Kabanata 9
Hi, readers! Merry Christmas! Thank you for your support for me and my stories!
Kabanata 9
Naunang lumabas si Joaquin ng sasakyan at umikot para buksan ang pinto sa tabi ko. Napapangiti na lang ako nang buhatin niya ako mula sa shotgun seat. Nakauwi na kami galing sa party ni Megan. Hindi naman ako lasing. Pero nasabi ko kay Joaquin na masakit ang mga paa ko. Kaya kinarga na niya ako.
Bumukas ang lift at pumasok na kami doon. Nakakapit lang ako sa leeg niya. Hanggang tumunog iyon at nasa tamang palapag na kami. Buhat niya pa rin ako hanggang makapasok kami sa kuwarto namin. Nang ilapag niya ako sa kama ay hinila ko pa siya sa leeg para maghalikan kami. At tumugon naman siya...
Unti-unting bumukas ang mga mata ko. Hindi pa agad ako gumalaw. Si Joaquin ang agad kong hinanap na wala na sa tabi ko. Napaupo ako sa kama at nanlaki ang mga mata. Anong oras na?! Magluluto pa pala dapat ako at may work si Joaquin!
Mabilis akong bumaba sa kama. Hindi na nakapagsuklay man lang. Deretso na akong lumabas ng bedroom. "Joaquin?" tawag ko.
"I'm here, Angel."
Narinig ko ang boses niya sa kusina. Pumunta na ako doon at naabutan siyang nagluluto na naman ng almusal namin. Ano ba 'yan, Angelica! Palagi na lang niya akong nauunahan sa paggising. I wasn't really an early person. Pero iba na ngayon. "I'm sorry, na-late na naman ako ng gising. Dapat ako ang gumagawa niyan." lumapit ako sa kaniya.
"It's okay, patapos na rin. Are you hungry?"
"Baka ma-late ka na naman sa work mo."
Umiling siya at ngumiti nang harapin ako. "It's okay." ulit niya lang.
Naghain na siya ng mga naluto niya. Maagap na lang akong tumulong. "Promise, bukas early na akong gigising." sabi ko. Nag-a-alarm din naman kasi ako pero parang wala rin dahil hindi pa rin ako nagigising sa oras na set ko.
"It's okay, Angel." Inabot ako ni Joaquin at hinalikan ang noo ko. "Don't worry about it. Madali lang naman 'to. And I'm used to it. Dati pa na ako ang nagluluto para sa sarili ko at mag-isang gumagalaw dito sa penthouse." he said.
"Hindi ka talaga kumukuha ng kasambahay?"
May pumupunta lang dito minsan para maglinis pero wala talaga siyang kasambahay na stay in dito sa tirahan niya.
Umiling siya. "Oh, dapat ba kumuha na tayo—"
Mabilis akong umiling. "No need. I can do the house chores, too." I said. Saka mas mabuti na kami lang dito. Walang istorbo. We can always have sex kahit saang parte rito sa bahay. And gusto ko rin talaga maging hands on bilang asawa kay Joaquin.
He nodded. "Okay, pero sabihin mo kapag kailangan—"
"Hindi na kailangan." ulit ko at niyakap na lang siya sa gilid niya.
"Kuya, papunta na ba rito si Manang?" Kausap ko si Kuya Anjo sa phone nang makaalis si Joaquin.
"Oo, papunta na 'yon. Kanina ko pa natawagan." he said from the other line.
Hihiramin ko muna ang kasambahay sa bahay namin dito sa Manila. I need help. Hindi sapat na videos lang. Okay naman 'yong mga niluluto ko at nakakapaglinis naman ako ng bahay pero hindi pa rin ako sure kung tama na ba ang mga ginagawa ko. Saka iyong mga damit ni Joaquin. Kailangan ko na rin matutong maglaba. Nagpapa-laundry naman kami pero minsan kong nakita si Joaquin na naglalaba noong wala siyang work sa office. Oo, marunong siya. Sobrang independent niyang tao.
I want to be like him... Kasi ako buong buhay ko yata nakaasa lang ako sa pera ng parents ko, sa mga kuya ko.
"Thanks, kuya!"
"Ano ba'ng pinaggagawa mo diyan sa bahay ninyo ng asawa mo—"
"Siyempre inaalagaan ang asawa ko, kuya!" sabi ko 'tapos mabilis nang nagpaalam na tatapusin ang tawag. Nakarinig na rin ako ng doorbell.
Pinagbuksan ko ng pinto si Manang. "Hi, Manang!" I greeted her with a wide smile.
Tumango at ngumiti rin ito sa akin. Hindi pa ito ganoon katanda. Siguro mga nasa late forties. Sinabi ko sa kaniya ang concerns ko. Ang mga gusto kong matutunan. Matiyaga naman niya akong tinuruan.
"Ganito lang pala..." sabi ko habang seryosong nag-p-practice mamalantsa.
Tinuro na sa 'kin kanina ni Manang ang paglalaba. Madali lang kasi machine wash naman.
Naabutan kong nakangiti sa akin si Manang at mukhang natutuwa nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bakit, po?" I smilingly asked. Ito na ang nag-aalaga sa amin nina Kuya Angelo at Kuya Anjo hanggang sa lumipat kami rito sa Manila. Pinagkakatiwalaan siya ni Mama sa amin.
Nakangiti pa rin itong umiling. "Wala naman, natutuwa lang akong makita kang ganito. Kasal ka na nga talaga."
Ngumiti lang ako.
Nagpaturo na rin ako kay Manang ng mga lulutuin pa. We spent the whole time with her teaching me house chores. "Tumawag ka lang kapag kailangan mo uli ako." anito nang paalis na.
Tumango ako at ngumiti. "Opo! Salamat, Manang." I thanked her.
Tumango siya at tumalikod na.
"Mag-ingat po kayo." bilin ko. Susunduin din naman siya ng driver na naghatid din sa kaniya rito kanina.
Nang makauwi si Joaquin ay handa na ang dinner namin. Medyo naparami pa nga ang luto ko dahil na-excite ako sa mga natutunan ko kay Manang. Magana namang kumain si Joaquin at naparami pa ang kain niya na busug na busog siya pagkatapos.
"Don't worry, hindi natin hahayaang mawala 'yang abs mo. 'Yong mga kinain natin ngayon, we will burn it later." I said and winked at him.
He only chuckled.
"Ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin—"
"Angel—"
"Joaquin, 'wag na tayo magtalo sa ganito. I can do these things. Nasa bahay lang naman ako buong araw. Ikaw ang busy at pagod sa trabaho."
Nakaharap na ako doon sa sink. I felt him hugging me from behind. Napangiti ako. Bahagya ko siyang hinarap para mag-abot ang mga labi namin. "Sige na, pahinga ka na. Tapusin ko lang 'to pagkatapos susunod na ako sa 'yo sa room natin."
He nodded and kissed my cheek before he left me there. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa hanggang matapos. Nang nasiguro kong nalinis at maayos na doon ay sumunod na rin ako sa kuwarto.
Medyo maaga pa kaya nakapanood muna kami ni Joaquin ng movie. Hanggang naramdaman ko na lang na nakahiga na ang ulo niya sa balikat ko. Nakatulog na siya. I was right. He's tired from work. Nakakapagod naman talaga ang trabaho niya. It's a big company after all. He has a big responsibility in their company. Kaya gusto ko na kahit dito na lang sa bahay ay ako na ang gagawa ng mga gawain.
I caressed his hair for a while. And then I gently transferred his head on the pillows. Humiga na rin ako doon sa tabi niya at pinakatitigan ang guwapo niyang mukha. Mabait si Joaquin. Napatunayan ko na iyon kahit noong mga una pa lang naming pagkikita. At ngayong nakatira na kami sa iisang bahay, I can see that he cares for everyone. He cares for his family, he cares for his employees. Once, he told me na hindi niya puwedeng mapabayaan ang company nila dahil maraming magugutom na pamilya ng employees kapag nagkaproblema. Kaya agad niyang inaayos.
I snuggled closer to him.
I admire him more and more each day.
I want to be like him. It's not that I didn't care for the people around me before. Of course I cared for my family, friends... him. Napangiti ako sa sarili. I really care for Joaquin. I just wanted to take care of him and make him happy for the rest of our lives. Gusto kong maging tulad niya na may mas pakialam sa paligid. Dati kasi puro sarili ko lang yata ang iniisip ko... Kasi if I really care for my parents hindi ko dapat laging pinapasakit ang ulo nila. Hindi ko sila pinag-aalala.
I realized this noong isang beses na nag-uusap lang kami ni Joaquin dito sa kuwarto namin bago matulog. He grew up rich but he wasn't spoiled. Ayaw niyang pinag-aalala ang parents niya. He's really a good son. He's a good person. And I got so lucky with him.
And...I want him to feel lucky, too, for having me...
Isang araw naisipan kong dalhan ng lunch si Joaquin sa office niya. Hindi pa ako nakakapunta doon pero alam ko naman kung saan iyon. Gusto ko pa sanang i-surprise si Joaquin pero baka busy siya at makaabala pala ako 'pag pupunta ako doon ngayon. Kaya tinawagan ko na lang muna siya. To be sure and safe. Ayaw ko rin kasi na guluhin ang trabaho niya.
"Hey, my Angel." sagot niya sa tawag ko.
Agad akong napangiti. Parang naging endearment na rin niya sa akin ang pangalan ko. Nasagot naman niya agad ang tawag ko. "Pupunta sana ako ngayon sa office mo, okay lang ba? Dadalhan lang kita ng lunch mo."
"Oh! Sure!" agad niyang sagot. "Papunta ka na ba? Gusto mong ipasundo kita diyan sa penthouse?"
"Hindi na, I can drive to your office." I assured him.
"Okay, take care." bilin niya.
"I will. See you."
"See you. Take care." ulit pa niya.
Binaba ko na ang tawag at naghanda na sa pagpunta sa company building nila. I wore a simple dress and made sure na conservative iyon at medyo corporate. Nagbago na nga yata talaga ang style ko. Dati ang hubadera ko rin. "Bucky, alis muna si Mommy, ha. Dalhan ko lang ng food ang Daddy mo sa office niya. Balik din ako agad." kausap ko sa aso.
I rode my car to Joaquin's office. Nang makarating doon ay may sumalubong na agad sa akin na siguradong inutusan ni Joaquin. Nasa meeting pa raw ang asawa ko at patapos na rin naman iyon.
Dinala ako nito sa malaking office ni Joaquin. His executive assistant is a man. At mas komportable akong malaman iyon dahil baka kung anu-ano ang maisip ko kapag babae. Iyong mga usual na naiisip natin tungkol sa boss-secretary affair.
Pero napag-alaman ko rin na dalawa pala ang assistants ni Joaquin. Kasi may isang babae pa ang pumasok sa office at sinabihan iyong lalaki na kailangan ito ng boss nila sa meeting room. Ngumiti ito sa akin nang maiwan kaming dalawa doon. "I'm Jen, Ma'am." ngumiti ito sa akin.
Unti-unti na rin akong ngumiti. She look harmless naman. Ito muna ang umasikaso sa akin habang naghihintay ako kay Joaquin.
When his meeting was done ay agad niya rin akong pinuntahan sa office niya. Sinalubong ng yakap at halik. "I will introduce you later." aniya.
Tumango ako at tinuro na sa kaniya ang mga pagkain na hinanda ko na doon.
"Thank you." he said and kissed my cheek. Hawak niya ang kamay ko at hindi na binitiwan. Naupo kami sa sofa doon ng office niya.
"Gusto mo ba dalhan kita palagi ng lunch?"
"Okay lang?" he asked.
Bahagya naman akong tumawa. "Of course. Kung okay lang din ba sa 'yo."
Niyakap niya lang ako at inamoy ang bango ko. "Of course." he murmured against my hair.
Isang beses pa akong napatawa at sinabihan siyang kumain na. Pinakawalan naman niya ako at kinuha na ang utensils.
"Ma'am, hindi po kayo puwedeng pumasok na lang basta—"
Narinig namin ang pagbubukas ng pinto ng opisina at ang nakasunod na boses ni Jen. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Megan. Sandaling nanlaki ang mga mata niya nang makita ako doon. What was she doing here in my husband's office?
Napatayo ako. "Meg?"
Her lips parted. "A-Angel, hi!"
"What are you doing here?" I asked.
"Uh, si Dad... He invested..."
Tumangu-tango ako. Naramdaman kong tumayo na rin si Joaquin sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Miss Moretti,"
"I-I'm sorry, I disturbed your meal."
"Yes, if you have concerns you can tell my secretary." Joaquin told her.
Megan nodded at agad na rin lumabas ng office ni Joaquin.
Hinila ako ni Joaquin paupo sa tabi niya nang nakaalis na si Megan. Nanatili pa kasi akong nakatayo doon. Medyo gulat pa rin na parang sumugod doon si Megan... "Let's eat." Joaquin told me.
I nodded.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro