Chapter 3
"GUSTO MO BA AKO?"
Hindi ko alam sasabihin ko kaya ilang minuto akong nakatulala sa tanong niya. Bakante ang araw namin dahil sabado na ngayon, maayos namin nairaos ang buong research at ready na kaming humarap sa wenesday. "Anong tinutunganga mo d'yan?"
Wala na ata akong matatago sa kaibigan kong ito dahil lahat ata ng nangyayari sa buhay ko ay alam niya, maski ang tunog ng paglakad ko at baho ng utot ko. "Reyn." pangalan lang ang nabanggit ko pero kung makangiti siya ay akala mo siya ang nanalo sa lotto.
"Kalat na sa WRA ang anumalyang nararamdaman niyo sa isa't-isa, Chase. Kung ako sa iyo, ipagtapat mo na sa kanya." napaisip ako sa sinabi niya kase may punto ito. Paano hindi malalaman ng ibang members, eh kung tuksuin kami ng ibang kakilala namin. "Kahit na nagseselos ako, okay lang 'yon."
"Hindi ko pa alam ang isasagot ko. Natatakot pa ako, Rio." nakatanggap ako ng isang malutong na sapok kaya napaurong ako. "Gago ka kamo!"
Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa harapan niya. Pumasok ako sa kwarto ko at nilock iyon. Naupo ako at tinignan ang chat ni Reyn. Paano ko ba sasagutin ito.
Bumuntong hininga ako at muling nagtipa, "Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito." panimula ko, pinagtaasan naman ako ng balahibo. "Gusto kita. Oo kaso natatakot pa akong makipagcommit sa isang relasyon na hindi ko naman alam kung kaya kong panindigan hanggang dulo."
"So ako lang pala itong umaasa na mas lalalim pa ang pagkagusto natin sa isa't-isa?" napanganga ako sa nabasa ko. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, nagkamali siya ng pagkaintindi.
"Wala sayo ang mali. Nasa akin ang problema."
"Huwag mo na akong ichat, nakakawalang gana ka. Nagsayang lang pala ako ng kilig at ngiti sa'yo!" Pwede pala 'yon, ang paghinayang ang kilig at ngiti na naibigay sayo ng taong inasahan mo.
"Sorry."
Hindi ko gustong manakit pero nakasakit na ako. Hindi naman kasi ganoon, eh. Umaabante pa ako sa kung anong dapat sabihin. "Nakakainis ka, Chase!" bulyaw ko sa sarili ko, pinatay ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto.
Si Rio agad ang nabungaran ko na abalang pumapapak ng milo. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa likod siya. "Galit siya sa akin."
"Bakit?"
"Sinabi ko na baka 'di ko mapanindigan hanggang dulo. Alam mo naman ako, mabilis manawa. Ayako lang makasakit ng puso kung papairalin ko ang kapusukan ko."
"Siraulo ka." nakakawalang lakas talaga kapag may ganitong agam-agam kang nararamdaman. Buong araw akong aligaga at hindi makausap, maski sina mama ay hindi ko kinausap.
Ikinulong ko lang sarili ko sa kwarto habang nakaharap sa litrato ni Reyn na nasa laptop. "Sorry. Pinakawalan pa kita. Hindi na nga ata pagkagusto itong nararamdaman ko sa'yo kundi pagmamahal na."
"Bakit kase ganito ako. Bakit ako pa ang makaranas ng ganitong bagay, marami namang iba dyan na kayang umunawa sa sitwasyon ko." pinunasan ko ng ilang butil ng luha sa aking mata at humarap sa salamin. "Itong mukhang ito akala mo gwapo pero walang kuwentang tao talaga."
Sinita ko ang sarili ko sa naging asta ng isipin ko. Nakakabaliw palang magmahal. Pakiramdam ko na pasan-pasan ko ang mundo sa bigat ng dibdib ko ngayon. "Chase, gusto mo bang gumala?"
"Ililibre kita." hindi ko siya sinagot, tinatamad pa akong lumabas para magliwaliw. Saka may ibang araw pa naman para maggala.
"Chase. Para kang siraulo d'yan. Basted bastedin mo tapos ikaw itong nagmumokmok r'yan. Parang ginagago mo ata sarili mo."
Totoo ang sinasabe niya. Si Reyn nga ang dapat masaktan dahil sa ako ang sumira sa pantasya niya tapos ako itong akala mo babae na nag-iinarte na wala namang korte.
Ito ang problema sa ating mga nagmamahal kahit na wala naman tayong dapat ikalungkot ay ginagawa pa din natin. "Lumabas ka na nga!"
"Hindi ako gagala. Umuwe kana muna, Rio. Aralin mo research natin." wala na akong narinig na ingay sa labas kaya nahiga nalang ako at nagisip-isip.
Ilang babae na ang sinayang ko dahil sa karuwagan siguro naman ay ito na ang sapat na panahon para maging matapang.
---
"MAG-USAP TAYO, REYN!"
Hindi siya sumagot kaya nanatiling tahimik ang kanilang linya. Mabuti nalang may kaibigan akong maaasahan sa ganitong bagay. "Ano sumagot na?"
Umiling ako. "Alam kong hindi madali na mawala ang sakit na naidulot ko pero bumabalik ako ngayon para magsimula tayong dalawa." narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga, nakikinig siya pero ayaw niyang magsalita. "Hindi kita gusto dahil mahal na pala kita."
"Anong akala mo sa akin laruan na kapag kailangan mo na ulit saka mo babalikan. Pwes, hindi ako laruan. Manigas ka dyan!" ibinaba nito ang tawag kaya napasandal nalang ako sa upuan. Ilang araw na ang lumipas pero hindi niya pa din ako pinapansin.
"Gusto mo ako kumausap?" umiling ako sa gustong mangyari ni Rio, siguro bigyan ko muna ng ilang araw pa si Reyn para mag-isip. Ayako namang mapilitan lang ito sa magiging sagot niya.
"Hayaan na muna natin." umayos ako ng upo at inilabas ang pinabook-bind namin na research.
Ngayong araw na din ang pagharap namin sa mga panelist para bigyang buhay ang ginawa naming research. I hope na malampasan namin ito ng matiwasay.
Sa trenta minutos ay nailahad namin lahat ng mga kailangang ipaliwanag. Binigyan nila kami ng karagdagang ideya para mas maging banayad ang takbo ng research. May ilan din na nasobrahan sa sentence kaya binigyan nila kami ng oras para ayusin ito.
Nagtaka pa nga sila dahil ang ganda raw ng ginawa naming topic at maganda ang pagkakalahad ng bawat chapter.
"Thank you, po!" sabay kaming nagpasalamat ni Rio at nagpaalam. Pagkalabas namin ng pinto ay doon ako inakbayan ni Rio, "Samahan mo ako sa SM."
"Gagawin mo do'n?"
"Lalangoy ako sa SM. Sumama ka para naman mawala sa isip mo ang kabaliwan mo." susuntukin ko na sana siya ng lumapit sa amin ang ilang classmate at nagtanong kung ano-ano raw itinanong sa amin. Sinabihan ko nalang sila na huwag kabahan dahil mabait ang mga panelist.
Saka para ngang baby thesis lang ito dahil hindi naman masyadong nagtanong ang mga panel. Tinignan lang nila 'yong ilang masyadong OA na form of paragraph. Tapos 'yong mangilan-ngilan na typos. Madali nalang ito para kay Rio.
"Samahan mo ko." tinignan ko siya at abala siyang magtipa sa cellphone. Busy na busy ang mokong wala namang jowa. Magkajowa man, agad din nagbrebreak. Parehas na parehas talaga kami ng ugali. "Ayako nga baka mamaya maging third wheel pa ako."
"Third wheel raw, sakalin kita dyan eh!"
"Libre mo ba?" nilakihan niya ako ng mata kaya siniko ko siya. Nagmukha tuloy siyang kuwago sa ginawa niya. "Huwag mo na ulitin, Rio. Nakakatakot itsura mo. Promise."
"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan baka inihulog na kita dyan sa inuupuan mo."
"Siraulo. Pwede na bang umuwe?" tanong ko sa kanya na abala padin sa cellphone. Masira sana cellphone niya. "Ano ba 'yang kinakaabalahan mo?"
"Pwede naman na umuwe kaso ikaw itong naupo pa dito." natanga ako sa kanya, bakit hindi niya agad sinabe. Kung sinabi agad nito siguro nasa bahay na sila ngayon o nasa SM. "At pangalawa, wala kang pakealam doon."
"Walang kwenta talaga!" iniwanan ko na siya at bumaba na. Hindi ko alam kung sumunod na ang mokong bahala siya sa buhay niya. Pumasok muna ako sa comfort room para humarap sa salamin. Inayos ko ang pula kong polo at tie na bumagay sa suot ko. "Gwapo nga ako wala namang lakas ng loob para magkajowa."
"Gwapo kana dude."
"Wala namang bago do'n." kapag talaga nasa mood ako, puring-puri ang sarili ko. Well, hindi mapagkakaila dahil magandang lalaki ang tatay ko at magandang babae ang mama ko.
"Oo. Maski nga si Methanol may gusto sa'yo, eh." natawa nalang siya sa methanol, hindi talaga methanol ang pangalan no'n. Kumbaga parang petname lang dahil isa ito sa manunulat ng wattpad.
"Kapag ikaw talaga narinig ni Milan lagot ka."
"Hindi naman ako natatakot sa Milan na 'yon!" I smell something fishy, mukhang naging isda ngayon ang kaibigan at may lihim na pagkagusto kay Milan. Milan is a nice girl, cute and friendly. Likas din itong maganda kahit na may kaliitan, matambok din ang pisnge nito at palaban.
"Ayaw mo sa kanya?"
"Hell no. Tara na nga!" mukhang mawawalan sa mood ang mokong, mabuti nalang talaga mabait ako at hinayaan na siyang manahimik.
Sumunod nalang ako sa kanya palabas at speaking of Milan. Sumalubong ito sa amin at kumaway, "Hi boys!"
Pagkatingin ko kay Rio, nakabusangot na ito. Hindi niya nga ba talaga feel ang presence ni Milan. "Oh, kamusta defense?"
"Okay naman. Sana kayo pupunta?"
"Is none of your business, lady." si Rio ang sumagot kaya umurong ako para sila ang makapag-usap.
"Oh. Who are you?" smooth. Pigil ang pagtawa ko dahil baka mainis lalo si Rio. Kumunot ang noo nito at nakipagtitigan sa babae. "Hindi naman ikaw ang kausap kaya huwag kang umepal!"
"Chase, bukas nalang tayo mag-usap. Sarap kutusan ng kuto na kasama mo. Lezzgo girls." tumango ako ng nakaalis sila lumapit naman ako sa kaibigan ko at inakbayan ito.
Mukhang pasan na ni Rio ang langit at lupa dahil sa itsura nitong pang memes.
Hinayaan ko nalang itong mainis at ako na ang humila dito palabas para mag-abang ng jeep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro