Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

ILANG ARAW na akong mukhang asong nag-aantay sa wala. Ni wala siyang paramdam sa akin, kapag tinatawagan ko naman ito laging out of coverage,  at kapag nagtetext ako ni walang kahit isang response.

Nababaliw na ako kakaisip kung anong nangyayari sa kanya ngayon. Hindi ko na masabi na may girlfriend ba ako dahil ni wala siyang pasabe.

Sinabi niya pang babawi siya, kailan ang araw na 'yon. Oo, nag-aaral kami pero kahit anong hectic ng schedule ko ngayon ay naglalaan ako ng oras para balitaan siya. Pero siya, hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya ngayon.

Ni isa sa mga kasamahan namin sa group, wala ding ideya kung anong balita kay Reyn. "Please, sagutin mo naman ang tawag."

Kung alam ko lang kung saan ito nakatira siguro kanina pa ako nagkukumahog na makarating doon kaso hindi, eh. Ni wala akong alam sa lokasyon ng tinitirhan niya. "Shit. Reyn!"

"Chase, ano ba yang ingay d'yan. Lumabas kana diyan andyan na papa at kapatid mo." Oo nga pala dadating si papa kasama ang isa kong kapatid. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto at humarap sa ama

"Si Chase ay palabas na ng kwarto, halina kumain na muna tayo." dinig kong sabi ni mama sa kausap, "Oh, nandito na pala." ani nito na nakita akong papalapit.

Si papa ang nilapitan ko at nagmano, "Kaawaan ka ng Diyos." binati ko din ang bunso kong kapatid na abalang nilalaro ang kutsara at tinidor.

Lahat sila ay nakaharap na sa habang kainan, nagkaroon lamang maikling panalangin na sinimulan ni mama. At nang matapos ay nagsimula na kaming kumain, si mama ang sumasagot sa mga tanong ni papa kase ako tahimik lamang na nakikinig sa kanila.

"Itong panganay mo, may girlfriend na. Reyn nga ba pangalan no'n?" hinarap niya ang ina at marahang tumango, "Ipakilala mo sa amin ng tatay mo kapag isinama mo dito."

"Matagal na ba kayo nak?"

"Hindi pa tay." tipid niyang sagot dahil hindi pa niya muling nakakausap si Reyn.

"Dati lang ay nahihiya ka pang manligaw ngayon ay may kasintahan kana. Sandali, nasaan ang kaibigan mong si Rio?" ang daming tanong ni papa. Si mama na ang sumagot dahil alam naman ni papa ang status namin ni Rio ngayon. "Ikaw na kaya ang sumuyo sa kaibigan mo, Chase. Alam mo namang ganoon talaga 'yong batang 'yon."

Sumagi na din sa isip ko 'yan kaso dinadaga ako kapag malapit na ako sa bahay nila. Minsan pa nga'y naabutan ako ni tita na nasa labas, niyaya niya akong pumasok kaso tumanggi ako. Bigla akong nahiya lalo na nung tawagin niya si Rio kaya ngali-ngali naman siyang umalis no'n.

"Puntahan ko nalang po ulit siya mamaya." siguro ito sa ngayon ang maasahan niya para mapawi man lang kahit papaano ang lungkot niya. "Ikaw pa, kamusta kayo?"

"Ito abala sa bagong project na ibinigay sa akin ng company. Malaking project ito at talaga namang napakasaya." bakas nga sa mukha nito ang kagalakan at kasiyahan sa tinutukoy nitong project, masaya ako sa kanya. Kahit naman may iba siyang pamilya ay tatay ko pa din siya. Saka hindi naman ito nakakalimot na padalhan si mama ng pera.

Marami pa silang napag-usapan bago magpaalam, may lalakarin pa daw silang requirements ni Junior sa high school.

Siya naman ay nagpaalam muna sa ina para puntahan ang kaibigan. Bumili muna siya ng peace offering para sa kaibigan, upang 'di naman masayang ang laway niya para suyuin ang kaibigan.

Sa ilang araw na hindi niya ito nakakausap ay nakaramdam na ako ng pagkamiss dito. At ang nakakaasar lang talagang pinanindigan niya na hindi ako suyuin at ako pa ngayon ang susuyo dito ngayon pero okay na din.

"Iho, pupunta ka sa bahay?" nakasalubong niya si tita Neneth na may bitbit na bilao, kakanin ito na ibinebenta niya sa kariderya nila.

"Opo sana nandoon po ba si Rio ngayon?"

"Oo kaso may bisita siya, puntahan mo nalang siya doon." umurong bigla ang dila niya, paano niya makakausap ang kaibigan kung may bisita itong iba. "Sige mauna na ako iho."

"Sige tita."

Sa bawat hakbang na ginawa niya ay kumakabog ang dibdib niya, nagdadalawang isip kase siya kung tutuloy siya o hindi. Ayaw niya namang makigulo sa bisita nito lalo na't bihira lamang may bumisita sa bahay nila.

Malapit na siya sa pinto, kakatok na sana siya ng may marinig na tawanan sa loob. Base sa pagtawa sa loob ay tatlo sila, sino kaya bisita ng mokong.

Tumalikod siya ng magbago ang isip niya. Hindi nalang muna sa ngayon, hahayaan niya muna ang kaibigan na mag-enjoy kasama ang bisita nito. Marami pa namang araw para suyuin ang kaibigan.

Nadatnan niya ang ina naglilinis ng sala at may pinapanuod itong palabas tungkol sa sikat na afternoon prime tungkol sa magkaibigan na nag-away dahil sa iisang babaeng nagugustuhan nila.

"Ginulat mo naman akong bata ka. Pumunta ka na, anong balita?" umiling siya dahil wala naman siyang balita na sasabihin sa ina. Ipinatong niya ang maliit na cake sa lamesa at walang kagatol gatol na pumasok sa kwarto.

Muli kong tinawagan si Reyn pero katulad kanina ay walang sagot na nangyari.

---
"SORRY, I'M BREAKING UP WITH YOU!"

Sa unang pagkakataon na may taong sumira sa tiwala ko, at ang mas matindi ito pa ang babaeng inaasahan ko na makakasama ko hanggang dulo. It's all mistake, she's nice for doing this. Gusto ko siyang kausapin kung bakit at anong dahilan ng makikipagkalas niya sa akin.

Wala bang isang daan porsyento ang ibinibigay kong pagmamahal sa kanya, saan ako nagkulang.  Ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi niya maramdaman na malayo kami sa isa't-isa.

Gusto ko man magwala at suyuin siya kaso nakapagdesisyon na siya. Hindi naman niya ito sasabihin kung hindi siya sigurado sa gusto niyang mangyari. Tanga lang ako dahil naging kampante ako na akin siya.

Iniiyak ko lang ang sakit na nararamdaman ko kase sa bawat sandali na nakasama ko siya ay pinahalagahan ko. Sa bawat ala-ala na nabuo sa maikling panahon ay hindi niya makakalimutan.

Aminado akong masakit pero anong magagawa ko, kailangan kong bumangon para sa sarili ko. Kailangan kong pumasok para sa kinabukasan ko at mas lalong kailangan kong ipokus ang sarili ko sa trabahong nag-aantay sa kanya. Ibubuhos niya ang sarili niya sa lahat ng bagay na makakapagpaalis ng lungkot niya.

Umalis ako sa grupo at naghiatus ako sa Facebook. Kailangan kong magsimula para sa sarili ko lalo na't tumatanda na si mama. "Ilang linggo na kayong walang pansinan ni Rio, ah."

"Gusto ko munang mapag-isa, Milan. Siya nalang muna ang kausapin mo." Isa pa ito, hanggan ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos ni Rio.

Bumuntong hininga ako at inalis muna ang ma bagay na iyon sa isipan ko. Saka ko haharapin si Rio kapag natapos ko na itong report para sa darating na lunes.

Putang gala. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya, gustong - gusto niyang pumunta ngayon sa paaralan ni Reyn para magmakaawa dito na huwag siyang hiwalayan. Fuck. Pagkatapos kong ayusin ang report ay tumungo ako, doon nagpatakan ang luha sa aking mata.

Sige, iiyak mo lang hanggang sa maubos. Tanging sarili ko nalang ang karamay ngayon. Kailangan kong maging matatag, kailangan kong tanggapin ang katotohanan na wala na kami.

Bumili ako ng alak sa tindahan at nilaklakan ito, baka sakaling makalimutan ko ang araw ngayon. "I'm so stupid. Nagmahal ako pero ginago ako!"

Dahil sa babae narito ako ngayon, luhod na luhod sa kalungkutan. "Wala man lang siyang sinabeng dahilan." tumawa ako ng tumawa hanggang sa muling magpatakan ang mga luha ko. "Ang sakit sakit dito." sinuntok-suntok ko ang dibdib ko para mawala ang sakit pero parang pinipiga ito. Ano ba ang mali, nagmahal lang naman ako. Nagmahal ako pero sinayang ako.

"Mahal na mahal kita!" lumagok akong muli, ramdam ko na ang kalasingan kahit na nakadalawang bote pa lang ako. "Hoy, magbrebreak din kayo!" sigaw ko doon sa dumaang magsyota na kung mag harutan ay akala mo ang gandang tignan. "Iiwan ka din niyan!"

Huminto sila at humarap sa akin, "Oh baket pare, lalaban ka. Ano, dali. Lumapit ka dito! Saktan mo ako kahit durugin mo pa lalo ang p-puso ko." umamba na ang lalaki kaso naawat siya ng babae, ang sweet naman ng babaeng ito. Sana hindi siya katulad ni Reyn na sa una'y hindi nagparamdam tapos nakipagbreak.

"Chase, umuwe ka na!" hinila nitong babae na ito ang iniinom kong alak, "A-ano ba!? Ibigay mo sa akin 'yan!"

"Umuwe kana!"

"S-sino ka ba!" nilapit ko ang mukha ko sa babae at napagtanto ko kung sino ito, "M-mama. Ang mama kong maganda at m-mapagmahal. Halika ma, payakap!"

"Tumigil ka nga d'yan, nakakabulahaw ka ng mga natutulog!" hindi ko pinakinggan si mama bagkus ay yumakap ako sa kanya, doon ako mas lalong umiyak na parang bata. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawala ang sakit pero kahit anong gawain kong pag-iyak naroon pa din ang sakit.

Sakit na ibinigay sa akin ng babaeng minahal ko ng sobra pa sa pangarap ko. "Magpahinga ka muna 'nak, alam kong maghihilom din ang sugat dyan sa puso mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro