Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

"NAKITA NIYO BA ANG ITSURA NG NANLOOB?"

Wala kaming kahit anong ideya kung sino ang nanloob sa amin at kung ano ang dahilan nito. Hindi naman dahil magnanakaw ito dahil wala namang nawala sa ibang gamit namin. "Hindi namin namukhaan pero parang may personal na galit ito sa amin."

"Kung ganoon may nakaaway ba kayo nitong nakalipas na araw?" umiling ako dahil simula pa nung una ay wala na kaming nakaalitang dalawa ni Chase, dahil iniingatan namin na masira sa ibang tao.

"Wala din." Si Chase na ang sumagot at nakipag-usap sa mga pulis dahil pumasok muna ako sa kwarto. Sumakit ang ulo ko sa nangyari, ano ang dahilan ng nanloob sa amin, may kinalaman ba ito sa mga pumatay sa kaibigan ko.

Pwede nga na ganoon dahil hindi pa nahuhuli ang isang pumatay sa kaibigan ko, pagala-gala pa ito sa paligid. Kinalibutan naman siya sa naisip, kailangan naming mag-ingat sa taong 'yon. Lalo na't nagbitaw ito ng salita na hindi pa ito huling mangyayari. "Okay ka lang?"

Tumabi siya sa akin, "Sa tingin ko may kinalaman ito sa pumatay sa kaibigan ko."

Marami kaseng posibilidad pero ito ang nakikita niyang mas pumapasok sa sitwasyon ngayon. "Kailangan natin mag-ingat, Chase. Baka mapahamak ang bata."

"Walang mangyayaring masama dahil sisiguraduhin ko na hindi na ito mangyayari." paninigurado sa akin ni Chase, dahil sa sinabi niya ay nawala ang takot ko, pero kinakabahan naman ako para sa aming dalawa.

"Sa bahay kaya muna tayo ni mama." suggestion ko para makaiwas kami sa dalawang pumasok sa kanila. Tiyak hindi sila mapupuntahan doon dahil wala namang ideya ang nanloob sa personal nilang impormasyon.

"Bukas nalang ng tanghali pagkatapos ng appointment ko, hintayin mo nalang ako sa office."

Hindi porke kampante na ako ngayon ay hindi na ako mangangamba sa buhay naming dalawa ni Chase -- lalo na sa baby. Hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas-himas ito. "Baby, kumapit ka ng mahigpit kay mommy."

"Baby, waiting na sayo si daddy." paghimas ni Chase sa aking tiyan, pinakinggan pa niya ang tiyan ko kung may gagalaw ba. "Magpahinga na tayo, loves."

Isinara na nito ang pinto at tumabi sa akin, hindi agad ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Inuusig ako ng mga posibilidad na mangyari, ayakong mapahamak kami. At kung sino man ang may gawa nito ay manahimik na lamang dahil hindi naman namin alam kung anong dahilan nila.

Sa bawat ingay na naririnig ko sa labas ay nagigising ako, nagiging paranoid na ako. Kailangan ko ng matulog para bukas, kailangan namin na maagang pumunta sa office nila Chase dahil doon gaganapin ang meeting.

Lord, guide us. Amen.

Humarap ako ng pagkayakap kay Chase, muli ko nanamang napagmasdan ang mukha nito. Mas lalong nagwapo ang mapapangasawa ko, bakas pa din ang kanyang kakisigan.

Idinikit ko ang labi ko sa noo niya pati sa tungki ng ilong nito, hindi ko din pinalampas ang mapulang labi ni Chase. "Panakaw ng isang halik."

Pagkatapos kong nakawan ito ng halik sumubsob na ako sa dibdib nito at pumikit na para makatulog. Past 12 na din naman.

"HINDI ako pwedeng magkamali, may sumusunod sa atin ngayon!" natataranta ako ngayon dahil may sumusunod sa amin na dalawang lalaki. Napansin ko ito ng tumingin ako ng damit na isang shop, "Halika na umalis na tayo dito!"

"Mauna kana sa kotse kailangan kong malaman kung sino ang mga tarantadong 'yon."

"Chase, umalis nalang tayo!" hindi ito nakinig sa kanya kaya pumunta nalang ako sa kotse para doon antayin siya. Sinigurado ko na nakasaradong maigi ang kotse incase na may masamang loob na lumapit sa akin.

Jusko, nasaan kana ba? Nakagat ko ang daliri ko sa pag-aalala, sinabe na kaseng umalis na sila pero hindi pa ito nakinig. Pinag-aalala niya tuloy ako, pero sa kanilang banda gusto ko din makilala ang nasa likod nito, kung tama ba ang hinala ko na may kinalaman ito sa pagpatay kay Yen. "Oh, sinisiswerte ka naman talaga!"

Kinilabutan ako sa narinig ko, napaidtad ako dahil sa gulat. "Lumabas ka dyan."

"Sinabe ng lumabas ka dyan!" hindi ako makagalaw dahil sa takot, kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam kong hindi niya ako sasantuhin. Pinipilit nitong buksan ang pinto pero hindi niya magawa. "Ginagalit mo ako, ah!"

"Umalis ka na. Sino ka ba! Bakit mo ito ginagawa sa amin!"

"Lumabas ka dyan at ipapaliwanag ko sa'yo!" Chase, nasaan ka na ba? Umiling ako dahil wala akong tiwala sa isang ito, hindi nila ako mauuto. Gasgas na ang stratehiya nila na linlangin ang papatayin nila. "Ayaw mong lumabas, sige."

Please, umalis ka na. Tinatatagan ko ang sarili ko lalo na't nakita kong naglakad ito paalis pero isang kalokohan lang pala 'yon ng makita ko itong dumampot ang matigas na bagay.

Paano nagkaroon ng ganoon doon, put in a mess naman na mga staff ng mall ko. Wala naakong choice kundi gamitin ang kotse, halos masapo ko naman ang noo ko ng hindi ko makita ang duplicate key sa secret box ni Chase. "Nasaan ba iyon, makisama ka naman susi!"

"Yuhoo, ready to die na ba?" nilingon ko ito pero pinagpatuloy ko ang paghahanap ko, nasaan kase 'yon. Bakit wala dito, nadismaya ako ng maalala kong kinuha ko nga pala nung nakaraan at hindi ko pa naibabalik. "Ang tanga mo Reyn!"

"Bubuksan mo o mapapatay ka sa ligaya?"

"Gago, huwag kang manyak!" Loko-loko ito ah, gusto pang umisa. Kita ng natatakot ako sa presensya niya. "Hayaan mo nalang kase ako dito!"

"Dream on. Masasayang ang binayad sa akin kung hindi kita mapapatay!" napatili ako ng basagin nito ang salamin ng kotse, shit. Humanap nalang ako ng pwedeng ipandepensa sa mokong na'to. "Lumapit ka dito, bruha ka."

"Bitawan mo damit ko gago, bakla ka ba!?" pang-aasar ko dito dahil parang nabobohan ako sa inaasta niya, Ewan. Imbes na mangamba ako lalo at natatawa nalang ako sa sitwasyon naming dalawa. Halatang baguhan palang sa ganito.

"Ginagalit mo talaga ako, ah!" buhok ko ang hinila ito kaya napadaing ako sa sakit, gago ito ah. Parang bakla, pumapatol sa babae. Sinipat ko ang makeup it ko sa bag at ngali-ngali itong inihampas sa kamay niyang nakasabunot sa akin. "Cheap mo naman, hindi ako masasaktan dyan bruha!" Baklang killer.

"Sabi na kaseng bitawan mo buhok ko!" Itinusok ko ang eyeliner ko sa braso nito kaya nabitawan niya ang buhok ko, sinamantala ko ang pagdaing nito sa akin at dali-daling lumabas ng kotse.

Marahan lang ang ginawa kong pagtakbo dahil sa baka mapano ang baby ko. "Hoy! Hayop ka."

Matulin pero may pag-iingat akong tumakbo, hindi niya ako pwedeng maabutan, papatayin ako nito lalo na't may inilabas itong kutsilyo.

"Sige. Takbo lang. Mahahabol din kita!" pagod na ako, hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko, nasaan kana ba kase Chase.

Nilingon ko ang lalaki at malapit na ito sa akin, lumiko para sana umiwas ng may humila sa akin.

"Ahhhhhh!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro