Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Kabanata 3

"Namamasyal po kami ni Joaquin kanina sa mga lupain nang biglang umulan at pareho kaming nabasa." paliwanag ko sa Mama at Papa kung bakit nandito na ngayon sa amin si Joaquin.

Nasa hapag na kaming apat para sa hapunan. Agad din kaming kumilos ni Joaquin kanina nang ipatawag.

"Ayos lang, hijo." Mama assured Joaquin with a smile. "We are happy to see na mukhang nagkakamabutihan na nga kayong dalawa." ngiti ng Mama.

Tumango rin ang Papa. Gustung-gusto talaga nila si Joaquin para sa akin. Gustung-gusto ko rin naman si Joaquin.

"Gusto mo ba nito?" inalok ko sa kaniya ang isang ulam.

He nodded at ako na mismo ang naglagay no'n sa plato niya. Nasulyapan ko naman ang parehong pagngiti ng Mama at Papa.

"Ano pala ang paborito mong ulam?" I asked him. May sarili na talaga kaming mundo kahit kasama namin ang Mama at Papa ko doon sa hapag. Nasa kaniya lang ang atensyon ko.

"I think I like tinola..." sagot niya.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Hindi ba't sa States ka lumaki, hijo?" ang Mama.

Maagap naman na binigay ni Joaquin ang atensyon sa Mama ko. He nodded. "Opo, until I graduated college."

"Sa ibang bansa ka lumaki?" singit ko. "Tapos noong dumating ka rito sa Pilipinas naging paborito mo na ang tinola?"

Umiling siya. "Pinagluluto na ako niyan ng Mama habang lumalaki ako kaya naging paborito ko." he said.

"Oh," napatangu-tango ako. "Nasaan pala ngayon ang Mama mo?" Ang dami ko pang hindi alam sa kaniya. Inuuna ko kasi ang paglalandi. Try mo rin kaya maging wholesome kahit minsan lang, Angel? Angel pa naman pangalan ko. I sighed with my own thoughts.

"She's in Manila. Pupunta siya sa kasal natin." Joaquin said.

Napangiti naman ako ng malaki nang banggitin niya ang kasal namin.

"Hindi marunong magluto itong anak namin, hijo." panira ng Mama.

"That can be learned, Mama." bawi ko.

"You don't cook?" Joaquin asked.

Sasagot na sana ako at mag-e-explain nang maunahan ng Mama. "Hindi iyan nagluluto, hijo. Puro party-"

"Mama!" hindi ko na napigilan. Seriously? Sinisiraan niya ba ako sa harap ng mapapangasawa ko? Hindi ba't mapapahiya rin naman sila ng papa? At paano kung umatras si Joaquin sa kasal namin? No.

"Kaya kapag hindi siya naging mabuting asawa maiintindihan namin kapag binalik mo siya sa amin-" ang Papa naman.

"Papa!" halos magdabog na ako doon sa upuan ko.

Tumawa lang naman sila ng Mama. Nagbibiro lang ba sila? Ganiyan na ba sila kalapit kay Joaquin? Narinig ko rin ang bahagyang pagtawa ni Joaquin sa tabi ko kaya binalingan ko siya. Nakakunot ang noo ko.

"Sorry," umiling siya at umayos.

Nagpatuloy ang dinner hanggang natapos. Mukhang hindi nga naman seryoso iyong mga sinabi ng Mama at Papa. Hindi rin sineryoso ni Joaquin. Mukhang malapit na nga rin siya sa parents ko.

"So, you're a party girl, huh." aniya nang hinahatid ko na siya sa labas. Naroon na rin ang sundo niyang sasakyan galing sa kanila. Ang dalawang kabayo ay dito na muna at may kuwadra rin naman kami rito. Bukas ay ipapakuha na lang niya sa mga tauhan o 'di kaya'y siya na ang babalik dito bukas at mangangabayo kaming muli. Gusto ko rin siyang ipasyal sa lupain namin at halos nalibot na rin namin ang lupa nila kanina.

Nagkatinginan kami. Kunot ang noo ko. "Hindi... naman..." I even tried to deny it. I sighed. Totoo naman kasi. I even used to almost live in clubs. Kasalanan nila ni kuya at ng mga nakilala kong kaibigan sa Manila. Napayuko ako. Naghanap pa talaga ako ng ibang taong masisisi.

Joaquin chuckled shortly. And then he held my chin and lifted my head up so our eyes would meet again. "It doesn't matter." Nilapit niya ako sa dibdib niya at niyakap, at sunod na hinalikan sa ulo ko. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko at medyo nagulat sa ginawa niya. Pero napangiti na rin ako at niyakap din siya. "But after our wedding, when we're already married, hihingin ko sa 'yo na bawasan na ang party. O sasamahan nalang kita..." aniya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi na ako mag-p-party. Magpapatali na lang ako sa 'yo sa kama natin." I naughtily told him.

Napatawa ko na naman siya. He lightly pinched my cheek. Parang nanggigil pa. Ininda ko kahit hindi naman talaga masakit. Hinalikan niya ang pisngi kong pinisil niya. Pagkatapos ang labi ko naman. I was smiling on his lips. Kilig na kilig, Angelica!

"I'll go now." paalam na niya pagkatapos.

Halos ayaw ko pa siyang bitawan. I pouted. "Take care." bilin ko na lang.

He smiled and nodded at me before he turned his back and already went to their waiting car. Pumasok na siya doon at bahagya ko pang kinawayan ang paalis na nilang sasakyan.

"Ayaw mo pa noong una..." ang Mama na biglang naroon na pala sa likuran ko.

Umakyat na rin ako sa ilang baitang na hagdan ng main door ng mansion namin. "I like him, Mama. I like Joaquin." I honestly told my mother.

Mukhang bahagya pang natigilan ang Mama sa sinabi ko pero napangiti rin siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. Sabay na kaming pumasok sa loob.

I woke up late the next day. Kakaisip ko rin kay Joaquin at sa mga halikan namin. Kinatok na lang ako ng isang katulong at nagulantang nang sinabing naroon na si Joaquin!

"Oh my gosh!" nagmamadali akong pumasok sa bathroom at naligo. Pagkatapos ay nagbihis. Hindi pa halos ako makapili ng susuutin. Hindi naman ako ganito ka-conscious noon. Pero siguro iba na talaga ngayon. Dahil may Joaquin na.

I settled wearing a yellow sundress. When I'm ready ay bumaba na rin ako at nakita si Joaquin sa sofa ng sala namin na tumayo rin nang makita ako. I greeted him with a smile. "Kanina ka pa? Sorry, na-late ako ng gising. Mamamasyal na ba tayo?"

"Kumain ka muna." he said.

Tumango naman ako. Halos makalimutan kong hindi pa pala ako nag-aalmusal. Sinamahan niya ako sa dining kahit nakakain naman na siya sa kanila. Para may kasama lang ako. Dahil kanina pa nakaalis ang Mama at Papa.

"You're wearing a dress again." aniyang pinasadahan ng tingin ang suot ko. Oo nga pala. Pinuna niya rin kahapon ang suot kong dress din tapos nangabayo kami.

I like dresses. Lalo s'yempre at kasama ko siya. For easy access na rin sa part niya. Pero tama siya at medyo nahirapan nga rin ako kahapon sa dress ko. Kaya pagkatapos kong kumain ay nagpalit ako ng mas appropriate na kasuotan sa pangangabayo.

Muli naming sinakyan ni Joaquin iyong dalawang kabayo na gamit din namin kahapon. Sinimulan ko nga siyang ipasyal sa lupain namin. Nadadaanan namin ang ekta-ektaryang taniman ng tubo. This is transported to Victorias City for further refining. May mansyon din ang mga Ossorio doon. Kaya minsan pumupunta din doon ang Mama at Papa. Maraming ari-arian na minana ang Papa sa pamilya niya. Nag-iisang anak lang siya at wala rin kami masyadong kamag-anak.

Tumigil kami ni Joaquin para magpahinga sa isang malaking puno ng mangga. Marami rin iyong bunga at hinog na. Pareho kaming naupo ni Joaquin sa lilim ng puno. Tahimik ang lugar at presko pa ang hangin.

"Gusto mo ng mangga?" he asked, looking up at the tree's fruits.

"Marunong ka bang umakyat ng puno?" tanong ko naman sa kaniya.

Umiling siya. "Hindi ko pa nasusubukan, but there's always a first time to everything." he shrugged. Pagkatapos ay tumayo siya at mukhang aakyatin talaga ang puno ng mangga.

Agad naman akong naalarma. "Hey, baka mahulog ka-" Pero nagsimula na siyang akyatin ang puno.

I was worried. May kataasan pa naman 'yong puno. Kapag talaga nahulog siya diyan at napahamak ipapaputol at ipapasunog ko ang punong 'yan. "Joaquin, bumaba ka na diyan!" tawag ko. Pero hindi siya nakikinig.

Umabot siya ng bunga at matagumpay na nakuha iyon. Pinakita niya sa akin ang nakuhang bunga. "Can you catch this?"

Tumango ako at pumuwesto para saluhin iyon. "Careful, please..." sabi ko sa kaniya na nag-aalala pa rin dahil nasa taas siya ng puno.

Nakangiti lang naman siya at hinulog nga ang prutas na nasalo ko rin naman. Mga limang piraso pa ang kinuha niya bago ko siya tuluyang nakumbinsi na bumaba na. Sinalubong ko siya sa paanan ng puno at halos saluhin na rin. "I did it." while he just smilingly said this. Para siyang bata na may nagawang kinatuwa niya. Napangiti na lang din ako.

Umupo kami muli doon at sumandal sa katawan ng puno. Binalatan namin ang prutas and started eating the ripe manggoes. "It's sweet." he said.

I nodded. Matamis nga at tama lang ang pagkakahinog. And it's fresh dahil kakapitas lang. Sino kaya ang nagtanim ng punong ito rito. Siguro mga tauhan lang din namin sa asukarera. Nag-iisa lang itong puno rito. "What?" I asked when I noticed Joaquin staring at me.

"You eat a bit messy..." aniya 'tapos nilapit ang mukha sa akin. At bigla na lang niya akong hinalikan. Hawak ko pa sa kamay 'yong mangga na hindi ko pa nauubos. Mabuti at hindi ko naman ito nabitawan.

He licked his lips after. "The fruit's really sweet." he said. "But it's much sweeter in your lips."

My lips parted. Nakatitig pa rin siya sa 'kin. We're staring at each other. Nilapit ko ulit ang hawak na mangga sa bibig ko. Sinadya ko 'yong medyo ikalat sa paligid ng mga labi ko. Muli niyang nilapit ang bibig niya sa akin at muli akong hinalikan...

"Let's go back to our mansion..." I said in between our kisses. "May pool kami sa likod... Maligo tayo doon." I bit his lower lip.

He nodded. Nagpatuloy kami sa halikan. Mga ilang minuto pa. Bago tuluyang tumayo at bumalik na sa pagsakay sa mga kabayo pabalik sa mansyon namin. Did I bring my bikinis from Manila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro