhestyon ko.
Kinuha ko ang bag ko at agad kaming lumabas ni Alice ng gym. I've heard na may practice pala ang volleyball boys ngayon sa open court kaya nadaanan namin sila nung palabas kami. Binagalan ko ang lakad ko para mapansin ni Harvey pero 'di n'ya ako nilingon man lang. Ang masama pa dun, iba yung nakapansin sa akin.
"Uy, si Leche flat!"
I chose to ignore him but his loud and irritating voice was getting attention from people. Pumikit na lang ako para sabihing hindi ako yung sinabihan n'ya.
"Ang ingay ni King. Gutom yata kaka-leche flan," si Alice.
Hindi n'ya nga pala alam. Mas mabuti kasi wala rin akong balak sabihin. Hindi naman ako flat, sadyang ayoko lang na binabalandra ang katawan ko kaya madalas akong magsuot ng malalaking tshirt pero kapares naman ay shorts at skirts.
Nilapitan s'ya ni Save tsaka binati ng isang ngiti. Yan, dyan tayo magaling, e. Mga lalaki talaga.
"Good morning, Alice," ngumiti sya.
"G-Good morning din, Save."
Kahit pala magkakilala na sila nauutal pa rin si friend.
"Ako, Save, hindi mo babatiin?" pagtataray ko. Parang hindi nya kasi ako nakita.
"Sorry. Good morning, Nieves."
"Good mornin'" sabi ko sa isang british accent.
"Sa'n kayo? Narinig ko kay Zac na maaga kang nagpractice sa gym."
Oo kasi pinarusahan sya. Wag ka ngang tanga pinsan jusko naman. Tumango lang si Alice at napasulyap kay Zac.
"Oo. Kailangan kasi maaga," ngumiti sya pero halatang pilit kaya umeksena na ako sa maganda nilang moment.
"Sige na sige na. Pagod na si Alice kaya see you mamaya, Save."
Tumango lang sya. Nagpunta kaming Girls Locker Room upang magbihis ng damit. Parang nilabhan ang damit ko dahil sa sobrang basa sa pawis.
"May practice pa tayo mamayang 3PM, diba?" padarag nyang sinara ang kanyang locker.
"Oo. Sabay na lang tayo para 'di ka malate ulit," suggestion ko. Sumang-ayon naman sya agad. "Alam ba ni Xavier na pinarusahan ka kaya ka maaga?"
Umiling sya habang tinatali ang kanyang buhok. "Hindi. Kay Zac ko sinabi."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Is this real?
"Teka, close na kayo agad? Kala ko hate mo sya."
"Wala akong mapagkuwentuhan nun. Wala ka naman."
Sabagay, si Zac ang nasa notice nya kaya dapat nya ring gawin ang lahat para makilala ng lubusan yung tao. Malay natin diba? Hindi pala talaga si Save ang para sa kanya.
"Pinagbibigyan ko lang si Ate. Susubukan kong pakisamahan ng maayos si Zaccharias para hindi s'ya mag-alala sa akin."
Bumalik kami ng classroom pagkatapos. Mabuti na lang at hindi kami nalate kasi si Ms. Galler ang first lecturer namin.
— Don't forget to vote and share —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro