Epilogue
HINDI ko alam kung paano ako mag-uumpisa ulit lalo na't nag-iisa na ako ngayon. Iba ang pakiramdam na nasanay ka na kasama ang taong mahal mo tapos mawawala lang na parang isang bula.
Sobrang hirap, sobrang sakit na mawalay sa taong pinakamamahal mo. Hindi ka makakain ng tama dahil sa iniisip mo siya minu-minuto, kung okay lang ba siya, maayos lang ba ang lagay niya. Alam ko naman na kung nasaan siya ngayon ay maayos lang siya. Sobrang hirap, hinahanap-hanap siya ng presensiya ko.
"Okay ka lang para kang nakakita ng multo." tumabi sa akin si Rio at kumuha ng alak sa harapan ko, andito kase ako ngayon sa bar para magpaalis ng stress. "Alam mo hindi ka dapat nagmumukmok ng ganaan, aware ka naman na lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan."
"Hindi mo naiintindihan, Rio." natawa ito kaya sumimsim nalang siya ng alak sa baso, "Miss na miss ko na kase pare, gustong-gusto ko sumunod sa kanya kung pwede lang."
"Siraulo, halika ako na maghahati sa'yo pero seryoso hindi mo dapat pinapalungkot sarili mo. Nasa maayos naman na lagay siya ngayon, ang magagawa mo lang ay ang maghintay sa tamang oras." tamang oras, kailan pa. Masyado namang matagal para makasama ko siya ulit. Nasisiraan na talaga ako ng bait.
"Binisita ko si tita kanina," nilingon ko siya, "Masyadong malala ang pagkasira ng ulo niya. Pagkamalan ba naman akong si Yen."
Hindi ako natawa sa biro niya dahil hindi naman nakakatawa. Nagtakha itong barilin ang sarili ng matauhan siya sa pagbaril kay Reyn kaso napigilan siya ni Rio, hanggang sa nabaliw na ito ng tuluyan at dinala sa mental. Nakakaawa si tita pero walang kasalanan na hindi mo pagbabayaran. "Hinahanap niya kayo."
"Bisitahin ko nalang siya sa makalawa pare, may dinadamdam pa ako."
"Siraulo. Ikaw bahala." hindi na ako umimik, miss na miss ko na ang reyna ko. Sana dumating ang tamang panahon na makasama ko siya ulit.
Nang manawa ako sa pag-inom ay niyaya ko na si Rio na umuwe, sumama din naman ito dahil kikitain pa nito ang mag-ina niya. "Iwanan mo na ako dito, Rio. Puntahan mo na ang mag-ina mo."
"Sure ka, papaiwan ka na dito. Baka mamaya n'yan umiyak ka nanaman, ah."
"Oo. Saka hindi ako iiyak, ikamusta mo ako kay Milan."
"Oo. Sige iwanan na kita."
Kanina pa nakaalis si Rio pero ako nanatili lang na nakaupo sa sofa at nakatulala sa pintuan. Umaasang bubukas ang pinto at siya ang iluluwa.
Nalulungkot ako. Sa dalawang taong lumipas dapat sanay na ako, hindi na dapat ako nalulungkot ng ganito. Pero ewan hindi talaga madaling magmoveon lalo na't naattach ka na ng sobra sa taong 'yon.
Ikaw talaga masyado kang matamis, ey huwag ka kasing mangiliti. sa harapan ko, nandoon siya. Masaya kaming dalawa. Panahon na hindi ko makakalimutan kase mas lalo ko siyang minahal.
Lumingon ako sa library, "Subukan mo din magsulat, love para naman maisulat mo ang love story nating dalawa." natawa ako, pinipilit niya kase akong magsulat kahit naman wala sa akin ang pagsulat, hindi ko nakawilihan ang pagsulat. Tinatamad din ako kahit anong sipag kong mag-aral. Miss na kita, Reyn!
Dumako ang tingin ko sa pinto ng kwarto karga karga ko siya palabas, "Hindi kita iiwan, loves. Kase ang gwapong tulad mo ay hindi iniiwan, napakaswerte ko na ako ang minahal mo." Lagi naming pinapasalamat sa bawat isa na maswerte kami na naging kami, weird pero ganoon talaga ang nararamdaman namin.
Pero ang hindi pag-iwan sa akin ang siyang ginawa niya. Iniwan niya ako, kasama ang anak namin. "Huwag ka ngang malungkot na parang babae, loves. Hindi bagay sa'yo kase ako ang bagay sayo." napangiti ako sa banat niya na 'yon. Kalalaki kong tao pero hindi ko siya kayang banatan sa mga pick up lines. Siya pa talaga itong gumagawa para sa akin.
Pinunasan ko ang luha ko, bumalik ka na. Gustong gusto na kita yakapin at halik-halikan, kailan kita muling makakasama. Nalulunod na ako sa kalungkutan, "Umiiyak ka nanaman, sinabe sayo huwag ka iiyak."
Hindi ko mapigilan na maiyak lalo na't wala ka na ngayon Reyn. Ikaw ang gusto kong makasama hanggat nabubuhay ako kaso wala na. Ito na ang ending ng ating love story. Masakit sobra, kaso wala akong magagawa kundi tanggapin na wala ka na.
Mamimiss kita ng sobra. Kailangan kong maging matatag para sa kanya dahil alam kong ayaw niya akong malungkot.
Hindi kita kakalimutan. Mahirap kalimutan ang tulad niya, napakaunique niya para sa akin. Hindi mo siya maririnigan ng reklamo kapag napapagod na siya, lalo na sa ugali ko na parang babae. Iniintindi niya ako palagi.
Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ikaw na ikaw lang talaga ang babaeng mamahalin ko. Mahirap kang palitan dahil ikaw na ang nakasanayan ng sistema ko. Sobra kitang mahal para magmahal pa ng iba.
NAGISING ako sa bagay na humahaplos sa mukha ko, iminulat ko ang mata ko at ang sumilay sa akin ang mukha ng taong minamahal ko. "Reyn."
"Hindi mo ako sinunod, loves. Sinabe ko naman sa'yo na huwag kang malulungkot." hinayaan ko lamang siya na haplusin ang aking pisnge. Sa wakas nandito na siya, kung alam niya lang kung gaano ako nangungulila sa kanya. "Pinapalaya na kita, loves. Gusto kong maging masaya ka sa mga araw na dadaan. Ibuhos mo ang atensyon mo sa ibang bagay."
"Hindi ko kaya, masyadong mahirap na kalimutan ka. Hinahanap hanap ka na nito oh," umupo ako bago itinuro ang dibdib ko kung saan nakasentro ang puso ko. "Wala akong lakas para kalimutan ka, ikaw lang ang meron ako na gusto kong makasama sa hinaharap."
"Hindi madali. Hindi madaling palayain ka, Reyn. Nasasaktan ako ng sobra-sobra ngayon. I love you till the end." ang malambot niyang palad, mamimiss ko, lahat ng mayroon siya.
"Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko, Chase. Minahal kita ng sobra." lumayo ito sa akin na halos ilang purgadang distansya. Aalis na siya, iiwan na niya talaga ako ng tuluyan sobrang sakit. Ang sakit sakit, please. Sana magising ako sa kasalukuyan na masaya kaming magkasama. kaso kahit anong gawain ko, wala. Hindi na siya maibabalik, hindi na siya babalik.
"Paalam, mahal ko." nasilaw ako sa araw na tumama sa mata ko at ng mawala ang silaw ng araw ay wala na din siya. Mas lalo akong nadurog at nalungkot, wala na talagang pag-asa. Talagang iniwan na ako ng babaeng mahal ko.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal ko."
Para akong isang lantang gulay na bumangon, gusto kong puntahan ngayon ang puntod ni Reyn ang babaing minahal ko nang sobra-sobra.
Kahit na nanghihina ako dahil sa panaginip ko ay sinikap kong kumilos para maging presentable sa harapan ni Reyn. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng bahay, dumaan ako sa isang flower shop at bumili ng paboritong bulaklak ni Reyn.
Maski sa loob ng kotse amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango, hindi ko maiwasang hindi malungkot, paulit-ulit nalang ang sakit.
Bumaba ako sa kotse bitbit ang bulaklak na para sa kanya, naglakad ako papunta sa puntod ni Reyn. Napagdesisyunan ko na ipagtabi ang puntod ng magkaibigan upang sa gayon ay magkasama sila.
"Sino ka?" tanong ko sa babaeng nakakulay itim na nakatikod sa akin, hindi ko makita ang reaksyon nito pero nagtataka ako kung bakit nasa puntod siya ni Reyn. Kilala ba niya ang asawa ko.
Aakmang aalis na ito ng tawagin ko ito, huminto ito pero 'di lumingon. "Kaano-ano ka ni Reyn?" Pero wala akong nakuhang sagot sa kanya, nanatili lamang itong nakatalikod.
"Sino ka?" medyo napupupos na ang pasensya ko dahil sa hindi pagsagot nito sa tanong ko. Hahabulin ko pa sana ito ngunit mabilis na itong naglakad, hinayaan ko nalang at humarap sa puntod ni Reyn. Inilabag ko ang bulaklak.
Umupo lamang ako hanggang sa mag-gabi, gusto ko lang na makasama siya kahit sa ganito lang. Mas mararamdaman ko siya kapag nandito ako. Maraming nasayang sa aming dalawa, mula sa aming kasal maski sa anak namin na sana'y masaya na naming pinapalago. Lahat ng 'yon, naglaho na parang isang bula. Sobrang bilis, nakakabigla.
Ako dapat ang nasa posisyon niya. Kung hindi lamang ako nangealam, edi sana masaya sila ngayon. Biglang umihip ang hangin, ramdam ko ang kakaibigang lamig na ito, galing ito sa taong pinakamamahal ko.
"Alam ko ikaw 'yan, mas gusto kitang maramdaman. Please, pagbigyan mo akong maramdaman ka ng matagal." tumaas ang balahibo ko sa hangin na dumampi sa aking pisnge.
Gumalaw ang bulaklak dala ng hangin kaya napangiti ako, kasama ko siya ngayon. Hindi siya nawala sa akin, siya talaga ang babaeng minahal ko. Siya ang nararamdaman ko.
"Ikaw nga, Reyn."
Wakas~
Note:
Maraming salamat sa mga taong mula umpisa hanggang dulo na bumasa nitong akda ko, bukod doon ay inaaalay ko ito sa isa sa mga taong hinahangaan ko -- ang babaeng minsang naging inspirasyon ko sa pagbuo nito. Salamat sa lahat guys. Lovelots!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro