Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula (Part 1)

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of my imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.

All Rights Reserved. I do not allow my work to be used or adapted in any way without my permission.

Mature. This story contains mature themes. Read at your own risk.

Simula (Part 1)

Angel

"Happy birthday, Angel!" sabay-sabay at malakas na bati sa akin ng mga kaibigan ko.

We were in a superclub celebrating my 22nd birthday. Binigyan pa nila ako ng inumin at tinaas ko sa ere ang mga kamay. I danced with the loud music hanggang sa maramdaman kong may sumasayaw na sa likuran ko. Mas pinag-igihan ko pa ang pagsasayaw, until I was already rubbing my ass on his crotch. I smirked.

"Oh, baby..." he whispered a moan. "Let's get out of here." His lips touched my ear.

Hinarap ko siya at pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Wala akong nakitang kakaiba sa kanya. Gaya lang din sa mga nakikilala kong lalaki. Pinaawang ko ang labi and he took that as a cue to kiss me. We kissed and our tongues were in a battle. I felt him gripping my butt cheek. Parang nanggigigil.

Lumabas nga kami doon sa club na hindi na rin halos namalayan ng mga kasama ko dahil abala na rin ang mga ito sa party. We ended inside his nice car. Bumaba na sa leeg ko ang mga halik niya. I had boyfriends. I was thirteen when I had my first kiss.

I heard my phone ringing, kaya pinatigil ko na muna siya kahit parang ayaw niya at inis pa dahil sa istorbo pero wala rin siyang nagawa. Lumabas ako sa kotse niya para masagot ang tawag. It was my older brother.

Tatlo kaming magkakapatid and I'm the youngest with two older brothers. Magkakasama kaming nakatira sa isang bahay namin dito sa Manila. I never thought of moving out or getting my own place. Ayos naman ako sa bahay. At hindi ako masyadong pinapakialaman ng mga kapatid ko sa mga ginagawa ko sa buhay ko. My siblings are cool.

"Kuya-"

"Where are you? Mama and Papa are here."

Bahagya akong natigilan. It's late. Ano'ng oras silang dumating galing probinsya? "Oh, okay. Pauwi na ako-"

"Bilisan mo." putol pa sa akin ni kuya. It just shows the urgency.

Binaba ko na ang phone ko at hinarap ang lalaking kahalikan kanina. "I have to go." and I quickly kissed him on the lips.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na akong tumalikod at dumeretso sa sasakyan ko na naroon lang din sa parehong parking. Agad akong pumasok at nag-drive na pauwi. Parang masyadong seryoso si kuya kanina habang kausap ko. May nangyari kaya? At bakit gabing gabi na lumuwas pa ng Maynila ang mga magulang namin...

"Angelica!" agad na salubong sa akin ni Mama nang makapasok pa lang ako sa bahay.

"Mama," I kissed her cheek. Ganoon din kay Papa na lumapit din sa amin. "Papa," bati ko at ngumiti pa sa kanila.

Ngunit hindi naman sila makangiti sa akin. Inalis ko na rin ang ngiti ko dahil mukhang seryoso nga ito.

"Hindi ka pa rin talaga tumitigil sa mga party na 'yan?" Mama started.

I sighed and looked at my brothers who were both silent. I mouthed 'what' at napailing lang si kuya Angelo, the eldest.

"Nakaabot sa amin ng Papa n'yo na sumali ka na naman pala sa racing na 'yan. Hindi ka ba talaga nadadala, Angelica? Muntik mo nang ikamatay 'yan noong nakaraan lang!"

That's true. Halos wasak ang sasakyang ginamit ko sa racing. Well, it's fun.

"Are you listening?!" Mama sounded angry already. Pinakalma naman siya ni Papa.

"Sa inyong tatlo ikaw pa ang babae, ikaw pa ang pinakasakit sa ulo ko." Napahilot si Mama sa sintido niya.

I wasn't really the rebel type of a child. Hindi lang talaga approve kanila Mama at Papa ang lifestyle ko. Lalo kay Mama.

"Tama na, Layla. Pag-usapan na lang bukas. Magpahinga na muna tayong lahat." si Papa na mukhang pagod pa sa biyahe.

Suminghap na lang si Mama at sumama na rin kay Papa kalaunan para makapagpahinga na.

Naiwan kaming tatlo ng mga kapatid ko doon sa living room. "Bakit hindi n'yo sinabi sa 'kin?"

"Hindi rin namin alam ni kuya na luluwas sila." si kuya Anjo. Isang taon lang ang tanda nito sa akin. While kuya Angelo is five years older than him. Medyo matagal din itong nasundan.

I sighed.

Kinabukasan ay tahimik kami sa breakfast. Nagsisilbi ang mga kasambahay. Si Mama ang unang bumasag sa katahimikan.

"Sasama ka sa amin ng Papa mo pabalik ng Negros, Angelica-" kalmado pang aniya.

Agad naman akong umalma. "No!"

"Angelica," saway sa akin ng Papa sa bahagyang pagtaas ko ng boses.

Hinawakan din ako ni kuya Angelo. Napatingin ako sa kapatid sa aking tabi. Tumango siya sa akin. Sa aming tatlo ay siya na ang pinaka-seryoso siguro dahil panganay at abala na rin sa business niya. Pero sa kanila ni kuya Anjo ako natutong mag-party at na involved sa mga extreme sports. The three of us are really close mula pagkabata. And I love the bond that I have with my brothers. I know they got my back always.

Umiling ako sa kapatid ko. Ayaw kong umuwi sa probinsiya namin. Wala naman akong gagawin doon. Sobrang tuwa ko nga noong kinausap ni kuya Angelo noon sina Mama at Papa na dito sa Manila na ako pag-aralin ng High school hanggang college. Sinabi ko kasi sa kanya na gusto ko nang sumama sa kanila ni Kuya Anjo. Ayaw ko na doon sa probinsya. Mas gusto kong kasama ang mga kapatid ko kaysa sa mga magulang namin na abala lang naman sa pulitika at mga lupain namin.

Bumaling si kuya kay Mama. "Mama-"

"Stop it, Angelito. Isasama namin sa pag-uwi si Angelica. Wala rin naman siyang trabaho rito." Mama said it with finality.

I felt like crying.

"Mama-"

"Isa ka pa, Andres Jose." putol ni Mama na kinatahimik na lang din ni kuya Anjo...

Tamad akong lumabas ng sasakyan nang makarating na kami sa aming mansyon na minana pa ng Papa. The large house welcomed me. Napangiti pa rin ako. Dito kami lumaki ng mga kapatid ko. Naalala kong naghahabulan kami rito sa malaking sala noon o kaya nasa labas sa likod ng mansiyon at nag-s-swimming sa pool doon.

Palaging abala ang parents namin sa asukarera namin at pulitika. Papa is a politician at kasalukuyang Mayor. Noong nagpaalam ang Kuya Angelo na sa Maynila na magpapatuloy ng pag-aaral ay pinayagan siya ng Papa. Gusto rin daw kasi niyang maging independent kaya hinayaan na nila Mama at may bahay din naman kami doon. Noong sumunod ang Kuya Anjo naman ay nagtampo na ako sa kanila. Mas gusto ko silang kasama kaysa sa mga nakikilala ko sa eskwela o mga anak din ng mga kaibigan at kakilala ng Mama at Papa. Pakiramdam ko noon ay iniwan na nila ako lalo at wala rin namang panahon sa akin ang mga magulang namin. Puro katulong lang ang madalas kong kasama sa bahay.

Pero kalaunan naintindihan ko rin ang dalawang kapatid. They wanted to experience things at hindi naman nila sinasadyang maiwan ako. At kinuha rin naman nila ako kahit nahirapan ang kuya sa Mama at Papa na hindi agad pumayag noon.

Dumeretso na lang ako sa kwarto. Naligo at nagbihis ng isang simple at maputing summer dress na above the knee ang haba para presko lang sa pakiramdam. Balak kong magpahinga o matulog na lang muna nang katukin na agad ako ng Mama.

"Mag-ayos ka at may pupuntahan tayo."

"Saan, Mama?"

"Sa mga Aguirrezabal at naghihintay na sa 'yo roon ang mapapangasawa mo." diretso lang na sinabi ng Mama.

My jaw dropped. "A-Ano, po?"

Mama sighed. Mukhang ubos na talaga ang pasensya nito sa akin sa mga pinaggagawa ko. What? Nag-p-party lang naman ako at sports... At sabi ni Kuya Angelo kahit hindi na raw ako magtrabaho dahil susuportahan nila ako ni Kuya Anjo. Though I finished Business Administration, too.

"Magbihis ka na." ani lang ni mama.

"Ayoko," parang wala pa sa sarili na nasagot ko.

Tiningnan ng Mama ang suot kong may konting sleeves din naman.

I tried calling my brothers but they're not picking their phones! Siguro ay busy dahil may sarili nang business si Kuya Angelo at tumutulong si Kuya Anjo sa kanya.

Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon ng Mama at Papa na ipakasal ako habang nasa loob na ng sasakyan patungo sa Hacienda Karmen. They did not even ask me! Kung gusto ko rin ba ito. Basta na lang sila nagdesisyon para sa akin. Bakit? Because they are my parents, and I'm just their daughter? As if I don't have a mind of my own! And I'm not a child anymore!

"Mama-"

"Umayos ka." mariin na bilin lang nito sa akin papasok kami ng mansyon ng mga Aguirrezabal.

I know Senyor Stefano and Tita Christina and their twin daughters. Halos magkadikit lang ang mga lupain ng mga pamilya namin. Hindi ko alam na may iba pa palang anak ang Senyor bukod sa alam kong anak din nito sa una at dating asawa na panganay na babae.

Sinalubong kami ng Senyor at Tita Christina. She's still as beautiful as the last time I saw her. Parang napakalma rin ako ng maganda at mabait nitong ngiti. Binati ko rin sina Karmela at Karmen na mga dalagita na. At may isang babae pa na doon ko pa lang nakilala.

"This is Stephanie," pinakilala rin sa akin ni Tita Christine iyong babae na parang kamukha rin ng kambal. Tingin ko ay mas bata lang ito sa akin ng ilang taon. "anak din ng Tito Stefano mo."

What? Nakakagulat naman ang pamilya nila. Parang dati lang tatlo lang ang alam kong anak ng Senyor. Tapos ngayon biglang lima na? Ang playboy naman talaga ng Senyor.

"Parating na si Joaquin at galing lang sa farm ng mga Lizares. May tiningnan doon." anang Senyor habang patungo na kami sa kanilang dining area.

"May naisip na naman ba na bagong negosyo?" ang Papa na mukhang natutuwa.

Siguro nakilala na nga nila ng Mama iyong Joaquin...

Ngumiti ang Senyor at mukhang proud sa anak. Maging ang Mama ay mukhang natutuwa rin sa anak ng Senyor.

"Narito na pala siya." anang Senyor at napaangat na rin ako ng tingin sa dumating.

Umawang ang labi ko.

Narinig ko ang bahagyang pagtikhim ni Mama sa aking tabi. Saglit akong bumaling sa kaniya at nag-angat lang ito ng kilay sa akin. May multo ng ngisi sa mga labi niya.

Binalik ko ang atensyon sa lalaki. Humihingi ito ng paumanhin sa pagkahuli. And Papa was assuring him that it's all right.

Saglit nagtagpo ang tingin namin at naupo na rin siya doon.

Damn, he's hot.

And that gorgeous face. I think I'm cumming. Kidding!

Napatuwid ako ng upo lalo nang muli niya akong sulyapan. I regret not getting ready for this meeting. Simpleng-simple lang ang suot kong dress at nakalugay ang medyo maalong buhok. Wala rin kahit na anong makeup ang mukha ko. Nakakainis naman! I wanted to leave a good impression to him about my looks, but I think it's too late now... Hindi bale na nga at alam ko namang maganda pa rin ako kahit ganito lang ang ayos ko ngayon. I'm still Angelica Osorio.

Muli siyang tumingin sa akin. Ngayon ay medyo nagtagal. Kumakain na at nag-uusap ang mga kasama namin sa mesa. Bahagya kong inipit ang dibdib para lalong umangat sa suot kong nagpapakita ng konting cleavage.

Parang gustong umangat ng kilay niya at binaling na lang sa pagkain ang atensyon.

Bahagya namang kumunot ang noo ko. What? Maganda naman ako, ah. They said that I look like this Australian model and American singer combined. With my round shaped face they'd find me gorgeous or cute.

Nang muling magtagpo ang mga mata namin ay nang-aakit ko siyang tiningnan at nginitian. Bumaba ang tingin niya sa pagkain kong wala pang bawas. Bago muling binalik ang atensyon niya sa sariling pagkain. Sinimulan ko na rin kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro