Chapter 9
"CHASE, wala ka bang balita sa kaibigan mo. Ilang araw na siyang absent. Hinahanap na siya ng mga prof natin." wala akong ideya kung bakit ito absent, ni hindi ko nga nakakausap si tita. Ano kayang nagyayari sa lalaking 'yon, mukhang okay naman ito noong kinagabihan base sa boses nito.
"Alam mo namang hindi pa kami nagkakaayos," pinatay ko ang cellphone, "Puntahan ko nalang siya mamaya sa kanila." kumalumbaba ako upang pagtuunan ng pansin ang katabi.
"Sa tagal niyong pagkakaibigan saka pa kayo naging ganito, parang ang babaw naman ng pinanggalingan para humantong sa ganito. Ang tataas kase ng pride niyo, ni walang kahit isang balak sumuko." pinasadahan ko ng tingin ang babae, alam kong nag-aalala lamang ito sa aming dalawa kaya lubos ko siyang naiintindihan. Maliit nga naman na bagay ang pinag-ugatan nitong 'di pagkakaunawaan namin ni Rio. "Ilang beses kong sinabe na ikaw na sumuyo, panay ka naman dinadaga. Buset ka talalaga!"
"At bakit parang ako ang may kasalanan?" gusto kong matawa sa sinasabe ni Milan, parang nababaliw na siya kay Rio, eh. Hindi nga sila nag-uusap na dalawa at kung manermon siya akala mo sasabak sa world war 3. "Sa susunod nga siya ang kausapin mo at nang magkaunawaan na kayong dalawa."
"Huwag mo nga ibahin ang usapan, nakakainis ka. Bahala ka nga diyan!" nagwalk-out ang dalaga, hindi mo talaga mabasa minsan ang babaeng iyon. Parang araw-araw may shimmering splendid ang ugali.
Pero may punto talaga ito. Lagi kase akong dinadaga kapag malapit na sa bahay ni Rio. Naturingang kapit-bahay saka naman nahiyang magpakita dito. At baket kase napakaarte ng kaibigan niya.
Isang subject lang kami ngayon kaya maaga din kaming uuwe, ang kaso may pasok ako sa trabaho kaya kailangan ko ding pumunta agad doon. Friday naman kaya kaunti lang ang dami ng customers ngayon, normal na ang araw na ito para sa aming mga staff. "Milan, mauna na ako. Huwag ka ng bumusangot diyan. Mas lalong hindi ka magugustuhan ni Rio."
Nanakbo ako bigla dahil nagbalak itong sabunutan ako. Gigil na gigil itong nagdirty finger. "Buset ka! Ang panget mo talaga."
"Rio. Rio. Rio." pang-aasar ko pa lalo, halos umusok ang butas ng ilong nito dahil sa inis. Mabuti nalang talaga nakasakay na agad ako, kumaway pa ako dito at nakatanggap lang naman ako ng dalawang dirty finger. Ang lupet talaga.
Tumahimik na ako dahil medyo seryoso ang ilang pasahero pero may isang lalaki na agaw pansin. Sa jeep nagtiktok, hindi naman na niya pinansin dahil sa palagay ko may libre silang pass para gawain ito in public.
Hindi naman masama sa makatuwid ay nakakahikayat nga ito na maging libangan. "Para po!"
Bumaba na ako dahil ilang minuto na ang lumipas at late na ako. Mabuti nalang talaga buo padin ang sahod ko kahit na half day ako. May kaltas nga lang kapag late pero bawi sa over time.
Sa banyo agad ako pumunta para magpalit ng uniform, andito kase ngayon ang anak ng may-ari. Siya ang tumatayong tagahalili nitong cafe restaurant. "Chase." palabas na ako ng dining ng tawagin ako ni madam. Pumihit ako paharap dito at nakita ko itong abala sa laptop.
"Bakit po?"
Humarap ito sa akin at may inilabas sa bag niya, isang keychain ang kinuha niya na pahaba. "This is for you, I hope na magustuhan mo." lumapit ako para abutin ito. Pangalan ko ang pagkakaukit nitong keychain. "Maganda ba?"
"Opo. Maraming salamat po." masaya akong makatanggap ng ganito lalo na sa boss pa nanggaling. First time niyang makatanggap ng regalo muna sa ibang tao. "Sige na, go back to your work na."
Masaya akong lumabas sa pintuan, hindi lamang kasi ito pangalan ko dahil para sa akin may meaning ito. "Magandang hapon!" bati ko sa kitchen staff, kumpleto na kami ngayon. Baliktad 'no, kase dapat kapag ganitong 'di matao dapat may day off. Ang kaso tuwing friday ang araw ng paglilinis pero may kapalit ito, double pay kaming lahat.
Pagdating kase sa kalinisan isa ito na kailangan naming panatiliin upang 'di makasira sa pangalan ng cafe restaurant. Ayaw ng may-ari na nakakakita ito ng kahit isang hibla ng buhok sa sahig, pati ang alikabok ay mahihiyang magpakita dito. "Binigyan ka ni madam?" tanong sa akin ni ate Jan. Marahan akong tumango, nakakataba talaga ng puso.
Pinakita din nila sa akin ang sa kanila at lahat kami ay may kanya-kanyang kulay, may meaning nga talaga ito. "Jollibee tayo mamaya, oh!"
"Pagkain nanaman nasa isip mo ate kaya inaaway ka ni bossabos, eh." si manager ang tinutukoy ni Prince. Parehas na silang taken pero inaasar namin sila kase may chemistry sila para sa amin. "Manahimik nga kayo, kapag kayo narinig ni madam."
Mahina kaming natawa dahil biglang nagpasabog si ate Nini ng masamang balita. Walang pagsidlan ang kasiyahan namin ngayon, at hinihiling ko na sana hindi na ito masira.
Inilagay ko sa bag ko ang keychain para pag-uwe ko na ayusin. Kailangan ko munang magtrabaho dahil baka masita ako ni madam, ayaw pa naman noon ng maingay.
Inabala ko ang sarili ko sa paglalagay ng mga ginagamit ko sa pizza at salad. Para mamaya ay hindi maging hassle sa paghihiwa.
"Chase, pagkatapos mo diyan pumunta ka kay madam pinapatawag ka."
-----
Walang kaingay-ingay ang paligid ng maglakad ako pauwe, tulog na ang lahat ng tao. Ang mga alagang hayop ay nanatili na sa kani-kanilang tulugan. Nakakalungkot ang ganitong pakiramdam parang 'di ka kuntento na walang ingay.
Malapit na ako sa amin ng makita ko si mama sa labas ng bahay may kasama ito --- si Tita Neneth. Nagmadali akong lumapit sa kanila para malaman ang pag-uusap ng dalawa.
"A-anak?" malungkot ang boses ni mama, parang may nangyari na hindi ko alam. Bumaling ako kay tita ay naiyak na ito. "Ang kaibigan mo!"
Kaibigan. Pagkarinig ko ng salitang 'yon ay pinangilabutan ako. "Po?" naguguluhan pa ako, anong nangyari kay Rio. Unti-unti na din nanlalambot ang tuhod ko at parang matutumba ako.
"Wala na siya, Chase!" lumapit sa akin si tita Neneth at niyakap ako, "W-wala na ang anak ko, Chase!"
"A-ano po ang n-nangyari?" garalgal ang boses at anyseconds ay babagsak na itong luhang pinipigilan kong kumawala. Anong nangyari, ito ba ang dahilan ng pagkawala niya. Bakit parang hirap intindihin.
"N-nasa bahay pa siya, Chase." habang palapit kami sa bahay ay unti-unting pumapatak ang luha ko. Kahit naman ganoon 'yong kaibigan ko ay mahal na mahal ko 'yon, kapatid na ang turingan naming dalawa. Gusto kong umatras, gusto kong takasan ang pangyayaring ito kaso nandito na ako.
Patay ang ilaw ng buksan namin ito, bakit nakapatay dapat nakabukas ito. "Sorry, iho." itinulak ako ni tita sa madilim na bahay nila, magrereklamo na sana ako ng biglang bumukas ang ilaw at malakas na, "Happy Birthday, Chase!"
Naguluhan ako lalo na't nakita ko si Rio na buhay na buhay na nasa harapan ko, may bitbit itong cake. "B-buhay ka?"
"Gusto mo na ba akong mamatay, Chase. Baka gusto mong multuhin kita." lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Gago. Namiss kita!" wala na akong nagawa kundi yakapin din siya pabalik at doon ko napagmasdan ang ginawa nilang surpresa, natawa ako ng mahina dahil parang anniversarry namin ito ni Rio at hindi birthday ko.
May mga balloons kase at nakalagay doon ang mga mukha namin, may iilan ding banner na galing pa ata sa mga classmate namin. "Bakit ang aga namang surprise ito?"
"Of course, gusto ko ako ang unang babati sa'yo. Alam mo namang sinabe ko sa'yo na hindi kita susuyuin sinadya ko ang bagay na 'yon para mag-isip din at umiwas muna. Pinag-isipan ko ang araw na ito para magkaayos na talaga tayo."
"Baliw ka talaga. Akala ko patay ka na, umiyak pa akong agik ka." tinignan ko sina mama at ang kapuwa dalawa ay tumatawa. "Hindi po magandang biro ang ganoon." humingi naman ang dalawa ng paumanhin at sino naman siya para hindi magpatawad. Saka ginawa lamang nila iyon para kunsintihin si Rio. "At ikaw, ang lakas mong 'di mamansin!"
Hindi niya pinansin ang sinabe ko bagkus ay may ibinigay ito sa akin na regalo, "Regalo ko para sa'yo."
"Ikaw naman nag-abala ka pa." naging malikot ang mata ko sa hawak ko at sa kanya, nakangiti lamang ang loko. "Fuck. Gago ka talaga, anong gagawin ko dito sa condom!"
Ito ang laman ng regalo niya na ilang beses pa niyang binalot. Mahilig talaga siyang mag-aksaya ng pera, condom pa ang nais na iregalo sa akin, at talagang isang box pa. Ano ako adik sa se x?
Eh wala pa nga akong karanasan sa ganaang bagay, inosente ako pagdating sa ganito. "Painosente ka pa! Gamitin mo 'yan kapag nagkaroon ka ng pagkakataon."
"Siraulo talaga!"
Kahit hating gabi na ay kumain pa din kami ng niluto nilang spaghetti. Iisang putahe pero talagang nagustuhan ko dahil paborito ko.
Masaya ako kahit na nakalimutan ko na birthday ko pala ngayon. Masyado akong nagpakalunod sa trabaho at sa school works. Ni hindi ko na nga siya maalala, okay na din para makalimot.
Sa ngayon okay na ulit ako, kumpleto na ako. Bumalik na ang kaibigan ko at kuntento na ako doon.
Tumabi sa akin si Rio at inakbayan ako, kami nalang dalawa ang gising dahil natulog na sina mama at tita. "May sasabihin nga pala ako tungkol kay Reyn."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro