Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 02

Alice's Point of View.

Gumising ako ng maaga, pero isang mapait na balita ang bumungad sa akin. Tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa sidetable. Kinusot ko ang aking mga mata upang luminaw ng konti ang aking paningin.

*One message received*

Nieves:
Girl, bilisan mo. Maaga pa ang flag natin!

Agad akong bumangon at naligo. Alas sais na ng umaga at tinext ako ni Nieves ng alas singko. Ang tagal ko bang nagising? Napasarap ata ang tulog ko dahil sa nangyari kagabi. Humarap ako sa salamin ng banyo. May konting fog ito kaya pinasadahan ko ng aking kamay para mas klaro ang aking reflection.

"Ang laki ng eyebags ko!" gulat kong tugon.

Sinuri kong mabuti ang aking mukha at itsura, umiyak nga pala ako kagabi. Kainis! Baka maturn-off si Save sa akin. Binilisan ko ang pagbabanlaw at bumaba upang kumain ng agahan. Hindi ko napapansin si Manang Rose pero may inihanda na siyang agahan sa mesa. Kumain ako ng mabilis at nakitang bumaba si ate Alex na nakapajama pa rin.

"Good morning, ate," bati ako.

"Mornin'. Ugh, damn it," mura niya sabay hawak sa ulo.

"Hangover?"

"Oo, e. Tsk. Penge ngang kape," utos nya. "Sa'n si Manang?"

"Umalis ata. Hindi ko rin naabutan."

Siya na lang ang nagtimpla sa kape niya. Naupo siya sa kaharap kong silya habang hinahalo niya iyon nang bigla niya akong tinignan.

"Nakatanggap ka na ba ng message?"

"Message?"

Galing kay Nieves, Oo!

"Government notice," uminom siya. "You're already sixteen. The government already found a pair for you."

Huminto ako sa pag kain, nabitawan ko ang kubyertos pero pinulot ko naman ulit.

"You haven't?" tanong niya.

Umiling ako habang kumukuha ng panibagong kutsara. Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan lalo na't sariwa pa rin sa isipan ko ang biglaang paghalik ni Save sa akin kagabi.

"Ayaw ko ring makatanggap. Tapon ko na lang kaya ang cellphone ko, Ate," pabiro kong suhestiyun.

"Mas mabuti nga 'yon dahil pupuntahan ka nila ng personal," sarkastiko niya.

Umirap ako sa kawalan at kumain ulit. Ayokong isipin na may itatakda sa akin ngayong araw. Hindi ko lubos maisip na may iba akong magugustuhan bukod kay Xavier dahil si Save lang ang tangi kong mahal at mamahalin habang buhay.

Napatingin ako kay Ate na naghahalo pa rin sa kanyang kape.

"Ate, was it hard?" pambabasag ko sa katahimikan.

Tinignan niya ako ng nagtataka. "What's hard?"

"Yung ganito. Tinakda ka sa taong sa simula ay hindi mo naman gusto," nakapanlumo kong sabi.

Hindi masyadong nagkukuwento si ate tungkol sa kanila ni kuya Ranze kaya medyo curious ako ngayon. Binitiwan niya ang kubyertos bago ako hinarap.

"Hmm, paano ko ba sasabihin? Noong una, ayaw ko talaga kasi hindi ko kilala si Ranze. At first nalaman kong babaero pala ang lalaking 'yon. Hindi kalaunan, nahuhulog na pala ako sa kanya ng hindi ko alam. Gumagawa kasi ng paraan ang gobyerno para mahulog kayo sa isa't-isa. Tinetest nila kung magwowork ang isang relasyon base sa Compatibility at Statistical data," paliwanag niya.

"Oo nga. Pero mahirap ba na itakda ka sa taong hindi mo naman lubos na kilala?"

"Mahirap siyempre. Hindi yun maiiwasan kasi first impression ko pa lang sa kanya hindi ko na sya gusto. But what about trying to work it out? Sa simula hindi talaga masaya. Mahirap kasing pekeen ang feelings ng tao. This is just a test."

"Mahal mo ba si Kuya Ranze?"

Bigla syang namula at ngumiti. "Yup, I do. Hindi dahil sa compatibility chuchu, pero dahil mahal na talaga sya ng puso ko. Noon, kinamuhian ko ang gobyerno, pero nagpapasalamat talaga ako na may ganitong batas sa Amore City."

Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan. Mabuti pa si ate at masaya na syang kasama si Kuya Ranze. Samantalang ako, natatakot na baka hindi ko magustuhan ang taong itatakda nila sa akin. May pinili na ang puso ko at hindi ko na yun mapipigilan pa. Pero mas hindi ko mapipigilan ang gobyerno dahil sa kanilang batas.

Napabuntong na lang ako habang nagsisipilyo. Nagpaalam ako kay Ate Alex tsaka ako hinatid ni Kuya Ranze. Sumasabay ako sa kanya pag may pagkakataon dahil nadadaanan nya lang naman ang school namin patungo sa kanyang trabaho. Nakaalis na sila Papa at Mama papunta sa trabaho nila sa kabilang bayan. Aabutin na naman iyon ng ilang buwan bago makabalik dito sa Amore City.

"Thanks, Kuya," paalam ko.

"Ingat ka," pinaharurot nya ang sasakyan paalis.

Pumasok ako sa classroom. Madadaanan ko ang classroom nila Save kaya kailangan ko magmukhang tao. Palagi silang tumatambay ng barkada nya sa labas ng classroom nila kasama sila Zac, Harvey, at King.

"Uy, pre. Andito na prinsesa mo!" kantyaw ni King nang nakangisi.

Biglang lumabas si Save ng nakangiti pero halatang pagod din. Ang laki ng eyebags ko, pero sana hindi nya mahalata na umiyak ako kagabi.

"Hi, Alice," bati nya.

"Hi, Save," medyo nahihiya kong tugon.

Tinignan ko sila King at Harvey.

"Bakit nga pala kayo hindi nakapunta sa birthday ko kahapon?"

"E, kasi etong si Zac busy sa mga babae niya!" sagot ni King.

"Anong ako? Kayo nga nandamay sa akin," depensa nya.

"Shut up," singit ni Harvey na nagheheadset lang.

"Belated happy birthday nga pala b*tch," seryosong bati ni Zac sa akin. Hindi ko alam kung nang-aasar sya, pero ang alam ko ritwal na nya araw-araw ang pagmumura.

"Thanks?" may pag-aalinlangan sa mukha ko kung dapat ko ba syang pasalamatan sa sinabi nya lalo na't tinawag nya 'kong b*tch.

"Belated," malamig na bati ni Harvey ng hindi nakatingin sa 'kin.

"Thank you."

"Oh, gift ko nga pala sayo, Alice. Happy birthday," ngumiti si King tsaka nilahad ang isang dictionary.

Nakatingin lang sa akin si Save habang pinagmamasdan akong binubuksan ang regalo ni King nang bigla syang tinulak ni Zac palapit sa akin.

"Lapitan mo kasi. Ngayon ka pa nahiya loko ka!" si Zac.

Mas lalo akong nahiya dahil dun. Dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Zac, halos isang inch na lang ang pagitan namin ni Save ngayon. Pumutok ang mukha ko sa pamumula nng maalala ang halik nya kagabi. Hushet!

"S-Sorry," dispensa nya.

"Ayos lang."

"Hatid mo na sa classroom, pre. Baka agawin pa ng iba," asar na naman ni Zac. Si Zac ang pinaka-alaskador sa lahat ng alaskador sa mundo kaya minsan hindi ko talaga sya gusto.

"'Huwag na, Save. Kaya ko naman."

"Ihahatid na kita," ngumiti sya at inakbayan ako.

Hindi na ako pumalag pa kasi ginawa nya naman bigla. Napapasulyap ako sa katangkaran nya, nakangiti lang sya habang pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Ako naman itong nagpipigil na ng ihi dahil sa kilig. Hihihihi!

Sikat ang barkada nila Save dahil parte sila ng volleyball boys team. Ako naman ang taga cheer nila. Kasali kasi kami sa cheerleading squad ni Nieves. Si Nieves lang naman ang mahilig dun kaso dinamay nya ako kasi ichicheer niya ang crush nyang si Harvey. Si Harvey ang pinakatahimik sa kanila at suplado, si Kingston naman yung pinakamatalino pero bolero.

"Thank you, Save," namumula kong sabi ng makarating kami sa harapan ng classroom.

"Welcome. Hatid kita mamaya," ngumiti sya.

"Ang aga-aga lovebirds," sigaw ng classmates ko.

Ngumisi si Save sa kanila. "Shut up, dude."

"Uy! Kiss na yan!" kantyaw nila sa akin.

Namula ako sa hiya pero nakangiti lang si Xavier sa akin.

"Sige mamaya. Itetext kita."

"Teka, wala bang kiss diyan?" pang-aasar nya sa akin.

Loko ka talaga, Save! Nakakahiya na nga kasi inaasar na nila ako tapos aasarin mo pa ako!?

"Ewan ko sayo!"

Hinalikan nya ako bigla sa pisngi tsaka sya umalis. Naiwan akong nakatulala. Namula ako sa hiya. Pilit kong iniiwasan ang pagngiti ko pero hindi ko talaga magawa habang pinagmamasdan syang naglalakad paalis ng nakapamulsa.

"Hoy! Mamaya na 'yang landi, Alice. May flag ceremony pa tayo," ngumisi si Nieves sa akin.

"Oo na."

Hinila nya ako palabas ng classroom ng biglang tinawag ang mga estudyante upang magline up. Kapag good mood na ako sa umaga, good mood na ako all the way!






Nieves' Point of View.

Ako si Nieves Giordano, bestfriend ko si Alesandra del Mundo o mas kilala sa tawag na Alice. Matagal na akong humahanga kay Harvey Vianello kaso hindi nya ako nagagawang pansinin o kahit lingunin man lang. Hindi ko alam kung bakit, maganda naman ako sabi ni mommy. Pinsan ko naman si Xavier Augustus na crush ni Alice.

Hinihila ko si Alice ngayon pabalik ng classroom. Katatapos lang ng flag ceremony namin at ayaw kong malate sa first subject. Grade 10 pa kami samantalang grade 12 naman sila Harvey kaya bagay kami.

"Tara na bilis," untag ko.

"Ba't ka ba nagmamadali ha? Ang lapit na ng classroom natin," sabi nya.

Napairap ako at nilingon ang classroom nila Harvey. Madalas silang tumambay sa labas araw-araw kaya alam ko na ang schedule ng bawat paglabas at pagpasok ni Harvey.

"Ang tagal," bulong ko.

"Teka, magsi-cr muna ako. Mauna ka na," paalam nya at humarurot ng takbo.

Iniwan ako ng bruha! Lalakad na sana ako ng bigla syang magpakita sa aking harapan. Nagslow-mo lahat ng nasa paligid at tanging mukha lang ni Harvey ang nakikita ko.

"G-Good morning, Harv-" naputol ako sa pagsasalita nang bigla nya akong daanan.

Nanigas ako saglit bago natauhan. Hindi nya nga talaga ako napapansin!

"Harvey," bulong ko.

Bumuntong hininga ako at naglakad pabalik sa classroom. Kahit ganun ang pakikitungo nya sa akin, hindi pa rin nababawasan ang pagkagusto ko sa kanya. First time itong mangyari sa akin kaya hindi ko na sya pakakawalan pa kahit may matanggap man akong government notice. Isang buwan na ang nakalilipas pero wala pa rin akong natatanggap. Baka nahihirapan sila sa paghahanap ng katapat ko na tanging si Harvey lang ang makagagawa.

Sa Amore City, mas majority ang lalaki sa siyudad. Masyadong maliit ang populasyon dito kaya kada tao ay napagtutuunan nila ng pansin. Walang nakakatakas sa batas nila kahit pa umalis ka, basta't dito ka pinanganak at nakatira, wala kang takas.

Naupo ako sa upuan at hinintay si Ms. Galler para sa first subject. Dumating din agad si Alice. Buti at hindi sya nalate. Si Ms. Galler pa naman ang pinakaterror na gurong kilala ko. Sa kapal ba naman ng kanyang kilay hindi ka ba matatakot? Di nya nga yan tinataas pero mukha ka nang pinagtataasan.

"Good morning, class."

"Good morning, Ms. Galler," bati namin.

"Ang lousy! Ulit!"

"Good morning, Ms. Galler!"

"Better but not best," she said in dismay. See? Pati sa greeting ginagawang big deal. "Sit down!"

Palibhasa matandang dalaga kaya walang inspirasyon. Walang nagpapasaya sa kanya at walang nagpapa-good mood sa araw niya.

"Today we will tackle about Hormones. What are hormones?" isa-isa nya kaming pinasadahan ng tingin. "Anyone? Plus points."

Walang nagtaas ng kamay. Nakapamewang nya kaming hinarap.

"Ano ba class? Mababaho ba yang kili-kili nyo at takot kayong magtaas ng kamay? Wag nyo iyang ikahiya dahil pinagpawisan nyo yan!" untag nya na halatang galit.

Seryoso si Ms. Galler pero yung mga kaklase ko nagpipigil ng tawa. Kahit ako ganun din! Pero dahil masama ang kanyang aura, naubos ata lahat ng tawa ko sa katawan. Bumuntong hininga sya at nag-pinpoint na lang.

"You! Stand up!" turo nya sa akin.

Napamura muna ako bago tumayo. Ako pa ang pinagtripan ng bruha!

"What are hormones?"

"Hormones are natural substances that is produced in the body and that influences the way the body grows or develops," sagot ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. Heto na naman po tayo. "Example of Hormone."

"Ako po ulit?" sabay turo sa sarili.

"Ikaw ang nakatayo riyan."

Nagtiim bagang ako. Animal talaga sya tsk.

"Sex Hormone. A steroid hormone that is produced especially by the ovaries, testes, oradrenal cortex and affects the growth or function of their productive organs or the development of secondary sex characteristics."

Inirapan nya ako tsaka sinenyasan na umupo. Hindi man lang sinabi na 'Very Good' grr. Sarap nya ring bangasan, e! Nakakainis. Napatingin si Alice sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Isa pa 'to! Mas matalino pa sya kumpara sa akin. Ang easy lang ng tanong na yun pero di man lang sya nagtaas ng kamay.

Sabay kaming naglunch ni Alice gaya ng dati.

"Alam mo ang sama mo. Hindi ka man lang nagtaas ng kamay kanina," untag ko nung nasa canteen na kami. "I know you know the answer to her simple questions."

"Ayaw ko sa teacher na yun. Nawawalan ako ng gana," nakangisi nyang sagot.

Inirapan ko sya at umorder ng makakain. Magkaiba kami ng order ni Alice. Chicken sa kanya tapos menudo naman sa akin. Masyado syang mahilig sa manok. Hindi nya ba alam na nakababakla yun?

"Sa quadrangle na lang tayo kumain. Ang daming tao sa canteen. Masyadong masikip," reklamo nya.

Hindi ako nagpatinag. Nagpanggap ako na walang narinig niisa sa kanyang mga sinabi. Nakita ng mga mata ko si fafa Harvey na kasabay kumain ang tatlong asungot.

"Hoy, Nieves tara na pwede?" iritado n'yang tanong.

"Tsk. May mga iilang upuan naman dito sa loob," sagot ko.

"What? Kita mong ang daming estudyante makikisiksik ka pa? Hay naku, bahala ka!" winaksi nya ang kamay ko bago s'ya naglakad palayo. "Dun ako sa labas. Mas masaya dun at tahimik."

Bumuntong ako at agad na sinundan si Alice. Kahit abnormal yan, mahal ko naman. Kaso sayang si fafa Harvey, sayang talaga tss.

"Alice! Wait nga!" sigaw ko pero hindi niya ko narinig.

Malayo-layo na rin ang nilakad nya at mukhang mas malayo pa ang gusto. Natigil ako when my phone suddenly pinged. Agad ko yung kinuha mula sa bulsa at binuksan ang message mula sa isang unknown number.

"No way," tanging nasabi ko.

— Don't forget to vote and share

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro