Chapter 11
"CHASE, dalian mo namang kumilos para kang babae. Sa susunod huwag ka na magpuyat, ah!" kanina pa nag-iingay itong kaibigan niya sa labas ng kwarto niya, eh kasalanan ko bang mapuyat ako dahil magdamag kaming nag-usap ni Reyn.
At tungkol doon sa nangyari last time, humingi na ako ng depensa kaso mainit pa ang ulo kaya hinayaan muna namin.
"Bakit ka ba kase nagmamadali?" tanong ko dito ng buksan ko ang pinto, mukhang timang talaga ang lalaking ito. "Wala naman tayong gagawin sa school, ah!"
"Basta. Dalian mo d'yan!"
"Kung hindi ka makapag-antay, malaki ang pintuan namin pwedeng-pwede ka ng lumabas at mauna." humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko, itong kaibigan niya naman ay dabog nang dabog. Siraulo talaga, mas malala nga lang ngayon. "Tapos na ako."
"Mabuti naman!" nauna itong lumabas, napailing nalang ako habang isinusukbit ang bag ko at sumunod na sa kanya. "Ang bagal talaga."
"Masasakal na talaga kita, Rio!"
Si Rio ang unang bumaba ng huminto ang jeep, excited siyang pumasok ngayon. Ano kayang meron sa lalaking ito. "Sandali."
"Mauna na ako." bumilis ang lakad nito dahilan para maiwanan ako dito. Hindi tuloy ako makatawid agad dahil sunod-sunod ang daan ng sasakyan. Naiwanan tuloy ako. Atat na atat kaseng pumasok akala mo naman may bayad kapag malate.
Nakatawid na ako ng makasalubong ko si Luke. Class secretary namin, binati ko ito at ganoon din siya sa akin. Hindi kami close pero nakikipag-usap naman ito kapag kinausap mo lalo na pagdating sa mga ganap sa school.
Umakyat na ako sa taas para hanapin si Rio, hindi talaga hinantay. Pagkapasok ko sa room ay agad kong hinanap si Rio, gusto kong magmura kaso anak ng malaking langaw.
"Aray!" daing nito ng batukan ko siya ng sa tingin ko ay mahina lang. "Bakit ka nambabatok?"
"Akala ko naman kung anong dahilan ng pagmamadali mo, ito lang palang si Milan."
Sinamaan ako ng tingin ni Milan, may hawak itong libro at nakaarko itong ibabato. "Hindi ako basta lang, Chase. Alam mo 'yon, kaya kitang paikutin sa mga kamay ko."
Kinagat nito ang sariling labi at gusto niyang matawa. Inaaakit ba siya nito, kase kung oo. Hindi effective kase may nobya na ako. At hindi ko siya ipagpapalit. "Stop, Milan."
Tumigil sa pang-aakit si Milan at naging bata ito ng suwayin ni Rio. May hindi ba ako nalalaman sa dalawang ito. "Sorry na baby, ikaw lang naman ang aakitin ko at sayong-sayo lang ako."
"I know, baby."
Huli na nga talaga ako sa balita, hindi man lang ako sinabihan na sila nang dalawa. Umupo nalang ako at hindi sila pinansin, bahala silang dalawa na maglampungan dyan.
Parang namiss ko bigla si Reyn. Gusto niyang puntahan ito mamaya kaso may trabaho pa pala kami ni Rio. Pinasok ko si Rio sa cafe restaurant dahil kulang sa tao ang kitchen. Umalis na kase yung dating assistant cook. Eh, ako ang pumalit kaya sa pizza nakaassign si Rio.
Mamaya ang first day niya at mukhang hindi ito kinakabahan dahil abalang-abala itong makipagharutan kay Milan. Kinain niya din ang sinabe niya tungkol kay Milan.
Tss.
Binunot ko ang cellphone ko sa bulsa at nag-iwan ng message kay Reyn. Kapag kase ganitong oras ay nag-uumpisa na ang klase nila, ayaw niya namang guluhin ito dahil kailangan maghabol nito.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa tungkol sa mitolohiya, bigay ito sa akin ng kakilala ko somewhere. Alam kase nitong nagbigay na mahilig ako sa mga ganitong libro, kahit naman kase lalaki ako ay may interes ako sa mga mahika.
Lalo na yung akdang nilikha ni J.K Rowling na Harry Potter. Gustong-gusto ko ang daloy ng kwento, napakaganda at talagang madadala kasa mundo ng binabasa mo.
"Good afternoon, everyone." naisara ko ang libro ng marinig ko ang boses ng prof, tinignan ko ang katabi ko na tahimik na din ngayon. "Alam kong excited na kayong lahat kaya hindi ko na papatagalin pa ito. Sa monday hanggang thursday ang practice ng graduation niyo."
"Saan po?" tanong ng kaklase naming nakaupo sa unahan.
"Sa St. Amedeo Churh." umingay ang buong klase dahil sa kasiyahan dahil sa wakas, matatapos na din kame sa senior high. Bagong yugto ang magbubukas para sa aming lahat.
Sa buong klase ay wala kaming ginawa, pakasabi kase ng Prof namin ay nagpaalam na agad ito para ayusin ang grades namin. May kanya-kanya kaming mundo lalo na't walang ginagawa.
Kung hindi lang may grades ang pagpasok ngayon siguro nasa cafe na siya ngayon at nagtratrabaho kaso may parte sa akin ngayon na gustong magpahinga, parang ayako munang pumasok kung hindi kolang iniisip si Rio. Baka kase mapanisan ito ng laway sa pagiging tahimik.
Muli ako nagbasa hanggang sa makalahati na ako --- part ni Poseidon. Isinara ko ang libro para tumayo dahil nakaramdam na ako ng gutom. Maliit lang ang cafeteria dito sa school namin dahil maliit lang naman ang sakop nitong building namin. 12 rooms lang kase dito, ang dalawa ay para sa clinic at faculty. Tapos cubicle para sa lalaki at babae.
"Isa nga pong egg sandwich tapos isang tropicana." inabot ko na ang bayad at kinuha ang binili ko, naupo muna ako malapit sa bintana. Yung natatanaw ang malakas na space ng factory, likod kase namin ay factory pero parang may kalumaan nadin dahil wala akong gaanong nakikitang manggagawa.
--------
MAAGA kaming dumating sa nasabing paggaganapan ng graduation, ngayon kase ang araw ng graduation.
Hinati kami sa dalawang batch; TECHVOC/ABM ang AM session at HUMSS/STEM sa PM session. Hindi kase kayang okyupahan kapag pinagsabay ang apat na strand kaya ganoon ang nangyari.
Mamaya pa mag-uumpisa ang ceremony may inaayos pa lamang sa loob at wala pa ang ilang gabay sa araw na ito. "Chase, ang graduation day ni Reyn sa friday." pinaalam na sa akin ito ni Reyn at pinapapunta niya ako at gagawa nalang daw ng paraan para 'di sila magsalubong ng mama nito.
"Tinawagan niya ako kanina, congratulations daw sa ating dalawa." nasa isang pwesto lamang kami kasama ang strand namin, ang ilang ay nagpapapicture ng solo at maramihan. Ganoon na nga ang nangyari ng tawagin kami ng president namin, inayos ko ang polo ko bago ako lumapit sa kanila.
"Sa likod ang mga boys!" suggestion ng nanay ng president namin, sa likod nga kami pwumesto at sa unahan naman ang mga girls. "Ready na."
Formal picture lang ang ginawa nila at nagkanya-kanya ng kuha sa sarili. Si mama pinipilit ako na magpapicture sa cellphone niya ang kaso nahihiya ako, tinawag pa tuloy nito si Rio at kinuhaan kaming dalawa. Sunod ay sinama si Milan, official na nga talaga silang dalawa.
"Solo 'nak, ayaw mo?" umiling nalang ako at pinagmasdan ang paligid. Hindi ko ineexpect na hahakbang na kami sa susunod na baitang para sa future namin. Siguro hindi na kokontra ang mga magulang ni Reyn lalo na't tutuntong na sila sa stage.
Inayos na kami ng professor namin sa isang linya para di masyadong magulo, sunod-sunod kase ang gagawin. Bale, mamaya magiging pila nalang kaming lahat.
Mabilis tumakbo ang oras at nagbigayan na ng mga sertipiko, ganoon din sa mga may special mention, award at honorable mention.
Hindi naman mahalaga sa akin ang medalya dahil ang grado lang naman ang nagbibigay ng dahilan para magkaroon ng award, oo. Appreciation ng pagsisikap mo, pero mas mahalaga na may natutunan ka 'di dahil sa may grado kang mataas.
Masaya ako para sa kanila at kuntento na ako. Ito na ang huling makakasama namin ang isa't-isa dahil kanya-kanya na kaming aakyat pataas at haharap sa bagong hamon ng buhay.
Ang mama ko, umiiyak ngayon dahil inabutan namin sila ng bulaklak bilang appreciation sa matagal nilang pagtitiyaga sa amin. Para ito kay mama at ganoon na din para kay papa kahit na wala ito ngayon dito. Alam ko namang masaya siya para sa akin.
Nagbigay ng pinal na mensahe ang aming president na siyang nangunguna sa lahat. Ilang minuto lang ang tinagal noon ay nagkanya-kanya na kaming lapit sa magulang namin.
Iniwan ko muna si Rio dahil nagmomoment nilang dalawa ni Milan. Parang ang tagal na nila kung tignan, hindi man lang nagkaroon ng oras si Rio na makilala ang kaibigan ni Reyn na si Yen. Pero okay na din dahil masaya ngayon ang kaibigan niya, dahil finally natagpuan niya na ang babaeng makakasama niya sa katauhan ni Milan.
Sinalubong ako ni mama ng yakap, "Congrats, anak." humalik sa kanyang noo bilang tugon. Nagpaalam na din ang iba sa amin kaya naglakad na kami ni mama palabas at doon nalang antayin si Rio. "Saglit lang mars, ah. Hanapin ko lang ang batang 'yon." paalam ni Tita Neneth.
Finally, sa dami ng dagok sa buhay namin ay nalampasan na namin ang hakbang na tinatapakan namin ngayon, uusad na kami sa susunod at talagang kaabang-abang ang mga mangyayari. At masaya akong ipapaalam sa lahat na si Chase Rodil Planner ay tapos na sa senior high school.
At magiging official na din kami ng babaeng minamahal ko -- Reyn D'amelia.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro