
Chapter 2
"SELOS NAMAN AKO SA INYO!"
Ginagago ata ako nitong kaibigan ko. May nalalaman pang selos-selos, eh. Wala naman sila ni Reyn. Saka kakakilala pa naman namin nung tao, "Itsura mo, Rio!"
"Para kang siraulo!" dugtong ko pa, napayuko nalang siya sa sinabe ko. "Ano bang kinaseselos mo d'yan?"
"Huwag mo ng alamin." bakas sa boses nito ang kalungkutan, hindi bagay sa kanya parang ewan na natatae. "Dyan ka na sa Reyn mo!" nagulat ako sa padabog nitong pag-alis at sinipa pa nito ang lata na nadaanan niya.
"Rio?" sinundan ko siya at inakbayan. Ayako namang sumama ang loob nitong kaibigan ko dahil sa hindi ko malamang dahilan kaya pinisil ko ang pisnge nito. "Okay ka lang?"
Umiwas siya ng tingin sa akin at pilit na inaalis ang pagkaakbay ko sa kanya pero ibinabalik ko din naman agad. "Hindi na ako admin ng group, bumaba na ako." nagulat ako sa sinabe niya pero hindi ko na inusisa pa 'yon dahil masyadong madamdamin itong kaibigan ko.
"Tara sa transport libre kita." pagyaya ko dito baka sakaling mabawasan ang hinuhimutok ng kalamnan niya. "Ano gusto mo?"
"Kahit ano." natawa ako dahil may nabibili bang kahit ano, depende nalang siguro kung assorted ang bibilhin kaso hindi, eh. Nakakadala ang lungkot nitong kaibigan ko.
"Pumili ka ng gusto mo at ako ang magbabayad." iniwan ko muna siya dahil may gusto akong bilhin para mawala ang inaarte ng mokong. "Ate, isa nga nitong chocolate cake." Isa ito sa paborito ni Rio, napapagaan ng matamis ang mood niya. Para kaseng babae ang kaibigan niya kapag naghihimutok, daig pa ang babae.
Bitbit ko ang cake na nabili ko pabalik sa pinag-iwanan ko kay Rio. At nadatnan ko siyang tahimik na nagtitipa sa cellphone niya. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. "Binili kita ng cake na gusto mo."
Pinatay niya agad ang cellphone at nakangiting tumingin sa akin. "Seryoso, gago ka. Saan ka kumuha ng pera?" inabot ko sa kanya ang box ng cake at kapansin-pansin ang pagbabago ng mood niya. Para talagang babae kung umasta.
"May ipon ako. Alam mo na, kapag gwapo ka kailangan mong mag-ipon." ito nanaman akong nangangarap na talagang guwapo ako. Susulit-sulitin ko na habang 'di din ako tinotopak.
"Talaga lang, ah. Salamat dito. Alam na alam mo talaga ang nagpapawala ng kalungkutan ko." ngumiti nalang ako sa kanya, syempre as a good friend kailangan kong maging mapagmahal at maging maalaga. Sounds gay pero ganoon talaga ako bilang kaibigan. Saka parang kapatid ko na ang lalaking ito. Sabay pa nga kaming tinuli nung grade 6.
"Kamusta kayo ni Reyn?" napatingin ako sa dako ng mga estudyante na masayang kumakain ng street foods.
"Okay naman. Getting to know each other kami." totoo kong sagot, kahit naman na crush at first chat ako sa kanya ay alam ko ang limitasyon ko bilang tao. Saka hindi na uso ngayon ang binibigla dapat dinadahan-dahan na.
"Gusto mo mameet siya?" gusto ko pero wala pa akong lakas ng loob para humarap sa kanya. Hindi pa ako handang makipagcommit ulit, takot pa akong masaktan.
"Hindi na muna." Pinagsigla ko ang sarili ko dahil ayakong ako naman lumungkot ang gabi ko. Niyaya ko na siyang umuwe para makagawa na kami ng assignment sa entrepreneur at economics. May research paper pa kaming ginagawa, by twos 'yon.
Sa bahay namin kami gumawa, nagpaalam na din naman siya sa mama niya kaya okay lang na magtagal siya dito sa bahay. Pinaghanda pa kami ni mama ng tinapay at maiinom. "Nakakatuwa talaga kayong dalawa, ibang-iba kayo sa kabataan ngayon."
Parehas kaming natawa ni Rio, ganito talaga si mama kapag nakikita niya kaming ganito. Akala mo talaga napakaperpekto naming mga anak dahil walang kapintasan ang makikita nila sa samahan namin. "Osha maiwan ko na kayo."
"Sige tita."
"Sige po ma." pumasok na si mama sa kwarto niya at kami naman ay nagpatuloy na sa ginagawa. "Rio, ikaw na ba bahala dito sa chapter IV?"
"Sige ba. Madali lang naman 'yan para sa akin." sumubo siya ng cake at nagpatuloy na sa ginagawa. "Gawa muna ako ng draft para ipakita ko sa'yo tapos bago sa prof natin."
"Ako naman sa chapter V." tumango-tango ako sa sinabe niya. Sa akin niya kase muna ipinapakita ang gawa niya bago namin ipacheck sa professor namin sa research. "Pagkatapos nito matulog na tayo, inaantok na ako."
"Oo. Sumasakit na mata ko dito." parehas na kaming kapuwa napungas, maaga kase kaming pumasok kanina dahil unang araw ng OJT namin. Sa canteen ng school kami nag-OJT at hindi maiwasan na maraming umangal dahil not related sa strand na pinili namin.
Sa paraang ganoon ay nagsilabasan ang mga tusong estudyante na kumukuha ng paninda. Wala naman akong isyu doon maski kami ni Rio ay nakakatanggap ng libreng pagkain doon.
Sabay naming isinara ni Rio ang gamit naming source para sa research na 'to. Nahilot ko tuloy ang sintido ko dahil sa research nato. Mabuti nalang talaga maayos lagi ang draft namin kaya sa typing naman kami nagpopokus.
Bukas ang huli naming pasahan at sa next week na agad ang defense namin. Kaunting skimming lang ang kailangan ay okay na itong research.
Uminom ako ng tubig at tumayo na. "Mauna na ako sa loob, sumunod ka na." pumasok na ako sa kwarto ko at bago mahiga ay tinignan ko muna ang facebook ko at may ilang chat sa akin si Reyn.
Tungkol ito sa hindi namin pagsali sa activity kanina. Ipinaliwanag ko naman sa kanya sa chat kaya pinatay ko na data ko at nahiga.
Ipinikit ko na ang mata ko ng maramdaman ko ang pahiga ni Rio sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon at nakaidlip na ako ng tuluyan.
--
"JANUARY 23, DEFENSE DAY!"
Nakikinig ang taenga ko pero ang mata ko ay inaantok pa. Maaga kasi akong nagising kanina para asikasuhin ang mga draft na ipapasa kay Prof. Buenaventura. Hindi kase kami sanay ni Rio na magpasa ng hindi presentable.
"Bakit kase ang aga mong nagising kanina. Tignan mo tulog sarili mo, mukha kang zombie." bulong sa akin ni Rio, napatungo nalang ako bigla para pumikit sandali. Inaantok pa ako.
"Mr. Planner, are you still there?"
"Chase Planner!" nagising ako sa gumagalaw sa ulo ko, umangat ako tingin at nakita ko ang professor namin na nakapamaywang sa harapan niya. Pumupungas-pungas ang mata niya, at may iilan na tumatawa dahil sa itsura niya ngayon.
"I'm sorry, prof." yumukod ako bilang respeto, sana hindi siya sermunan nito. "Hindi na po mauulit." dugtong niya pa. Ngayon lamang siya nasita sa tanang buhay niya. Hanggang maaari kase ay umiiwas siya sa paninita.
"It's okay. Pero sa susunod ayakong mahuhuli ulit kitang matutulog. Oh, sayo ko ibibigay ang draft niyo ni Mr, Tan." inabot niya ito iniabot kay Rio. "Kayo ang mauuna sa defense niyo tutal kayo ang mabilis na nakatapos ng research niyo."
"Sige po." tinalikuran na siya ng prof kaya napahilamos siya ng mukha. Muntik pa siyang mapahamak dahil sa kapuyatan. "Hindi mo ako ginising, Rio! Siraulo ka talaga."
"Huwag ako, Chase. Hinayaan lang kita dahil ang himbing ng tulog mo." hindi niya nalang pinansin ang kaibigan at nakinig nalang sa prof. Sa totoo lang wala siyang maintindihan ngayon sa sinasabe ng prof nila.
"Gusto ko pa matulog." bulong niya sa sarili. Kulang na kulang pa siya sa pahinga, mamaya nga'y babawi siya ng tulog. "Rio, sa bahay ka nalang ulit."
Ilang oras ang lumipas at parang wala siya sa sariling nakikinig sa mga professor. Lutang na lutang siya ngayon, mabuti nalang talaga break time nila at may oras pa siya para maidlip.
Hinayaan niya muna ang kaibigan na tahimik na kinakalikot ang cellphone niya. Bahala na muna siyang makipag-usap sa kagrupo nila sa WRA.
Muli akong nagising ng may kumiliti sa taenga ko kaya napaarko tuloy akong manununtok, nakataas ang kamay ni Rio na siya palang kumikiliti sa akin. Naibaba ko ang kamay ko at umayos ng upo, "Umayos ka nga, Rio. Natutulog ang tao."
"Uwian na nga kase. Gusto mong maiwanan. Wala ang next sub kaya pwede na umuwe." ginanahan naman siya sa narinig kaya inayos niya ang polo at ang gamit niyang nakalabas. "Ito na cellphone mo, nakachat ko si Reyn. Miss kana ng tao." napaawang ang bibig niya sa narinig, napamura pa siya ng malutong sa kanyang isip.
"Matutulog muna ako bago ko siya kausapin." Ito na nga ang sinasabe niya nawawala ang pokus niya sa sinimulan kapag nagiging abala siya sa pag-aaral. Ganoon din ang isang dahilan kung bakit kami nagkalabuan ni Precious.
Sa kwarto agad ako pumunta at nag-alis lang ako ng sapatos at polo bago mahiga. Si Rio naman ay umuwe muna sa kanila dahil siya na raw muna ang bahala sa pagtitipa.
Sinilip ko muna ang messages ko at nabasa ko ang conversation nila Rio at Reyn. Pakiramdam ko may gusto si Rio kay Reyn pero umiiwas lang ito sa kung anong nararamdaman niya.
Pumikit nalang ako at hinayaang alunin ang aking kaisipan ng kadiliman. Pasamantala siyang huhugot ng lakas para sa bagong araw na dadaan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro