Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03


Alice's Point of View

Naupo ako sa may gazebo ng school. Masarap dito kasi sariwa ang hangin, malamig tsaka presko at wala masyadong tao ang napapadaan. Binuksan ko ang styro at dahan-dahang nilantakan ang pagkain. Hindi ata sumunod si Nieves sa akin kasi wala pa sya hanggang ngayon. Baka dun na yun kumain sa canteen or classroom.

Agad kong niligpit ang styro at tinapon iyon sa basurahan matapos kumain. Bumalik ako ng canteen para sana bumili ng tubig dahil sa uhaw, pero nakita ko sila Save na kasama si Zac at Harvey. Wala na naman si King sa grupo nila, siguro nagbabasa na naman iyon ng libro.

Humilera ako sa mga nakapilang estudyante tsaka bumili ng tubig. Susundan ko na sana sila Save ng biglang nagvibrate ang phone ko at may message iyon galing kay Nieves.

Nieves:
Girl, andito ako sa PO. You need to come here.

Nagtataka kong tinignan ang kanyang message pero agad din na sumunod. Ano kayang nangyari? Habang papalapit ako sa principal's office, nakaramdam ako ng kaba. Parang may ibabalita syang masama.

Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin si ate Alex at Nieves kasama si principal.

"Andito na pala sya," ngumiti si principal.

"Ate, anong meron?" pagtataka ko.

Naupo ako sa sofa katabi si Nieves. Dumikit ang balat ko sa kanyang kamay at naramdaman ko ang lamig nun. Malamig talaga sa office ni principal pero mas malamig ang kamay ni Nieves.

"Anong meron?" bulong ko.

"Basta, ipapaliwanag ni ate Alex mamaya."

Naiwan akong bitin sa kanyang sagot. Hindi ko maintindihan ang gusto nyang iparating pero nakakapagtaka na ang nangyayari.

"Ms. Principal, kailangan ko po ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yon," sabi ni ate.

"Impormasyon? Impormasyon nino?" bulong ko ulit.

Hindi nagsalita si Nieves, pati si Ate walang imik, lalo na si principal na walang ibang nagawa kundi ang tumango. Tumayo sya at pinaghintay kami. Parang may hinahalungkat sya sa drawer nya doon sa isa pang room.

"Ate, ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.

Hindi niya man lang ako tinext or pinaalam sa akin na pupunta sya rito. Sinamaan nya ako ng tingin at hindi ko naman alam kung bakit.

"Alesandra Haira del Mundo, mag-usap tayo mamaya sa bahay! Marami kang dapat ipaliwanag sa akin," bumaling siya kay Nieves na nanginginig sa takot at matigas na sinabihan nang- "At sumama ka sa amin pauwi. Susunduin ko kayo!"

Umangal kaagad ako. Hindi nya ako pwedeng ihatid dahil may maghahatid na sa akin.

"Hindi pwede. May usapan kami ni Save, sya ang maghahatid sa akin!" protesta ko.

"Ah, ganun? Baka magsisi kang lalapit-lapit ka pa kay Xavier," sabi nya na para bang mali na lumalapit ako sa taong gusto ko.

Kinunutan ko sya ng noo. "Ano bang problema, ate? Dati naman, suporta ka kay Save. Nag-iba ata ihip ng hangin ngayon?"

Tahimik lang si Nieves habang pinapanood kaming nag-aaway. Isa pa 'to, e! Pero naiintindihan ko sya dahil ayaw nyang mangialam sa personal kong buhay lalo na kapag involve si ate Alex.

"Nag-iba na nga talaga," utas nya.

Biglang lumabas si principal kaya natuon ang atensyon namin sa kanya. May dala-dala syang white folder. It only means one thing, confidential ang nasa kamay nya ngayon. Pero bakit yan ibibigay ni principal kay ate?

"Heto na yun, Ms. Del Mundo," sabay lahad. "That's his file."

"Thanks, Principal," sinamaan nya ako ng tingin. "Let's talk later, Alice."

Tumayo sya at padarag na sinara ang pinto. Nanahimik lang kami ni Nieves habang pinapanood syang umalis. Lumabas na rin kami ng humupa na ng konti ang tensyon sa loob ng office.

"What the hell is she doing here?" inis ko habang pabalik sa classroom.

Di na nga ako sinagot, pagagalitan nya pa ako at susumbatan patungkol kay Save. What the hell?!

"Ate Alex must be worried," si Nieves.

Huminto ako sa paglalakad tsaka sya hinarap ng nakasalubong ang kilay at napakamot ng ulo dahil sa inis.

"Really? Worried sya nun? Susumbatan nya ako? Tsk!"

"Ano bang pinuputok ng butsi mo?"

"Hindi na ako mahahatid ni Save dahil kay ate! Ano ba yan, minsan na nga lang syang mag-alok ng hatid. Hindi ko na tuloy masasabayan pauwi!" naiiyak kong tugon.

Sayang talaga, napakasayang.

"Mas importante ito, Alice. I swear," seryoso si Nieves.

"Ano pa bang mas importante kay Save?"

Hinarap nya ako ng nakahalukipkip ang braso. "Government notice."

Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko na nagawang magsalita pa ulit ng marinig ang bell para sa afternoon subject. Hinila ako ni Nieves papuntang classroom. Masyadong nanigas ang kalamnan ko, parang hindi ko na magawang gumalaw pa ulit.

Buong klase lutang na lutang ako. Government notice? Walang nagtetext sa akin kaya hindi ko pa panahon. Pero naalala ko bigla yung sinabi ni ate sa akin.

"Mas mabuti nga yun dahil pupuntahan ka nila ng personal."

Ume-echo yun sa buong tenga ko at halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni Mr. Paraiso.

"You, tayo!" sigaw nya.

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa lakas ng kanyang boses. Napatingin ako agad kay sir na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Hala patay na!

"Del Mundo! I've been calling you five times now. Ano bang problema mo? Are you even listening?" singhal nya. Halos makita ko nang umuusok ang kanyang tenga at ilong dahil sa galit. Para syang isang tren!

"S-Sir?" kabado kong tanong.

"Answer the equation on the board!" padarag nyang binato sa akin yung chalk. Galit nga sya, takte!

"Zero po," sagot ko.

Nagsalubong bigla ang kanyang kilay. Isang tingin ko pa lang, alam kong zero na ang sagot dahil sa mahabang equation.

"I said answer! Magsolve ka, hindi ito oral recitation!" untag nya.

Lumapit ako sa board at pinulot ang chalk na nalaglag. Lahat sila nakatingin lang sa akin habang sinasagutan ang napakahabang equation. Zero lang naman ang sagot pero napakahaba na ng sinulat ko. Napasulyap ako sa gilid ng pinto at nakitang dumaan ang barkada ni Save kaso wala sya. Si Zac at King lang ang dumaan.

"Del Mundo, bilisan mo! Mauubos ang oras natin kakatitig mo dyan kay Villamor!" inis ni sir dahilan para mapalingon yung dalawa sa claasroom namin.

Kumunot ang noo ko at nagkantiyawan naman ang classmates ko. Nakita kong papalapit silang dalawa sa room namin. Nakapamulsa pa si Zac, habang may hawak na libro ang nakangising si King .

"May tumawag ba sa maganda kong pangalan?" preskong tanong ni Zac.

Nag-impitan sa kilig ang mga babae samantalang napairap naman ako. Nilapag ko ang chalk sa mesa at bumalik sa pagkakaupo nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nakatuon lang ang tingin ng mga classmates ko sa dalawang lalaki sa tapat ng pinto.

"Villamor, masyado ka ring high. Bumalik na kayo sa classroom nyo. Sige na. Guni-guni mo lang yun," pagpapaalis ni Sir Paraiso rito.

Magaling din syang mang-asar ng estudyante kahit ganyan sya kung makasinghal sa amin.

"Ganun ba? Akala ko talaga may nagkakacrush na sa akin dito," umasal syang nafrustrate. Galing din nyang umarte kasi napatili nya agad ang mga classmates ko.

"Aaahh! Ako Zac, gusto kita!" sigaw ng classmate ko pero hindi nya pinansin. Loko talaga!

"Sige girls, alis na kami," kumindat sya rito tsaka nagbabay.

Tawa lang ng tawa si King habang sinusundan ang kanyang hambog na kaibigan. Napairap ako ng wala sa oras tsaka bumalik sa ayos ang lahat.

"Nakakainis ang Zac na yun. Masyadong feeler," reklamo ko ng makarating kami sa locker room. Isa-isa kong nilagay ang libro ko bago hinarap si Nieves na nagcecellphone.

"Hindi ka na nasanay dun. Mas gusto ng mga babae ang ganun ka-confident na lalaki," sagot nya nang hindi nakatingin sa 'kin.

"So sinasabi mong hindi ako babae? Hindi ko kasi sya gusto!" untag ko at napairap.

"Sira! Kung ganun pareho pala tayo kasi hindi ko rin sya gusto!" nagcecellphone pa rin sya. "Tsaka may kanya-kanya tayong gusto at hindi sya yun!"

Padarag kong sinara ang locker at kinuha ang susi sa susian nito. Hinigpitan ko ng hawak ang strap ng aking bag.

"Tara, puntahan natin si Save."

Nagtataka nya akong tinignan. "Akala ko ba sasabay tayo kay ate Alex?"

"Oo nga. I'm just going to tell him na hindi ako sasabay. Magpapaalam ako ng maayos kasi kung sa text baka isipin nyang may iba akong kasama," sagot ko.

Biglang ngumisi ng malapad ang loka tsaka ako sinabayan sa paglalakad.

"Ang loyal masyado. Parang softdrinks!" biro nya.

"Softdrinks? Royal yun!" tawa ko.

"Kung ganun, parang kape!"

"Bakit?" lumukot ang noo ko.

"Stick to one."

Nagtawanan kami habang naglalakad papunta kila Save. Nadatnan namin silang nakaupo at pumormang pabilog, mukhang nag-uusap. Ang guwapo mo talaga, Save. Para kang anghel na nahulog sa lupa! Kuminang ang kanyang silver earring sa tenga ng mapatingin sa akin.

Ngumisi sya agad. "Alice!"

"Pre, mukhang ikaw yung susunduin!" tawa ni Zac.

Naiinis talaga ako sa bawat asar nya.

"Akala ko ba lalaki ang susundo? Baliktad na ata," segunda ni King.

"Hay, ang guwapo talaga ni Harvey," bulong ni Nieves na halos manlambot dahil sa pagdadaydream.

"Will you please shut up?" inis nyang tugon tsaka ako nilapitan ng nakangiti. "Why are you here? Diba ako ang susundo sayo?"

"Si ate kasi andito kanina," panimula ko.

Nagtaka sya agad kaya nagpatuloy ako sa pagkukuwento.

"Gusto nyang sabay kaming umuwi ngayon kaya pasensya ka na, Save. Hindi ako makasasabay sayo," dispensa ko.

Kahit ako nanghihinayang dahil na rin minsan lang ito sa buong buhay ko. Kaso naging bato pa! Bumuntong sya at napakamot sa kanyang batok. Ang guwapo ng move na yan. Shet!

"Ok. Maybe next time? Pero promise mo, matutuloy na talaga," ngumiti sya.

Tumango ako at ngumiti. "Sure!"

Hinila ko si Nieves paalis nang may ngiting wagi. Sayang nga, isang malaking sayang. Tsk. Hinintay namin ang kanyang kotse sa parking lot, dumating din sya agad.

"Get in," utos ni ate.

Nanlamig ako agad. Masyadong seryoso si ate Alex, minsan lang ito at nakakatakot syang tignan kapag ganito. Nagvibrate ang cellphone ko at nakita ang isang message mula kay Nieves. She's texting me kahit katabi ko lang sya sa backseat. Mas mabuti na rin ito kesa marinig kami ni ate na nilalait sya patalikod kaso kinakabahan kami pareho.

Nieves:
I'm dead. Please tell my parents, I love them.

Me:
We'll survive... I hope.






Nieves' Point of View

Naupo ako sa sofa sabay lapag ng aking bag. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay.

"Manang, maghanda ka ng makakain para sa dalawa," utos ni ate Alex sa kanya.

Nakita kong nakabihis na si Alice ng damit pambahay. Magkaiba talaga kami kasi mas nakakahiligan ko ang shorts at mini skirts. Nagtinginan kami ni Alice at nagkaintindihan ng makita ang galit na itsura ni ate Alex. Natatakot ako kasi mukha syang leon ngayon!

"Sit down girls. I need to talk about this one," sambit nya.

Naupo si Alice sa tabi ko. Nakinig kami pareho kay ate ng bigla nyang nilapag sa harapan namin ang folder na may nakalagay na CONFIDENTIAL.

"Ano bang pag-uusapan natin, Ate?" si Alice na halatang nagpipigil ng inis.

"Alesandra, hindi ka pa ba nakatatanggap ng avviso del governo?" tanong nya.

"H-Hindi."

"Mabuti," binaling ni Ate ang kanyang tingin sa akin. "Pakita mo sa kanya Nieves."

Alam ko na ang ibig n'yang sabihin. Nagulat din ako ng malaman ang laman ng text. Binigay ko kay Alice ang phone ko at ipinakita sa kanya ang text message na kanina ko lang natanggap. Gaya ng naging reaksyon ko, nagulat din sya at nanlaki ang mga mata.

"No. This can't be! That's not me!" asik nya.

Hindi ko sya masisisi. May gusto syang lalaki pero sa kasamaang palad hindi si Save ang naging kapartner nya. Ganun na rin ang takot ko rito. Takot na takot akong matakda sa taong hindi ko naman gusto.

"It's real. Pinuntahan ako kanina nila Emily at Greg. Sila ang officials ng siyudad na namamahala ng maayos sa batas at binalita nila sa akin ang tungkol sayo."

"No, ate. I can't! Hindi nga ako nakatanggap ng text. Kay Nieves pinadala at hindi sa akin."

Nagulat kami ng biglang hinampas ni ate Alex ang table. Matigas ang mesa pero malakas ang tunog ng kanyang kamay. Sa itsura nya, mukhang hindi sya nasaktan sa sariling ginawa. Matatalim na titig ang kanyang ibinigay kay Alice. Kahit hindi ako ang tinitignan nya, mas nakararamdam ako ng takot para sa kanya.

"That's what I'm asking all about! Bakit si Nieves ang nakatanggap at hindi ikaw?" asik nya.

Nakatanggap ako ng text message noong lunch time. Akala ko government notice ko iyon pero nagkamali ako dahil para yun kay Alice. Nawrong sent ang gobyerno sa akin... that's what I thought. Pero hindi talaga sila nagkamali dahil ang nilagay ni Alice na number sa kanyang bio-data ay ang number ko mismo noong Grade 3 kami. Number ko kasi yun hanggang ngayon at hindi ko maaaring palitan kasi kung papalitan mo, magfifill-up ka na naman ulit ng panibagong form.

"You wrote Nieves' number instead of yours. Anong akala mo, Alice, laro lang ang lahat ng ito?" napamasahe si Ate sa kanyang sentido. "This is a serious matter, Alice."

Hindi nakapagsalita si Alice at nanatili syang tahimik sa panunumbat nito. Ayokong mangialam sa problema nila kasi hindi naman ako part ng family tree nila. Pamilya ito! Heart-to-heart talk.

"Ate, magpapaalam na sana ako," nagsimula akong tumayo at dinala ang bag ko as I bid my goodbye. "Uuwi na po ako. I guess you need some time to talk."

— Don't forget to vote and share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro