Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"MAHAL MO PA BA SI PRECIOUS?"

Natulala ako sa naging tanong ng aking mga kaibigan. Precious is my first girlfriend, long distance relationship kaming dalawa at sa loob ng pitong buwan ay masasabi kong minahal ko siya at naging mahalaga siya sa akin.

"Hindi na. Okay na ako sa pitong buwan na naging kami saka masaya na 'yon sa bago niyang jowa." may bago na kasi itong jowa kaya nakapagmoveon nadin ako ng mga dalawang buwan. Syempre, nandoon ang guilt at kagustuhan mo na balikan siya kaso life is to short. Kailangan mong mag-enjoy habang nabubuhay ka at pakihanap nalang ang connect sa sinasabi ko. "Pero namimiss ko siya."

"Sabe na eh. Dapat kase binalikan mo na siya noon na wala pang jowa, teka nga. Bakit ba kayo naghiwalay?"

Nagsalin ako ng alak sa baso at agad ko ding ininom. "Feel ko toxic na."

"Eh, bakit mo nasabe?"

"Kase pakiramdam ko noon na nagsisinungaling na siya sa akin. Ipinagseselos ako sa kaibigan niyang malapit sa kanya. Ewan, masyadong magulo ang isip ko noong mga panahon na 'yon." muli akong nagsalin at uminom. Hindi ko naman siguro masisise sarili ko kung bakit ko naramdaman ang ganoon.

"Sira ka pala, eh. Dapat pinakinggan mo ang side niya as a person. Tinanong mo dapat siya, --" sinenyasan ko siyang manahimik, nakakapagod siyang pakinggan. Ramdam ko na din ang hilo, dalawang bote palang pero lasing na ata ako.

"Huwag na natin siyang pag-usapan."

"Okay."

Habang nag-iinom kami umiikot sa isipan ko ang mga bagay-bagay na ikinalungkot ko. Panahon na wala pa akong muwang sa mundo, hindi ko pa alam kung paano magmahal ng totoo maski naman ngayon ay may pag-aalinlangan ako sa nararamdaman ko para sa kanila.

Mabilis kase akong manawa. Hindi naman ako gwapo pero ako ang nakikipaghiwalay sa mga babae. Masyado ba akong feeling gwapo, "Gwapo ba ako, Rio?"

"Lasing kana, Chase!" Hindi niya sinagot ang tanong ko, loko-loko talag ang isang ito. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka sinuntok ko na ito sa mukha. "Halika, iuuwe na kita. Malalagot tayo nito kay tita."

"Hey, gusto ko pa!" kinuha ko ang kamay ko at lumagok ulit, "Ano ba, bitawan mo nga ako!"

"Uuwe na nga tayo. Sa susunod 'di na kita yayain mag-inom para kang bata!" sinuntok ko siya ng mahina dahil sa sinabe niya, ako parang bata hindi kaya masakit lang talaga ang puso ko dahil namimiss ko ang mga taong naging parte sa buhay ko. "Oh, huy. Bakit ka umiiyak?"

Inalalayan niya ako at muling iniupo, "Mahal ko pa siya dude, ang gago gago ko!" tinakpan ko ang mukha ko gamit ng kamay ko. "Nasasaktan ako, siya ang unang naging girlfriend ko at siya ang unang babaeng iniyakan ko. Pusang gala naman,o. Ang tanga ko!" Sinuntok-suntok ko ang mesa, pagod na akong umiyak.

"Chase, tama na. Halika na iuuwe na kita." nagpatinuod na ako sa kanya, kahit nahihilo ako alam ko ang nangyayari. Alam kong bukas pagkagising ko, mas makakaramdam ako ng sakit pero itinatago ko ito.

----
"OKAY KA NA NGAYON, CHASE?"

Maagang nambulabog ang kaibigan kong si Rio, nandito kami sa kwarto ko at kanina pa niya ako tinatawanan. "Gago ka! Lumabas ka nga muna ang aga mong mang-inis."

"Ang aga mo namang magmura, crying boy." sinamaan ko siya ng tingin, siraulo talaga. Kailangan pa bang ipaalala 'yon, eh. Alam na alam ko ang nangyari. "Oh, may dala akong tsaa. Inumin mo para mawala hangover mo. Inom pa ba tayo?"

Naibato ko sa kanya ang unan dahil sa inis. Ito nanaman siya tumatawa na parang siraulo. "Lumabas ka na, Prince Rio Tan!"

"Gago. Rio lang." ako naman ang natawa, palibhasa ayaw niya ang 'prince' dahil hindi naman daw siya prinsepeng tignan. Ang katwiran niya pa, mahirap lamang kami para maging prinsepe siya. "Makalabas na nga!"

"Huwag kana magalit, Prince Rio Tan!" pang-aasar ko pa, tumayo ako para pumasok sa banyo at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ko sa banyo ay kinuha ko ang tsaa at dinala sa labas.

Nadatnan ko si Rio na abala sa cellphone niya kaya pasimple akong sumilip sa pinagkakaabalahan niya. "Ano 'yan?" tanong ko at naglakad sa upuang nasa harap niya.

"Group lang 'to sa facebook." uminom ako ng tsaa at kumuha ng bread na nasa box. Dito nilalagay ni mama ang binibili niyang tinapay para kukuha nalang daw. "Diba, nagbabasa at gumagawa ka ng kuwento sa wattpad?"

"Oh. Bakit?" sinubo ko ang tinapay at nginuya muna ito bago magsalitang uli. "Gusto mo isali kita para 'di naman puro clan ang sinasalihan mo."

"Sige. Painvite nalang." tamad niyang sagot, sumasali din naman siya ng wattpad groups pero hindi naman siya nagtatagal kaya hindi nalang siya sumasali at sa clan nalang siya nawili. "Maganda ba dyan?"

"Oo. Ito ang group na hindi mo iiwan dahil sa bond na mayroon ang bawat isa. Huwag ka nga lang manlalandi dito at baka masaktan ka uli."

"Gago, wattpad group 'yan. Anong akala mo sa akin pumapatol sa naging pamilya mo na." may ganiyan kase sa nakaraang group na sinalihan ko,  family stroke ata ang tawag doon. Anak-anakan ng anak mo jinowa mo. Magulo, kase panahon pa 'yon ng kabataan ko.

"Nasa HULI ang pag-sisise." may diin sa sinabe niya pero hinayaan niya nalang ang kaibigan. "Nasaan ba cellphone mo?"

"Iniwan ko sa kwarto, mamaya ko nalang tignan. Gagawa muna ako gawaing bahay." inubos niya na ang laman ng kopita para mahugasan na. Ito ang morning system niya; pagkainom ng tsaa, maghuhugas ng plato na pinagkainan kagabe, magwalis ng bahay, mag-ayos ng kwarto at maligo para pumasok.

"Babalik nalang ako, Chase." tumayo na ang kaibigan at lumabas na. Siya nalang ang naiwan kaya nagsimula na siyang kumilos, nagwawalis siya ng madatnan ng ina.

"Gising ka na pala, bumili na ako ng ulam. Lutuin mo nalang, papahinga muna ako." tumango na lang ako kahit na medyo nakaramdam na ako ng pagod. "Ang baon mo nasa ibabaw ng TV, kuhain mo nalang."

Pagkatapos niyang maglinis ay nagsaing na siya at nagluto. Ang niluto niya ay ginisang ampalaya, hindi ito mapait dahil pinigaan ko ito ng maayos sa asin. Pinunasan ko ang sarili ko at naupo muna sandali, may ilang oras pa siya para magpahinga bago maligo.

"Chase, gumising ka na r'yan. 11:20 na!" nagising ako sa boses ni mama, nakaidlip pala ako. Tumayo ako at nagtanggal ng muta, "Maligo na ako ma."

"Mamaya na at baka mabigla ka sa pagligo, kumain ka muna." sumunod nalang ako kahit na inaantok pa ako. Mabilis lang akong natapos kumain kaya nang makapagpahinga ay pumasok na ako sa banyo at naligo na.

Habang nagbibihis ako ay rinig ko ang boses ni Rio na nakanta. Singerist kase ang kaibigan niya at balak nitong sumali sa THE CLASH kaya todo ang pagbirit nito sa tuwing may vacant time siya.

Isinukbit niya ang bag at dinampot ang cellphone niya, sinilip niya pa ito at may ilang text dito mula sa kaklase at kaibigan niyang mahilig mag-group message. Pinatay niya ito at inilagay na sa bulsa.

"Oh anak, nakuha mo na baon mo?" tumango ako kay mama bago lumapit kay Rio na kinukuhaan ang sarili niya. "Halika na, Rio. Magaling ka na na singer. Okay?"

Pinatay niya itong bigla at tumayo na. Sabay silang pumasok dahil magkakaklase naman silang dalawa. Rio is my childhood friend. Ninang ko ang mama niya at ninang niya naman ang mama ko. Baliktaran lang, malakas trip nila sa buhay. "Tinignan mo na?"

"Hindi pa. Nakatulog ako kanina, eh." kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ito. Naglog-in ako sa facebook at nakita ko agad ang group na sinasabe niya, "Wattpad Real Academy!" pinindot niya ito at lumabas ang mga nakapost doon.

"Isinali na din kita sa isang section dyan. Be active, brother. Huwag mo akong ipahiya sa kanila."

"Admin ka pala dito." tumango-tango naman ito kaya hinanap ko ang group chat sa messages ko.

"Hindi naman ata maganda dito." sinamaan niya ako ng tingin na parang galit na galit gustong manakmal.

"Subukan mo nalang kase."

Sumakay na sila ng jeep at nagbayad. Kanya-kanya na silang mundo ni Rio. Nakasalpak sa kanya ang earphone niya at ako naman ay abalang nakikipagkilala sa mga nasa group chat.

Napangiti ako ng pansinin ako ng isang babae, nagpakilala siya at may kasamang inspirational quote about sa buhay. "I think she's cute."

Pumunta ako sa wall niya at nagstalk, simple lamang siyang babae. At masasabi kong ang ganda niya para maging akin. Natawa naman ako sa naisip ko, kakakilala ko palang sa tao pero pagiging kanya agad ang naisip ko. "I think I like her."

"Sino tinitignan mo?" nagulat ako sa biglaang pagkuha ni Rio ng cellphone ko, akala ko ba busy siyang makinig ng music. "Darn. She is Reyn. How about her? You like her."

Umiwas ako ng tingin. Masyado pang maaga, saka kakakilala pa lamang nila sa chat. Ayaw niyang mambigla. "Single siya." napatingin ako kay Rio sa sinabe niya, "Kaya may pag-asa ka."

"Kalokohan mo. Kakakilala palang namin." pag-iwas ko sa iniisip niya. Saka nahihiya ako, at parang nawawalan nanaman ako ng self confidence dahil sa mga itsura ng kapuwa ko lalaki na kamember namin.

Siguro mas kailangan kilalanin ko pa ng mabuti si Reyn D'amelia. Muli nanaman akong napangiti ng sabihan niya ako ng "Cute." masaya na akong malaman na ganoon ang tingin niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro