Simula (Part 2)
Chapters 1-15 are available to read now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or my Facebook VIP group just please message my Facebook account Rej Martinez to join. With 150 PHP monthly membership—daily story update. Wattpad updates every Tuesdays and Saturdays only. This will able me to continue writing you more stories to read. And will keep me doing what I love. Thank you very much for your support!
Joaquin
As usual I woke up before my alarm. I got out of bed and went on my morning jog. Nang makabalik ako sa condo ay agad na rin naghanda para sa pagpasok sa opisina.
I am always early. Always on time. At nakikita iyon ng mga empleyado ko kaya wala halos na-l-late sa company. I am their boss and I should set an example to my employees. Sunudsunod ang bati na natatanggap ko mula sa mga nadadaanang nagtatrabaho sa kompanya.
"Good morning." I would try to greet back.
"This is your schedule for today, Sir." salubong sa akin ng isang secretary.
Pumasok na ako sa mismong opisina ko. I started working through the papers I got on my desk.
"And, Sir, bibisita raw po rito mamaya ang Mama n'yo." pagpapaalam ng sekretarya.
"What time?" She didn't call me.
"Mga lunch daw, po." the secretary answered.
I nodded. May konting oras naman ako mamaya para sa pagkain.
Napatingin ako sa suot na wristwatch. "Are they here?" I asked. Referring to the members of the board.
The secretary nodded.
"Good." Tumayo na ako at papunta sa pinahandang conference room.
Pagdating doon ay halos naroon na rin ang lahat ng kasali sa meeting. And my usual day continued.
I had meetings and papers to sign and approve for the company. It wasn't easy at first. Hindi madali ang sabay-sabay na pagpapatakbo sa mga negosyo ni Papa. But I had to do it to help my father. He's getting old at sa lahat ng mga anak niya ay ako pa lang ang maaasahan niya lalo sa negosyo. Lahat ng kapatid ko ay babae and I am his only son. Wala namang problema sa akin because he's a good father to me, too. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na napabayaan ako. Although he's not always beside me while I was growing up. I grew up in the U.S. with my mother. Hindi lang talaga perpekto si Papa but as a father he is for me. I know he's always trying his best para sa amin ng mga kapatid ko.
When lunch came ay dumalaw nga ang Mama. May dala rin siyang pagkain para sa 'kin. "Hijo," she kissed my cheek.
"Stefano Joaquin," seryoso niyang tawag.
Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. She still looks young for her age. My mother is beautiful and elegant. She's kind, too. She was my father's girlfriend before he even had an arranged marriage with another woman. Noon hindi ko pa talaga naintindihan. Pero kalaunan ay naintindihan ko rin ang sitwasyon. When my father's first wife cheated on him nagkaroon din sila ng affair ni Mama. That resulted to them having me. Nagkagulo noon nang nalaman din ng dating asawa ni Papa kaya pinili ni Mama na umalis. To protect me, too.
Years after nagkaroon ng second wife si Papa. Na-annulled sila noong first wife niya at hindi rin sila nag-work ni Mama dahil umalis nga rin ito noon. Noon rin nakilala ng Papa nang mga panahong 'yon si Tita Christine nang umuwi siya sa probinsya nila galing Manila after the annulment was granted.
When I was younger I admit I hoped for a complete family, too. Pero kalaunan inintindi ko na lang din. Pinapaintindi rin sa akin ni Mama. There are just things that we cannot force. Instead accept it and be contented. Kaysa magsayang ako ng oras sa pag-iisip na baguhin ang mga hindi naman na talaga mababago. What's important is that I get the support I needed from both of my parents.
I still consider myself lucky. Dahil hindi naman ako napabayaan.
Most of times you just have to look at the positive side of the situation.
"Pumayag ka ba talaga sa gusto ng Papa mo? Nagkausap kami sa telepono at sinabi niyang pupuntahan mo raw siya sa Negros sa susunod na mga araw. At para makilala mo na rin ang mapapangasawa mo..." She looked worried for me.
I just nodded.
Umawang naman ang labi ni Mama at sa huli nagbuntong-hininga na lang. "Is it okay with you?"
I nodded. "Yeah," I shrugged.
She sighed again. "Sabagay, wala ka rin namang girlfriend... Wala ka rin namang nagugustuhan?" She even made sure.
Umiling ako.
Ngumiti na siya. "Dalhin mo na siya agad dito sa Manila para makilala ko, okay? At huwag n'yo nang patagalin. Pagkatapos ng kasal ninyo mag-anak na agad kayo para may maalagaan na akong apo." sunudsunod niya nang sinabi.
Napangisi na lang ako ng bahagya.
Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang pisngi ko. "Mabuti na rin na makapag-asawa ka na para hindi na lang puro itong mga negosyo ng Papa mo ang iniisip mo. Sobrang workaholic mo na, anak." she said, worried.
I shook my head. "I'm fine, Mama. Gusto ko rin naman ang ginagawa ko." I said.
She nodded. "Puro ka kasi trabaho kaya tuloy wala ka nang nakikilalang babae. Ni hindi ka na nakipag-date. Puro ka lang talaga pag-aaral noon at pagpapatakbo naman ng company ng Papa mo ngayon. You know you don't really have to impress your father all the time, hijo. Proud na iyon sa 'yo noon pa man. Mabuti na rin siguro 'yang naisip ni Stefano." banggit niya kay Papa at sa pagpapakasal ko.
Hindi na siya nakapag-asawa pa. She told me noong dumating ako sa buhay niya naging sapat na raw ako sa kaniya. Now she spends her time helping other people especially children in need of help. Sabi niya kapag binigyan ko na raw siya ng apo ay iyon naman ang aalagaan niya.
So the next days I had my flight to Negros. Tagarito pareho sila ni Mama at Papa. They only moved to Manila when Papa married his first wife and Mama worked there. Ngayon ay dito na nag-s-stay si Papa with his wife, Tita Christine, and their twin daughters. My younger sisters. Ngayon pa lang din talaga ako ipapakilala ni Papa sa mga kapatid ko. Bata pa kasi ang mga ito and he waited until they're ready to understand our situation. I hope they'll like or accept me as their brother. Pero noong nakilala ko si Tita Christine mabait naman siya. She's just actually years older than me. Sobrang bata pa niya kumpara kay Papa. Pero nakita ko rin naman na mahal nila ni Papa ang isa't isa.
That day I arrived at Hacienda Karmen. Named after my grandmother, Karmen Aguirrezabal. Nadaanan ng sinasakyan ko ang ekta-ektaryang taniman ng tubo ng mga Aguirrezabal dito sa lugar. Bago narating ang mismong mansyon. Unang beses ko pa lang makatapak dito. I was raised in the U.S. Umuwi lang kami ni Mama dito sa Pilipinas after I graduated college. Dito na rin ako nag-MBA habang nagsisimula na noon sa pagpapatakbo sa businesses ni Papa. My father's a wealthy businessman and investor.
"Joaquin," sinalubong ako ni Papa ng ngiti at yakap.
"Pa,"
Sa likod niya ay si Tita Christine at dalawang kambal na dalagita. At isa pang babae na kapatid ko rin.
"Tita,"
Tita Christine smiled at me. "Kumusta ang naging biyahe mo, Joaquin?" pauna niya.
She's really nice. Even Mama likes her. Tita Agatha, Papa's ex-wife, isn't really nice. I've met her. Pero okay naman kami ni Ate Beatrice, Papa's eldest. We're civil. Kind of complicated pero ganito talaga ang pamilya namin.
I was introduced to my siblings. Karmen's a sweet girl. Matapang naman si Karmela. But they both accepted me and started calling me 'Kuya'. Ngayon lang din kami nagkakilala ni Stephanie. Anak naman siya ng Papa sa isa pang babae, which he had a short affair before.
Nakilala ko na rin ang mga magulang ng mapapangasawa ko. They said she's still in Manila at doon daw ito nag-aral. Pero makikilala ko na rin daw ito. The Osorios owns the land na kadugtong lang din ng amin. Parehong asukarera. Kaya kapag kinasal kami ng anak nila ay magiging isa na lang ang dalawang asukareras at tataas din ang sugar production dahil sa pagsasama ng dalawang pamilya. We would be the biggest sugar producer here in Negros.
"Narito na pala siya." Papa announced when I arrived from the Lizareses, a family friend.
May tiningnan ako sa farm nila. I wanna see how it works. May farm din kasi ang pamilya ni Mama. Although hindi kasing laki ng sa mga Lizares pero gusto ko rin ipagpatuloy iyon kaysa mapabayaan. Asset pa rin. At wala naman ibang sasalo noon kung 'di ako. Sa ngayon ay may pinagkatiwalaan muna si Mama na mag-manage no'n. One of these days ay bibisitahin ko rin iyon.
Isang babaeng noon ko lang nakita ang kasama na namin sa hapag. Probably the woman I'll marry. She's seated beside Tita Layla. Nakatingin siya sa akin at hindi na halos inaalis ang mga mata mula sa 'kin. Umupo na rin ako doon.
She's beautiful... and naughty.
Sa hapag ay napag-usapan na rin ang kasal namin. Nasa akin lang ang atensyon niya the whole time. Hindi ko alam kung nakikinig pa ba siya sa mga sinasabi sa amin. And when I'd look at her she would give me that smile. She's obviously flirting with me with her stares and smiles.
Gusto ko na lang mapailing.
Pagkatapos ay sumama na rin ako sa paghatid sa kanila sa labas nang nagpaalam na. She faced me when we were already in front of their car. Nakapasok na sa loob ng sasakyan sina Tito Salvador at Tita Layla. Naiwan naman kaming dalawa ng anak nila dito sa labas pa.
I was about to open the door to their service when she stopped me. Nakahawak siya sa braso ko. Parehong bumaba ang mga mata namin doon. Nang muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya she gave me a sweet smile.
And then the next thing she did shocked the hell out of me. It wasn't my first kiss, I'd been with women noong nasa Amerika pa ako. Just sometimes. Naiimpluwensyahan din ng ilang nakakasamang kaibigan. Noong dumating ako rito sa Pilipinas ay puro business na lang ni Papa ang inatupag ko. I have no time for other things. Marami pa akong kailangang gawin.
Pumulupot ang mga braso niya sa leeg ko at dikit na rin ang katawan niya sa akin. Napahawak ako sa baywang niya. We were kissing torrid just outside of their waiting car. Baka nakikita na kami nina tito at tito mula sa loob. I don't want them to think that I'm disrespecting their daughter in front of them or what pero gumanti na rin ako sa halik.
Nakayakap na kami sa isa't isa. When our lips parted pareho kaming hiningal. She looked at me. Her eyes looked teasing. Ganoon lang din siguro talaga ang mga mata niya. Parang laging nang-aakit kahit wala pa siyang gawin. Nanatili ang mga kamay niya na nakakawit sa leeg at batok ko. I was looking at her, too.
Pinakawalan na niya ako. She kissed my cheek. "I'll see you again tomorrow." she said in her sensual voice. Pagkatapos ay pumasok na siya sa sasakyan nila.
What...was that?
She's...aggressive...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro