Chapter 5
PAGKATAPOS ng klase namin ay agad akong nagtungo sa banyo para makapagpalit ng maayos na damit na para komportable.
Sa tanang buhay niya ngayon lang niya hindi isasama si Rio at alam ko namang naiintindihan niya ako. Lumabas na ako ng school at nag-abang ng masasakyan sa waiting area, pinara ko ang natanaw kong plaka na patungo sa pupuntahan ko. "Kuya, SM."
Kinuha ko ang cellphone at tsinek kung may chat o message ba si Reyn at mayroon nga. Pagawas naraw sila at kailangan kong mauna sa meeting place namin, hindi niya kase ako pinayagan na pumunta sa oras ng pag-aaral niya at baka 'di niya ako maharap.
Pumayag naman ako na magkita nalang kami kaysa nga naman na gulatin ko siya tapos mauuwi lang sa wala.
"Papunta na ako sa SM." napangiti ako sa naging sagot nito, oo mag-iingat ako dahil ihaharap pa kita sa harap ng altar. Para tuloy akong sinisilihan sa katawan dahil 'di ako mapakali. Bukod sa ito ang unang byahe ko na mag-isa ay panay ang tingin ko sa cellphone ko.
Sobrang excited lang siguro ako kaya ako nagkakaganito. Gustong-gusto ko na siyang makita, ilang araw ba naman kaming 'di nagkita dahil parehas kaming busy. Sumabay pa ang last day ng OJT namin.
Nagpasa pa kami ng resumé sa JCO na malapit sa bahay ng isa naming kaklase, kumbaga nirecommend lang sa amin ng jowa niya.
Kailangan na din naming magkaroon ng work lalo na't nagkasabay-sabay ang mga bayarin sa school.
Kakayanin namin ni Rio na maging working student, sa palagay ko mahirap pero kailangan talagang kayanin namin. Para may maibigay ako sa aking iniirog, shit ang korni nung mais na niluto sa cafeteria.
Tumunog ang cellphone ko kaya ngali-ngali ko itong kinuha. Si Reyn ang tumatawag, "Hello, malapit na ako."
"Kakalabas lang namin. Ingat ka."
"Ikaw din po, I love you."
"Sus. I love you din planner ko." planner. "Biro lang, Chase!" hindi ko kase siya pinayagan na tawagin ako sa ganoon dahil masyadong pormal saka napakaunique ng surname ni papa.
Speaking of my dad, wala na siya. I mean sumakabilang bahay na. Okay naman para sa amin kase iwas gulo, magkasama nga sila ni mama hindi naman sila masaya tapos panay pa lagi silang nag-aaway.
Kasama ni papa ang isa kong kapatid pero bihira lamang bumisita sa bahay. Siguro busy sa pag-aaral, namimiss ko sila pero wala akong magagawa. "Anong gusto mong kainin?"
"Pwede bang ikaw." narinig ko ang mahina niyang pagtawa, napakamatured naman ng magiging asawa niya soon. "Charot."
"Huwag mo na ulitin 'yon. Lalaki ako at marupok minsan baka kumagat ako sa sinasabe mong 'yan. Saan ba gusto mong unahin?" maski ako ay natawa sa sarili kong kalokohan, parehas pa kaming nagsisihin sa huli.
"Pilyo ka kamo." pasaway talaga. "Mag-ingat ka sa pagtawid, Chase. Magi- I do pa ako sayo."
"I do, myloves." maganda pakinggan ang mga myloves kaysa sa pangalan lang, mas may sweet impact kapag may callsign kahit na 'di naman makakain. "Ikaw din po mag-ingat."
Natapos ang usapan namin sa pagpalitan ng 'I love you'. Nailang naman tuloy ako dahil napansin kong pasimple akong tinitignan nung highschool student na sa tingin ko ay Grade 10 palang.
May isang pasahero pa na nagvi-video sa sarili at alam ko na 'yon. Ang usong-uso ngayon na pampawala ng kalungkutan ito ay TIKTOK application na pwede mong gawain lahat.
"Para po." bumaba na ako sa baba ng over pass dahil 'di naman talaga ako tatawid kase takot akong masagasaan. Bata pa ako nung maranasan kong mabunggo ng motor, mabuti nalang talaga di halata kaya naglakad nalang ako ng hindi ako mahahalata.
Umakyat ako sa overpass at sinabihan ko si Reyn na nandito na ako sa SM at papasok na. Inayos ko ang sarili ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Sa national book store siya bumagsak gusto niyang bigyan ng wattpad books ang kasintahan. "Ano kayang genre gusto niya." hawak niya ang libro ng MAGKAPATID na isang short story na may dramang kasama at suspense. At ang isa naman ay akda ng kilala niyang manunulat.
Parehas niya nalang pinili at binayaran na ito sa cashier. Sa foodcourt na agad siya dumeretsyo ng matapos, malapit na din daw kasi si Reyn kaya kailangan niyang mauna para makaorder ng pagkain. Dahil sa kaharutan naming dalawa, nawala na sa isip ko na ulitin ang tanong ko. Isang malaking pizza nalang ulit inorder ko at dalawang frappe.
Umupo na ako at doon nalang inantay ang order namin ni Reyn. Itinext ko na din sa kanya ang table number namin para 'di na siya masyadong maghanap.
Kasama nga pala niya ang kaibigang si Julienne dahil gusto raw ako makilala in person, okay naman para sa akin dahil mas makikilala ko sila sa paraang ganoon. Hindi naman niya pag-aari ng buo ng girlfriend dahil may sarili din naman itong buhay.
Hindi siya tulad ng iba na jowa mo palang marami ng don't and do's. Wala sa bokabularyo niya ang ganoon.
---
"Chase, sorry masyado kaming natagalan. Dumaan pa kase kami sa store para bumili ng cosmetics."
Ipinaghila ko siya ng upuan pati ang kaibigan nitong si Julienne. Ang cute nilang tignan, parehas silang -- maganda. "Hindi mo ata kasama si Rio, ipapakilala ko pa naman sana siya dito kay Yen."
"Hindi ko muna sinama. Hayaan mo sa susunod, isasama ko na siya para makilala siya nitong kaibigan mo."
"Huwag niyo naman akong ibugaw."
Kapuwa kaming nagtawanan at nagkwentuhan pa ng mga iilang bagay tungkol sa bawat isa. Dumating man sa puntong gusto kong masolo si Reyn ay hinayaan ko nalang na mairaos namin ang oras na magkasama.
"Alam mo ba, Chase. Lagi kang ikwinekwento nito sa amin. Parang baliw na baliw sa'yo. Ano bang pinakain mo dito?"
"Pagmamahal." tipid kong sagot, wala naman akong ibang masagot dahil wala naman akong ibang pinapakain sa kanya kundi itong pizza lang.
"Sana all may jowa." may kabaliwan din itong batang to. "Sandali nga gagamit muna ako banyo."
Gusto niyang magdiwang dahil masosolo niya ng ilang minuto ang girlfriend niya. Tumayo ako at naupo sa inuupuan ni Yen. "Myloves, ang ganda mo ngayon."
"Ang gwapo mo naman po." hinalikan niya ako sa labi at niyakap. Ipinatong ko naman ang ulo ko sa kanya. "namiss kita, Chase."
"Kung alam molang kung gaano kita namiss, Reyn. Hindi ako kumpleto kapag 'di kita nakakasama. Ikaw na ang naging gamot ko sa kalungkutan at naging kasiyahan ko." hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon ng makilala ko siya. Mas kumilang ang mundo nung nakilala at naging akin siya.
Siguro kung 'di gumawa ng paraan si Rio siguro wala akong Reyn D'amelia ngayon na mamahalin at aalagaan ko. Isa si Rio sa pinapasalamatan ko, at syempre naging malakas ang loob ko.
"Ikaw naman ang naging happy pill ng aking makulit na mundo. Dati kuntento na ako na may kaibigan lang pero ito dumating ka sa buhay ko. Binago mo ang pananaw ko, masaya akong naging parte ako ng buhay mo." tumingin ako sa mga mata niya ramdam ko ang sinseridad ng pagmamahal niya sa akin at bibigyan ko siya ng mas maraming dahilan para patuloy na mahalin ako.
"No to PDA, guys!" hinarap namin ang nagsalita at nakapamaywang ito sa amin. "Umalis lang ako nilalanggam na dito. Daming langgam."
"Bruha ka!" naupo na si Yen sa inupuan ko at may sinabi lang siya sa amin bago nagpakaabala sa cellphone niya. Hinayaan niya lang kaming dalawa ni Reyn na magkaroon ng quality time na siyang ipinagpapasalamat ko.
Marami kaming napag-usapan ni Reyn, nagkwento kami tungkol sa mga makabuluhang bagay. Lalo na sa mga isyu sa bansa, nakakatuwa dahil parehas kami ng interes sa buhay.
Hindi nakakataka na maging kami at magsama habang buhay. Ang smooth ng relasyon namin at ni wala akong makitang magiging hadlang sa samahan namin. Parehas kaming may utak at alam namin ang tama at mali.
May tao bang walang utak? Well, kung 'di ito gagamitin sa tama. Bakit napunta na ako sa utak, loko-loko talaga. "Gusto ko 'yong part na nakilala ni boy si girl sa isang party."
"Unang beses na nag-attempt si boy na magtapat ng nararamdaman niya sa girl kaso naunahan siya ng kaba." parehas kaming natawa sa pinag-uusapan, isang itong sikat na story at talaga namang maraming tumatangkilik.
Sa buhay talaga mahahanap mo ang tunay na kasiyahan kapag kumilos ka. Madalas kase na panay lamang tayo reklamo pero wala namang ginagawa. Mas mainam talaga na sa atin mismo magsisimula ang pagkilos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro