Zac's Point of View
Napatingin ako kay Save na kausap ang dalawa naming kaibigan. Mabait si Save tsaka gwapo, mas gwapo nga lang ako dahil mas maraming nagkakagusto sa 'kin.
"Tsk."
Agad akong tumayo. Nakakainis isipin na kailangan naming magsinungaling kay Save pero bahala sya sa buhay nya. Problema na nya yun, wag nya lang akong sumbatan pagkatapos.
"Sa'n ka?" tanong ni King.
Binaling nila ang atensyon sa 'kin and I asked them sarcastically. "Restroom, sama kayo?"
Tumango lang sila tsaka ako lumabas ng classroom. Nilagay ko sa likod ng ulo ang aking dalawang kamay habang naglalakad. Kanina pa ako naiihi dahil sa subjects na hindi nagsisink in. Madali lang ang Math pero bagsak ata ako sa Science! Tss.
Nakita kong tumatakbo si Pikon ng mabilis sa ground. Anong nangyayari sa kanya? Umiling na lang ako at binalewala sya. Matapos kong umihi, bumalik agad ako sa classroom at nabalitaang may praktis kami sa volleyball mamayang hapon.
"Nakakapagod!" reklamo agad ni King na pinaglalaruan ang libro.
"Sana 'di ka na lang pala sumali," biglang sabi ni Harvey.
Minsan lang yang magsalita kaya kailangan mong irecord. Isa pa, masyado syang masakit magsalita kaya hihilingin mo na lang na tumahimik sya. Kapag nagsimula na yang rumatrat, hindi na matigil ang bibig kakamura.
"Sana nga," si King.
"May praktis din alas sais ng umaga bukas," si Save.
Aangal na sana ako sa sinabi niya pero bigla n'ya akong pinigilan sa reklamo ko.
"At kung malalate, twenty laps sa ground."
"What?! Tsk. That's hell! Mas mabuti pang hindi magpraktis!" inis ko.
"Malapit na ang inter-high kaya kailangang magpractice ng husto. Graduating na naman tayo kaya pilitin nating manalo," kalmado nyang tugon. Palibhasa'y captain, ayaw nang kumontra kay coach.
Humilig ako sa upuan. Ang tagal ni Ms. Galler! Nag-aral pa naman ako ng Hormones kagabi. Ako ang MVP sa team namin. Guwapo na magaling pa kaso tamad talaga ako magpraktis. Mas gusto kong magsanay mag-isa kesa may kasama. Mas nakakabanat ako ng husto kapag mag-isa ako.
"6AM. Bukas," paalala muli ni Save.
"Got that!" sagot namin.
Alice's Point of View
Hingal na hingal akong nakarating ng gymnasium. Nadatnan ko sila Nieves at ang iba naming kasamahan sa cheerleading. Hindi ako nainform na magsisimula na pala ngayong araw ang praktis sa cheerleading. Hindi rin alam ni Nieves pero mas mabilis naman syang kumilos kesa sa akin.
Sinalubong ako ni Madonna ng salubong na kilay at noong kunot. Pinagkrusan nya ako ng kamay habang nasa magkabilang gilid nya ang kanyang galamay. Palibhasa'y senpai namin, umaasal na syang magaling.
"S-Sorry I'm late," dispensa ko. Inunahan ko na!
"Alam mo ba na ayaw na ayaw ko yung mga nalalate sa praktis?" taas kilay nyang tanong.
Tumango ako. "Nagsorry naman ako, Madonna."
"Sorry is not enough, del Mundo," tinignan nya ang kabuuan ko. "Hindi ka pa nga nakabibihis ng damit. You're still in your uniform b*tch kaya magbihis ka na ro'n!" tinuro nya ang daan patungong locker room.
"Naiwan ko yung damit ko," sabi ko.
Napakapit sya sa kanyang noo at pinalayas ang kanyang alipores. Bumuntong sya, halatang nagpipigil ng galit sa akin. She's already a Grade 12 student. Masyado syang strikta at pintasira sa bawat maliliit na mali. She's too much of a perfectionist, ni hindi nga marunong umi-split kasi tagilid ang paa. Maganda at matangkad tsaka may itsura kaso masama talaga ang ugali ni Madonna.
"My God, del Mundo. Kailan ka ba titino ha? Ilang beses na tayong dumaan sa ganito ngayon mo pa makakalimutan ang damit mo?" dismayado nyang sabi.
"Hindi ko kasi alam na may praktis pala ngayon," hindi ko pinahalata ang inis. Ayoko talaga nang sinusumbatan ng ibang tao lalo na't hindi nila hinihingi ang side explanation ko.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Dismiss ka muna sa ngayon. Magpapraktis ka rito bukas mag-isa, alas sais ng umaga!"
Napabuntong ako habang pinapanood ang mga kasama kong nagpapractice. Mabuti naman kung ganun kasi pagod din ako ngayon. So kailangan kong agahan bukas? Tss. Ako lang mag-isa ang magpapraktis? Edi mukha akong baliw dito. Bwisit na Madonna'ng yan. Sarap nyang bigwasan. Kung hindi lang sya mas matanda sa akin kanina ko pa sya pinatulan. Pero may respeto naman ako sa matatanda.
Nilapitan ako ni Nieves nang matapos ang praktis nila. May hawak pa syang pompoms at nakadamit na panlalaki.
"Bakit hindi ka sumali?" tanong nya habang kinukuha ang tumbler.
"Hindi ako pinasali ni Madonna!"
Biglang nagsalubong ang kanyang kilay at mas nainis pa kesa sa akin. "Ano?! Bakit naman? Di porket late ka ay bawal ka nang sumali."
I shrugged. "Idunno. Ganun talaga, pinarusahan nya nga ako na magpapraktis ako mag-isa rito sa gym bukas ng alas sais."
"What?" sigaw niya dahilan napatingin sa kanya ang ibang tao. "Bakit? Naku, iyang bruhang yan! Sasamahan kita bukas."
"Wag na. Ako lang yung pinarusahan. Wag ka na sumama."
Baka idamay pa ito ni Madonna sa galit nya gayung inosente naman ang kaibigan ko.
"So ano? Hahayaan kitang magtatatalon mag-isa na walang katatalunan? Wala akong pake kung magalit sya basta't sasamahan kita. This is my decision kaya wala kang magagawa."
Ngumiti ako. Nakakatuwa pala kapag may bestfriend kang loka-loka at kayang gawin ang lahat para sayo.
"Sige na nga. Basta't maaga tayo bukas ha? Alas sais ng umaga," paalala ko ulit.
-Kinabukasan-
Alas kwatro pa lang gising na gising na ang diwa ko. Nagpahatid ako kay ate Alex sa school. Kahit cold war kami, marunong din syang umintindi dahil dumaan sya sa ganitong puberty.
"Salamat," sabi ko at agad na bumaba.
"Bye," humikab sya sabay paharurot ng sasakyan.
Sinalubong ako ng malamig at preskong hangin. Agad akong nagbihis ng damit sa locker room at tinext si Nieves na dumiretso na sa gym kung saan talaga kami magpapraktis. Ituturo nya sa akin ang bagong moves na pinagpraktisan nila kahapon. Naglakad ako patungong gym. Hindi ko maiwasang makaramdam ng ginaw dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa maliit kong shorts. Mukha syang palda sa labas pero may shorts sa loob.
Malapit na ako sa gym ng marinig ko ang pag-untog ng bola. Mukhang may ibang tao pa ata bukod sa akin. May nagpapractice ba ng ganito kaaga sa gym? O baka naman... m-multo?! Naku huwag naman sana. Mas lalo kong niyapos ang aking sarili dahil sa hangin na dumadampi sa braso at legs ko. Nagsign of the cross ako agad habang dahan-dahang lumalapit sa gym.
"Nieves?!" sigaw ko.
Para talagang may nagpapraktis dito. Baka may kaluluwang magaling magvolleyball pero hindi matahimik kasi hindi naka-spike.
"Nie-" naputol ako sa pagsasalita ng makita ang isang matipunong lalaking nakatopless at pawisan. Naglalaro sya mag-isa at palagi nitong nai-spike ang kanyang attempts.
He's good!
Binaling nya ang tingin sa akin na may pagtataka sa itsura. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtantong magkakilala pala kami.
"I-Ikaw pala," sabi nya.
Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa nakabalandra nyang abs. Meron syang eight packs pero busog pa ako. Juskopo! Am I drooling?
"Ako nga," sagot ko nang matauhan.
Padarag kong nilagay ang bag sa gilid ng bench at naghanda sa pagwawarm-up. Huwag mo syang pansinin, Alesandra. Panget yan at alaskador pa! Wala kang mapapala sa kanya kahit sya pa ang sinumpang partner ng gobyerno sayo.
"Why are you here this early?" tanong nya habang lumalapit sa akin. Akala ko aanuhin nya ako pero kumuha lang pala sya ng tubig at face towel.
"May practice," sagot ko habang nagtatali ng sintas.
"Talaga? I thought cheerleading practice will start at every 3:00 in the afternoon?"
"Wala kang pake," umirap ako. "At huwag ka ngang mag-english. Hindi bagay sayo."
Well, naiinis ako kasi bagay na bagay yun sa kanya. May accent kasi, parang Canadian or Brazilian. Tsk.
"You don't have to care," ngumisi sya.
Pinunasan nya ng towel ang kanyang pawisang mukha. Ang bango nya naman kahit pawis. Di ko maiwasang hindi mapansin kasi dumadampi sa ilong ko iyong amoy.
"Huwag mo akong pakealaman ha? Magwawarm up lang ako!"
Bigla syang tumayo at ngumisi. "Magjojogging ka?"
Tumango ako ng hindi sya tinitignan. 'Di ko magawa-gawa dahil wala syang saplot na pantaas. Nakajersey shorts lang din sya kaya useless.
"Samahan na kita," alok niya.
Nairita ako bigla. Sa bawat pamimikon at pang-iinis na ginawa nya sa akin, feeling ko unti-unti nya akong tinatalo sa bawat asar.
"Wag na uy! Maglaro ka mag-isa. Magpractice ka mag-isa, wag mo kong pakealaman kasi magwawarm up ako mag-isa. Okay?" pagtataray ko. This time, nilakasan ko na ang loob kong tignan ang natutuwa nyang mukha.
"Ok," he shrugged at bumalik sa paglalaro.
Lumabas ako at nagwarm up. I planned to jog five times around the oval. Hinabol ko ang paghinga ko. Hindi pa ako nangangalahati sa tatlo pero sumusuko na ang kalamnan ko dahil dito.
"Bwisit na Madonna'ng yun!" inis kong hinabol ang paghinga.
May biglang tumapik sa balikat ko. Halos sipain ko sya dahil sa kanyang ginawa pero mas lalo lang syang natuwa sa inis kong mukha. Nagsuot na sya ng v-neck shirt ngayon.
"Wag mo nga akong hawakan!" arte ko.
"Sungit nito. Ano bang ginawa ko?" nagpout sya kaya inirapan ko agad.
"Lumayo ka sa 'kin. Sampung metro pero mas mabuti kung sampung daan."
Tumakbo ulit ako pero sinundan ako ng hayop.
"Ano ba yan? Aren't you going to at least give us a chance?" tanong nya.
"Anong 'us' ka d'yan? There was never an 'us'" I said flipping my hair kahit nakaponytail.
Huminto sya sa pagtakbo kaya huminto rin ako. Nakita ko syang nakangisi sa akin habang nakapameywang. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Why are you smiling like that?"
"Di mo alam?"
Mas lalo lang akong nagtaka sa kanyang sinabi kaya bumaling ako sa ibang bagay.
"Magtatanong ba ako kung alam ko? Ogag ka pala," mura ko at umakmang tatakbo. Napahinto ako agad dahil sa kanyang sagot.
"Ikaw kasi dahilan nito."
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Aaahh! Bwisit! Bolero sya kaya huwag kang padadala. Madalas nya yang sabihin sa mga babae nya! Psh.
"Ha-ha-ha. Ilang babae na kaya ang sinabihan mo nyan?"
"Wala. Ikaw lang ata."
"Ata? Sabi na nga ba. Ang dami mo kasing babae, Zaccharias at hindi mo na maalala."
"Wrong. Ata, kasi sinabihan ko na rin si mama at ate ng ganun. Pati mga tita at pinsan ko nasabihan ko na rin."
Inirapan ko sya at napailing ng hindi sinasadya. Wala talaga syang kwenta. Kahit ako na kaibigan ng bestfriend nya ay nagagawa nyang asarin. Tumakbo na lang ako pabalik pero nakasunod lang sya sa akin ng nakangiti.
Sinilip ko ang cellphone ko tsaka binasa ang message mula kay Nieves. Maya-maya pa sya makararating dahil hinihintay nya ang kanyang kuya.
"5:40 AM pa pala," bulong ko.
Bigla syang tumabi sa akin. "'Di ka ba giniginaw sa suot mo? Masyadong maiksi."
"Eto ang uniform namin sa squad. Lakampake!"
"Wala nga. Tinatanong ko lang naman. Hindi ko naman sinabing hubarin mo!" ngisi nya. "Bakit ka nga pala andito? Ang aga mo ata."
"Pinarusahan ako ni Madonna. Magpapractice ako mag-isa ng ganito kaaga."
Ayan, nasabi ko na. Kami lang naman dalawa dito kaya ayos lang. Hinintay ko syang tumawa pero hindi nya ginawa. Nagulat nga ako, e.
"At bakit?" lumukot ang kanyang noo.
"Nalate ako kahapon."
"Yun lang? Psh. Ang babaw nyong mga babae," inubos nya ang laman ng gatorade tsaka ni-shoot ang plastic sa basurahan. Namangha nga ako e kasi ang layo ng basurahan mula rito sa bench.
"Damn it," mura nya. May saltik ata sya sa utak.
"Sinasabi mo riyan?"
"Tsk," nameywang sya bago humarap sa akin. "Sa susunod huwag mo syang sundin. Baliw ang babaeng yun."
"Sya ang may karapatan kumpara sa aming lahat. Sya ang nasusunod at masusunod," sabi ko.
Mas lalo lang syang nagalit pero 'di na rin nakipagtalo muli. Pinanood ko lang syang magpraktis mag-isa hanggang sa dumating si Nieves.
— Don't forget to vote and share —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro