Chapter 01
"Happy birthday, Alice!" bungad ng pamilya ko sa akin.
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata habang nakatingin sa kanila. May hawak na balloons si Mama, may bouquet si Papa, tapos si ate Alex ang nagdadala sa cake ko.
"Good morning po," bati ko.
"Blow the candles na bilis! Baka matunaw na 'to, Alice," excited na sambit ni Ate.
Inilapit niya sa akin ang cake at saka ako pumikit at ni-blow ang kandila. Maugong na palakpakan ang umalingawngaw sa buong kwarto.
"Ano'ng wish mo kapatid?" tanong ni ate Alex, ngiting-ngiti pa.
"Bawal sabihin, ate, baka hindi magkatotoo!" nahihiya kong asik.
Totoo naman, e. Ang sabi nila, hindi raw magkakatotoo kapag sinabi mo sa iba ang wish mo.
Nagkibit-balikat si ate. "Sa bagay."
"Oh tara! Lumabas na muna tayo at nang makapaghanda na si Alice," tugon ni Mama.
Nagtataka ko silang tinignan. Anong meron?
"Bakit po? Bawal ba 'kong matulog ulit?" tanong ko. Kailangan kong bawiin ang tulog ko dahil matagal akong nakatulog kagabi.
"May mga bisita ka sa labas. Kanina pa sila andito! Tagal mo kasing nagising," sagot ni Papa.
Bisita? Seryoso?
"Talaga?" tanong ko na para bang may hinihintay akong pangalan na banggitin nila.
"Oo, andiyan din si Save, 'yong crush mo!" untag ni ate.
Binuking pa ako sa birthday ko. Loko ka talaga, Ate! Napapikit ako dahil sa hiya tsaka ngumiti na lang. Alam naman nila papa at mama na may crush ako pero hindi nila alam kung sino.
"Oh sya. Maghanda ka na at hihintayin ka na lang namin sa labas," paaalam ni Mama.
"Bilisan mo ha. Naghihintay si prince charming," ngumisi si ate ng nakakaloko sa akin bago tuluyang lumabas.
Namula ako dahil sa hiya. Nakakainis! Si ate lang kasi ang napagkukwentuhan ko dahil iisa rin lang ang bestfriend ko tapos palagi pang wala.
Bumangon ako at naligo tsaka nagbihis ng maayos at eleganteng damit. Madalas akong magsuot ng pantalon pero dahil isa itong espesyal na araw, at araw ko pa, I need to look like a human.
Birthday ko ngayon and I'm sixteen. Yes, this is my Sweet Sixteenth birthday and everyone's coming lalo na ang mga pinsan kong nagmula pa sa iba't-ibang bansa. Minsan lang sila mapadpad sa Amore City dahil palagi silang busy. Amore City is not your typical city. May batas dito na iba sa ibang siyudad.
Naglagay ako ng konting lipgloss, light makeup, at eyeliner sa mata. Bumaba ako agad pagkatapos magpaganda ng bigla nila akong salubungin ng tingin. Maraming bisita pero nasa iisang tao lang ang tingin ko.
Nilapitan n'ya ako habang nakangiti ng malagkit. Ang gwapo n'ya ngayon. Mas lalo s'yang gumwapo sa paningin ko kahit simpleng polo at pants lang ang suot nya pero mas nangingibabaw sya sa lahat ng tao na andito sa loob.
"Happy birthday, Alice," nilahad nya sa akin ang isang red na box. Napangiti ako habang iniisip ang maaaring laman. Para kasing ring box, pero hindi naman sya nanliligaw sa akin magpo-propose pa kaya?
"Thank you, Save," ngumiti ako.
Nagulat ako sa ginawa nya. Agad nya akong niyakap. Ang dami kayang taong nakatingin sa amin! Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Parang kaming dalawa lang ang andito, e!
"'Wag mo 'kong ipagpapalit bilang crush mo, a?" pang-aasar nya.
Uminit ang pisngi ko at hindi naiwasang kiligin. Bwisit naman oh! Sobrang saya na ng birthday ko kahit hindi pa man nagsisimula.
"Oo naman. Basta ikaw," sabay hampas ng mahina sa kanyang braso. Pinilit kong hindi kiligin pero kinikilig talaga ako.
"Hoy! Mamaya na nga iyang harutan. Kain na tayo ng cake," singit ni Nieves, she's my bestfriend and Save's cousin.
Ngumisi si Save tsaka nagkamot ng ulo. "Minsan na nga lang ako bumanat Nieves."
"Sabing mamaya na," tawa niya.
Kahit ako nanghihinayang din sa moment namin.
"Yang pinsan mo, Save ang bitter-bitter sa mundo," utas ko.
"Ganyan talaga. Tatanda 'yang dalaga for sure," si Save.
Hinila niya ako palapit sa mesa ng barkada namin. Andun din ang mga pinsan kong playboy at basagulero. Magaganda at gwapo ang lahi namin to the point na wala kang ibang maipintas sa kanila kundi ang masasahol nilang ugali. Pero kung may kailangan ka, daig pa nila si Darna.
"Uy! Kayo na ba?" pang-aasar ni Brandon.
"Seriously, Brand? Yan ang bungad mo sa akin sa halip na happy birthday?" tanong ko habang pinipilit na magmaldita.
"Sorry, couz. Happy birthday nga pala," nilahad niya sa akin ang isang paperbag. "Para sayo. Pii birthday."
Tinanggap ko 'yon. "Thanks, Brand."
Pustahan tayo perfume na naman ang regalo niya. Kada kaarawan talaga akong nakakatanggap ng perfume mula sa kanya. Sa sobrang dami, aakalain mong magtatayo ako ng Perfume Shop!
"Happy birthday, Alice. Love you," binigay ni Nieves sa akin ang napakalaking Wiggly Puff. "Isali mo 'yan sa collection mo. Tutal naman, mahilig kang mangolekta ng Pokemons na teddy bear."
Namula ako dahil sa hiya. Ang kornj kasi ng Pokemon tapos bulgaran pang sinabi ng walang hiya kong bestfriend.
"Thank you, ha. Tsk."
"Akin na," kinuha ni Save ang bear at nilagay iyon sa gilid.
"Uy! Papakasal na yan!" kantyaw nila.
"Tumahimik nga kayo. Magbibigay pa ako ng gift," sita ni ate Alex na hindi ko agad napansin.
Magkatabi sila ng boyfriend niyang si Ranze.
"Oh, heto sis. That's my gift to you. Alam mo na kung anong gagawin mo riyan," binigyan nya ako ng panyo.
"Pamunas ng luha?" tanong ko.
"Hindi. Pamunas ng pawis. Pagpapawisan ka talaga pagkatapos nyong mag- aray!" hinampas sya ni Valeria sa kamay. "Ansaket, Bes ha!"
Si Ate Valeria ang bestfriend ni ate Alex. Matagal na silang magkakilala kaya alam na nila ang amoy ng singit ng isa't-isa.
"Puro ka kalokohan," may kinuhang regalo si ate Val sa kanyang gilid. "Happy birthday, Alice."
"Salamat, ate."
Mas umaasal pang ate si ate Val kumpara kay ate Alex.
"Happy birthday, Alice pero hindi ikaw ang bibigyan ko ng regalo," seryosong sabi ni kuya Ranze.
Nagtaka naman ako ganun na rin si Save na nasa gilid ko lang.
"Bakit, Kuya? May iba bang nagbibirthday bukod sa akin?"
Umiling sya at ngumisi. "Bawal kasi itong gamitin ng mga babae kaya kay Save ko na lang ibibigay."
Mas lalong lumawak ang ngisi nya samantalang ako naiwang tanga.
"Anong ibig mong-" natigil ako sa pagsasalita ng makita ang regalo ni Kuya.
"Tol oh, igatan mo yan, a. Gamitin kung kinakailangan. Mahal ang Durex!" ngumisi sya.
Tinanggap iyon ni Save na namumula na ng sobra. Samantalang ako, nagmukhang lantang kamatis. Grabe! Nakakahiya! Condom? Seriously, Kuya Ranze? Napakamature mo talaga kahit kailan!
"T-Thanks?" patanong na tono ni Save.
"No problem, bro."
Nag-inuman sila pagkatapos kaya sumali na rin kami. Kami lang yata ni Nieves ang pinakabata rito dahil parehong 16 yrs old. Save is already 18 yrs old, magkasing edad sila ng pinsan kong si Brandon kaya mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, but age doesn't matter. Habang 21 yrs old naman sila ate.
"Nahihilo na ako," reklamo ni Nieves na nasa tabi ko lang.
"Then stop drinking. Ayan kasi ang tigas ng batok!" untag ko.
Inirapan lang ako ng loka tsaka humiga sa gilid ko. Nakita kong tinitigan sya ni Brandon na para bang disapppointed sya kay Nieves. Binalewala ko na lang at inubos ang tatlong natitirang shots.
"You shouldn't drink too much, Alice," sita ni Save.
Nagpapakakuya na naman po sya. Binawi niya sa akin ang isang baso at nilapag iyon sa mesa.
"Birthday ko naman. Pagbigyan mo na ako," sabi ko.
"No. Let me drink it for you. Ayokong umiinom ka," seryosong tugon ng prinsipe.
Pinilit kong hindi ngumiti pero 'di ko talaga mapigilan.
"Mahal mo ba ako Save?" wala sa katinuan kong tanong.
Natigilan silang lahat sa sinabi ko.
"Sagot, Save," banayad kong sambit.
Tumango sya at ngumiti. "That's what my gift is about, Alice. Buksan mo iyon, malalaman mo ang sagot."
Natigilan ang lahat ng bisita na nasa table namin at dahan-dahang pumirmi ang mga ngisi sa kanilang mga labi.
"Baka magamit mo talaga ang regalo ko, tol," asar ni Ranze.
Binatukan sya ni ate sa ulo dahilan para mapahawak sya run.
"Masakit, babe!"
"Subukan niyo lang. Papatayin ko talaga kayo," banta ni ate.
Seryoso ang pagkakasabi niya roon kaya nanahimik na lang kami. Masaya ang naging kinalabasan ng birthday ko, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang maaaring mangyari pagkatapos ng lahat na ito.
"Ako na," alok n'ya.
Hinawakan n'ya ang malaking teddy bear para sa akin habang binubuksan ko ang pintuan ng kwarto ko dala-dala ang maraming regalo na aking natanggap.
"Salamat, Save," ngumiti ako.
"Basta ikaw," sabay ngiti.
Ang gwapo n'ya talaga. Kahit mukha na s'yang lasing, gwapo pa rin!
"Uuwi na ako. See you tomorrow," paalam n'ya.
"Um... Oo. Salamat ulit."
Bigla s'yang huminto sa paglalakad at hinarap ulit ako. Kinabahan ako bigla at hindi ko alam kung bakit.
"Bakit, Save? May nakalimutan ka?"
"Oo," hinawakan niya ang pisngi ko tsaka n'ya diniin ang kanyang mga labi sa akin. Hindi ko maiwasang hindi magulat dahil na rin sa biglaan n'yang ginawa. "Happy birthday, Alice. I like you."
Namula ako sa kilig. Lasing lang siya kaya niya ito nasasabi sa akin ngayon. Kumawala siya at humakbang paatras.
"Baka ito na ang huling pagkakataon na masasabi ko ito sayo. You will receive your avviso del governo sooner or later 'cause you're already 16 and that's what I'm afraid of," ramdam ko sa kanyang pananalita ang lungkot.
"Ikaw pa rin naman ang mamahalin ko, Save. Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang," I replied, empathizing him.
"Sana nga ganun din ang gobyerno," ngumiti siya na may halong lungkot sa mga mata.
He sighed and averted his gaze.
"At least I am your first kiss."
Naghuhuramentado na naman ang puso ko. Pinaalala niya pa, nakakahiya! Ang sarap niya kasing humalik. Nakakalasing.
"Goodbye, Alice. See you," paalam nya.
Sa paalam nyang iyon, parang may mali. Parang nagpapaalam na talaga siya sa akin habang buhay.
Humiga ako sa kama at pinipigilan ang sariling makaramdam ng lungkot. Binuksan ko ang regalo niya at bumungad sa akin ang isang singsing. It was a promise ring. Sinuot ko iyon agad habang unti-unting umagos ang luha sa aking mata. Kanina ko pa ito iniisip. May itatakda na ang gobyerno sa akin ngayon o bukas o sa susunod na araw. Hindi ko alam kung kailan. Hindi ako sigurado.
My wish actually came true... Xavier likes me too.
— Don't forget to vote and share —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro