Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 04

Alice's Point of View

Naiwan kaming dalawa ni ate. Galit ako sa kanya ngayon dahil galit din sya sa akin. Eto na ang simula ng cold war! Gulat na gulat pa rin ako habang iniisip ang tungkol sa text message na aking nabasa. Hindi ako makapaniwala na siya ang magiging kapartner ko. Alam nya ba ang tungkol dito o ako lang ang may alam?

"That's why you went to our school para makuha ang impormasyon tungkol sa kanya?" tanong ko.

Tumango sya habang pinagmamasdan ang folder. "He's your partner. You can't do anything about it."

Alam kong dumaan si Ate sa ganitong sitwasyon pero hindi ko akalain na ganito pala kahirap tanggapin ang desisyon na labag sa loob mo.

"Hindi ako makapapayag. Ayoko sa kanya at wala akong gusto sa kanya!" singhal ko.

Walang nagawa si Ate kundi ang mapabuntong dahil sa dismaya. Kahit ako ay nagiging dismayado na ngayon dahil sa mapait na balitang nalaman ko. Wala akong panahon para pagtuunan pa ng pansin ang mga taong katulad n'ya.

"Si Xavier ang mahal ko," naiiyak kong sambit.

"Alam ko," sagot nya. "Pero pinuntahan na ako nila Emily. Bibisitahin ka nila matapos ang isang linggo at ipapakilala kayo sa isa't-isa ng pormal."

"Hindi na kailangan dahil kilala ko na naman sya," I steamed up.

"Ang tigas mo. Tanggapin mo na lang, tutal paghihiwalayin naman kayo kapag hindi nagwork ang test nila," nilapag ni manang ang juice. Kinuha ni ate ang isa tsaka sumipsip ng konti. "Pero gagawa sila ng paraan para magwork."

Bwes, may pag-asa pa. All I have to do is to fail this love experiment. Hindi ako makapapayag na ang isang katulad ko ay mapunta sa isang katulad nya.

"He seems interesting," bulong nya habang nakatingin sa profile.

"He's not. Tsk!" padarag akong naglakad paalis pero bago yun, kinuha ko muna ang dalawang sandwich dahil sa gutom.

Hindi talaga ako makapaniwala na sya, sa lahat ng tao, ang makakapartner ko. Naalala ko bigla yung nangyari noong Grade 3. May bumisita sa aming taga-government. Namulat ako na puro laro lang ang lahat ng bagay sa mundo kaya hindi ko inaasahan na yung form na pinasa at binigay nila sa aming magkakaklase ay para rito.

"Ano ito?" tanong ko kay Nieves na katabi ko lang.

"Form. Fill-upan natin," tuwa nyang tugon.

Ginawa ko naman. Nauna kaming magsign up ni Nieves at hindi na nakinig pa sa mga opisyal ng gobyerno habang nagsasalita patungkol sa form na sasagutan naming lahat. Nung nasa contact number na ako, hindi ko alam ang number ko kasi 'di ko naman memorize.

"I don't memorize my number," kamot ulo kong sabi.

"Lagay mo na lang number ko," nilahad nya sa akin ang papel nya kaya kumopya na lang ako.

Dahil dun, nagkan-de leche leche yung pagsent nila ng message sa akin. Hindi ko naman alam na ganun pala yun kaimportante! Tss.

Humilig ako ng konti, nakita ko ang frame na kasama ko si ate sa isang park. Madalas kaming magbike t'wing hapon sa park pero ngayon madalang na lang namin yung gawin.

Mahal ko si ate kahit ganun sya kastrikta, kamaldita, at kataray. Pumikit ako at nilagay ang aking kamay sa may ulohan. Matagal na akong may gusto kay Save kaya 'di ko maatim isipin na magkakagusto ako sa iba. Pero pagbibigyan ko si ate. Susubukan kong pakisamahan ang sinumpang lalaking iyon!


-Kinabukasan-

Gumising ako ng maaga upang madatnan ang kanyang barkada. Kinakabahan akong naglakad papunta sa kanilang classroom. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Napalunok ako ng makita syang nakaupo habang nakadekwatrong posisyon ang mga paa. Hindi ko maiwasang hindi masuka habang iniisip na sya ang ipinares sa akin.

"Wala pa si Save. Ang aga mo naman masyado," bulong niya sa huling salita.

"I'm not here for Save. Ikaw talaga ang sadya ko," napapalunok kong sabi.

Tinaasan nya ako ng kilay. Tumayo sya at binulsa ang isang kamay habang nakasandal naman ang isa pa nitong kamay sa dingding ng pintuan tsaka s'ya ngumisi sa akin. Hindi ko maitatangging napakaguwapo nya talaga. His dimples were freaking visible!

"That's new. What do you want from me, Alice?" he asked in a serious tone.

Eto ang kauna-unahang pagkakataon na sinabi niya ang aking pangalan sa isang seryosong tono.

"Alam mo na siguro kung bakit ako andito."

"Kung tungkol ito sa avviso del governo, okay ako ro'n," ngumisi sya.

Nanlaki ang mga mata ko. Please tell me na nagbibiro lang sya pero sa itsura nya ngayon, malabo maging biro lang 'yon dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya. Taas noo ko syang tiningnan at tinaasan ng kilay. Tsaka ko s'ya tinarayan ng bongga.

"Andito sana ako para pakiusapan kang huwag na lang pansinin ang notice. Seryoso ka ba? Papatol ka sa akin? Hindi kita gusto at 'di mo naman ako gusto. And you know that this is not going to work, right?"

Inismiran nya lang ako habang nakayuko. May patawa-tawa pa syang nalalaman but his chuckle was so sexy. Ang gandang pakinggan sa tenga.

"Of course," sagot nya.

"Anong of course?" taas kilay kong tanong. Ang dami kong sinabi tapos yun lang isasagot nya sa akin? Bastos din, e.

"Of course. Of course seryoso ako, of course papatol ako sayo, of course di rin kita gusto and of course this is not going to work," ngisi nya.

Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kinain nyang ulam ngayong umaga pero sure ako na naapektuhan ang utak n'ya dun.

"Alam mo naman pala! Bakit gusto mo pa rin, ha?"

Tumayo sya nang tuwid tsaka bumuntong. Ano bang pinaglalaban ng lalaking ito sa buhay nya?

"E kasi nga batas. Kailangang sundin ang batas dahil kung hindi..." nilapitan nya ako sa tenga at bumulong. "Ibabagsak ka nila. They won't let you find a job in the future, they will take your scholarship, and what's the worst case scenario? Ilalayo nila sayo ang taong mahal mo, at alam mo yun, diba?"

Nakita ko ang kanyang ngisi sa mukha ng lumayo sya ng konti. Namula ako dahil sa inis. Kahit kailan talaga hindi ko sya magets kung seryoso ba sya, nang-aasar, o seryosong nang-aasar. All of it doesn't seem to work out for me.

"Alam! Pero hindi ibig sabihin nun magugustuhan na kita lalo na't napakalakas mong mang-alaska."

He spat my hand and laughed. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"I'm pretty sure Xavier doesn't have a clue about this," taas kilay n'yang sabi na para bang sigurado sya sa kanyang hinala. "Hindi nga."

"Excuse me. Hindi pa, pa! Gets mo? Sasabihin ko naman sa kanya kapag nakahanap ako ng magandang tiyempo," I crossed my arms trying to look like I was sure.

"At anong klaseng tiyempo? Hindi bale, hahayaan kita. Ikaw na mismo ang magsabi sa kanya. Problema mo na yun lalo na't gusto mo naman si Save," ismid niya.

Hindi ko maramdaman ang sinseridad kasi may halong uncertainty sa kanyang boses.

"Umalis ka na. Baka makita pa tayo ng mga babae ko," binugaw nya ako literally na parang isang aso.

"Tseh! Babae ka riyan. Kala mo naman may papatol sayo!" I blurted, gripping my bag strap.

"Marami kaya," he confidently said.

Hindi ko sya pinansin at naglakad palayo. Bwisit na lalaking iyon! Natutuwa pa ata sya sa nangyayari samantalang ako pilit naghahanap ng paraan para makaalis sa kadenang ito.

Napabuntong ako habang iniisip kung anong paraan ang puwede para masabi ko kay Save ang totoo. Tutal naman, hahayaan nya raw akong magsabi kay Save dahil gusto ko yung tao.

Avviso del Governo: (Government Notice)

Name: Alesandra Haira del Mundo
Age: 16 yrs. old
Zodiac: Pisces
Height: 5'5
Hobby: Cheerleading

Compatible person: Zaccharias Villamor

Statistical Rate: 85%






Zac's Point of View

Kanina ko pa hinihintay si King sa labas ng gate pero hindi pa rin sya dumarating. Malapit nang malowbatt ang vape ko at wala na akong pamalit na battery. Tss. Bumuga ako ng usok sa ere. Bawal manigarilyo kaya nagvavape na lang ako ng pasikreto. May nakakakita sa aking ibang estudyante pero hindi nila ako magawang isumbong kasi tinatakot ko sila.

"Hoy! Bawal yan!" natatawa nyang sigaw.

Ang loko andito na pala. Pinatay ko ang vape tsaka binulsa, medyo mainit pa ang socket nito.

"Loko ka ah. Pinaghintay mo 'ko ng limang minuto rito!" inis kong tugon.

"Nag-aaral lang po. Ang dami kasing nagpaturo ng nasa library ako," presko nyang tugon. "Puro chics, pre."

Sabi na nga ba. Basta't ganyang ngiti, babae talaga ang dahilan. Kahit nga ako napapangiti agad sa t'wing iniisip lang ang isang babaeng kinatutuwaan ko araw-araw. Sarap nya kasing asarin.

"Babaero! Akala ko pa naman mas mahal mo ang mga libro. Pakasalan mo na libro mo!" tawa ko.

"Hindi ko naman mabubuntis ang libro, pre!" tumawa sya agad.

Nakangisi akong napailing dahil sa pagkamangha. Lalaking ito talaga, magaling na ngang mambola, napakamanyak pa. Ni minsan hindi ko pa narinig na nagkagusto yan sa isang babae dahil sa mga libro, tapos sinasabi nyang ayaw nyang magpakasal dun. Nakakalito naman.

"Baka darating na si Ms. Galler," sambit nya matapos tignan ang relo.

"Tara," nilagay ko sa bag ang vape tsaka kami naglakad.

Matagal na akong nakatanggap ng GN sa mismong birthday ko. Noong una, hindi ko kilala si Alesandra o kung sino man s'ya, so I decided to take my own precautions. I did a small background research and asked some students about her. At first, hindi ako nagandahan sa kanya (she's definitely not my type, bro). Pero nalaman ko mula kay Save na mabait syang tao. Sabagay, he likes the girl kaya nasasabi nya iyon. Pero sa t'wing nagkakasagupa kami sa hallway, 'di ko maiwasang hindi mapansin ang kanyang matatalim na tingin, tingin na para bang may ginawa akong masama sa kanya.

Naalala ko tuloy yung nangyari noong nakaraang araw.

"Pre, may recitation ata sila," bulong ni King habang nakatingin sa classroom nila Alice.

Nakita kong nakatayo sya habang sigaw nang sigaw si Mr. Paraiso. Tsk, tsk, parang may ginawa syang hindi kinatuwa ni sir, a?

Naglakad ako ng mabagal. Sinasadya ko talaga ito minsan para mas lalo ko pang maaninaw ang taong gusto kong makita. Dumaan kami sa classroom nila nang marinig ko na malakas na sinigaw ni sir Paraiso ang mahiwaga kong apelyido.

"Del Mundo, bilisan mo! Mauubos ang oras natin kakatitig mo riyan kay Villamor!"

Mabilis akong lumiko para usisain ang dahilan. Sumandal ako sa may pintuan at binulsa ang isang kamay tsaka sumilip sa kanilang classroom.

"May tumawag ba sa maganda kong pangalan?"

Akala ko magkakainteres syang sagutin ang tanong ko pero hindi man lang sya nagpakita ng interes sa 'kin dahilan para mapangisi ako. Nag-iimpitan na ang ibang babae dahil sa kilig pero wala syang kibo. Inirapan nya pa ata ako!

"Villamor, masyado ka ring high. Bumalik na kayo sa classroom nyo. Sige na. Guni-guni mo lang yun," ngumisi si sir sa akin.

Tinititigan ko lang sya habang naglalakad pabalik sa kanyang silya. Ayaw syang bitawan ng mga mata ko. Maybe I was waiting for her to notice me the way I noticed her.

"Ganun ba? Akala ko talaga may nagkakacrush sa akin dito," umasal akong dismayado.

Nagtilian silang lahat. Wala pa rin syang kibo sa nangyayari!

"Aaahh! Ako Zac, gusto kita!" sigaw ng isa pero nakatitig pa rin ako kay Alice.

"Sige girls, alis na kami," sabay kindat.

Tutal naman hindi nya ako pinansin, mas mabuti ng umalis. Tawa nang tawa si King habang naglalakad kami pabalik sa classroom dahil na rin siguro sa patuloy kong untag.

"Tsk. Masyadong loyal kay Xavier," pintas ko.

Tumawa pa sya lalo kaya binatukan ko na. Matalino ito pero may pagkabuang din.

"Siraulo ka ata. Kanina ka pa tawa nang tawa dyan, Kingston!"

"Why don't you just tell her about your notice? Hindi yan isang wine na habang tumatagal lalong sumasarap."

"Tsk. Hindi ko puwedeng sabihin. Gusto nya nga si Xavier. Ayokong sirain ang ilusyon nya."

Maliban sa akin, si King lang ang nakakaalam tungkol dito at wala ng iba pa. Sya ang pinaka-close kong kaibigan, ayokong lapitan si Harvey kasi baka lumamig bigla ang atmosphere namin. Ang suplado nun!

"Wow, nagpapaka-prince charming ka ata? Masokista ka na ba ngayon?" seryoso niyang tanong.

"Lul mo!"

"Parang mahal mo na si Alice, a? Ano, Zac? Mahal mo na ba?" his brows wiggled.

"Shut up, King! Hindi ko sya mahal, ni hindi ko nga sya gusto. I just want someone to pop her own bubble," ngumisi ako. That's true. Ayokong mangialam sa kanya. Masayang tignan ang mga babaeng pikon na mas lalong napipikon.

"Asus. Mahal mo, e. Ayaw mo kasing masaktan," sinundot nya ako sa gilid kaya hinampas ko sa balikat. Namilipit sya sa sakit.

"Hindi ko nga sya gusto, diba? Isa pang salita tungkol dyan, mas masasaktan ka na talaga," seryosong banta ko.

Tumango sya habang tumatawa. Di nya talaga nagawang bitawan ang kanyang libro. Pumasok kami ng classroom at nadatnan sila Xavier at Harvey na nag-uusap.

**

At ngayon, lumalapit sya sa akin patungkol sa GN na natanggap niya. Hindi ko alam kung paano nya sasabihin kay Save ang tungkol dun. Magagalit si Save sa akin pero handa naman ako dun, kailangan nyang tanggapin para sa ikabubuti ng lahat. Kapag hindi mo sinunod ang batas makukulong ka at para ka na ring tinanggalan ng pagkatao nun. What's worst? Ilalayo ka sa taong mahal mo.

Nagulat ako kanina nang bigla syang pumasok ng maaga. Tinignan ko sya habang nilalaro ang aking ballpen.

"Wala pa si Save. Ang aga mo naman masyado," inunahan ko na. Alam ko namang si Save ang palaging bukambibig nyan at mga rason nya sa pagpunta rito. Nasasanay na kasi ako na ganun talaga palagi.

"I'm not here for Save. Ikaw talaga ang sadya ko."

Hindi nga?

Pinag-usapan nga namin ang tungkol sa GN. Ayaw nya dun, ayaw ko rin naman pero baka may dahilan ang lahat ng bagay. Tinarayan nya pa ako sa gitna ng usapan. Nakakatuwa syang tignan kasi napipikon sya sa t'wing binabanatan ko ng asar.

"Of course."

Tinaasan nya ako ng kilay. "Anong of course?"

"Of course. Of course seryoso ako, of course papatol ako sayo, of course di rin kita gusto, and of course this is not going to work," sagot ko.

Hindi talaga magwowork kung hindi susubukan. Marami pa syang sinabi, sinagot ko naman ng maayos. Nakita sa gilid ng mga mata ko si Xavier, papalapit habang nagbabasa ng dictionary. Ang hilig nyo sa dictionary, hindi nyo naman mahahanap ang pangalan ng ka-forever nyo diyan.

"Umalis ka na. Baka makita pa tayo ng mga babae ko," binugaw ko na.

Takot ko lang na maabutan kami ni Save na ganito ang pinag-uusapan. Umalis sya ng padarag. May sinasabi sya nun kaya sinagot ko rin agad. Sarap nyang picturan sa t'wing naiinis. I love it when she hates me.


— Don't forget to vote and share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro