Kabanata 8
Read up to Chapter 30 now in my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook group if nahihirapan po sa Patreon. For 150 PHP monthly membership read up to the latest chapters in my ongoing stories and read exclusive stories there. Just message my Facebook account Rej Martinez to join my private group. Thank you for your support!
Kabanata 8
Si Joaquin ang unang bumungad sa akin nang magising ako. A smile automatically appeared on my lips. Inangat ko ang isang kamay at hinaplos ang pisngi niya. Sobrang guwapo talaga ng lalaking 'to. Everything about him shouts manliness. He's still asleep beside me and his arms around me. We were still both very naked with only the comforter covering our bodies. Nakalabas din sa kumot ang legs ko at hanggang sa mga hita ko lang ang natatabunan ng kumot.
Last night was amazing. I like this. I like being being intimate with him. Nilapit ko pa ang katawan ko sa kaniya. I burried my face on his chest. It was comforting. It was the first morning I woke up beside him. I want more mornings like this with him.
"Good morning..." I heard him say in his still hoarse voice in the morning. And then I felt him kissing the top of my head.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at agad napangiti. May ngiti na rin sa manipis niyang mga labi.
We stayed and cuddled in bed for more minutes or was in an hour or almost? Hindi ko na alam ang oras pero nagtagal pa kami sa kama kahit gising na. Nang tuluyang bumangon ay binuhat niya akong muli papasok sa bathroom. We took a bath together. He took care of me. Palagi na siguro talaga kaming maliligo ng sabay.
He cooked our breakfast and he only let me sit there. Halos ayaw pa akong pagalawin. Halos hindi niya lang naman ako tinigilan kagabi. Hindi naman niya ako nalumpo. Pero hinayaan ko na lang din siyang mag-prepare ng breakfast namin. I also like it when he's treating me like this, like I was fragile...
Pagkatapos ay sinubuan pa niya ako. I feel like a baby with the way Joaquin was treating me. His baby... I grinned to myself. Speaking of baby, napaisip ako. "Gusto...mo na ba agad...magka-baby?" dahan-dahan kong tanong sa kaniya.
I asked myself the same question, at hindi ako sigurado sa sagot ko. Am I ready? Will I be a good mom? Kaya ko bang mag-alaga ng baby? Did I ever see myself being a mother? Parang hindi ko pa naisip noon pero hindi rin naman ibig sabihin na ayaw kong magkaanak. Parang unti-unti ay nabibilisan na ako sa mga nangyayari... Pero nandito na ako. And I like being with Joaquin.
Nagkatinginan kami. Joaquin nodded. My sasabihin pa sana siya, but we heard his phone ringing. Sinagot naman niya muna iyon. Mukhang secretary niya ang tumawag. After the call, tinapos na rin namin ang pagkain dahil kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Na-late na yata siya.
He kissed me goodbye at lumabas na siya ng penthouse. Naiwan na naman kami mag-isa ni Bucky doon. Alam ko na kung paano siya papakainin. Binilin na sa akin ni Joaquin ang mga gagawin ko para sa aso, when I asked him. Wala naman masyadong lilinisin sa bahay dahil hindi naman iyon magulo. But I take notes of all the things I thought I should do. Bukod sa pag-m-maintain nitong penthouse at pagluluto aasikasuhin ko na rin 'yong mga kailangan ni Joaquin sa work niya. Gaya ng susuotin niya halimbawa.
He also called me nang malapit nang mag-time for lunch. Sinabihan niya lang naman ako na kumain na. Pinagluto niya rin ako kanina ng para sa lunch ko at iinitin ko na lang. He also told me na pwede rin akong um-order kung may gusto pa akong kainin or I just have tell him. "Just call me, okay?" bilin niya.
Sumang-ayon ako pero s'yempre ayaw ko namang basta-basta na lang siyang tawagan lalo nasa trabaho siya at baka maabala ko. Hindi ko pa nasusubukan magtrabaho. Hindi ko pa alam kung ano ang susunod kong mga gagawin ngayong kasal na ako. Should I work? Pero sa ngayon ang gusto ko pa lang ay alagaan si Joaquin at itong bahay namin. I want to focus on our family first. And he's my family now, too. Napangiti ako sa naisip.
Joaquin also told me na may pumupunta rin daw dito para maglinis ng penthouse. So I don't really have to clean. Pero since wala naman akong ginagawa at gusto ko nga rin matutong maging isang mabuting maybahay ay gagawin ko na rin ang paglilinis. Konti lang din naman ang lilinisin at kaming dalawa lang naman ni Joaquin ang nandito sa bahay. Hindi rin naman magulo sa tirahan niya si Joaquin. Kaya ayos lang sa akin kung ako na lang ang maglilinis at mag-aayos dito. Bahay din naman namin ito. Napangiti ako ng mga naisip.
Nagpapahinga na muna ako ngayon sa living room pagkatapos ng konting paglilinis na ginawa at nanonood lang ng kung ano ang nasa TV nang may makita akong magazine doon sa coffee table. Kinuha ko iyon and turned the pages. Until I reached a page na may interview ni Joaquin doon. And I read it. Una tinanong siya ng konti tungkol sa malaking company na mina-manage niya. And then may mga tanong na doon tungkol sa kung ano ang ideal na babae niya...
May nabasa akong gusto niya pala ng someone reserved or conservative... Prim and proper. Maayos naman akong tao but I was never conservative... I mean I kissed boys before kahit wala naman talaga kaming relasyon. For fun lang... Lalo sa mga nakikilala ko lang din sa clubs na pinupuntahan namin...
Nakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising na lang ako na binuhat na ako ni Joaquin mula sa sofa. He's arrived from work. He smells so good even after a long day outside. I snuggled closer to him. It was comforting. Dinala niya ako sa bedroom namin.
Hiniga na niya ako sa kama pero napabangon din ako agad. "What time is it?" I asked. And then I realized na gabi na pala! "Oh my god! I'm sorry! Hindi pa ako nakakaluto ng dinner natin—"
"It's okay. Siguro napagod ka kay Bucky. Magpahinga ka pa and I'll prepare our dinner." Joaquin assured me with a smile.
Umiling ako. "Ayos lang naman." Tukoy ko sa pag-aalaga ko kay Bucky. Hindi rin naman mahirap alagaan ang aso. And then I smiled nang may maisip. "Tayong dalawa na lang ang magluto? You help me or I'll help you?" I suggested.
Ngumiti lang si Joaquin at sumang-ayon sa gusto kong mangyari. Lalo akong ngumiti at umalis na sa kama. Pumunta na kami sa kusina. "But you must be tired from work. Hayaan mo na lang ako dito. Ako na ang magluluto at magpahinga ka na lang..." I said, concerned.
Pero umiling lang siya. "It's okay." he just assured me again.
Tumango na lang ako. Hindi ko pa rin alam kung ano ang lulutuin ko. I plan to watch another cooking video. Dapat nag-p-practice ako habang wala si Joaquin. Pero naglinis ako kanina at napagod kaya nakatulugan ko. I take note na bukas habang nasa work siya mag-p-practice pa akong magluto.
"Ano'ng lulutuin natin?" I asked instead.
"What's your favorite?" While he asked me this.
I shrugged. "Wala akong favorite talaga..." And I just told him kung ano madalas 'yong mga gusto ko lang kainin na mga pagkain.
We started cooking. I feel like I was his assistant at the kitchen now. Nagsaing na rin ako para may cooked rice na kami mamaya.
Nangingiti ako the whole time. I was happy kahit nagluluto lang naman talaga kami. I think I like even the small things about us...
"Joaquin, my friend invited me to her birthday pala..." I let him know.
It was Megan's birthday. Mga nakilala ko sa college at ang iba sa mga naging kaibigan ko ay na-introduced lang din sa akin. Sila ang mga nakakasama ko madalas sa mga parties. And I was invited to one of my friend's birthday. Sa isang club uli iyon.
Okay lang din naman kung ayaw akong payagan ni Joaquin. Parang wala na rin naman akong ganang mag-party pa ngayon. Mas nag-e-enjoy na ako sa buhay mag-asawa namin ni Joaquin.
He nodded. "Okay, where and what time?" he asked.
I told him the place. Puwedeng pumunta kahit after dinner na. "You can also come with me." I said with a smile. Gusto na rin siyang makilala ng mga kaibigan ko.
He nodded. "Okay, wait for me later and we'll go together to your friend's party." he said.
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. He kissed me at medyo nagtagal pa iyong halikan namin dahil pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya...
Nang makaalis siya ay ginawa ko na ang usual na gawain ko sa condo niya. Nag-practice na rin ako ng mga lulutuin. And I think my cooking was getting better. Hindi naman pala mahirap. Hindi ko lang talaga ginagawa noon.
Nang makabalik si Joaquin ay kumain na muna kami ng niluto kong dinner. Pagkatapos naghanda na rin kami para sa pupuntahan. Kanina ko pa nahanda ang isusuot ko. Alam kong sa club kami pupunta and I didn't wear what my usual outfit would be kapag mag-p-party. I wore something na masasabi kong kagalang-galang naman. At appropriate pa rin naman iyon sa pupuntahan ko rin na party at sa venue nito.
Nakarating kami ni Joaquin sa lugar ng on time lang din. Agad akong dinumog ng mga kaibigan. Napapatawa na lang ako. "Kinasal ka na pala?! You didn't tell us!" Salubong nila sa akin. "You did not unvite us!" reklamo pa nila.
"Sorry, it was an intimate wedding. Ang mga pamilya lang din namin at ilang kakilala." And seriously nawala na rin sa isip ko. All I think about was that makasal na ako kay Joaquin.
"Kapag ako kinasal hindi rin kita iinvite!" Jill kidded.
Nagtawanan kami. "May balak ka palang magpakasal?" biro naman sa kaniya ni Anja. At nag-asaran na sila.
Binalingan ko si Joaquin na nabitawan ko na dahil sa pagdumog ng mga kaibigan kanina. I held his hand again. "Guys, this is my husband, Joaquin Aguirrezabal." I proudly introduced my husband to my friends.
Nakita ko ang pag-awang ng mga labi nila nang mag-focus sila sa asawa ko. I know right. Sobrang guwapo talaga ng husband ko. Halos magpaunahan sila sa paglapit kay Joaquin. May sumipol pa na lalaki galing sa group of friends namin. Si Russ yata.
"What are you wearing?" puna naman ni Anja sa suot ko. "I mean it's okay, looks good on you. Pero parang ang conservative naman yata. Parang hindi ikaw. Where's your cleavage?" she chuckled.
Tumawa na lang din ako at nakitang lumapit na rin sa amin si Megan. Ang birthday celebrant. Ngumiti pa ako at binati na rin siya. Pero wala sa akin ang atensyon niya at deretso lang iyon sa asawa ko. Nawala ang ngiti ko.
"Hi, I'm Meg. I'm the birthday celebrant."
Natigilan ako at nawala na lalo ang ngiti ko nang makita ang lagkit ng tingin ni Megan kay Joaquin. Para bang inaakit niya ang asawa ko...at sa harapan ko pa mismo. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Joaquin at halos hilahin ko siya palayo. I don't know. Ang weird ni Megan. Why would she look at Joaquin that way. Alam niyang asawa ko ito. Hindi naman ako nagmamalinis pero sa lahat siya ang pinaka-flirt na kilala ko. I did played before but not to her level. Kilala ko siya. Kapag may gusto siya talagang kukunin niya kahit may relasyon pa iyong tao.
Or maybe I was just overthinking. Ganiyan lang talaga si Megan. And she's still my friend. Kasali siya sa circle of friends ko.
Binati rin siya ni Joaquin at naglahad ng kamay sa kaniya si Megan that he politely accepted. Nagtagal ang hawak ni Megan sa kamay ni Joaquin. Parang ayaw pa bitiwan. And then she even kissed his cheek. Parang bineso ganoon. Huminga ako ng malalim. What was that for?
Natapos din ang introduction na iyon at nagpunta na sila sa dance floor. Nagpaiwan naman muna kami ni Joaquin doon sa mga sofas. "Sorry, ang dami kong kaibigan and they are loud." I said. Baka kasi naiingayan siya at hindi sanay...
"It's okay, I've been to parties like this, too. And had friends as loud as yours." Joaquin said.
Napangiti ako at niyakap pa siya sa gilid niya. "Who are your friends? Puwede ko ba silang makilala?"
"Of course." He kissed my forehead. "But most of my friends are in the US. Kung saan ako lumaki. Wala pa akong masyadong nakikilala rito aside sa mga na-m-meet ko sa trabaho." he said.
I nodded. Sa States nga pala siya lumaki. Kaya probably naroon din halos ang mga kaibigan niya.
Nilapitan at tinawag kami nina Anja para magsayaw na rin sa dance floor at i-enjoy ang party. Parang tinamad pa akong tumayo at nag-e-enjoy naman na ako doon sa tabi ni Joaquin. My husband stood up at siya na ang humila sa akin patayo. We went to the dance floor at humalo na rin doon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro